You are on page 1of 93

Isagani

Isang pangkahalatang-ideyas sa
kaniyang karakter sa El
Filibusterismo

07/11/2023 Sample Footer Text 1


Mga Tauhan
Isagani
•Ang makatang nobyo ni Paulita
Gomez. Kasama rin ni Basilio at isa
ring estudiyante. Nagsulat ng tula
patungkol sa tubig at apoy at sa
industriya.
Basilio
Estudiyante ng medisina at kasama ni
Isagani sa ilalim ng kubyerta.
Kasama siya sa mga nag-uusap
patungkol sa paaralang itatatag na
magtuturo sa wikang kastila.
Simoun
Ang tao na bihira bumisita sa sariling
lalawigan at sa kadahilanang ito daw
ay mahirap at hindi makabili ng
alahas. Ang tinatawag ni Kardenal
Moreno.
Kapitan Basilio
Ang taong nakausap ng dalawang
estudiyante patungkol sa akademiya
at hindi nito pagsang-ayon sa
pagtuturo ng wikang kastila.
Kapitan
Tiago
•Matalik na kaibigan ni
Padre Irene at nag-utos
kay Basilio na pumunta sa
San Diego at tignan ang
kaniyang bahay subalit
ang katotohanan ay gusto
mapag-isa upang
makahitit ng apyan.
Donya
Victorina
Ang ali ni Paulita. Hinahanap niya
ang kaniyang asawa na si Don
Tiburcio.
Paulita
Gomez
Maganda, mayaman, at
edukada na kasintahan ni
Isagani.
Don
Tiburcio 
•Ang nagtatagong asawa
ni Donya Victorina.
Pari
Florentino
Amain ni Isagani.
Pari Irene
Matalik na kaibigan at
tagapayo ni Kapitan
Tiago.
Pari
Camorra
Nagsasabi na ang
katamaran ng tao ay dahil
sa pag-inom ng tubig sa
halip ay serbesa.
Ginoong Pasta

Isa siyang kilalang abogado at


tagapayo ng mga pari sa Maynila. Sa
kabanatang ito, kinakatawan niya ang
isang taong may kapangyarihan ngunit
hindi bukas sa pagbabago at sa mga
inisyatibong nanggagaling sa mga
kabataan.
Kabanata 2
Sa Ilalim ng Kubyerta

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC


Kabanata 2 Sa Ilalim ng Kubyerta

 Sa maingay na palapag sa ilalim kubyerta ay may


dalawang binatang estudiyante na pawang kilala ang
nakikipagtalo sa isang matanda ngunit malakas pa at
tuwid ang postura. Ito ay sina Basilio na isang
estudiyante ng medisina at si Isagani na isang makata o
manunugma na nakatapos sa Ateneo. Ang kanilang
kausap ay si Kapitang Basilio na namiling buhat sa
Maynila. 
Kabanata 2 Sa Ilalim ng Kubyerta

Pinaguusapan ng tatlo ang kalagayan at utos ni Kapitan Tiago kay Basilio na para lamang ay
maging mapag-isa ito at magkaroon ng laya na makahitit ng apyan alinsunod sa abiso ng
kaniyang matalik na kaibigan at tagapayo na si Pari Irene. Nagpatuloy ang usapan at napunta ang
usapin sa balak ng dalawang estudiyante. Pinangunahan ng salita ni Kapitan Basilio ang
dalawang binata na hindi maisasagawa ang binabalak na nilang paaralan na magtuturo sa wikang
kastila. Sinalungat ito ng mga binata at nagliwanagan ang tatlo sa paguusap. Masasabing nabago
ng kaunti ang pananaw ng matanda gawa ng mga estudiyante. Lumakad palayo ang matanda at
nagtawanan na lamang sina Basilio at Isagani. 
Kabanata 2 Sa Ilalim ng Kubyerta

