You are on page 1of 1

TEORYANG NATURALISMO

Ito’y teoryang pampanitikan na naniniwalang walang malayang kagustuhan ang isang tao dahil
ang kanyang buhay ay hinuhubog lamang ng kanyang herediti at kapaligiran.

Ang mga akdang nagbibigay – diin sa teoryang ito ay nagpapakita ng mga pangyayaring natural
at nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag upang pangibabawin ito. Ipinakikita rin
ang epekto ng kapangitan ng kalagayan, katulad ng kahirapan at kawalan ng katarungan, sa mga
tauhan nito.Ito’y isa sa mga namamayagpag sa kasalukuyan.
Ito ay nagtataglay ng mga pinakamasidhing katangian ng teoryang Realismo. Itinuturing na
mabangis na gubat ang buhay sa mga walang kalabanlabang mga tao at mas detalyado ang mga
kasuklam – suklam na mga pangyayari sa buhay ng tao.

PANANAW NA NATURALISMO
1) Ang buhay ay tila isang marumi, mabangis at walang awang kagubatan.
2) Ang indibidwal ay produkto ng kanyang kapaligiran at pinanggalingan.
3) Mahina ang hawak ng tauhan sa kanyang buhay. Pesimista siya sa simula pa lamang.
4) Ang akda ay nagbibigay-diin sa namamana at pisikal na katangiang likas sa tao kaysa katangiang
moral.
5) Ito’y may simpleng tauhan na may di mapigil na mga damdamin.

MABANGIS NA LUNGSOD

NI: Efren R. Abueg

Mga tauhan:

Adong- labindalawang taong gulang, namamalimos

Bruno - siga na kitatakutan gn mga bata sa

You might also like