You are on page 1of 18

Basahin at Pag-isipan:

A. Si Rosa Parks ay matapang.


B. Nilabanan ni Rosa Parks ang
diskriminasyon at nagtagumpay
siya.
C. Hindi ka magdurusa sa
diskriminasyon kung lalaban ka.
D. Nag-aaral ka at naghahanda ka ring
mabuti kapag napakahalaga ng
iyong gagawin.
Mga Tanong:
1. Ilang kaisipan ang ipinahayag
ng pangungusap A?
2. Ilang kaisipan ang ipinahayag
ng kaisipan B?
3. Ilan ang buo at di buong kaisi-
pang mayroon ang mga
pangungusap B, C, at D?
URI NG
PANGUNGUSAP
AYON SA
KAYARIAN O
PAGKAKABUO
1. Payak - pangungusap na iisang
diwa lang ang tinataakay. Ito ay
maaring may payak o tambalang
simuno at panaguri.
Halimbawa:
-Si Nelson Mandela ay lumaban din sa
diskriminasyon.
2. Tambalan - pangungusap na nagta-
taglay ng dalawang kaisipan o sugnay
na makapag-iisa o higit pa. Ginagami-
tan ito ng pangatnig na magkatim-
bang gaya ng at, pati, o, ni, maging,
saka, ngunit, habang, subalit
Sugnay- lipon ng mga salita na may
simuno at panguri.
2 uri ng Sugnay
a. Sugnay na makapag-iisa (Punong
Sugnay) – nauunawaang ganap o
buong kaisipan
b. Sugnay na di-makapag-iisa
(Pantulong na sugnay) – kulang
ang kaisipan.
Halimbawa:
- Tutularan mo ba sina Nelson at
Rosa o magdurusa ka na lamang
habambuhay.
- Ihain na ang pansit saka dalhin mo
na rito ang halaya.
3. Hugnayan – pangungusap na binu-
buo ng isang sugnay na makapag-iisa
at sugnay na di makapag-iisa. Pinag-
uugnay ito ng mga pangatnig na kung,
nang, upang, dahil, sapagkat, habang,
bago, kapag ,kasi, kaya, para at iba
pa. Makikita rito ang ugnayang sanhi
at bunga.
Halimbawa:
- Nanalo si Nelson Mandela nang
tumakbo siya sa pagkapangulo.
- Kinuha niya ang mga plato upang
hugasan ang mga ito.
- Habang pinalalamig ang leche flan,
ihanda na ninyo ang plato.
4. Langkapan – pangungusap na binu-
buo ng dalawang o higit pang sugnay
na makapag-iisa at isa o higit pang
sugnay na di makapag-iisa.
Halimbawa:
- Si Nelson Mandela ay tumakbo sa
pagkapangulo at nanalo siya nang
suportahan ng kanyang mga kalahi.
- Hugasan mo na ang bigas at isalang
mo na ito, bago ka manood ng
telebisyon.

- Kung papasok ka ngayon, maligo ka


na at magbihis ng malinis na damit.
Paglalapat: Suriin ang kaisipan ng
bawat pangungusap at isulat ang uri
nito.
__1. Si Nelson Mandela ay isang South
African.
__2. Si Mandela ay matapang na
lumaban sa diskriminasyon.
__3. Ang South Africa ay dating sakop ng
mga Dutch at ang umiiral na batas doon
ay pumapabor sa mga Putting mananakop.
__4. Ang Apartheid ay isang polisiya laban
sa pagkakapantay-pantay o ito ay isang
sistemang legal ang racial segregation
dahil ipinatutupad dito ang pagpabor sa
mga Puti kaysa mga itim.
__5. Iginiit ni Mandela sa gobyerno na
maging pantay ang pagtingin sa bawat
Aprikano upang maging patas ang tingin
ng batas sa lahat.
Unawain ang pangungusap at isulat ang
uri ng pangungusap ayon sa kayarian.
__1. Humanga ako sa tapang at galing ni
Mandela.
__2. Pinagkalooban si Mandela ng Nobel
Peace Prize dahil sa kanyang paglaban sa
diskriminasyon.
__3. Ito ay tinatawag na Apartheid.
__4. Naging pangulo si Mandela at
namuno siya nang patas sa mga Itim
at Puti upang maging makatarungan
siya sa lahat.
__5. Nakulong si Mandela at nakalaya
siya pagkatapos ng mahabang
panahon.
Isulat ang uri ng pangungusap ayon sa
kayarian.
__1. Nagbungkal ng lupa at nagtanim sina
tatay at nanay.
__2. Ang tatay ay nagtatanim habang ang
nanay ay nagluluto.
__3. Kapag naaalagaan ang mga tanim,
ito’y yayabong.
__4. Ikaw ang sasalok ng tubig at ako ang
magdidilig.
__5. Ang mga mag-aaral ng Pamplona
Sentral ay nagsanay at sila’y nagwagi sa
MTAP nang maungusan ang ibang
paaralan.
__6. Mag-aral nang mabuti sapagkat
ikauunlad mo ito.

You might also like