Professional Documents
Culture Documents
Agtalakay Sa Suliranin
Agtalakay Sa Suliranin
Sa mga mag-aaral-
makatutulong ang pananaliksik na ito upang mabuksan ang kanilang mata sa kung ano ang mga
kakulangan na mayroon ang Pilipinas sa larangan ng sektor ng edukasyon at mas lalong mapalawak ang
kanilang mga kaalaman sa mga dapat baguhin at paunlarin ng Pilipinas sa mga susunod na henerasyon.
Nagsisilbing gabay ito upang malinang ang kanilang kaisipan at kakayanan bilang isang mag-aaral sa kung
ano ang estado ng edukasyon at kung ano ang kaibahan nito sa mga karatig bansa. Inaasahan na ang
pag-aaral na ito ay makakatulong ng malaki para sa ikauunlad ng sector ng edukasyon sa Pilipinas.
Sa mga mag-aaral- Ang pananaliksik na ito ay magbubukas ng mga mata sa mga pagkukulang ng sektor
ng edukasyon sa Pilipinas at makakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman sa kung ano ang kailangang
baguhin at paunlarin ng Pilipinas. Bilang isang mag-aaral, ito ay magsisilbing gabay sa paglinang ng iyong
kaalaman sa kung ano katayuan sa sistema ng edukasyon ng Pilipinas at kung paano ito naiiba sa mga
bansang karatig. Inaasahang malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa pag-unlad ng edukasyon sa
Pilipinas.
Ang mga guro ay may mahalagang papel sa mabisa at malikhaing pagbibigay ng kaalaman sa kanilang
mga mag-aaral. Samakatuwid, inirerekumenda ng pananaliksik na ito na ang mga guro ay magkaroon ng
malawak na kaalaman upang maibahagi sa mga mag-aaral ang tungkol sa estado ng edukasyon, mga
problema at solusyon na kinakaharap ng Pilipinas sa sector ng edukasyon.
Thailand.
Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga susunod na mananaliksik upang maipakita ang kalidad ng
edukasyon sa Pilipinas. Ang pag-aaral na ito ay maaaring magbigay ng impormasyon sa kalagayan ng
sistema ng edukasyon sa Pilipinas mula noong panahon ng pre-kolonyal hanggang sa kasalukuyan.
Nilalayon din ng pananaliksik na ito na malaman at hatulan ang pagkakaiba ng sistemang pang-
edukasyon ng Pilipinas at Thailand.