You are on page 1of 5

Italy, Spain, Greece, Turkey, Egypt or France

Greece
Kultura – Ang Bansang Gresya o tatawagin lang natin sa kanyang English
name na Greece ay kilala sa kanilang kakaiba na mga kultura’t tradisyon
at ambag sa kasaysayan. Sila ay lubos na kilala sa kanilang mga
paniniwala at pagsamba sa mga diyos at diyosa na hango sa Greek
Mythology na isang mahalagang bahagi sa sinaunang relihiyon ng
Greece.. Ang mga Griyego rin ang mga unang pangkat sa lipunang
naghiwalay sa pag-aaral ng mga kaisipan at relihiyon na tinatawag na
pilosopiya o philosophy sa ingles. Malaki ang naging ambag ng
pilosopiya sa pagbuo ng ating mga lipunan noon at hanggang ngayon.
Isang halimbawa ng pilosopiya tanyag sa kasaysayan ay ang Stoicism na
pangunahing konsepto ay ang pagmamahal sa dignidad, at paggalang
ng damdamin ng ibang tao. Ang Pinakamataas na antas ng sining ng
mga Greek ay ang mga arkitektura kagaya ng mga templo. Layunin
nitong parangalan ang mga Diyos at diyosa. Bukod pa doon, Malaki rin
ang naging kontribusyon ng Greece sa larangan ng matematika, agham,
panitikan, medisina at ang kulturang naiwan nito ay naipamana rin ng
mga lupain sa Hilagang Aprika, sa Gitnang Silangan, at naging basehan
ng kultura ng Europa.
FUNFACT: ANG PALARONG OLIMPIKO (OLYMPIC GAMES) AY NAG-
ORIGINATE SA SINAUNANG GREECE 3000 YEARS AGO AT NIREVIVE
NOONG LATE 19TH CENTURY NA NGAYON AY KILALA BILANG
PINAKATANYAG NA SPORTS COMPETITION
Spain- Sunod naman natin talakayin ang Espanya o sa ingles ay kilala
bilang Spain. Ang kultura ng espanya ay malawak at iba-iba. Ang
kanilang kultura’t tradisyon ay makabuluhang naiiba sa pamana ng
kultura at paniniwala ng ibang mga bansang Europa. Tanyag na
highlight sa kanilang kultura ay ang kanilang pagdiriwang ng iba’t ibang
mga pista. Halimbawa nito ay ang pambansang Araw ng Espanya o
tinatawag nila na (Fiesta Nacional de España) tuwing ika 12 ng oktubre.
Ang kanilang pangunahing relihiyon ay katoliko at ito rin ang
Nangingibabaw na relihiyon sa bansa na nasa higit 69% ng mga
espanyol ang nagsasabing sila’y Katoliko. Ang kanilang relihiyon at
paniniwala ay nagkaroon ng malaking impluwensya sa mga paniniwala,
relihiyon at kulto sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa larangan naman ng
sining, sila’y nag-iwan ng malawak na marka sa kasaysayan ng Sining sa
mundo. Kabilang dito ang mga obra maestra na nilikha ng sikat na artist
na si El Greco. Ang panitikan naman ng espanya ay itinuturing na isang
sanga ng romantikong panitikan at, kasabay nito, isang pauna ng mga
liham na Latin American at naging malaking impluwensiya rin ito sa
panitikang Filipino. Bahagi rin ng kanilang makulay na kultura ang
pagsasagawa ng bullfight kung saan ang mga kalalakihan ay
nakikipagtagisan ng lakas sa toro. Gayundin, ang pagsayaw ng flamenco
FUNFACT: Ang husay sa football ang isa sa ipinagmamalaking larangan
at katangian ng mga taga-espanya.
Italy- Ang bansang Italya o sa ingles ay Italy ay isang bansa na kilala
dahil sa kanilang mga karnabal at malawak na kultura. Ang kanilang
mga karnabal ay tanyag na ipinagdiwag sa lungsod ng Venice. Sikat ang
kanilang mga karnabal sa larangan ng paggawa ng mga mascara na isa
sa pinakatanyag nila na tradiyson at masining na kaugalian. Karaniwang
nagaganap ang kanilang mga karnabal sa panahon kung kailan ang mga
karnabal ay karaniwang ipinagdiriwang sa buong mundo, iyon ay, mga
araw bago ang Kuwaresma. Kilala rin sa buong mundo ang Italya sa
kanilang mga pagkaing italyano. Kabilang na dito ang sikat na sikat na
Pizza at iba’t ibang uri ng pasta katulad ng spaghetti, carbonara, lasagna
at marami pang iba. Sa tradisyunal na musikang Italyano, kilalang kilala
sila mga opera at klasikal na musika sapagkat ang Italya ay naging
duyan ng isang malawak na hanay ng mga artist, kompositor at liriko na
-mang-aawit. karamihan sa mga ito ay naging sanggunian para sa
musika sa buong mundo. Sa paniniwala naman ay Laganap sa Italya ang
relihiyon kristiyano na nasa higit 72% ng populasyon ay kabilang nito.

