You are on page 1of 5

KABANATA 29

ANG HULING PATI-UKOL


KAY KAPITAN TIYAGO
Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre irene ang hinirang na tagapamahala
at tagapagpatupad ng testamento ng kapitan. Paghahati-hatiin ang kanyang
kayaman sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. P20.00 ay itinira
para pangmatrikulang mga estudyante mahihirap. Iminungkahi ito
ni Padre Irene para masabing tagatangkilik siya ng mga estudyante. Inalis ni
Kapitan Tiyago ang P25.00 pamana kay basilio dahil sa kawalang-utang na loob
ngunit isinauli ni Padre Irene at siya raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa.

Nang nakaburol si Kapitan Tiyago ay marami ang usap-usapan ukol sa


kanya. Nakita raw ng mga mongha ang nagliliwag na kaluluwa ni Kapitan
Tiyago. Iyon daw ang utang sa maraming pamisang nagawa ni Kapitan.

Naisip ng sakristan na ipanabing ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago ay may hawak


pang mangkok ng taho. May nangaghaka namang hamunin ni Kapitan Tiyago ng
sabong si San Pedro. Pero paano magkakamatayan o magkakatalo ang manok na
kaluluwa? Ayon kay Pilosopo Primotivo, di magkakatalo sagka’t ang pagkatalo’y
kaugnay ng sama ng loob ay walang puwang sa langit.

Hinandugan ni Quiroga ng isang tabako si Don Primotivo. Saka nagtanong nang


malumanay: Sigulo puede de contalata aliedo galela con kilisto, a? Cuando muele,
mia contalista, ja? May nagtalo sa damit na isusuot kay Kapitan
Tiyago. Abito? Mayroon nito si Kapitan Tinong. Lumang-luma at binayaran niya ng
P36.00. Ipagkakaloob niya ito sa mahal na kaibigan. Tumutol ang sastre. Prak daw
ang kailangan nakaprak ang kaluluwang nakita ng mga mongha. May yari na ang
sastre na P32.00 ang halaga, dahil suki niya ang namatay. Lumang damit ang
ipinasuot ni Padre Irene. Hindi raw mahalaga sa langit ang damit.

Tatlong prayle ang dapit sa libing ni Kapitan. Maraming kamanyang nang sinunog
at gayundin ang iwinisik na agua bendita.

Si Donya Patrocinio na matandang kaagaw ni Kapitan Tiyago sa pagpapataasan ng


ihi sa pagkabanal ay nagnais mamatay na kinabukasan upang malibing siya ng
lalong dakila at kahanga-hanga
DONYA PATROCINIO
MATANDAAANG KAAGAW
NI KAPITAN TIYAGO SA
PAGPAPATAASAN NG INODOHENSYA

PADRE IRENE
ANG KAANIB NG MGA
KABATAAN SA PAGTATAG TAG NG AKADEMYA
NG WIKANG KASTILA

DON PRIMITIVO
ANG NANINIWALANG KAPWA SINA
SAN PEDRO AT KAPITAN TIYAGO
ANG MANANALO SA PAG SASABONG,
PAGKAT SA LANGIT DAW AY WALANG
SAMAAN NG LOOB
MARTIN ARESTORENAS
ANG LALAKI NA KAKILALA Ni DON TIAGO
; SINULATAN NIYA ANG KAIBIGAN NIYANG
SI LUIS CHUIQUITO O CHOY.

