You are on page 1of 1

Kabanata 29

Ang Huling Salita Tungkol kay Kapitan Tiago

Nang sumakabilang buhay si Kapitan Tiago ay maraming naging usap-usapan tungkol sa kanya, ang
gawaing pamisa sa kanya, paboritong pagkain, bisyo at hanggang kung ano ang isusuot o idadamit sa
kanya. Dahil si Padre Irene ang tagapangasiwa at tagapagpatupad ng huling habilin ng namayapang si
Kapitan Tiago, hindi nasunod ang mga suhestiyon ng iba kung ano ang ipasusuot sa namatay. Siya ang
nagpasiyang ang lumang kasuotan ang ibihis sa labi ng mayamang nakahimlay na nagtiwala sa kanyang
pangangasiwa. Hindi raw mahalaga ang kasuotan pag-akyat sa langit. Hindi nasunod lahat ang huling
habilin ng kapitan lalo na ang para sa nag-aruga sa namatay na si Basilio. Nasaksihan ang pinakamaringal
na libing sa kasaysayan ng lungsod kaya maging ang kaniyang karibal ay nagnais na ring mamatay
kanabukasan upang magkaroon din ng gaanong karingal na libing.

You might also like