You are on page 1of 24

Noli Me

Tangere
ARALIN 5

Kabanata 46- Ang Sabungan

Kabanata 47- Ang Dalawang


Donya

Kabanata 48—Isang
Talinghaga

Inihanda Ni:
Ana Margarita Divinagracia
Ian Demerin
Talasalitaan ng Kabanata 46
• Baina- ipinantatakip sa tari ng mga manok na magsasabong
• Bangis- malahayop na bagsik
• Dumaluhong- sumalakay; lumusob
• Ginugugol- ginagamit
• Hitso- bunga, apog, at maskada na pinagsasama at binalot sa dahoon
ng ikmo
• Ipinangingilin- abstentasiyon
• Ipusta- itaya
• Kinagawian- kinasanayan
• Laganap- nagkalat
• Lasak- kulay itim at puti
• Manibasib- manugod
• Masimot- maubos
Talasalitaan ng Kabanata 46
• Nag-atubili- nagdalawang-isip
• Nagsagupa- naglaban
• Nangalisag- tumayo
• Nakatutulig- nakabibinging ingay
• Namamaos- nauubusan boses
• Pulutong- pangkat
• Ruweda- lugar sa sabungan na hugis bilog king saan
naghaharap ang dalawang manok na magka laban.
• Sasalakay- lulusob
• Sultador- tagapag-ulot ng manok sa sabungan.
• Talisain- manok
Talasalitaan ng Kabanata 47
• Alimura- masakit at nakaiinsultong salita
• Duwelo-labanan; tunggalian
• Laylayan-dulo ng isang bagay, damit, o kurtina
• Lubak-lubak- bako-bako; butas-butas
• Magara- maganda
• Nakasandig- nakasandal
• Palamuti- dekorasyon
• Patutsada- walang kabuluhang pagsasalita na nakaiinsulto
• Pilantod-pilay
• Protocol- kaugalian at alintuntunin tungkol sa mga seremonya at
magandang kaugalian ng mga diplomatiko at iba pa sa korte palasyo,
o ulong-bayan
• Tungayaw- masasamang salitang nauusal kapag nagagalit.
• Umingos- umirap
• Urbanidad- mabuting pag-ugali o asal
Talasalitaan ng Kabanata 48
• Abaniko- pamaypay
• Anyaya-imbita
• Balkonahe- balkoni
• Daluyan-daanan
• Garing- galling sa ngipin o pangil ng elepante
• Ginulpi- binugbog
• Nangangamba- natatakot
• Nasaksihan- natunghayan
• Mapagwari- maunawaan
• Pagpapala-basbas
• Sulyap-tinging pahapyaw
Mga Buod
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
KABANATA
46:
ANG
SABUNGAN
Buod ng Kabanata 46
Ang Sabungan
Ang sabungan ay laganap sa lahat ng parte ng Pilipinas. May bayad ang
pagpasok dito. Sa lugar ng ulutan ay makikita ang mga tahur, ang
magtatari at ang mga sobrang Mahilig sa sabong. Dito nagkakasunduan
at nagbabayaran. Sa ruweda, ginanganp ang sultada. Nang araw na yaon
ay nasa loob ng sabungan si Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at si Lucas.
Dumating din si Kapitan Tiyago na may daang manok na isasabong.
Maglalaban ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni Kapitan Tiyago.
Ang pustahan ay tatlong libong piso. Ang magkapatid na Tarsilo at
Bruno. ay gustong pumusta pero wala silang pera. Nangungutang sila
kay Lucas pero sinabi ng huli na hindi kaniya ang pera kung hindi kay
Crisostomo Ibarra at mayroon siyang kondisyon sa pagpapa-utang. Ang
ama ng magkapatid ay pinatay ng guwardiya sibil pero ayaw nilang
maghiganti. Hindi pumayag ang nakakatandang kapatid sa kondisyon ni
Lucas. Nananalo ang pulang manok sa puti.
Buod ng Kabanata 46
Ang Sabungan
