You are on page 1of 13

ARALIN 29:

ANG UMAGA
M G A TA U H A N :
Pilosopo Tasyo
Don Filipo
Hermana Mayor
Padre Salvi
Padre Damaso
Kapitan Tiago
Maria Clara
Crisostomo Ibarra
TALASALITAAN:

paglisan - pag-alis
panghimagas - pang-alis ng suya na pagkain;
minatamis
misa mayor - huling misa
nakababatid - nakaaalam
ginggon - isang uri ng telang magaspang na
ginagamit sa abito ng mga pari
Pista na sa Bayan ng San Diego. Maaga pa
lamang ay abala na ang mga tao.
Naggayak ang mga mamamayan ng magarang
kasuotan, maliban kay Pilosopo
Tasyo na bukod tanging hindi nagpalit ng
kanyang kasuotan.
Napansin ng tenyente mayor na malungkot si
Pilosopo Tasyo dahil sa paggasta ng labis na
salapi para sa magarbong pagdiriwang ng pista
kahit maraming tao ang naghihirap. Sumang-
ayon naman dito ang tenyente mayor subalit
wala rin siyang magawa dahil ito ang
kagustuhan ng kapitan at kura.
Bago ang paglisan ng pilosopo, sinambit nito sa tenyente
na iwan na nito ang kanyang posisyon. Napa-isip ang
tenyente na tama ang matanda sa sinambit nito.
Samantala, hindi mabilang sa dami ang mga tao sa patyo
ng simbahan. Ang naatasang maging Hermana Mayor
ay nag-utos sa mga utusan na mag-imbita pa ng mga tao
upang alukin na painumin ng pampainit at pakainin ng
panghimagas
Ang misa mayor naman ay pamumunuan ni Padre
Salvi. At si Padre Damaso naman ang magbibigay
ng sermon kahit na wala sa buti ang kanyang
pakiramdam. Dahil siya lang rin lamang ang
nakakabatid ng buhay at mga himala ni San Diego.
Nang sumapit ang ikawalo at kalahati ng
umaga ay muling nagkaroon ng prusisyon. Ang
mga matatandang dalaga na nakasuot ng
abitong ginggon ang nag-iilaw sa kapatiran ni
San Francisco, ang magaspang na abito naman
ang suot ng mahihirap, samantalang ginggong
Pransiskano naman ang suot ng mga
nakaaangat sa buhay.
Sa lahat ng karo ay naiiba ang kay San Diego de
Alcala dahil ito’y nadidisenyohan ng pilak.
Sinundan ito ng karo ni San Francisco at Birhen de
la Paz. Ang karong sinusundan ng palyo na si Padre
Salvi sa halip na si Padre Sibyla ay huminto sa
tapat ng tahanan ni Kapitan Tiago. Nakadungaw
sila Kapitan Tiago, Maria Clara, Ibarra, alkalde at
mga bisita mula sa bintana. Subalit hindi pinansin
ni Padre Salvi ang mga ito.
ARAL:

Matutunghayan sa kabanatang ito ang pagiging


maluho ng mga Pilipino. Marami ang inilalaan
ang kanilang salapi sa mga bagay na hindi naman
ganon kahalaga at tinitipid ang kanilang sarili sa
mga bagay na higit na mas importante.

You might also like