You are on page 1of 2

KABANATA 29

“MGA HULING SALITA TUNGKOL KAY KAPITAN TIYAGO”

Mga Tauhan

 Kapitan Tiyago - namatay dahil sa paghitit niya ng opyo upang malimutan ang kanyang mga problema
 Padre Irene – hinirang na tagapamahala at tagapagpatupad ng testamento ng kapitan
 Donya Patrocinio – matandang kaagaw ng kapitan sa pagpapataasan ng ihi sa pagkabanal
 Don Primitivo – naniniwalang pareho sila San Pedro at Kapitan Tiyago ang mananalo sa pagsabong sa
langit
 Martin Aristorenas – ang sumalungat sa teorya ni Don Primitivo. Para sa kanya mayroon talagang
mananalo at matatalo
 Kapitan Tinong – nagprisintang ihandog ang gulanit nang damit- Pransiskano

Tagpuan

Tahanan ni Kapitan Tiyago

Kaisipan/Paliwanag

Ang huling habilin ay nabago na ayon sa nais ni Padre Irene

Buod

Pinamahalaan ni Padre Irene ang mga pamana ni Kapitan Tiyago. Mapupunta sa Santa Clara, Papa,
Arsobispo at mga Orden. Ang dalawampung piso ay sa matrikula ng mga dukhang mag-aaral. Ang
dalawapu’t limang piso ay ibinalik kay Basilio. Napag-usapan din kung magsasabong si Kapitan Tiyago at
San Pedro, sino ang mananlo.

Suliranin

Pinagtatalunan nila kung ano ang damit ang susuotin ni Kapitan Tiyago.

Tunggalian

Iprinisinta ni Kapitan Tiyago ang kanyang sira sira ng damit- Pransiskano na nabili niya sa isang
prayle sa halagang tatlumpu’t anim na piso. Handa raw niya itong ibigay sa kaibigang sa ni minsan ay hidi
niya nadalaw noong nabubuhay pa.

Ngunit tumutol ang sastre at dapat prak ang ipapasuot dahil ito ang suot ng kapitan ng magpakita
sa mga mongha at ito ay laging nakaprak kapag dumadalo noong araw sa mga pagtitipon. Nagprisinta pa
ang suki ntong manahi na hindi sisingilin nang mahal kapag sa kanya ipinagawa ang ipapabaong damit.
Kasukdulan

Nagpakita ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago. Dala ng mamatay ang kanyang sasabunging manok, ang
pisngi ay nananambok sa nganga at nasa bibig ang kanyang opyo. Ang mga kasama ni Kapitan Tiyago sa
sabungan na naroon ay pinag-usapan kung hahamunin ba kaya ni Kapitan Tiyago si San Pedro ata
pagsabungin ang kanilang manok sa langit.

Ngunit sabi ni Don Primitivo, naniniwala siyang pareho silang mananalo sa pagsasabong.
Sumalungat naman si Martin Aristorenas sa teorya ni Don Primitivo. Para sa kanya, meron talagang
mananalo at matatalo.

Kakalasan

Tatlong pari ang nagmisa. Marangal ang libing at nagkaroon pa ng mga response sa bahay at sa
daan patungo sa libingan. Ginanap ang lahat ng seremonyas. Maraming kamanyang ang sinunog at biru-
birong agua bendita ang ipandilig sa kabaong. Hindi rin mabilang ang mga awiting latin tungkol sa patay
ang inawit. Marami rin ang sumakit ang ulo sa katutugtog ng plegarya.

Ngunit, sa bandang huli si Padre Irene parin ang nasunod. Isang lumang damit na lamang ng
matanda ang ipinasuot nito.

Wakas

Ano pa at humanga ang lahat sa libing ni kapitan Tiyago. Ang kalaban naman ng kapitan sa
pagkamasimbahin noon na si Donya Patrocinio ay inggit na inggit sa libing ni kapitan Tiyago at tila
nagnanais na mamatay na rin at magkaroon ng libing na higit pa sa naging libing para kay Kapitan Tiyago.

Pahiwatig

Lubos ang paniniwala ng mga tao noon sa mga himala; isa sa mga bagay na idiniin sa isipan ng mga
nananampalataya.

Aral

Masama ang maging makasarili

Reaksiyon

Mali ang ginawa ni Padre Irene na tipirin ang pagpapalibing upang huwag lamang mabawasan an
kanyang parte.

DESIREES. TABLAC
X-EINSTEIN

You might also like