Iniwan ni Kapitang Basilio ang dalawa sa lugar ng usapan. Itananong ni Basilio
ang sabi ng amain ni Isagani patungkol sa nobya nitong si Paulita.
Tila nagpakita ng sariling reaksyon ang kutis sa mukha ni Isagani dahil sa narinig. Sinagot ni Is
agani na pinaalalahanan siya ng kaniyang amain sa pagpili ng mapapangasawa at pinuri ang ka
niyang nobya. Pinuri rin ito ni Basilio ngunit dinagdag nito na mayroon itong nakakayamot na 
ali na si Donya Victorina. Bumalinh ang usapan nila sa ali nito na hinahanap ang kaniyang asa
wa na si DonTiburcio, na nagtatago sa bahay ng amain ni Isagani na si Pari Florentino. 
Kabanata 2 Sa Ilalim ng Kubyerta

Sa gitna ng usapan ay may lumapit sa kanilang lalaki, si Simoun. Binati ni Simoun ang dala
wa sa pagtanong na kung kababayan ba ni Basilio ang kasama. Itinangi ito ni 
Basilio at pinakilala si Isagani. Ang dalawang estudiyante ay magkalapit bayan lamang at hin
di magkababayan. Kinamusta ni Simoun ang lalawigan kay Basilio at sinabi nitong hindi siy
a pumaparoon dahil sa mahihirap ang mga tao at hindi makabiling alahas matapos magtanon
g ng binata kung bakit. Sumabat si Isagani na may pagmamalaki na hindi sila bumibili dahil 
hindi naman kailangan. Ngumiti si Simoun sa sinabi ng binata at sinabihan itong huwag mag
damdam.
Kabanata 2 Sa Ilalim ng Kubyerta

 Inanyayahan niya ang dalawa na uminom ng serbesa at tumangi
 ang mga ito. Sinabi nito ang kaniyang narining mula kay Pari
Camorra na ang pag-
inom ng tubig ng mga Pilipino ang dahilan ng kanilang katamaran
. Tumuwid ng tayo si Isagani
sinabi na sabihin kay Pari Camorra na kung iinom siya ng tubig a
h marahil mawawala ang sanhi ng mga usap -
usapan. Biniro ni Simoun si Isagani na kung sasabihin niya ito sa 
pari ay hindi nito ito seseryosohin ang kaniyang ninanais ipabatid
. Pinigil ni Basilio si Simoun at ginawang biro ang nagawing usap
an, sinabi nitong mabuti na ulitin na lamang niya ang tula ng kaib
igan sa pari. Hindi naniwala si Simoun sa tula ni Isagani
at sinabing aalis na ito para uminom ng serbesa. Pinag-
usapan siya ng dalawa pagkaalis at ibinatid ni Basilio sa kaibigan 
na ang kanilang nakausap ay ang Kardenal Moreno. Kalaunan ng 
paguusap ay tinawag si Isagani ng kaniyang amain na si Pari
Florentino. 
Kabanata 14
Sa Bahay ng mga Mag-aaral

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY


Kabanata 14 Sa Bahay ng mga Mag-aaral

Sa kabanatang ito mababasa na ang mga mag aaral ay masusing nagpaplano


ukol sa suportang ibibigay para sa pagpapatayo ng akademiya para sa
pagtuturo ng wikang kastila. Nabatid nila mula kay Macaraig na si Padre
Irene ay isa sa mga sumasang ayon sa kanilang adhikain. Si Padre Irene ay
isang kura na minamaliit at hindi iginagalang ng kanyang kapwa prayle na si
Padre Camorra. Hindi inaasahan ng mga mag - aaral ang kanyang pagkiling
ngunit nagpapasalamat na rin sila sa pagpapahayag nito ng suporta. Bukod sa
kanya, nais din ng mga kabataan na makuha ang pagkiling ni Don Custodio.

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY


Kabanata 14 Sa Bahay ng mga Mag-aaral

Si Don Custodio ay nakatakdang magbigay ng pasya ukol sa usaping ito.