FUN FACT: NAPAKAMAHAL NG MGA ITALYANO ANG PASTA KUNG SAAN


ITO AY NAGING ISA SA KANILANG PANGUNAHING PAGKAIN SA ARAW-
ARAW.
France- Sunod naman nating paguusapan ang bansang Pranses o sa
ingles ay kilala bilang France. Karamihan sa mga tao ay iniuugnay ang
kultura ng Pranses sa kanyang capital city na ang Paris na isang sentro
ng fashion, sining at arkitektura. Ngunit ang buhay sa labas ng lungsod
ay ibang-iba at talagang nagkakaiba sa bawat rehiyon. Sila ay kilala sa
kanilang sopistikadang mga damit kung saan napakasosyal ng mga
damit nila pero hindi sobra sa dekorasyon. Katoliko ang pangunahing
relihiyon ng France na tinatayang 80% ng populasyon ng France ay
Katoliko. Ang mga taga-France ay naniniwala sa "egalite" na
nangangahulugang pagkakapantay-pantay, at ito'y bahagi sa motto ng
kanilang bansa: "Liberte, Egalite, Fraternite. Sabi pa nga ng karamihan
ay mas pinapahalagahan ng mga taga-france ang pagkapantay-pantay
kaysa kalayaan at pagkakapatiran, ang dalawa ibang salita na kabilang
sa kanilang motto. Ang sining ng France ay makikita sa lahat ng sulok ng
bansa at ang impluwensiyang Gothic, Romanesque Rococo at
Neoclassic ay makikita sa maraming simbahan at iba pang
pampublikong gusali. Marami sa mga kilalang artist ng kasaysayan,
kabilang ang Espanyol na si Pablo Picasso at Dutch-born Vincent van
Gogh ay naghanap ng inspirasyon sa Paris, at sila rin ang nagpasimuno
ng impressionism movement. Matatagpuan sa Paris, France ang Louvre
Museum na ang tahanan ng maraming mga kilalang “works” sa
larangan ng sining kagaya ng Mona Lisa. Sa pagkain naman ang France
ay palaging may tinapay sa bawat oras ng pagkain, at karaniwan nang
makakita ng mahaba, crusty baguettes na iniuuwi sa bahay..

FUNFACT: TINATAWAG NA RHINELAND ANG FRANCE NOONG


PANAHON NG IRON AGE AT GAUL NAMAN NOONG PANAHON NG
ROMAN ERA.
Turkey- Panghuli nating talakayin ang bansang Turkey. May sariling
kultura at trandisyon ang mga taga-turkey na sa katunayan ay
napakayaman ng kanilang kultura. Kung ipagkumpara natin sila sa
kanyang kapwa na mga meditarranean na mga bansa, talagang naiiba
ang turkey sa kanilang mga kultura’t tradisyon. Sa paninwala or
relihiyon palang nila, halos 99.8% sa kanilang populasyon ay mga
Muslim kumpara sa ibang mga meditarranean countries na katoliko ang
karamihan. Ang mga karpet at basahan ay isang mahalagang bahagi ng
kulturang Turko. Sinasalamin ng mga Turko ang kanilang sariling
pamumuhay, damdamin, at mga saloobin sa pamamagitan ng paggamit
ng mga karpet at basahan. Sa kanilang kultura, kinakailangan na
isaalang-alang ang mga karpet at basahan bilang mga likhang sining
kaysa sa mga item. Parte rin ng tradisyon ng bansa ang Turkish tea. Ito
ay tradisyon ng Turkey na may kaugnayan sa pagkakaroon ng mabuting
pakikitungo sa kapwa. Tradisyonal ang pag-alok ng tasa ng Turkish tea
bilang simbolo ng pagsalubong.

FUNFACT: Normal lamang sa tradisyon ng Turkey ang pag-aasawa nang


maaga.

You might also like