You are on page 1of 4

Pangungusap ayon sa kayarian

1.Payak-ito ang pangungusap na may iisang paksang pinag uusapan na kumakatawansa ibat ibang
anyo.Bagamat payak may inihahatid itong mensahe.

Mga anyo ng payak na pangungusap:

a.PS-PP

-payak na simuno at payak n panag uri.

Halimbawa:

Masipag na mag aaral si Jose.

Matalinong bata si Ruby.

b.PS-TP

-Payak na simuno at tambalang panag uri.

Halimbawa:

Matalino at masipag na mag aaral si Jose.

Mabait at mapagkakatiwalaan ang kaibign ko.


C.TS-PP

-tambalang simuno at panag uri.

Halimbawa:

Kapwa matulungin sina Jun at Lito.

Ang katarukan at kalinisn ng loob ay kailangn ninuman.

d.TS-TP

-tambalang simuno at tambalang panag uri.

Halimbawa:

Mapagkndili at maalalahanin sina mama at papa.

Sina pangulong Arroyo at Estrada ay mga haligi ng bansa at mga magulang ng bayan.

2.Tambalan
-ito ay pangungusap na may dalawang kaisipan na pinag uugnay o pinagdudugtong sa tulong ng
pangatnig.

Halimbawa:

Si Luis ay mahilig mang asar samantalang si Loreng ay mapagmahal.

Unang kaisipan-Si Luis ay mahilig mng asar.

Ikalawang kaisipan-Si Loreng ay mapagmahal.

Pangatnig-samantalang

3.Hugnayan

-ito aypangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag iisaat sugnay na di makapg iisa.An
diwa ng dalawang sugnay ay magkarugtong at pinag uugnay o pinagsama sama ng pangatnig.

Halimbawa:

Di malayong umunlad ang Pilipinas kung ang mga mamamaayan ay magtutulong tulong.

Sugnay na makapag iisa-Di malayong umunlad ang Pilipinas.

Sugnay na di makapag iisa-kung ang mamamayan ay magtutulong tulong.


Pangatnig-kung

4.Langkapan

-ito ay pangungusap na binubuo ng isa o mahigit pang sugnay na makapag iisa o sugnay na di makapag
iisa.

Halimbawa:

Makapapasa talaga siya at makataatamo ng diploma kung magsisipag sa pag aaral at magtitiis ng hirap.

-Ang 2 sugnay na makapag iisa-Makapapasa talaga siya at makatatamo ng diploma.

-Ang 2 sugnay na di makapag iisa-Kung magsisipag sa pag aaral at magtitiis ng hirap.

You might also like