Upang makuha ang kanyang pagkiling, minabuti ng mga mag aaral na
sumangguni kay Ginoong Pasta. Si Ginoong Pasta ay isang hukom na maalam
sa mga batas. Dinalaw siya ng personal ni Isagani upang pakiusapan na kung
maari ay magpahayag ng pagsang ayon sa kanila kung sakaling sumangguni si
Don Custodio. Ngunit nabigo si Isagani matapos na magpasiya ang abogado na
huwag makialam dahil ayon sa kanya ang usapin ay maselan. Ang totoo, nag
iingat lamang ang abogado na magkamali sa pagbibigay ng payo sapagkat
ayaw niya na mabahiran ang kanyang propesyon at mapag isipan ng masama.

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY


Kabanata 15
Ginoong Pasta
Kabanata 15 Ginoong Pasta

Dinalaw ni Isagani si Ginoong Pasta, isang kilalang abogado at


tagapayo ng mga pari sa Maynila, sa kanyang opisina. Layon
niyang hilingin ang tulong ni Ginoong Pasta upang
maimpluwensiyahan si Don Custodio na suportahan ang
kanilang balak.
Kabanata 15 Ginoong Pasta

Inilahad ni Isagani kay Ginoong Pasta ang kanilang


adhikain tungkol sa pagtatag ng isang akademya ng
Wikang Kastila. Bagama’t nakikinig si Ginoong Pasta, tila
wala siyang interes sa mga sinasabi ni Isagani. Samantala,
sinusubukan naman ni Isagani na malaman ang reaksyon
ng abogado sa kanyang mga sinasabi.
Kabanata 15 Ginoong Pasta

Subalit nabigo si Isagani sa kanyang layunin dahil ipinasya ni


Ginoong Pasta na huwag makialam sa usapin dahil sa sensitibo
nitong kalikasan. Ayon sa kanya, mas mainam na hayaan na
lamang ang gobyerno na kumilos sa ganitong mga bagay.
Kabanata 22
Ang Palabas
Kabanata 22 Ang Palabas

Punong-puno ng tao sa dulaan ngunit lampas na sa oras ay


‘di pa rin nagsisimula ang palabas dahil hinihintay pa ang
Kapitan Heneral. Marami nang naiinip, nagsisipadyak at
sumisigaw na buksan na ang tabing.
Kabanata 22 Ang Palabas

Ang lugar na tinatawag na palko na may pulang kurtina ay


uupuan ng Kapitan Heneral. Isang ginoo ang umupo sa
butaka at ayaw tumindig. Si Don Primitivo kasi ang may-ari
ng upuan kinauupuan nito.
Kabanata 22 Ang Palabas

Dahil dito’y tinawag ni Don Primitivo ang tagapaghatid sa


upuan nang makita niya na ayaw tumindig ng ginoo. Ang
pagmamatigas ni Don Primitivo ay nagdulot ng kaguluhan
at kasiyahan sa mga taong naiinip.
Kabanata 22 Ang Palabas

Samantala, habang nagaganap ang kaguluhan ay biglang


tumugtog ang marchareal dahil dumating na ang Kapitan
Heneral. Sinasabing manonood ang Kapitan Heneral ng
palabas dahil sa dalawang dahilan. Ang una ay hinahamon
diumano ito ng simbahan at ang pangalawa ay dahil ito ay
may pagnanasa lamang na makita ang pagtatanghal.
Kabanata 22 Ang Palabas

Nasa loob din ng dulaan si Pepay at katapat ng mga


estudyante ang kinauupuang palko nito. Kinuntsaba siya ng
mga estudyante at siyang gagamitin kay Don Custodio
upang palambutin ang puso nito. Noong hapong iyon ay
sumulat si Pepay sa kagalang-galang na tagapayo at
naghihintay ng kasagutan.
Kabanata 22 Ang Palabas

Naroroon din si Don Manuel na panay ang pasaring kay


Don Custodio. Si Makaraig ay makahulugang tumitingin kay
Pepay na parang ibig ipahiwatig na mayroon siyang
sasabihin.
Kabanata 22 Ang Palabas

