You are on page 1of 20

Anyo ng Sanaysay/ Simula / Tiyak na Uri

Pahina
Pamagat Introduksiyon ng Sanysay

I. Paglalahad  
1. China All Pinag-aagawan..........................Pasaklaw na Pahayag…................Editoryal…...................1
2. Buhay pa rin ang kalabang…...........................Pagbubuod…......................Nagpapaalala..................2
hindi nakikita

3. 69th Miss Universe….........................................Analohiya….......................Mapangdilidili/…….........4


Cooking Show Competition? Replektibo

II. Pagsasalaysay  
4. Buhay nga mga Kontraktuwal…......................Pagtatanong….................Kritikal/Mapanuri…...........5
5. Krimen, saan nga ba.….......................................Sambitla ….......................Sosyo-Politikal….............7
nanggaling? SINO ANG
DAPAT SISIHIN?
6. Nasa mga kamay natin ang…............................Pasalaysay….........................Pasalaysay…...............9
sagot sa kahirapan.

III. Paglalarawan  
7. Wala na ang dati nating buhay…..................Tuwirang Sinabi…...................Naglalarawan..............10
nakakulong na lang lagi sa bahay

8. Tuloy ang Pagkatuto!..................................Makatawag Pansin………............Mapag-isip/….............12


Di praktikal
9. Nakapaninibago takbo ng….................Sanaysay na Bumabalangkas…………Paglalarawan…............13
buhay ngayon ng mga tao sa isang Tauhan

IV. Pangangatwiran  

10. COVID-19: Salot mang ituring…........................Pasalungat…......................Sanaysay na.……........15


ngunit tiyak kong may biyayang Pangkalikasan
dulot pa rin.
11. Past is Past…..........................................Pagbanggit ng kasaysayan………..….Didaktibo/ …............16
Nangangaral
12. Libreng pabakuna, tiyak nga………………….Pagklahat na pahayag………….Maka-Siyentipiko……......18
bang Ligtas?
Talaan ng Nilalaman
China All Pinag-aagawan!
Alam naman nating sobrang mayaman sa yamang dagat ang West
Philippine Sea kaya ganoon na lamang siguro ang pagkasabik ng mga
Tsino na agawin at kunin ito mula sa atin. Di na talaga natin napupuna at
namamalayan na matagal na tayong inuunti-unting sinasakop ng mga ito
at tila parang walang maisip na solusyon ang bagong administrayon,
upang panindigan at ipaglaban bansang kaniyang nasasakupan.

Ang agawan sa teritoryo ay nagaganap kapag ang isang grupo ay


nagbabalak angkinin ang isang parte ng teritoryo ng isa pang panig.
Katulad na lamang nito ang pag-aangkin ngayon ng China sa mga isla na
nasa loob ng soberanya ng Pilipinas. Isa ito sa pinakamalaking isyu ngayon
ng ating bansa, pumapatungkol sa pag-aagawan nang islang West
Philippine Sea na tinatawag ding South China Sea. Dahil dito maraming
mga taong nawalan ng kabuhayan sa pangingisda. 

Sa tumitinding usapin ng agawan sa teritoryo sa West Philippine sea


at sa unti-unting pagpayag ng Pamahalaan ng Pilipinas na pumasok sa
ekonomiya natin ang bansang China ay di maiiwasan ang pagkabahala na
baka unti-unti na rin tayong nagpapasakop sa mga ito. Nung mga
nakaraang taon matatandaan na ipinaglaban ng Pilipinas ang kanyang
karapatan sa West Philippine Sea sa The Hague sa Netherlands sa
Kalupunan ng UN Arbitrary Court at ito naman ay pinaboran ng nasabing
korte noong 2016. Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang reklamasyon ng
bansang Tsina sa mga bahagi ng Panatag Shoal at iba pa.

Walang matibay na pinanghahawakan ang China na sakop nila ang


Panatag Shoal. Ang pinagbabasehan lamang nila ay historical claim at ang
ganitong basehan ay hindi pinaniniwalaan ng United Nations Convention
on the Law of the Sea (UNCLOS). Noong 1903, isang map ang ginawa ng
United Armed Forces at doon ay kabilang ang Panatag sa mga grupo ng
isla na pag-aari ng Pilipinas. Nakakukuha ang Department of Foreign
Affairs (DFA) ng kopya ng map at ito ay iprenisenta bilang ebidensiya na
sakop nga ng Pilipinas ang Panatag.

Ang Isyung ito ay nakaapekto sa relasyon ng dalawang panig.


Lalong-lalo na pagdating sa pandaigdigang kalakalan. Kabilang na rin sa
panig ng militar ng dalawa sapagkat, hindi lamang ito piraso ng tinapay
ang pinapag-awayan nila kundi, isang piraso ng lupain na may halaga sa
dalawa.

Ayon sa mga balita na aking nalaman o napakinggan, binabasi nila


ito sa tinatawag na 9 Dash line. Ang 9 dash line ay isang “U shaped form”
kung saan ang lahat nang nasa loob nito ay pag-aari ng China, pandagat
man o panghimpapawid.

Ngayon nararapat ipakita ng mamamayan ang pagkakaisa laban sa


ginagawa ng China na pag-angkin sa teritoryo na hindi naman sa kanila.
Nararapat tumindig ang lahat at ipamalas sa China na buo at nagkakaisa
ang mga Pilipino para idepensa ang Panatag Shoal o Scarborough Shoal.
Kapag nakita ng China na sama-sama ang mga Pilipino at handang
ipaglaban ang Panatag Shoal, baka hindi na igiit ang kanilang pag-angkin
na wala naman sa katwiran. Baka sakaling matanggap na nila na mali nga
sila sa pag-angkin sa teritoryo ng Pilipinas. Baka mapag-isip-isip nila na
napakalayo ng China sa Panatag Shoal at wala nga silang karapatang
makipag-agawan dito. Ang Panatag Shoal ay 124 nautical miles mula sa
Zambales kaya malinaw na pag-aari ng Pilipinas ito.

Buhay pa rin ang kalabang hindi nakikita!


