You are on page 1of 18

Basahin at Pag-isipan:

A. Si Rosa Parks ay matapang.


B. Nilabanan ni Rosa Parks ang
diskriminasyon at nagtagumpay siya.
C. Hindi ka magdurusa sa diskriminasyon
kung lalaban ka.
D. Nag-aaral ka at naghahanda ka ring
mabuti kapag napakahalaga ng iyong
gagawin.
Mga Tanong:
1. Ilang kaisipan ang ipinahayag ng
pangungusap A?
2. Ilang kaisipan ang ipinahayag ng
kaisipan B?
3. Ilan ang buo at di buong kaisi-pang
mayroon ang mga pangungusap B,
C, at D?
URI NG
PANGUNGUSAP
AYON SA
KAYARIAN O
PAGKAKABUO
1. Payak - pangungusap na
iisang diwa lang ang
tinatalakay. Ito ay maaring
may payak o tambalang
simuno at panaguri.
Halimbawa:
-Si Nelson Mandela ay lumaban
din sa diskriminasyon.
2. Tambalan - pangungusap na nagta-
taglay ng dalawang kaisipan o sugnay
na makapag-iisa o higit pa.
Ginagami-tan ito ng pangatnig na
magkatim-bang gaya ng at, pati, o, ni,
maging, saka, ngunit, habang, subalit
Sugnay- lipon ng mga salita na may
simuno at panguri.
2 uri ng Sugnay
a. Sugnay na makapag-iisa
(Punong Sugnay) –
nauunawaang ganap o buong
kaisipan
b. Sugnay na di-makapag-iisa
(Pantulong na sugnay) – kulang
ang kaisipan.
Halimbawa:
- Tutularan mo ba sina
Nelson at Rosa o magdurusa
ka na lamang habambuhay?
- Ihain na ang pansit saka
dalhin mo na rito ang
halaya.
3. Hugnayan – pangungusap na
binu-buo ng isang sugnay na
makapag-iisa at sugnay na di
makapag-iisa. Pinag-uugnay ito
ng mga pangatnig na kung, nang,
upang, dahil, sapagkat, habang,
bago, kapag ,kasi, kaya, para at
iba pa. Makikita rito ang
ugnayang sanhi at bunga.
Halimbawa:
- Nanalo si Nelson Mandela nang
tumakbo siya sa pagkapangulo.
- Kinuha niya ang mga plato
upang hugasan ang mga ito.
- Habang pinalalamig ang leche
flan, ihanda na ninyo ang
plato.
4. Langkapan – pangungusap na
binu-buo ng dalawang o higit pang
sugnay na makapag-iisa at isa o
higit pang sugnay na di makapag-
iisa.
Halimbawa:
- Si Nelson Mandela ay tumakbo sa
pagkapangulo at nanalo siya nang
suportahan ng kanyang mga kalahi.
- Hugasan mo na ang bigas at
isalang mo na ito, bago ka
manood ng telebisyon.

- Kung papasok ka ngayon,


maligo ka na at magbihis ng
malinis na damit.
Paglalapat: Suriin ang kaisipan
ng bawat pangungusap at isulat
ang uri nito.
__1. Si Nelson Mandela ay isang
South African.
__2. Si Mandela ay matapang
na lumaban sa diskriminasyon.
__3. Ang South Africa ay dating sakop
ng mga Dutch at ang umiiral na batas
doon ay pumapabor sa mga Putting
mananakop.
__4. Ang Apartheid ay isang polisiya
laban sa pagkakapantay-pantay o ito
ay isang sistemang legal ang racial
segregation dahil ipinatutupad dito
ang pagpabor sa mga Puti kaysa mga
itim.
__5. Iginiit ni Mandela sa
gobyerno na maging pantay ang
pagtingin sa bawat Aprikano
upang maging patas ang tingin
ng batas sa lahat.
Unawain ang pangungusap at isulat
ang uri ng pangungusap ayon sa
kayarian.
__1. Humanga ako sa tapang at
galing ni Mandela.
__2. Pinagkalooban si Mandela ng
Nobel Peace Prize dahil sa kanyang
paglaban sa diskriminasyon.
__3. Ito ay tinatawag na Apartheid.
__4. Naging pangulo si
Mandela at namuno siya nang
patas sa mga Itim at Puti
upang maging makatarungan
siya sa lahat.
__5. Nakulong si Mandela at
nakalaya siya pagkatapos ng
mahabang panahon.
Isulat ang uri ng pangungusap
ayon sa kayarian.
__1. Nagbungkal ng lupa at
nagtanim sina tatay at nanay.
__2. Ang tatay ay nagtatanim
habang ang nanay ay nagluluto.
__3. Kapag naaalagaan ang mga
tanim, ito’y yayabong.
__4. Ikaw ang sasalok ng tubig at
ako ang magdidilig.
__5. Ang mga mag-aaral ng
Pamplona Sentral ay nagsanay at
sila’y nagwagi sa MTAP nang
maungusan ang ibang paaralan.
__6. Mag-aral nang mabuti
sapagkat ikauunlad mo ito.

You might also like