You are on page 1of 2

THE OLD MAN AND THE SEA SUMMARY

Slide 34
Nang sumikat ang araw, nangyari naman ang pinakahihintay na sandali ni Santiago.
Nagsimula nang lumigid ang malaking isda sa kanyang bangka. Sa simula ay mabagal
lamang ang pagligid nito at malawak ang kanyang ikot.

Slide 35
Sa loob ng ilang oras ay ginamit ng matanda ang kanyang lakas upang hilahin papalapit
sa kanyang bangka ang lumiligid na isda at sa labis na pagod ay ilang beses siyang
nakaramdam na tila siya ay mawawalan ng malay.

Slide 36
Makalipas ang ilang ulit na paghila ng matanda sa isda ay nagawa niya itong mailapit
sa kanyang bangka at nang makahanap ng tyempo sa wakas ay matagumpay itong
nasibat.

Slide 37
Dahil higit na malaki ang isda kumpara sa kanyang bangka, itinali na lamang ito ni
Santiago sa gilid ng bangka at saka naglayag pabalik sa baybayin.

Slide 38
Ilang oras matapos ng kanyang matinding pakikipagbakbakan sa malaking isda ay
panibagong unos naman ang dumating. Namataan niya ang isang pating na umaaligid
sa kanyang bangka.

Slide 39
Dahil mapagsamantala at duhapang ang pating, nasakmal agad nito ang halos
apatnapung libra ng pinaghirapang isda ni Santiago. Mabuti na lamang at nasibat agad
ni Santiago ang pating bago pa man nito tuluyang maubos ang isda. Batid niyang
aalingasaw ang amoy ng dugo ng isda na siyang maka-aakit sa iba mga mandaragit na
matalas ang pang-amoy.

Slide 40
Hindi nga nagtagal ay nangyari ang kanyang pangamba dahil makalipas lamang ang
dalawang oras ay panibagong pares naman ng mga pating ang namataan niyang
umaaligid sa kanyang bangka. Matagmupay niyang napaslang ang mga ito subalit
nawasak naman ang talim ng kanyang sandata at muli ay nasakmal ang kanyang isda.
Dito unti-unting napaisip si Santiago na sana ay hindi na lamang siya naglayag nang
ganun kalayo, na sana ay hindi na lamang niya hinuli ang isda, na sana ay panaginip na
lamang ang kanyang mga nararanasan. Subalit pinanghahawakan niya ang
paniniwalang ang isang tao ay hindi nilalang para sa pagkatalo, maaaring masaktan o
masira pero hindi matatalo.

Slide 41
Bago sumapit ang dilim ay mayroon na namang panibagong pares ng mga pating na
umaaligid sa kanyang bangka. Dahil wala na ang talim ng kanyang sibat, nang
makalapit ang mga pating ay binugbog na lamang ito ni Santiago ng hampas gamit ang
kabilang dulo ng kanyang sibat hanggang sa sila ay sumuko, dagdag pa na wala na rin
namang natitira sa nahuling isda kundi ang ulo at tinik nito.

Slide 42
Ang tila walang katapusang pakikipagbakbakan sa mga pating ay natapos din sa wakas
kaya naglayag na siya pabalik sa baybayin. Marahil ay dala na rin ng
pinagsama-samang pagod, gutom, at puyat, sa kanyang pagmumuni-muni ay sinisi ni
Santiago ang kanyang sarili, dahil masyadong malayo ang ginawa niyang pagpalaot
para mangisda.

Slide 43
Nang makarating sa kanyang tahanan, siya ay sumalampak sa kanyang higaan at
natulog. Sa kabilang banda naman ay namamangha ang mga tao na nakasaksi sa mga
labi ng isdang nabingwit ni Santiago. Sinukat nila ang haba nito at lumalabas na ito ay
nasa labingwalong talampakan.

Slide 44
Nang magising si Santiago ay natagpuan niya si Manolin at saka nagbahagi ng
kanyang sinapit. Sinabi naman sa kanya ng bata na siya ay magpahinga na lamang
muna at panatilihin niyang malusog ang kanyang katawan para sa mga darating pang
araw na mangingisda sila nang magkasama. Makalipas ang ilang sandali, muli ngang
natulog si Santiago, at sa kanyang panaginip ay naroon muli ang mga leon.

Slide 45
At dito nagtatapos ang kwentong “The Old Man and The Sea”.

You might also like