Masaya ang mga estudyante, si Pepay pati na si Pecson. Si


Isagani lang ang hindi dahil nakita niya sa dulaan si Paulita
na kasama ni Pelaez na kanyang karibal.
Kabanata 22 Ang Palabas

Maya-maya’y umawit si Gertude, isang Pransesa. Sige sa


pagsalin si Tadeo sa wikang Kastila ng mga salitang
Pranses na naririnig. Gayon din ang ginawa ni Juanito
Pelaez kina Paulita Gomez at Donya Victorina. Lamang ay
madalas mali ang pagsalin ni Juanito. Dito rin nagsimula
ang paghanga ng Donya sa kanya at hinangad na
pakasalan ang binatang kuba pag namatay ang mister na si
Don Tiburcio.
Kabanata 22 Ang Palabas

Umawit din si Serpolette. Mayroong pumalakpak na


nakilala ni Tadeo na si Padre Irene. Pinapag-espiya pala ito
ni Padre Salvi kung sadyang masama nga ang palabas ng
mga Pranses. Namukhaan ng mananayaw si Padre Irene at
kakilala pala siya ni Serpolette doon pa sa Europa.
Kabanata 22 Ang Palabas

Pagkaraan ay may isang bababeng dumating na may


kasamang asawa. Ipinagmamalaki pa niya ang pagkahuli
ng dating. Nang makitang wala pang laman sa may palko
ay inaway ng ginang ang asawa.
Kabanata 22 Ang Palabas

Sinutsutan siya ng mga tao at sa inis ay tinawag niya ang


mga ito na mga “ungas” at akala mo daw ay marurunong
mag-pranses.
Kabanata 22 Ang Palabas

Si Ben Zayb naman ay panay ang panunuligsa sa


pinapanood at sinabing ang mga nagsiganap ay hindi mga
artista at ‘di marunong umawit.
Kabanata 22 Ang Palabas

Sa palabas ay kakikitaan ng kahalayan at pagnanais sa


kababaihan ang mga kalalakihang tulad nina Don Custodio,
Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay nalungkot
sapagkat hindi itinanghal ang hinihintay nilang cancan.
Kabanata 22 Ang Palabas

Napag-usapan din ang ”di pagsipot ni Simoun sa dulaan.


Pinagtalunan naman ng mga estudyante ang kagandahan
at kapangitan ng wikang Pranses.
Kabanata 22 Ang Palabas

Galing si Makaraig kay Pepay, malungkot ang hitsura kaya


naman pagbalik niya ay nag-usisa ang mga kapwa mag-
aaral. Dala niya ang balita na may pasya na daw tungkol sa
paaralan ayon kay Padre Irene.
Kabanata 22 Ang Palabas

Sinang-ayunan daw ang paaralan ngunit ito’y ipaiilalim sa


Unibersidad ng Sto. Tomas sa pamamahala ng mga
Dominikano.
Kabanata 27
Ang Prayle at ang Pilipino
Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 27

Ipinatawag ng isang katedratikong si Padre Fernandez si


Isagani. Ito’y labis na iginagalang ng binata. Narinig daw
umano ng pari ang pagtatalumpati ni Isagani. Itinanong din
nito kung kasama ba siya sa hapunan. Pinuri ng pari ang
pagkakaroon ni Isagani ng paninindigan.
Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 27

Nagpatuloy sa pagsasalita ang pari at sinabing may mga


dalawang libong estudyante na raw ang naturuan niya o
sinikap niyang turuang mabuti at karamihan doon ay
pumupula at lumalalos sa mga prayle ngunit walang
makapagsalita nang tapatan o harapan.
Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 27

Ayon naman kay Isagani ay ‘di kasalanan ng kabataan na


magsalita laban sa may kapangyarihan na agad naman
nilang pararatangan ng pilibustero dahil alam ng pari ang
ibinubunga ng gayong paratang.
Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 27