Higit isang taon na ang nakalilipas ng pumutok ang isang malaking
isyung kinahaharap ng buong mundo. Pumapatungkol ito sa isang
nakahahawang sakit na sinasabing nagmula sa China. Isang sakit na
bumagabag at gumimbal sa halos lahat ng tao sa buong mundo, Isang
pangyayaring kumitil, nagpabago at sumira nang halos bilyon-bilyong
buhay. Ang sakit na ito ay tila naging isang bangungot na bumalot sa
buong sanlibutan, na kung saan hindi alam kung paano masosolusyonan.
Oo! Isang taon na ang nakalilipas ngunit patuloy pa ring buhay at patuloy
pa ring gumagala tinaguriang kalabang hindi nakikita. Ang naturang sakit
na ito ay tinawag na COVID 19.
Ang COVID-19 ay isang sakit sa paghinga na sanhi ng isang bagong
virus. Kabilang sa mga sintomas ay ang pag-ubo, lagnat, namamagang
lalamunan at pangangapos ng hininga. Ang virus ay maaaring kumalat
mula sa isang tao patungo sa iba pang tao. Ito ay unang naiulat noong
Disyembre taong 2019 sa Wuhan City sa China.

Mahigit isang taon na ang nakalilipas ngunit di parin tiyak ng mga


eksperto kung paano magagapi ang sakit na ito. Wala pa ring tiyak na
antiviral na gamot para sa COVID-19 ngunit batay sa aking pag-aaral, ang
pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang impeksyon na dulot nito
ay ang paggawa ng pang-araw-araw na mga aksyon sa pag-iwas, gaya ng
pag-iwas sa malapitang ugnayan sa mga taong may sakit at madalas na
paghugas ng inyong mga kamay. Tamang kalinisan sa katawan ay
makatutulong upang maiwasan ang impeksiyon at ang pagkalat nito. Ang
mga taong may COVID-19 ay maaaring humingi ng atensyong medikal
upang mapawi ang mga sintomas.

Ang pandemyang ito ay humantong sa isang dramatikong


pagkawala ng buhay ng milyon-milyong tao sa buong mundo. Marahil isa
ito sa pinakamatinding hamon na umusbong sa kasaysayan ng sanlibutan.
Nagkaroon ng total lock down hindi lamang sa bansang Pilipinas kundi
pati na rin sa iba pang panig ng mundo. Makikitang binago ng
pandemyang ito ang takbo ng buhay ng mga tao. Naging labis ang
pangamba ng mga panahong ito sapagkat hindi nila alam kung paano sila
kikita upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Sa panahon ng
pandemyang ito tila lumaganap at muling nadagdagan kaso ng kahirapan.
Ang pagdaan sa krisis na ito ay talagang hindi madali, at hindi kailanman
naging madali sa sinuman. Halos lahat ay nakikipaglaban makabangon
lang sa pinakamatinding suliraning kinahaharap ng sanlibutan. Sa gitna ng
COVID-19 pandemic sa buong mundo, patuloy pa rin ang ating mga
manggagawa sa kalusugan na nasa unahan sa pagharap at paglaban sa
mga hamong dulot nito. Kinilalang mga frontliner na naging bagong
bayani ng ating mundo.

Ang pagiging mahinahon at alerto sa panahong ito ang


pinakakailangan. Sa simpleng pagsunod sa Government protocols ay
nakatutulong na tayong hindi na muling madagdagan pa ang bilang ng
mga kasong nagpositibo. Ang pandemyang ito ay sadyang nakatulong sa
atin upang maging mas alerto at disiplinado. At alam ko na isang araw ay
malalagpasan natin ito nang magkakasama.

69th Miss Universe Cooking Show Competition?


Ang pagiging seryoso sa mga beauty pageant ay isang bagay na
natatangi sa Pilipinas, kumpara sa karamihan sa iba pang mga bansa.
Katunayan kilala ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang nahuhumaling
pagdating sa mga beauty pageant. Mapa-barangay man, eskwelahan o
mapa-international pageant ay aktibo ang mga Pilipino sa pagsali,
panonood at pagsuporta sa kani-kanilang mga pambatong kandidata.
Kumpara pa sa ibang Bansa, ang Pilipinas ay isa rin sa kinilala bilang
“beauty pageant powerhouse” dahil sa dami nitong naiuwing korona. Ang
ating bansa ay patuloy na nangingibabaw pagdating sa mundo ng
pagpapakitang-gilas.

Sa buong bansa, sumibol ang mga lokal na beauty pageant at ang


bawat nayon, lungsod at lalawigan ay mayroong kanya-kanyang beauty
queen. Ang pagkahumaling sa mga pageant ay nakatanim na sa ating
kultura. Mayroong mga paligsahan para sa mga bata, LGBT, at mga
matatanda. Maging ang mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa ay
nagho-host ng kanilang sariling mga pageant sa kanilang mga pamayanan
sa ibang bansa. Ang pageant ay isa sa pinakahihintay na paligsahan sa
bansa,binibigyan nito ng daan ang ilang mga kababaihan na
makipagkumpetensya laban sa iba pang kandidata mula pa sa iba’t ibang
bansa.