Nanghinayang sila sa sana’y pinanalunan nila kung sila ay
pumusta. Lalo pa itong sumidhi ng nakita nila ang asawa ni
Sisa na si Pedro na nanalo. Ang susunod na laban ay ang mga
manok ni Kapitan Tiyago at Kapitan Basilio. Lumapit uli ang
magkapatid kay Lucas. Binigyan sila ng tig tatlumpong piso
sa kundisyong sasama sila sa paglusob sa kwartel. Hinikayat
din ni Lucas na magsama pa ng iba at bibigyan niya ng
dagdag na tig-sasampung piso. ‘Pag nagtagumpay ang
kanilang paglusob, bibigyan niya ng tigdadalawang daan piso
ang magkapatid. Ang mga armas daw ay darating
kinabukasan.
KABANATA
47:
ANG
DALAWANG
SANYORA
Buod ng Kabanata 47
Ang Dalawang Donya
Magkaakbay na namanasyal sina Don Tiburcio at Donya Victorina
para malasin ang bahay ng mga Indio habang si Kapitan Tiyago
naman ay nakikipaglaban ng lasak. Nagkatama ng tingin si Donya
Victorina at ni Donya Consolacion ng mapadaan siya sa tapat ng
bahay nito. Tiningnan ng Donya Consolacion ang Donya Victorina
mula ulo hanggang paa, ngumuso at dumura sa kabila. Sinugod ni
Donya Victorina ang Donya Consolacion at nagkaroon ng mainit na
pagtatalo. Binanggit ng Donya ang pagiging labandera ng Donya
Consolacion habang binanggit naman ng Donya Consolacion ang
pagiging mapagpanggap ng asawa ni Donya Victorina. Bago
magpang-abot ang dalawa ay dumating ang Alperes at umawat si Don
Tiburcio. Nasaksihan ng maraming tao ang mga pangyayari.
KABANATA
48:
ANG
PALAISIPAN
Buod ng Kabanata 48
Isang Talinghaga
Si Ibarra ay bumabalik dala ang balitang pinatawad siya
ng arsobispo sa pagiging ekskomulgado. Una niyang
dinalaw si Maria Clara, at malugod naman ang
pagtanggap sa kanya ng tiyahin ni Maria Clara na si
Isabel. Ngunit tila nabigla siya nang madatnan niya sa
bahay ni Kapitan Tiago si Linares. Nagpaalam at umalis
si Ibarra na panatag ang kalooban bagaman gulong-gulo
ang isip at sakmal ng malamig na kamay ng takot ang
kanyang puso, Ipinagtataka rin ni Ibarra ang
pagtatrabaho ni Elias kay Maestro Juan kahit hindi ito
kasali sa listahan ng mga manggagawa. Inimbitahan siya
ni Elias na makipagkita sa kanya dahil may sasabihin
siyang mahalaga.
Pag-usapan Natin
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 46
1. Ilarawan ang iba't ibang uri ng taong pumupunta sa sabungan.
2. Ano-ano ang mga ginagawa ng mga tao sa sabungan?
3. Isa-isahin ang masasamang epekto ng pagkalulong sa sábong o sa ano mang
masamang bisyo.
4. Ipaliwanag ang linyang "Maaaring masimot ang salapi sa kanilang bulsa
ngunit hindi ang kasiyahan sa kanilang puso."
5. Ano ang nangyayari kapag natalo at naubos na ang pera ng isang
sabungero?
6. Ano ang hinihinging kapalit ni Lucas sa perang ibinibigay niya?
7. Bakit nabanggit ang pangalan ni Ibarra? Siya ba ay katulad ng marami na
isa ring sabungero? Ipaliwanag
8. Ano ang nais ipahiwatig ng may-akda sa paglalarawan niya sa sábong? Bakit
kaya sábong ang napili niyang pagpapakahulugan?
Kabanata 47
1. Ano ang dahilan at namasyal si Donya Victorina noong araw na iyon? Ilarawan ang
kanyang itsura.