Pangiti namang nagpasalamat ang binata at sinabing


itinatangi rin niya ang katedratiko. ‘Di raw gaya ni Padre
Fernandez ang ibang prayleng Dominikong katedratiko.
Saka nisa-isa ang mga sakit sa pagtuturo ng mga prayle.
Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 27

Napakagat-labi lamang si Padre Fernandez at sinabi nitong


lampas na sa guhit ng pag-uusap ang mga paratang ni
Isagani.
Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 27

Giit naman ni Isagani na ang mga prayle sa lahat ng orden


ay naging mga kontratista ng karunungan at sila umano
ang nagsasabi mismo sa mga mag-aaral na hindi raw sila
nararapat matuto dahil balang araw ay magpapahayag ang
mga ito ng paglaya.
Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 27

Dagdag pa ni Isagani, ang kalayaan ay katambal ng tao at


gayundin ng talino at katarungan. Ang pagtanggi ng mga
prayle na matuto sila at lumaya ang dahilan ng kawalan ng
kanilang kasiyahan.
Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 27

Anang pari, ang karunungan daw ay hindi ipinagkakaloob


kundi sa karapat-dapat lamang. Ipagkaloob daw iyon sa
mga walang tibay ng loob at kapos sa wastong asal ay
taliwas sa layunin.
Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 27

Ngunit tinutulan ito ni Isagani. Aniya, kung ano daw sila


ngayon ay ang mga pari ang may gawa. Ang bayan daw na
inaalipin ay natutong magkunwari; ang paghaharian ay
lumikha ng mga alipin.
Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 27

Ipagpalagay daw nila, kahit di totoo, na ang mga


estudyante ay mga walang dakilang asal at katibayan ng
loob. Sino daw ang may kasalanan? Sila daw ba o ang mga
nagturo sa kanila sa loob ng may tatlong siglo? Kung
pagkatapos ng panahong iyon ay walang nayari ang
manggagawa ng palayok kundi mga sira, siya’y
napakatanga na raw marahil. O baka daw marumi ang
putik na ginamit?
Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 27

Dagdag muli ni Isagani, “Kung gayo’y higit pang napakahangal


gayong alam na palang masama at marumi ang putik ay bakit
nagpapatuloy pa sa pagsasayang ng panahon, at ‘di lamang hangal,
kundi manlilinlang at magnanakaw pa dahil alam nang walang
ibubunga ang ginagawa niya’y patuloy pa sa pagtangap kabayaran at
‘di lamang hangal, mandaraya at magnanakaw kundi isa pang
talipandas dahil ayaw nilang subukin ang kakayahan ng iba sa
paggawa ng magiging kapaki-pakinabang.”
Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 27

Nakilala ng pari ang kanyang kagipitan at noon lamang siya


nakaranas ng pagkatalo sa isang estudyanteng Pilipino
lamang. Nabanggit ng pari na ang utos na sinusunod nila
ay galing lamang sa pamahalaan.
Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 27

Ngunit pinulaan ni Isagani ang pagtatago ni Padre


Fernandez sa likod ng pamahalaan.
Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 27

Muling nangatwiran ang pari at sinabing ang ibig daw


niyang sabihin ay may mga batas na mabuti ang layon
nguni’t masama ang ibinubunga.
Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 27

Ang masamang ugali ng mga mag-aaral ay ‘di daw dapat


isisi sa kanila o kahit sa Pamahalaan kundi sa masamang
pagkakatatag umano ng kanilang kapisanan.
Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 27

Ani Isagani, “Opo, may pumipilit na sila’y mag-aral.