Kaya naman sa nagdaang 69th Miss Universe na itinanghal noong


ika-16 ng Mayo taong 2021 na ginanap sa Seminole Hard Rock Hotel and
Casino sa Hollywood, Florida, United States, ay makikita na ang buong
bansa ay nanood at umantabay rito. Kita sa mga Pilipino ang suporta sa
ating kandidata na si Rabiya Mateo, isang 24 na gulang na taga-Iloilo City.
Maging ang ilang mga beauty Queens mula sa ating bansa ay nagpahatid
din ng kanilang mga mensahe kay Rabiya. Mula sa national Costume,
Evening Gown hanggang sa swimsuit competition ay makikita ang
pagsuporta ng mga Pilipino kay Rabiya.
Umabot si Mateo sa semifinals o Top 21, pero sa kasamaang palad ay
hindi na nakapasok sa Top 10. Ikinalungkot ng mga Pilipino ang
pangyayaring ito sapagkat kita talaga na deserve ni Rabiya na makapasok
sa Top 10 hanggang sa top 3 ng labanan. Usap-usapan pa rin ngayon sa
social media ang kompetensiyang naganap. Maraming nagsasabi na
Cooking show ang nangyari, marami ring nagsasabi na isa ito sa mga
Worst Miss Universe Competition na naganap, binatikos ng ilan ang hindi
pagpili ng maayos na stage na kung saan hindi gaanong nairampa ng mga
kandidata ang kanilang mga kasuotan, pati na rin sa pagpili ng mga host at
judges. Ang mga Host ngayon ay tila walang “ganang” binabanggit ang
mga pangalan ng mga kandidatang nirerepresenta ang kani-kanilang mga
bansa, kumpara nung mga nakaraang Miss Universe Kompetisyon. Kung
mapapansin din ay halos babae ang mga judges at halos lahat din ay galing
sa Latin Country. Laking gulat din ng ilan na hindi pasok ang mga
bansang kinikilala bilang beauty pageant powerhouse at halos lahat ng
mga kandidatang napabilang sa Top 10 ay iyong mga kandidatang galing
sa Latin Country. Sa pagtatapos ng 69th Miss Universe Competition ay
kinoronahan si Miss Mexico bilang bagong Miss Universe na isa ring
Latina America.

Gayunpaman ay natapos naman ng maayos ang kompetisyon na ito,


ngunit naiwan pa rin sa mga tao ang hindi katanggap-tanggap na daloy ng
kompetisyon, ngayon ay laganap pa rin at talamak pa rin sa sosyal media
ang usaping ito.

Buhay ng mga Kontraktuwal


Ang kawalan ng trabaho ay isa sa mga matagal ng suliraning
kinahaharap ng ating bansa. Napakaraming walang trabaho at
napakahirap ding maghanap ng trabaho, kaya minsan sumasang-ayon na
lamang ang ilan sa konsepto ng kontraktuwalisasyon makapagtrabaho
lamang. Hindi nila alintana ang hindi pagkakaroon ng permanenteng
posisyon sa kanilang pinagtatrabahuhan o ang pagtanggap ng mga
nararapat na benepisyo mula sa kanilang trabaho. Marami sa ating mga
manggagawang Pilipino ang kontrakuwal lamang at karamihan sa ating
mga kababayan ay bulag parin sa kung ano ang katotohanan sa likod ng
buhay ng mga taong ito. Maraming taon na ang nakalipas at isyu pa rin
ang kawalan ng disenteng trabaho sa Pilipinas. Teka, kalian ba mababago
ang ganitong patakaran? Kailan ito mawawakasan? “Kailan?” Tanong ng
halos lahat ng mamamayan, kabilang na rin kaming mga kabataang
apektado ang kinabukasan.

Alam naman nating hindi biro ang buhay ng isang ordinaryong


manggagawang Pilipino, tama? Sinasabing sila ang katuwang natin sa
pagbabago, nariyan ang halos dugo't pawis ang kanilang puhunan sa
bawat trabahong kanilang ginagawa, nariyan ding halos walo, siyam,
sampo at ‘yung iba, halos labing-dalawang oras ang ginugugol sa
pagtatrabaho maiahon lamang ang nararanasang gutom ng mga miyembro
ng pamilya nito. Ah, siya nga pala, ganiyan na ganiyan ang buhay sa likod
ng halos lahat ng mga kontraktuwal na manggagawang Pilipino, sila iyong
mga taong walang kasiguraduhan na kung pagkatapos ba ng kanilang
kontrata ay maaari pa ba silang makapag-renew muli ng kontrata.

Ang pagkakaroon ng mababang sweldo at ang malupit at hindi


makatarungang kondisyon ng mga manggagawa sa mga pabrika at
pagawaan ay patuloy pa ring nangyayari sa buong Pilipinas dulot ng
kontraktuwalisasyon. Noon pa man ay mayroon ng mga kontraktuwal na
uri ng mga trabaho ngunit hindi pa ganoon katalamak, lumaganap lamang
ito noong huling bahagi ng dekadang 1970 upang mawasak ang kilusang
paggawa at makapagkamal ng mas malaking tubo sa harap ng tumitinding
krisis ng pandaigdigang kapitalismo. Ito rin ay isang sistema ng pagkuha
ng mga manggagawa na magtatrabaho sa isang proyekto na may pre-
agreed termination date o kaya'y kumukuha ng mga seasonal employees at
fixed-period employees. Sa mga nagdaang taon hanggang ngayon ay
problema pa rin ang kontraktuwalisasyon na isang rason na
pinagmumulan ng rally ng mga mangagawa.

Ang paghihirap ng manggagawa ay hindi na dapat tumagal pa. Ang


mababang pasahod ay isa sa mga pangunahing suliranin na kinahaharap
ng bansa sa mahabang panahon. Kaya naman Iba't ibang hakbang at
programa ang ipinatupad ng pamahalaan upang masugpo ito. Nariyan ang
bawat empleyado ay makatatanggap ng benepisyo at pantay na kita, sa
pamamagitan nito mabibigyan ng pantay na kita ang mga manggagawa at
ang pag-eexempt sa pagbayad ng buwis, kung ang kita sa buong taon ay
mababa, ay maaaring ma-exempt sa pagbabayad ng buwis ang isang tao.
Sa isinagawang turn over ceremony sa Department of Labor and
Employment (DOLE), sinabi na makikipagpulong sila sa lahat ng
kumpanya upang ilatag ang aksyon ng gobyerno at mapag-aralan din ang
posibleng solusyon upang ganap nang mawakasan ang
kontraktuwalisasyon sa bansa. Inaasahan na umano na tatamaan sa
naturang hakbang ang maliliit at malaking kumpanya dahil prayoridad
ng administrasyong Duterte na mabigyan ng maayos at disenteng trabaho
ang mga Pilipino. Maging ang isyu sa illegal recruitmet ay tututukan din
ng DOLE.