2. Bakit sinabi ni Donya Victorina na masasama ang ugali ng mga Indio?

3. Sa sinabi at ipinahiwatig ni Donya Victorina, ano kaya ang palagay niya sa kanyang
sarili?

4. Sino si Donya Consolacion? Ano ang ginawa niyang nagpasiklab kay Donya Victorina?

5. Bukod sa dalawang donya, sino pa ang nadamay sa kanilang alitan?

6. Ano-ano ang naging bunga ng kanilang paghaharap?

7. Ano ang ginawa ni Donya Victorina sa kanyang asawa nang mabigo itong ipagtanggol
siya?

8.Kung ikaw si Don Tiburcio, magsasawalang-kibo ka rin ba kung ganito ang pagtrato sa
iyo ng iyong asawa? Ipaliwanag ang iyong sagot.

9. Sino ang pinagdiskitahan ni Donya Victorina pagbalik nila sa bahay ni Kapitan Tiago?
Anong kasinungalingan ang sinabi ng donya sa mga tao sa bahay ng kapitan?
Kabanata 48

1. Ano ang dalang balita ni Ibarra pagbalik niya sa San Diego?

2. Kaninong bahay ang una niyang pinuntahan sa kanyang pagbabalik?

3. Paano siya pinakitunguhan ni Tiya Isabel? Bakit kaya ganoon ang pakikitungo sa kanya ni
Tiya Isabel?

4. Ano ang naramdaman ni Ibarra sa muling pagkikita nila ni Maria Clara?

5. Kung ikaw si Ibarra, ano ang mararamdaman mo sa muling pagkikita ninyo ni Maria Clara?

6. Ano kaya ang ibig sabihin ni Ibarra nang sinabi niyang "Ah, isa nga siyang babae!"?

7. Saan nagtungo si Ibarra pagkagaling niya kay Maria Clara?

8. Paano siya sinalubong ng mga trabahador?

9. Bakit kaya hiningi ni Ibarra ang talaan ng manggagawa?


Mga Aral
Kabanata 46- Ang Sabungan

Kabanata 47- Ang Dalawang Donya

Kabanata 48—Isang Talinghaga


Kabanata 46
Sa kabanatang ito ay matututunan natin na ang pagsusugal
ay mabuting gawain sapagkat bukod sa ito ay nakakaadik,
aksaya sa oras, at magastos, ito rin ang nagtutulak sa isang
tao na maging tamad at umasa na lamang sa swerte. Noong
panahon na isinulat ni Dr. Jose Rizal ang nobelang Noli Me
Tangere, nakita niya na marami sa mga pilipino ang naaakit
na magsugal sapagkat nakita nila kung gaano kagaling ang
mga banyaga na magpaikot ng pera sa sugal tulad ng baraha,
madyong, at sabong. Nakita nila na kapag ang mga dayuhan
ay nananalo sa sugal lalo dumarami at lumalakas ang
kanilang impluwensya at kapangyarihan kaya naman ang
ilang mga Pilipino ay sumugal na rin upang matamo ang
kanilang ninanais na pagkilala at kapangyarihan.
Kabanata 46
Itinuturo din sa kabanatang ito na ang mga desisyon na
ating ginagawa sa ating buhay ay mga sugal. Sapagkat hindi
natin alam kung ito ba ay totoong nakabubuti o nakasasama
para sa atin. Tulad na lamang ng desisyon ng magkapatid na
sumama pagsalakay. Ang pagtanggap nila ng salapi mula
kay Lucas ay palatandaan ng kanilang pagsugal hindi nila
alam kung sila ba ay magwawagi sa gagawing pagsalakay o
hindi. Sa oras na sila ay matalo ay pihadong malaki ang
magiging kapalit.
Kabanata 47
Sa kabanatang ito ay ipinapakita ang kagaspangan ng pag-uugali ni
Donya Victorina ang mapanglait at mapang husga niyang pag-
uugali,nagtataka pa siya kung bakit hindi sya iginagalang o
inirerespeto ng iba na para bang hindi niya nakikita ang
kagaspangan ng ugaling ipinapakita niya sa iba, para asahan niya na
igagalang din siya, Kung gusto mong ikaw ay igalang at respitohin ng
iba, ipakita mo rin ang respite at paggalang mo sa kanila.Sa
kabanatang ito rin ay ipinapakita ang pagkamataas nina Donya
Victorina at Donya Consolacion na parehas ayaw magpapatalo sa
bawat isa nagpapataasan gayon parehas naman may
kapintasan,hindi nahihiya na kahit marami ang nakaririnig at
nakakakita sa kanila ay panay ang patutsadahan at inilalabas ang
bawat baho nila, parehong mapag mataas ay ayaw magpapatalo.
Kabanata 47
Ang Kabanatang ito ay tungkol sa paglalarawan ng tauhan, Ang
Kakatwang ugali nina Donya Victorina at donya Consolacion, Don
Tiburcio Espadana,Alperes at kapitan Tiyago, ang pagkakaroon ng
diwang alipin ng mga Pilipinong mahirap lunasan. Makikita ito
kahiot saang antas o lebel ng kalagayan sa buhay. Ang
pagkahumaling natin sa ugali at kulturang dayuhan ang siyang
nagiging daan ng lubos nating pagpapakaalipin,Kaya naman an
gating mga kaugalian ay mayroong pag mamataas sa bawat isa.
Kabanata 48
Ang ika-apatnapu’t walong kabanata ng Noli Me Tangere o ang
Talinhaga ay tumutukoy sa isang tagpong puno ng tensyon,
matapos maabutan ni Juan Crisostomo Ibarra ang kanya mahal
na si Maria Clara na kasama si Linares (isang espanyol). Masaya
si Ibarra dahil hindi na siya ekskomunikado ngunit nalungkot
lamang ito sa naabutan.

You might also like