You are on page 1of 23

Kalinangan ng Pransya,

Sa Mayamang Tradisyon at Kaugalian Makikita

Halaw sa French Culture: Customs and


Traditions
- LiveScience

Prepared by: Maribelle S. Jamilla


Bounjour!
(Good day!)
Kalinangan ng Pransya,
sa Mayamang Tradisyon at Kaugalian makikita

Isang sanaysay ukol sa


kultura at kaugalian ng
mga Pranses.
Inilathala ni Kim Ann
Zimmermann sa
LiveScience na isang
science website.
Siya ay mayroong
bachelor’s degree sa
komunikasyon sa Rowan
University sa New Jersey
sa Amerika.
Pransya
Ang Pransya ay madalas na ikinakabit sa Paris na
sentro ng komersiyo, uso, turismo, pagluluto,
sining at arkitektura.

Bawat bahagi ng bansa ay may kani-kaniyang


maihahaing mayamang kultura.
Kasaysayan ng Pransya
• Ito ay unang tinawag Maraming digmaan ang
na Rhineland at pinagdaanan ng mga
kalaunan ay naging Pranses, ilan sa mga ito
Gaul. ay ang mga: digmaang
Franco-Prussian
• Naimpluwensyahan ng (digmaan sa pagitan ng
mga Celtic, Romano at ikalawang imperyo ng
Aleman (German sa Pransya at kaharian ng
Ingles) ang kalinangang Prussia), ang una at
Pranses. ikalawang digmaang
pandaigdig.
Ang Digmaan sa
pagitan ng mga
Pranses at Aleman
noong 1870.
Paris noong panahon ng Unang Digmaang
Pandaigdig

Kalagayan ng Pransya noong


Ikalawang Digmaang Pangaigdig
Wika
 French – ang Flemish – ginagamit ng
pangunahing wika ng 65.4 mga maliliit na pangkat
milyong mamamayan. Ito sa hilagang silangan.
rin ang wikang opisyal ng
bansa. — Samantala,
Arabic naman ang Italian – ikalawang
ikatlong pinakamalaking wika ng mga nakatira sa
wikang ginagamit. hangganan ng Italy.

 Aleman (German) –  Basque – nakatira sa


ginagamit ng tinatayang French-Spanish border.
3% ng populasyon,
karaniwan ito sa mga
probinsya sa silangan.
Relihiyon
Katolisismo ang
pangunahing
relihiyon sa
Pransya (80%).
Ang iba pang
relihiyon ay
Islam, Protestante
at Judaismo.
Pag-ibig sa bansa
Isang magandang katangian
ng mga Pranses ang
marubdob na pagmamahal
sa kanilang bansa upang
ipagtanggol ang kanilang
pamahalaan na masasalamin
sa kanilang ideolohiyang
"Liberté,Egalité,Fraternité"
na nangangahulugan ng
kalayaan, pagkakapantay-
pantay, at kapatiran.
Pag-ibig sa bansa
Niyayakap din ng mga
Pranses ang
paniniwalang ang
kanilang pangkat ay
nagmula sa lahing
maharlika.

Haring Charles X
Nanungkulan noong 1824 hanggang
1830
Pag-ibig sa bansa
Kinikilala ang
kapangyarihan ng mga
kababaihan, ngunit
umiiral pa rin ang
seksismo (sexist
standards) kung saan
sinasabi pa ring ang mga
lalaki ang siyang angat
sa lipunan.
Pagkain
Mahalaga ang pagkain
sa kultura ng mga
Pranses. Ang mga
pagkain at alak na
inihahain ang
nagbibigay sigla at
kabuluhan sa bawat
okasyon at pagtitipong
nagaganap.
Pagkain
Malalaman din ang antas sa
lipunan ng isang
mamamayan sa
pamamagitan ng kaniyang
kinakain.

 "Sabihin mo ang iyong


pagkain at sasabihin ko
kung sino ka" - malalaman
ang katauhan ng isang tao
sa pamamagitan ng
kaniyang kinakain.
Pananamit
Sa Paris matatagpuan
ang mararaming high-
class fashion houses o
clothing brands na
tampok sa mundo ng
fashion.

 Kilala ang mga Pranses


sa pagiging simple
ngunit elegante sa
pananamit.
Pananamit

• Karamihan sa
kanila’y
sopistikado,
disente at sunod
sa uso na
makikita sa
paraan ng
kanilang
pananamit.
Sining
Hindi maikakailang
malaki ang pagpapahalaga
ng mga Pranses sa sining
dahil sa mayaman nitong
kasaysayan at bahagi ng
kanilang pagkakakilanlan.
Maraming mga simbahan
at pampublikong gusali
ang makikitaan ng mga
disenyong may
impluwensyang Gothic,
Romanesque Rococo at
Neoclassic.
Sining
Ang Louvre Museum
sa Paris ay isa sa
pinakamalaking museo
kung saan nakalagay
ang maraming kilalang
likhang sining, kasama
ang Mona Lisa at Venus
de Milo.
Venus De Milo

Loob ng Louvre
Museum

Mona Lisa ni Leonardo Da


Vinci
Sining
Isang inspirasyon ang
Paris sa maraming
alagad ng sining tulad
ng isang Olandes
(Dutch) na si Vincent
Van Gogh at Espanyol
na si Pablo Picasso.
Pista at Paradiwang
Dahil Katolisismo ang Araw ng Tagumpay –
pangunahing relihiyon ng ipinagdiriwang ang
Pransya ay nagiging alaala ng pagtatapos ng
tradisyon ang Ikalawang Digmaang
pagdiriwang ng Pasko, Pandaigdig sa Europa.
Mahal na Araw at iba
pang pista. Araw ng Bastille –
ginuginita tuwing ika-14
May Day – Araw ng mga ng Hulyo bilang hudyat
Manggagawa tuwing ng makasaysayang
unang araw ng Mayo. rebolusyon ng Pransya.
Pagtatapos
Magpahanggang-ngayon ay tinitingala ang Pransya sa
layo ng naabot nito sa iba’t-ibang aspektong
panlipunan. Malaki ang naitulong ng kanilang
kasaysayan, sining at kultura at pagpapahalagang
panlipunan na naghatid sa kanila sa kaluwalhatiang
kanilang tinatamasa ngayon.

You might also like