You are on page 1of 1

Kriminalidad

MASAMA ang lahat ng krimen. Ngunit ang walang-kabuluhang mga krimen ay mas mahirap
maunawaan. Ang katotohanan na karaniwan nang wala itong maliwanag na motibo ay nakalilito
sa mga imbestigador. Palibhasa’y lalong nagiging mahusay ang mga paraan ng komunikasyon
nitong nagdaang mga taon, ang gayong kakila-kilabot na mga krimen ay nababalitaan agad ng
milyun-milyon, o bilyun-bilyon pa nga, sa loob ng ilang oras. Sinasabi ng isang ulat na inilathala
ng World Health Organization na “lahat ng kontinente, bansa at halos lahat ng komunidad ay
apektado ng karahasan.”
Ang aking halimbawa ditto sa kriminalidad ay ang “Human Trafficking at isa sa pinakamatunog
sa lipunan ay ang “Drugs”. Ang Human Trafficking ay isang bagay na ginagawa ng mga
sindikato na kumikidnap sila ng mga bata para gamitin para sa sarili nilang kapakanan. Alam
naman nating lahat na maraming mga sindikato sa ating lipunan na gumagamit ng mga bata para
pagtrabahuhin sa murang edad at paglimusin sa mga kalye. Hindi lang ang pagpapatrabaho sa
mga bata ang kanilang ginagawa ito ay kanilang minamaltrato din at binebenta nila kadalasan
para kumita. Isa to sa suliranin ng ating lipunan na dapat din tutukan ng pamahalaan.
Drugs ang isa sa pinakamalaking suliranin ng lipunan na hindi masulusyunan ng pamahalaan.
Dahil sa laganap ito sa buong mundo padami ng padami ang nagiging adik dito. Ang ilang tao na
napilipit ang pag-iisip dahil sa droga ay pumapatay kapag nasa ilalim ng impluwensiya nito.
Karahasan ang ginagamit ng iba para ipaglaban ang kanilang pagbebenta ng droga. Maliwanag,
ang droga ay isang napakalaking salik sa pag-impluwensiya sa mga tao na gumawa ng kahila-
hilakbot na mga bagay. Marami ng krimen ang nangyari dahil sa droga, dumami ang bilang ng
rape, nakawan at patayan dahil sa droga. May aksyon ngang ginagawa ang pamahalaan para ditto
ngunit hindi padin nila matapos tapos. Duma dami lang ang bilang ng namamatay dahil sa droga.

You might also like