Tanging kaginhawaan sa buhay ang nais nating mga Pilipino, tama?


huwag naman sanang ipagkait sa atin ito. Kung di pa kikilos ang ating
Gobyerno tiyak mapag-iiwanan mga masang Pilipinong nasa laylayan,
kabilang na rin pati kinabukasan naming mga kabataan.

Krimen, saan nga ba nanggaling?


SINO ANG DAPAT SISIHIN?
KRIMEN! Binubuo lamang ng maliit na salita ngunit malaking
pahirap kung ituring ng isang bansa sapagkat, ang hirap nitong mawala, di
alam kung paano mapupuksa. Pasakit din na ituring sa ating bansa
sapagkat tila walang solusyon upang lutasin mga naturang krimen na
gawa ng ating kapwa.

Araw-araw, oras-oras, minu-minuto, segu-segundo iba’t ibang


krimen nangyayari sa buong mundo. Ang krimen sa ating bansa ay isang
salot na ituring dahil naapektuhan ang paglago ng ekonomiya, pati na rin
imahe ng ating bansa. Naniniwala akong hindi natin ito mabubura sa ating
lipunan ngunit maaari natin itong mabawasan kahit pa unti-unti lamang.

Ang Krimen ay mga kilos na lumalabag sa public law o anumang


batas na nagtatakda ng ugnayan sa pagitan ng isang mamamayan at
pamahalaan. Walang pinipiling edad ang paggawa ng isang krimen dahil
sa panahon ngayon pati ang mga kabataan ay nasasangkot na rin sa iba’t-
ibang krimen.  Maaring sabihin na ang krimen ay isang bunga ng
mahinang pagpapatupad ng batas.  Ang mga bansang Singapore, Saudi
Arabia, at Japan ay nagpapatupad nang mas istriktong mga batas na isang
dahilan kung bakit sinusunod nga mga tao ang batas at mas kaunti ang
mga lumalabag doon. Kung sakaling maging istrikto rin sa pagpapatupad
ng mga batas ang ating bansa ay tiyak na mabawasan at mapaliliit ang
kaso o bilang ng mga taong gumagawa ng krimen.

Sinasabing kahirapan at kawalan ng disenteng trabaho ang ilan sa


mga pangunahing dahilan ng paglaganap ng krimen sa bansa. Ngunit
tiyak ko na isa rin sa mga dahilan nito ay ang pagkahalal ng mga ilan sa
mga namumunong kurap sa politika na kinakamkam pera ng taong bayan.

Ang buhay ng mahirap ay kapit sa patalim. Higit na mahirap


mabuhay sa mundong ito kung hindi mo alam kung papaano magbanat ng
buto. Mahirap maghanap ng disente at maayos na trabaho kung wala ka
namang natapos kaya’t sadyang napakahalaga ng edukasyon para sa ating
lahat. Kadalasang mahihirap ang hindi nabibigyan ng sapat na edukasyon.

Isang halimbawa ng mga krimen na laging balita sa mga telebisyon


ay ang pagnanakaw at pagpatay, nakagagawa ang mga tao ng mga di
kanais nais na aksyon dahil sa kaisipang ito ang solusyon upang maiahon
ang kanilang buhay sa kahirapan, ni hindi nila alam na mas nilalagay nila
ang kanilang sarili o buhay sa kapahamakan. Karaniwang kapos sa buhay
ang mga taong sangkot o gumagawa ng krimen. Naniniwala ako na kapag
nabigayan ang mga tao ng disenteng trabaho tiyak ding mababawasan ang
krimen na nangyayari sa ating bansa. Kapag mayroon na silang trabaho
matutuon ang kanilang pansin dito at makakalimutang gumawa ng
masama.

Gayon pa man ay naniniwala ako na gumagawa na ng paraan ang


pamahalaan sa pangunguna ng ating Pangulo upang ang mga suliraning
ito ay maresolba. Marapat lamang na makiisa tayong mga mamamayan sa
paglutas ng mga problemang ito, para na rin ito sa ikabubuti natin at ng
imahe ng ating bansa.

Naniniwala rin ako na ang mga ganitong problema sa ating bansa ay


isang pagsubok lamang na kailangan nating lampasan. Lagi sana nating
tandaan na hindi pagpatay ang solusyon upang umangat at yumaman sa
buhay. At lagi nating tatandaan na ang krimen ay walang pinipiling oras,
panahon, lugar, at tao. Marapat na tayo ay maging alisto sa lahat ng bagay
para na din sa ating maayos at mapayapang kinabukasan.
Nasa mga kamay natin ang sagot sa kahirapan
Minsan ako ay naupo sa aking silid, kaharap ang aking selpon at
laptop upang humagilap ng isang isyung trending ngayon sa social media,
nang bigla kong naisipan na umpisahan na ang aking takdang aralin,
labingdalawang sanaysay sa Filipino. Sinubukan kong mag-isip kung ano
sa mga paksang ito ang una kong gagawin ngunit nahirapan akong
magdesisyon. Hanggang sa sumagi sa aking isipan ang isa sa aking mga
karanasan noong ako’y musmos pa lamang. Nakita kong isa sa mga
paksang ibinigay sa amin ay tungkol sa kahirapan, na kung saan isa rin sa
aming pinagdaanan.

Ang aking pamilya ay mailalarawan na malaki at simple ngunit tiyak


kong masaya, dahil siyam lang naman kaming magkakapatid sa aming
pamilya. Ang aming ama ay isang karpentero at ang aming ina ay
rumaraket-raket minsan sa iba. Laba rito, laba roon, kuskos dito, kuskos
doon, banat dito banat doon, ganiyan na ganiyan ang laging ginagawa ng
aming magulang, nagpursigi sila mapag-aral at mapakain lamang kami ng
husto at wasto araw-araw. Kahirapan nga naman oh, problema ng hindi
lang naming pamilya kundi nang daan-daan pang pamilya.

Batay sa aking pag-aaral, Ang kahirapan ay isa sa mga problema na


tila hindi matapos-tapos at hindi mabigyan ng solusyon. Mahigit
kumulang 48% o 11.1 milyon ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na
nagsasabi at itinuturing ang kanilang sarili bilang mahirap. Ito ay batay sa
ikalawang ‘survey’ na ginawa ng SWS o Social Weather Stations. Kung
ating susuriin halos nasa kalahati ng ating populasyon ang nagsasabi na
nabibilang sila sa isang maralitang pamilya.

