You are on page 1of 10

EL

FILIBUSTERISMO
PRESENTED BY:
Rey Alrin R. Nacaya
Grade 10 Leo
Mga Tauhan:

Kapitan Tiago Padre Irene Donya Patrocinio


Talasalitaan:
Apyan – sigarilyo
Budhi – kalooban
Dayukdok – gutom na gutom
Hitso – nganga
Kuwakong – pinaglalagyan ng tabako
Maringal – marangya
Prak – barong Tagalog
Pinawalang-bisa – binalewala
Sumakabilang-buhay - namatay
KABANATA 29:
Ang Huling Pati-Ukol Kay Kapitan Tiyago
Abala ang marami sa gaganaping
marangyang libing ni Kapitan Tiago.
Napunta ang naiwan niyang kayamanan
sa Sta. Clara, sa Papa, at sa mga pari.
Ang dalawampung pisong natira ay
ibinahagi bilang pangmatrikula ng mga
mag-aaral..
Hindi malaman noong una kung ano ang
damit na isusuot ni Tiago sa kaniyang
libing. May nagmungkahi na isang damit-
Pransiskano, at mayroong nagsabing isang
prak na paborito ng Kapitan. Ngunit
nagpasya si Padre Irene na isang lumang
damit na lang ang isusuot.
May mga usapang ding nagpapakita
ang kaluluwa ni Tiago bitbit ang
kaniyang panabong na manok
habang puno ang bibig ng nganga.
Sinabi tuloy ng iba na hahamunin
ni Tiago ng sabong si San Pedro sa
langit.
Marangya ang libing na maraming
padasal at paawit. Marami ding
kamanyan at agua bendita na inialay sa
kabaong. Ang katunggali naman ni Tiago
na si Donya Patrocinio ay inggit na inggit
sa libing ni Tiago at nais na ring mamatay
upang mailibing rin nang marangya.
Aral sa kabanata 29:
■ Kung ano ang kabutihang itinanim ay siya
ring aanihin. Dahil naging mabuting tao si
Tiago, naging maganda rin ang pag-alala ng
mga tao sa kaniya hanggang sa huling
sandali.

You might also like