You are on page 1of 4

Kabanata 29

“Ang Pati-Ukol Kay Kapitan Tiyago”


Abala ang marami sa gaganaping marangyang libingan ni
Kapitan Tiyago, napunta ang naiwang kayamanan sa Sta.
Clara, sa Papa, at sa mga pari. Ang dalawampung pisong
natira ay ibinahagi bilang pangmatrikula ng mga mag-
aaral. Hindi nalaman noong una kung ano ang isusuot na
damit ni Tiago sa kanyang libing, may nagmungkahi na
isang damit-Pransiskano at mayroon naman nagsabing
isang prak na paboritong kasuotan ng Kapitan pero
nagpasya si Padre Irene na isang lumang damit na lang ang
isusuot
Marangya ang libing na paraming padasal at paawit,
marami ding kamanyan at agua bendita na inialay sa
kabaong. Ang katunggali naman niya na si Donya
Patrocinio ay inggit na inggit sa libing ni Tiago at nais na
ring mamatay upang mailibing rin nang marangya.
Mayroon ding mga usaping nagpapakita ang kaluluwa niya
na bitbit ang kaniyang panabong na manok habang puno
ang bibig ng nganga, sabi tuloy ng iba na hahamunin ni
Tiyago si San Pedro ng sabong sa langit.

You might also like