Talaga nga namang pasakit na ituring ang ganitong uri ng problema


sa ating bansa. Masasabi kong isa sa sanhi ng paglala kahirapan ay ang
pagkakaroon ng mababang antas ng edukasyon. Ngunit marami ang
nagsasabi na ang edukasyon ang ating puhunan para sa ating kinabukasan
ngunit marami rin ang hindi nakakapag-aral dahil nagkakaroon ng
kakulangan sa pera na ipangbabayad sa paaralan na papasukan pati na rin
pangbili ng kagamitan na kakailanganin ng isang mag-aaral. Ang ibang
mag-aaral naman ay nagtratrabaho habang nag aaral. Ito na rin ang
magsisilbing tulong nila sa kanilang mga magulang at matustusan ang
kanilang sariling pag-aaral ngunit ang iba ay mas pinipili ang magtrabaho
na lamang dahil ang kanilang kinikita ay sapat lamang sa kanilang
pangangailangan araw-araw at kulang pa para sila ay makapasok sa
paaralan.

Ilan sa aming magkakapatid ang nag-aaral habang nagtratrabaho,


working student kumbaga, nakatulong ito upang mabawas gastusin at
iniintindi ng aming magulang, habang sila ay nagpupursiging magtrabaho
ay ganun din kami sa aming pag-aaral. Inakala ko dati na mananatili
kaming mahirap, inakala kong mananatili kaming lubog dahil sa hirap
ngunit, hindi kami nagpatinag, ilan sa aking mga kapatid ay nakapagtapos
na sa kanilang pag-aaral at naabot na rin nila kanilang mga pangarap,
ngayon naman ako ang nangangarap sa ikabubuti pa lalo ng kalagayan
naming pamilya sa hinaharap.

Sabi nga nila “Kasalanan kung ipinanganak ka sa mundong ito ng


mahirap at mamamatay kang mahirap.” Kung ating susuriin ay nasa ating
mga kamay ang kapangyarihan upang tayo ay magtagumpay, kung atin
lamang gugustuhin ay maraming paraan upang tayo ay makaahon sa
kahirapan. Nararapat lamang na tayo ay magkaroon ng tiyaga at
magpursigi sa lahat ng ginagawa at mga oportunidad. Kung sisimulan
natin ang pagbabago mula sa sarili natin, malamang ay mababago rin natin
ang antas ng ating pamumuhay. Pinuno ka man o simpleng mamamayan
ay hindi ka exempted upang magbago para sa ikauunlad nating lahat.

Wala na ang dating buhay,


Nakakulong na lang lagi sa bahay
“HOY! Bumangon ka na, alas dyes pasado na tulog ka pa!” sambit
lagi ng aking Ina tuwing umaga. Nagsimula lamang ito noong nagkaroon
ng pandemya, sobrang sakit talaga nito sa tainga.
Kain, selpon, tulog, repeat, ganiyan ko lang naman ilarawan mga
pang-araw-araw na gawain sa loob ng aming bahay simula nung
nagkaroon ng quarantine. Higa rito, higa roon, hilata rito, hilata roon,
minsan matatawa o maiiyak nalang dahil hindi alam paano labanan inip na
nararamdaman. Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok at Youtube ay ilan
lamang sa mga katuwang tuwing ako ay naiinip, pati narin ata mga
“dating app” ay tila naging kaisa ko na rin sa mga sa pang-araw-araw
kong gawain. Umaga hanggang gabi ay aking iniisip paano palilipasin
araw na nakaiinip. Isang araw aking napansin na habang tumatagal tila
ako ay nasasanay na, isa sa pagbabagong aking nakita ay ako ay tamadna,
tamad nang gawin mga nasanay kong gawin dati nung tayo ay tila malaya
pa. Umaga hanggang gabi ay wala na akong ginawa kundi humilata,
kumain at matulog lamang. Mula sa aking paggising ay selpon agad ang
aking katuwang, minsan di ko na rin maharap tamang oras ng pagkain.
Pagdating ng hapon ay ganoon pa rin ang aking gawain, kaya naman di
maiiwasan bangayan sa aming pamilya dahil sa selpon lagi aking dala.
Maski sa gabi, ito pa rin ang aking kasama. Di ko maintindihan minsan
nararamdaman tamad kong katawan. Marahil dahil hindi na tumatakbo
ang aking oras tulad nung dati wala pang pandemya.

Nakatatakot isipin, pero parang nasasanay na ako, parang


natatanggap ko nang wala na akong karaniwang pakikipagkumustahang
babalikan. Wala na ang dating nakasanayan. Ako rin ay nangangamba na
baka tuluyan nang mawala ang mainit na yakap sa isang kaibigang hindi
nakita nang matagal. Mahirap nang manawagan ng pagkakapit-bisig at
balikatan dahil, alam mo na, social at physical distancing ay ipinatupad na.
Kung ating babalikan ang mga nakalipas na mga araw, tila kay saya ng
lahat, animo ay mga ibong malaya. Ngunit sa isang iglap dahil sa
pandemyang ito ay nagbago ang lahat. Marami sa mga pamilya ay
apektado, problema ng halos buong mundo. Kami na dati kapag may
lakad ng aking mga pamilya at kaibigan ay malayang nakakaalis ngunit
ngayon nakakulong sa tahanan dahil sa pangamba na baka mahawa sa
sakit. Lahat ay tuliro sa kalaban na hindi nakikita.

Ngunit wala tayong magagawa, Pananatili sa ating mga tahanan


lamang ang pinakamainam na paraan para mabawasan panganib nitong
dala. Normal lamang na makaramdam ng takot at pagkabalisa sa panahon
ng COVID-19, lalo na’t tumatagal ang krisis na ito. Bukod sa pag-alaga ng
ating kalusugan upang makaiwas sa coronavirus, mahalaga rin na alagaan
natin ang ating mental health habang nananatili sa loob ng bahay. At ang
tanging alam ko lang ay magdasal at humingi ng awa na sana ay matapos
at mamatay na kalabang hindi nakikita.

