You are on page 1of 2

Kabanata 29 – Ang Huling Salita Tungkol kay Kapitan Tiago

Mga Pangunahing Tauhan:

Padre Irene – Siya ay isang paring Kanonigo na nangasiwa o tagapangasiwa at tagapagtupad ng


mga huling habilin ni Kapitan Tiago. Siya ang nagpasyang ang lumang ang lumang kasuotan ang
ibihis sa labi ng namayapang si Kapitan Tiago na nagtiwala sa kanyang pangangasiwa. Dahil
para sa kanya, hindi raw mahalaga ang kasuotan sa pag-akyat sa langit.

Mga mongha – Sila ang nagsabi na nakita nila ang kaluuwa ni Kapitan Tiago na nakasuot ng
prak. Nagpakita raw ang kaluluwa nito na naliligo sa liwanag at sinasabing iniligtas daw si
Kapitan Tiago ng Diyos.

Donya Patrocinio - Siya ang dating katunggali ni Kapitan Tiago sa pagkamasimbahin. Ninasa
rin niyang mamatay upang makaranas ang pagkakaroon ng napakaringal na exequias.

Don Primitivo – Siya ay isang pilosopo, na naniniwalang pareho sina San Pedro at Kapitan
Tiago ang mananalo sa sabong na magaganap raw sa langit.

Martin Aristorenas – Siya ay sumalungat sa teorya ni Don Primitivo. Ayon sa kanya may
mananalo at matatalo sa pagsasabong na mangyayari sa langit.

Kapitan Tinong – Siya ang nagalok na gamitin ang damit na bigay ng isang prayle na siyang
nagbigay ng damit nito sa kanya matpos niya itong bigyan ng tatlumpu’t anim na piso. Ayon sa
kanya, maisasalba nito ang kaluluwa ng namayapa na si Kapitan Santiago sa apoy ng impyerno.

Mahalagang Kaisipan o Tema:

“Hindi binabase sa kasuotan ang pagpasok o pagtungo sa langit, simple at kung may magandang
kalooban ka ay sapat na para ikaw ay mapatungo sa langit at maisalba ang kaluluwa ng
namayapa sa apoy ng impyerno.”

Mahalagang Pangyayari:

Maganda ang naging wakas ni Kapitan Tiago, nagkaroon siya ng napakarangal na libing
na mahirap mapantayan.Si Padre Irene ay siyang hinirang ni kapitan Tiago na tagapangasiwa at
tagapagtupad ng kanyang huling habilin. Iniwan ni Kapitan Tiago ang kanyang mga ari-arian sa
kumbento ng Santa Clara, Papa, sa arsobispo, sa korporasyong ng mga pari. Naglaan rin siya ng
dalawampung piso para sa matrikula ng mga mag-aaral na mahirap. Ang dalawampu’t limang
piso na sana ay ipapamana kay Basilio ay binawi ni Kapitan Tiago dahil sa kawalan ng utang na
loob nito sa kanya noong mga huling ara niya.

Nang magtipon-tipon sa bahay ng namatay na si Kapitan Tiago ang kanyang mga


kaibigan ay pinag-uusapan nila ang isang himala, himala na ayon sa mga mongha ay nagpakita
ang kaluluwa ni Kapitan Tiago na naliligo sa liwanag dahil ito ay iniligtas ng Diyos. Inilarawan
si Kapitan Tiago ay nakasuot ng prak, ang pisngi niya’y maumbok dahil sa hitso, ang kuwakong
may panghithit sa apyan at ang manok na sasabungin ay hindi nalimutan. Ang mga kasama ni
Kapitan Tiago sa sabungan na naroon ay nagkaroon ng usapan kung hahamunin ba ni Kapitan
Tiago si San Pedro ng sabung sa manok doon sa langit. Ang sabi ni Don Primitivo ay,
naniniwala siya na parehong mananalo ang dalawa sa sabungan ngunit iba naman ang sabi ng
kasama nito sa sabung na si Martin Aristorenas, ayon sa kanya meron talagang mananalo at
mering matatalo sa sabungan. Sa ibang banda naman ng tahanan ay iba ang usapan, doon
pinagtatalunan kung ano ang susuotin ni kapitan Tiago. Iprinisinta ni Kapitan Tinong ang isang
luma, sira-sira at tagpi-tagpi na damit na bigay sa kanya ng isang prayle matapos niya itong
bigyan ng tatlumpu’t anim na piso, ayon kasi sa prayle ay maisasalba nito ang kaluluwa ng
namatay mula sa apoy ng impyerno. Ngunit tumutol ang isang satre na minsan na naging suki si
Kapitan Tiago, ayon sa kanya dapat ang isusuot ng namayapa ay ang prak, sapagkat ito ang suot
nito ng magpakita sa mga mongha. Sa huli ang desisyon ni Padre irene ang nasunod, ipapasuot
ay ang lumang damit ni Kapitang Tiago.

Tatlong pari ang nagmisa, isang marangal na libing ang nangyari. Napahanga ang lahat sa
libing ni kapitan tiago na pati si Donya Patrocinio ay tila gusto na ring mamatay upang
maranasan lamang ang ganoong karringal na exequias.

You might also like