You are on page 1of 3

El Filibusterismo/Kabanata 29 : Ang Huling

Pati-ukol kay Kapitan Tiyago


< El Filibusterismo

Jump to navigationJump to search

Buod[baguhin]
Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre Irene ang hinirang na tagapamahala at
tagapagpatupad ng testamento ng kapitan. Paghahati-hatiin ang kanyang kayaman sa Sta. Clara, sa
Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. P20.00 ay itinira para pangmatrikula ng mga estudyanteng
mahihirap. Iminungkahi ito ni Padre Irene para masabing tagatangkilik siya ng mga estudyante.
Inalis ni Kapitan Tiyago ang P25.00 pamana kay Basilio dahil sa kawalang-utang na loob ngunit
isinauli ni Padre Irene at siya raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa.

Nang nakaburol si Kapitan Tiyago ay marami ang usap-usapan ukol sa kanya. Nakita raw ng mga
mongha ang nagliliwag na kaluluwa ni Kapitan Tiyago. Iyon daw ang utang sa maraming pamisang
nagawa ni Kapitan.

Naisip ng sakristan na ipanabing ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago ay may hawak pang mangkok ng
taho. May nangaghaka namang hamunin ni Kapitan Tiyago ng sabong si San Pedro. Pero paano
magkakamatayan o magkakatalo mag manok na kaluluwa? Ayon kay Pilosopo Primitivo, di
magkakatalo sagka’t ang pagkatalo’y kaugnay ng sama ng loob ay walang puwang sa langit.

Hinandugan ni Quiroga ng isang tabako si Don Primitivo. Saka nagtanong nang malumanay: Sigulo
puede de contalata aliedo galela con kilisto, a? Cuando muele, mia contalista, ja? May nagtalo sa
damit na isusuot kay Kapitan Tiyago. Abito? Mayroon nito si Kapitan Tinong. Lumang-luma at
binayaran niya ng P36.00. Ipagkakaloob niya ito sa mahal na kaibigan. Tumutol ang sastre.Prak
daw ang kailangan nakaprak ang kaluluwang nakita ng mga mongha. May yari na ang sastre na
P32.00 ang halaga, dahil suki niya ang namatay. Lumang damit ang ipinasuot ni Padre Irene. Hindi
raw mahalaga sa langit ang damit.

Tatlong prayle ang dapit sa libing ni Kapitan. Maraming kamanyang nang sinunog at gayundin ang
iwinisik na agua bendita.

Si Donya Patrocinio na matandang kaagaw ni Kapitan Tiyago sa pagpapataasan ng ihi sa


pagkabanal ay nagnais mamatay na kinabukasan upang malibing siya ng lalong dakila at kahanga-
hanga.
Kabanata 29 Noli Me Tangrere

“ Mga Huling salita tungkol kay Kapitan Tiyago”

Buod

Maringal ang paghahanda sa kamatayan ni Kapitan Yiyago hindi ito mapapatayan katangi-tangi at
kahanga-hanga sa garbo. At pinaalala nng kura kay Padre Irene na hindi man lamang nakapag kumpisal
si Kapitan Tiyago bago ito malagutan ng hininga, Sinabi nito na hindi naman daw yata marapat na
ipagkait kay kapitan Tiyago ang bindisyon at misa, dapagkat ito daw naman ay lagi ng bukas ang palad sa
simbahan at sa anumang pag-aabuluyan noong ito ay nabubuhay pa.

Ang tagapangasiwa ng kayamanan ni kapitan Tiyago.

Si Padre Irene ang naging tagapangasiwa sa mga kayamanan ni Kapitan Tiyago, ayon sa mga
testamentong pinanghahawakan ng dominiko ay ang malaking kayamanan ni kapitan Tiyago ay
mapupunta sa kumbento ng santa Clara. Tig-iisang parte ay mauuwi sa Santo Papa, arsobispo at sa
korporasyon ng mga kura. Binigyan niya ng tigdadalawang piso ang mahihirap subalit pala-aral na mga
bata, at Bilang Benggansa ipinababawi niya ang dalawang pisong sanay ipamamana sa kinupkop niyang
si Basilio, sapagkat sumapi ito sa mga kabataan may rebuulusyong nayon,, sapagkat naawa din naman
daw si Padre Irene nagdisisyon ito na kukunin na lang daw niya ito sa sarili niyang bulsa.

Ang isusuuot ni Kapitan Tiyago sa kanyang burol

Ayon sa kay Kapitan Tinong ay ipagamit dito ang abitong nasa baul niya sapagkat ito raw ay gantimpala
sa kanyan noong siya ay mag aubuloy ng 36 piso sa mga pransiskano, Pero ayon naman sa isa ay Prak
daw ang dapat isuot ni Kapitan tiyago sapagkat prak ang suot nito noon magpakita sa beatro at lagi din
daw itong nakasuot ng prak noong nabubuhay pa sa tuwing may pupuntahan mahalagang pagdiriwang,
ngunit ayon kay Padre Irene ay lumang damit ang isusuot nito sapagkat, sa pagharap daw sa panginoon
ay hindi mahalaga kung anong damit ang suot titinandaw ng panginoon ay kung ano ang mga nagawa
mo noong nabubuhay kappa. Samantalang ang burol ni Kapitan tiyago ay kinaiingitang maigi Donya
Patrocino ang kalabang mortal ni kapitan Tiyago sa pagiging relihiyoso, nais na din daw niyang mamatay
para malampasan niya ang garbo ng burol ni kapitan Tiyago.

You might also like