KAPITAN TINONG
NAGPRISINTANG IHANDOG ANG GULANIT
NANG DAMIT PRANSISKANO DAHIL KUNG SINO MAN
ANG MAY SUOT NITO AY MALILIGTAS SA IMPYERNO

QUIROGA
ISANG MANGANGALAKAS NA INTSIK
NA NAIS MAGKAROON NG KONSULADO SA
PILIPINAS
TALASALITAAN
Tagapangasiwa = tagapamahala

Kinalinga = kinupkop

Pumanaw = namatay

Naglalakbay = nagbibyahe

Nagmumuni-muni = nag-isip-isip

Labi = bangkay

Nanlilibak = nangungutya

Pakundangan = kontrol

Nagdudulot = nagbibigay

Bulalo = pagkaing masabaw na kung saan ay sinisupsop ang laman ng buto

ISYUNG
PANLIPUNAN
1. ANG PANGINGIALAM NG SIMBAHAN SA MGA USAPING PAMPULITIKA - Karamihan sa
atin ay may sapat na kaalaman sa kung paano halos mga prayle (o mga paring Espanyol) ang
siyang namuno noong panahong nabubuhay pa si Rizal. Ipinakita niya ito sa nobelang El Fili
kung saan napakataas ng tingin ng mga tao sa mga prayle. Lahat ng mga benepisyo ay
nabibigay sa mga prayle. At maging pangaalipusta ng mga prayle sa mga Pilipina ay
nakakalagpas. Lahat ng isyu at talakayan noon ay hindi nawawala ang opinyon ng mga pari.
Katulad na lamang ngayon lalo na nang naging matunog ang isyu ng RH Bill. Ang reproductive
health bill ay naglalayong bigyan ng karapatan ang mga mamamayang mamili tungkol sa
pagpaplano ng pagkakaroon ng anak. Maaari silang sumangguni sa natural na paraan o
calendar method o kaya naman ay sa artipisyal na pamamaraan kung saan mga pills at condom
ang iminumungkahi. Dahil sa maselan na pamamaraang artipisyal, nangialam ang simbahan.
Hindi nakaligtas ang mga pulitikong sumasang-ayon sa bill. Maging ang mga pulitikong ito ay
nasabihang halimaw ng ilang pari sa pagiisip na maaaring mapigil ang lumolobong populasyon
ng bansa sa pamamagitan ng pagkitil ng isang buhay.

2. PAGGAMIT NG IPINAGBABAWAL NA GAMOT - Sa El Fili ay hindi miminsang nabanggit


ang tuluyang pagkasira ng kalusugan ni Kapitan Tiyago dahil sa paggamit nito ng opyo o opium,
na isang ipinagbabawal na gamot. Hindi pa rin ito nasusupil magpahanggang ngayon. Halos
lahat ng lugar sa bansa ay may talamak na kaso ng droga. Ito ay isang lumalaganap na sakit ng
lipunan.

KAISIPAN SA KABANATA
Hindi Madadala ang Yaman sa Langit.

Isang katotohanan na namamasdan ng bawat isa.

Tayo ay isinilang na hubo’t hubad.

Hindi titignan ng Panginoon ang mga bagay na nakuha natin mula sa materyal na mundo, sa halip mas nanaisin niya
na makita ang mga sugat na ating natamo.

Ang katotohanan ay maaaring dahilan upang gawing kasinungalingan.

Ito ay base sa mga pahayag ni Padre Irene na marapat na lumang trahe lamang ang isuot ni

Kapitan Tiyago dahil hindi naman hinuhusgahan ng Panginoon ang tao ayon sa pananamit.

Ginamit ito upang mapatunayan ang isang pahayag ngunit sa likod nito’y personal na hangarin

ang siyang dahilan.

Ang galit/inggit ay nakasisira sa kung sino mang magtaglay nito.

Ang galit o inggit ay siyang nagiging dahilan upang gumawa ang tao ng hindi makatarungang

desisyon. Pagpapatawad/Pagtanggap ang tanging gamot na magbibigay kagalingan sa indibidwal

napinaghaharian ng damdaming ito. Tingin ko nama'y ito rin ang nais niyang makita natin.

At Parehas nilang nakita. Lahat ay ginawa ng pantay pantay ayon sa paniniwala ni Rizal, dahil tayong

lahat ay lalang ng Panginoon .

You might also like