Tuloy ang Pagkatuto!


“Bagaman mahirap alam kong sa huli iyong malalasap tagumpay na
iyong pinapangarap.”

Simula palang ng araw selpon na agad aking kaharap ito ay upang


tingnan kung may meeting bang magaganap. Simula nung lumaganap ang
pandemya at nagkaroon ng lock down kasi panibagong paraan ng pag-
aaral ang naganap.

Ang dating harapan at pisikal na diskusyon sa silid aralan ay nabago.


Ipinalit ang tinatawag na “New Normal” na kung saan ang mga klase ay
isasagawa sa pamamagitan ng alternatibong pamamaraan, isa na riyan ang
online class, isang plataporma ng pag-aaral na kung saan ay idinadaos sa
pamamagitan ng paggamit sa internet, at ang estudyante ay di na
kinakailangang lumabas pa ng bahay upang magtungo nang personal sa
klase at makaharap ang guro at mga kaklase.

Sa pangyayaring ito maraming mga bata ang nahirapan at ang mga


iba ay napag-iwanan, lalo na mga batang walang sapat na gadget at
mahinang signal sa internet ngunit, pilit pa ring kumakapit makapasok at
makalahok lang sa bagong paraan ng pagsasagawa ng talakayan.

Bagaman nakalulungkot, alam kong hindi ito ang panahon para ika’y
huminto at malugmok. Kaya naniniwala ako na kahit anong hirap ng
sitwasyon natin, tiyak kong maraming paraan upang matugunan ang pag-
aaral na kinakailangan. Ang mahalaga ay hindi masasayang ang isang
taong pag-aaral nating mga mag-aaral.

Naniniwala akong ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na


edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan
tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na
edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na
natutunan sa ating paaralaan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing
elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na
edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamamumuhay ang siya
ring dapat na pilting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay
pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa
Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at
kung paano mabubuhay ng maayos.
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na
hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mayayaman
ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na
pundasyon ng edukasyon,magiging mahirap para sa kanila na abutin ang
pag-unlad.Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang
magdadala sa kanilang mga inaasam na pangarap.
Naniniwala akong ang edukasyon ay responsabilidad ng bawat isa,
hindi lamang ng mga mag-aaral, guro, at magulang kundi ng isang
komunidad, komunidad na handang sumuporta at gumabay sa pangarap
ng isang batang nag-aasam na makapag-aral. Noon pa man ay masasabing
buhul-buhol na ang mga problema sa edukasyon sa ating bansa.
Gayunpaman, kung patuloy lamang tayong magtutulungan at magkakaisa
sa isang adhikain, hindi malabong mangyari na ang inaasam nating
magandang bukas para sa bata at para sa bayan ay atin nang makamit sa
gitna man ng pandemyang COVID-19.

Nakapaninibago takbo ng buhay ngayon ng mga


tao
Nagbago ang takbo ng pamumuhay ng mga tao noong pandemya ay
nanalasa sa buong mundo. Noong nakaraan ay aking nakapanayam ang
isa sa aking matalik na kaibigan na si ginoong Melbert John Garcia siya ay
nakatira sa bayan ng Bolinao Pangasinan na isa ring mag-aaral ng
Pangasinan State University na nasa ikalawang taon na rin sa kolehiyo
kagaya ko at isa siya sa mga nagpapakadalubhasa sa asignaturang agham.

Maraming nagsasabi na masarap daw ang buhay sa kolehiyo kaya


Iyong college life na inaakala ni Melbert na happy life o freedom ay
naglaho. Araw-araw nalang siyang nasa bahay. Mag-oonline class
pagkatapos ay gagawin ang mga gawaing bahay at gagala para
makapagpahinga. Napansin niyang sobrang bilis ng takbo at pagdaan ng
araw, paggising sa umaga ay magluluto, pagdating ng alas otso ay maliligo
at mag-aantay kung may klase ba sila o wala. Pagdating sa hapon kung
hindi maglilinis, siya ay magbibisikleta para gumala. Pagsapit naman ng
gabi ay mag-aaral siyang muli at titingnan kung may naiwan pang mga
gawain sa klase. Sa loob ng halos isang taon na pagkakakulong sa bahay ay
ganiyan na lang lagi ang palagi niyang ginagawa. Sa sobrang bilis ng
panahon, siya ay nangangamba na baka paggising niya bukas ay lumipas
nanaman ang isang taon na siya ay nasa bahay lamang at wala man lang
ulit natututunan, nasasayangan siya sa mga bagay na matututunan niya
kapag siya ay nasa labas lalo na iyong mga experience na malalaman
kapag nakikipaghalobilo siya sa ibang tao, masyado raw itong kritikal kasi
iyong matututunan niya sa unibersidad sa trabaho lang niya iyon
magagamit, kumpara roon sa mga aral na malalaman niya sa totoong
buhay at sa ibang tao, at sambit pa niya ang mga aral na iyon ang
pinakakailangan natin.

Gaya ni Melbert, ay halos paulit-ulit nalang din ang gawain ng mga


tao sa bahay simula noong nagkapandemya. Marami na rin ang inip at
bagot dahil sa sobrang tagal na ng kanilang pahinga. Marami na rin ang
tuluyan na ngang tinamid kumbaga. Gaya pa ng sinabi ni Melbert ay
marami na rin ang mga batang nag-aaral na lamang mag-isa di tulad dati
na sanggang-dikit at magkakasama kung magreview at mangopya.

Tuluyan na ngang nagabago ang takbo ng pamumuhay ng mga tao.


Pangamba at takot ang siya mo lang makikita sa mata ng bawat isa
kabilang narin aking pamilya. Mapapansin na noong simula pa lamang ng
lock down ay agawan na sa pamimili ng mga alcohol, face mask at iba
pang mga pangangailangan upang panlaban sa sakit na ito. Kanselado rin
mga opisina at paaralan ng mga panahong ito at bilang lamang mga taong
pwede lumabas at pumunta sa mga pamilihan. Mas lalong naghirap mga
taong mahirap dahil nga sa kanselado mga trabaho ay wala silang
masweldo, Kaya solusyon ng gobyerno ayuda para sa lahat ngunit hindi
pa rin naging sapat. Kulang na kulang pa rin para sa susunod na buwang
pagkain. Tuluyang nalugmok sa hirap ang mga taong salat.
Kami naman, isa sa mga paghahanda na aming ginawa noong
lumaganap ang pandemya ay ang pag-imbak ng mga iba’t-ibang produkto
partikular na mga pagkain at inumin. Bumili rin kami ng mga face mask,
face shield at alcohol na siyang aming gagamitin upang hindi mahawa at
makaiwas sa sakit. Halos araw-araw kaming nagdarasal na sanay maging
ligtas mga miyembro ng pamilya namin.

Mabilis ang mga pagbabago sa daigdig, dinadagsa tayo ng


masasamang balita, mahirap umiwas sa pag-aalala para sa iyong sarili,
maging sa mga mahal sa buhay. Wala na ang dating nakasanayan. Ako rin
ay nangangamba na baka tuluyan nang mawala ang mainit na yakap ng
isang kaibigan.

COVID-19: Salot mang ituring ngunit tiyak kong


may biyayang dulot pa rin.
Tiyak kong may magandang dulot pa rin sa atin ang pagdating ng
COVID-19. Hindi na batid sa ating kaalaman na ang sakit na ito ang siya
lang namang bumagabag at gumimbal sa halos lahat ng tao sa buong
mundo, Isang sakit na kumitil, nagpabago at sumira nang halos bilyon-
bilyong buhay ng tao.

Ang sakit na ito ay tila naging isang bangungot na bumalot sa buong


sanlibutan, na hindi alam kung paano masosolusyonan. Ito ang isa sa
pinakamatinding hamon na umusbong sa kasaysayan ng mundo. Sa
pangyayaring ito maraming mga bata ang nahirapan at ang iba ay napag-
iwanan. Maraming naghirap dahil sa sarado ang mga kumpanya at
pagawaan ng mga panahong ito. Humantong din ito sa isang dramatikong
pagkawala ng buhay ng milyon-milyong tao sa mundo. Pangamba at takot
ang siya mo lang makikita sa mata ng bawat isa. Ang dating harapan at
pisikal na diskusyon sa silid aralan ay nabago. Mahigit isang taon na rin
ang nakalilipas ngunit di pa rin tiyak ng mga eksperto kung paano
magagapi ang sakit na ito. Wala paring tiyak na antiviral na gamot para sa
COVID-19. Bangungot nga naman talaga na ituring, bukod sa mas lalo
tayong humirap ay marami rin ang mga taong nasawi at nawala.
Bangungot man na ituring ngunit may biyayang dala pa rin. Bukod
sa naging mas alerto at disiplinado ang mga tao ng mga panahong ito,
pansin ko rin ang pagyaman muli ng kalikasan natin. Alam ko na alam
niyo rin na nakapagpahinga ang kalikasan natin. Mas lalong luminis ang
kapaligiran, mga polusyon sa hangin ay nabawasan sapagkat wala ka
halos makikitang sasakyan sa daan. Maiitim na usok sa daan ay napalitan
ng sariwang hanging ang sarap lasapin. Mas lalo pang natuwa ating Inang
kalikasan noong mga ilan ay nag-imbak at nagtayo ng halamanan sa
kanilang bakuran. Isa ito sa nakatatawa sapagkat usapan din sa social
media mga plantito at plantita na panay halaman post sa social media,
ginawang libangan din ito ng ilan upang mawala kanilang pagkabagot,
inip, takot at pagkabalisa. Isa rin sa aking mga napansin ang dating trapiko
sa mga lansangan lalo na kamaynilaan ay nawala, nabawasan din mga
basura sa karagatan pati na rin ang isyu sa pagbaha.

Kung ating mapapansin nakapagpahinga ng lubos at wasto kalikasan


natin. Mula sa pagkonsumo ng mga material at pagkain, naging mas
yumaman mga yamang dagat at lupa ng bansa natin, kasabay rin nito ang
pagkabawas mga nararanasang unos sa mismong bayan natin. Salot nga ba
itong dumating o sadyang gawa lamang ng Inang kalikasan upang siya ay
makapagpahinga rin?

Past is past
Isa sa tumatak sa kasaysayan ng ating bansa ay ang pagsakop sa atin
ng mga Amerikano pagkatapos tayong ibenta ng mga Kastila sa kanila. Isa
sila sa mga banyagang namuno sa atin. Mga banyagang itinuring tayong
mga alipin sa sariling bayan natin.

Ang Amerika ay isa sa mga bansang sumakop sa Pilipinas na galing


sa kanluraning mga bansa. Kung ang mga Kastila ay ginamit ang relihiyon
upang makuha ang loob ng mga sinaunang Pilipino, ang mga Amerikano
naman ay ginamit ang edukasyon upang manipulahin ang kaisipan ng
mga ito.

Para sa iba sila ay kaaway ngunit kung ating babalikan ang


kasaysayan, isa ang Amerika sa mga nagkarooon nang malaking
impluwensya sa pamumuhay ng mga Pilipino, naging malaking tulong sila
sa kultura nating mga Pilipino. Ang pagsakop ng bansang Amerika sa
ating bansa ay naging malaking tulong sa pamumuhay ng mga Pilipino
lalong lalo na sa larangan ng edukasyon sapagkat ang mga Amerikano ay
nagbigay aral sa ating mga ninuno na may kakulangan sa kaalaman dahil
binansagan nga ang mga Pilipino na mahihina at mga uto-uto.

Naging daan ang edukasyon upang matuto ang ating mga ninuno at
magkaroon ng kaalaman at hindi na maging mangmang sa paningin ng
mga dayuhan. Dahil doon tumibay ang pagkakaibigan ng mga Pilipino at
Amerikano.

At batay pa sa aking pag-aaral, nagkaroon daw ng pagdiriwang ukol


sa samahan ng dalawang bansa, tuwing Ika-4 ng Hulyo. Ang petsa kung
saan ang bansa ay nagsarili at nagkaroon na ng kalayaan sa ilalim ng
pamamamahala ng mga Amerikano. May ilang naitala na nagsasabing ang
araw na ito ang nararapat na itakdang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Una
itong ipinagdiwang noong 1962 ngunit kahit noong 1796 ay may ugnayan
na ang Amerika at Pilipinas nang dumako ang barkong Astrea sa bansa sa
simula ng pakikipagkalakalan.

Ang pakikipag-ugnayan ng isang bansa sa isa pang bansa ay


kabilang sa mga politikal na gawain ito ay isang paraan upang mapalakas
ang seguridad at depensa ng isang bansa pati narin ang mapalawig ang
ekonomiya nito. Gaya ng isang indibidwal, ang isang bansa ay
kinakailangang ding makipag-ugnayan at makipag-kaibigan sa iba pang
mga bansa sa daigdig upang makamit nito ang minimithing kalayaan,
kapayapaan, katarungan at higit sa lahat, kaunlaran. At upang mabigyang
katuturan ang ating pakikipag-ugnayan, kaya naman ang ating bansa ay
aktibong lumalahok sa pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa kabuhayan,
kultura at pulitika. Isinasaalang-alang din natin ang ating mga karapatan,
karangalan at pambansang interes kaya tayo bilang bansa ay may mga
sinusunod na patakarang panlabas sa pakikipag-ugnayan.

Ang mga impluwensya ng Amerikano sa atin ay makikita pa rin


hanggang sa kasalukuyan kabilang na riyan ang edukasyon, literatura,
sining, arkitektura, siyensya, industiya, bahay, pagkain, damit, relihiyon,
musika, at sayaw. Sineryoso ng mga Pilipino ang edukasyon noon kaya
nagbunga ito na higit pang mataas na antas ng mga Pilipino sa lipunan.
Natuto ang mga Pilipino na bumasa, magsulat, at kahit magsalita sa
wikang Ingles sa loob ng maikling panahon lamang.

Mapag-aalaman na sa pamamagitan ng Tratado ng Paris ay nailipat


sa Amerikano ang pamamahala ng bansa matapos ang pagpapasailalim sa
mga Kastila. Bagamat noong mga panahong iyon ay marami ang tumutol
sa pangyayaring ito, ay makikita rin naman ang naging positibong bunga
ng ugnayang Pilipino at Amerikano. Masasabing hindi lamang pang-isang
araw ang pagkakaibigang ito sapagkat patuloy itong umiigting sa
kasalukuyan. Ang ilan sa naging impluwensiya ng Amerikano sa Pilipinas
ay ang sistema ng edukasyong pampubliko, serbisyo publiko, sistemang
merito, at ang demokratikong pananaw. Isa rin ang pagkakatatag ng
United Nations noong 1945 at ang samahan ng World Trade Organization
na nagpatibay sa relasyong Pilipino-Amerikano.

Bagaman sinakop nila tayo at naging isa sila sa mga kalaban natin
pagdating sa pagkamit ng kalayaan, tiyak ko namang nakatulong ang
kasaysayang iyon para mas umigting pagkakaibigan natin.

Libreng pabakuna, tiyak nga bang Ligtas?


Bakuna para sa Covid-19 ligtas at nakatutulong nga ba upang mas
labanan ang sakit?

Batay sa World Health Organization (WHO), “Ang pagbabakuna ay


isang ligtas at mabisang paraan upang maiwasan ang sakit. Ngayon ay
may mga bakunang magagamit upang maprotektahan ang mga tao laban
sa mga particular na sakit: tulad ng dipterya, tetanus, pertussis, influenza
at tigdas. Sama-sama ang mga bakunang ito na nagsasalba ng buhay na
umaabot hanggang sa 3 milyong mga tao bawat taon. Bagaman ang ilang
mga sakit ay maaaring naging hindi pangkaraniwan, ang mga mikrobyo
na sanhi ng mga ito ay patuloy na kumakalat sa ilan o lahat ng bahagi ng
mundo. Sa mundo ngayon, ang mga nakakahawang sakit ay madaling
tumawid sa mga hangganan, at mahawahan ang sinumang hindi
protektado.”

Sa panahon ng COVID-19 pandemya, ang pagbabakuna ay talaga


nga namang kritikal na mahalaga. Hinimok ng WHO ang mga bansa at
tiniyak nilang magpapatuloy ang mahahalagang serbisyo sa pagbabakuna,
sa kabila ng mga hamon na idinulot ng COVID-19. Ang pagbabakuna ay
isang simple, ligtas, at mabisang paraan ng pagprotekta sa mga tao laban
sa mga nakakasamang sakit. Gumagamit ito ng mga natural na panlaban
ng iyong katawan upang mabuo ang panlaban sa mga partikular na
impeksyon at gawing mas malakas ang iyong immune system. Ang mga
lisensyadong bakuna ay mahigpit na nasubok sa maraming yugto ng mga
pamamaraan bago pa man ito maaprubahan para magamit, at regular na
muling susuriing muli kapag ipinakilala na ito. Ang pagpapabakuna ay
sobrang mahalaga, pinoprotektahan nito ang ating sarili pati narin ang iba.
Ito ay isang ligtas at epektibong paraan para maiwasan ang sakit. Ang mga
bakuna ay nakapagliligtas ng milyon-milyong mga buhay. Kapag tayo ay
nababakunahan, hindi lang natin pinoprotektahan ang ating mga sarili,
ngunit pati na rin ang mga taong nasa paligid natin. Matutulungan pa
nating mapigilan ang pandemya sa pamamagitan ng pagpapabakuna
gamit ang bakuna sa COVID-19.

Gayun pa man, para sa akin, bago ako magpaturok ay magsasagawa


muna ako ng ilang pag-aaral, mag-oobserba, magsusurvey at
magtatanong-tanong sa ilan partikular na mga taong tapos na
magpabakuna upang tiyakin kung ligtas nga ba talaga at epektibo ang
pagpapabakuna gamit ang bakuna para sa COVID_19.

You might also like