Katungkulan ng bawat tao na hanapin ang kanilang
kaganapan ng pagkatao.
Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 27

Katutubo sa tao na linangin ang kanyang talino at lalong


matindi ang nais na ito dahil ito’y hinahadlangan. Ang
bumubuhay sa pamahalaan ay humihingi sa pamahalaan ng
liwanag upang lalong makatulong sa bansa.
Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 27

Pamahalaan na rin at ang mga prayle na rin ang pumipilit


na kaming mga indiyo ay maghanap ng karunungan dahil
sa inyong pag-aglahi sa amin sa kawalang pinag-aralan at
kamangmangan. 
Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 27

Kami’y inyong hinuhubaran at pagkarapos ay


pinagtatawanan ninyo ang aming kahihiyan.”
Kabanata 35
Ang Piging
Ang Piging
Kabanata 35

Ikapito ng gabi nang simulang dumating ang mga bisita sa


bahay ni Kapitan Tiyago kung saan naroon ang piging para
sa ikinasal. Unang dumating ang maliliit na tao hanggang sa
may malaking katayuan sa tungkulin at sa kabuhayan. Lahat
ng mga bisita ay pinagpupugayan ni Don Timoteo.
Ang Piging
Kabanata 35

Dumating na rin ang bagong kasal kasama si Donya


Victorina. Si Padre Salvi ay naroon na ngunit wala pa ang
Heneral. Pupunta sana sa palikuran si Don Timoteo ngunit ‘di
siya makaalis dahil wala pa ang Heneral.
Ang Piging
Kabanata 35

Mayroong pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit ang Don


at sinabing iyon daw ang pinakamahal na mabibili sa Maynila.
Kinabukasa’y sisingilin daw niya ang utang ng pumintas.
Dumating na rin ang Heneral. Nawala ang mga dinaramdam
ni Don Timoteo. Si Basilio naman ay nasa harap ng bahay at
pinapanood ang mga nagdaratingan.
Ang Piging
Kabanata 35

Naawa siya sa mga inakala niyang mga walang malay na


mamamatay roon kaya naisip niyang bigyan sila ng babala.
Ngunit ng makita niya sina Padre Salvi at Padre Irene ay
nagbago ang kanyang isip.
Ang Piging
Kabanata 35

Nakita rin ni Basilio si Simoun na dala ang ilawan. Kakila-


kilabot ang anyo ni Simoun na naliligid ng apoy at parang
nag-aalinlangan din ito sa pagpanhik. Ngunit nang magtuloy
ay sandali niyang kinausap ang Heneral at iba pang mga
bisita. Saka siya nawala sa paningin ni Basilio.
Ang Piging
Kabanata 35

Nalimot na naman ni Basilio ang kapighatiang dinanas ng


kanyang ina, kapatid, at ni Juli. Namayani ang kanyang
kabutihang loob at ninais na iligtas ang mga nasa bahay
ngunit siya’y hinadlangan ng mga tanod dahil sa marusing
niyang anyo.
Ang Piging
Kabanata 35

Namutla si Simoun nang makita si Basilio na iniwan ng


tanod-pinto upang magpugay sa kanya. Ang mukha niya’y
tila nagsasabi na tumuloy sa sasakyan at nag-utos na, “Sa
Eskolta. Matulin!” Mabilis na lumayo si Basilio ngunit may
nakita siyang lalaki na nakatanaw sa bahay.
Ang Piging
Kabanata 35

Si Isagani pala iyon kaya niyaya niya itong lumayo.


Ipinaliwanag niya ang tungkol sa ilawan saka hinila si
Isagani. Ngunit mabilis na nagpasya ang binata ng makitang
nagpupuntahan na sa kainan ang mga bisita. Naisip niya na
kasamang sasabog sa bahay si Paulita. Sa loob ng bahay ay
may nakita ang mga nagpipiging na isang kaputol na papel
na ganito ang nakasulat.
Ang Piging
Kabanata 35

Ani Don Custodio ay isang biro lamang iyon dahil matagal


nang patay si Crisostomo Ibarra. Ngunit ng Makita ni Padre
Salvi ang papel at ang nakasulat doon ay namutla ito. Lagda
daw iyon ni Ibarra kaya napahilig siya sa sandigan ng silya
saka nanlambot sa takot.
Ang Piging
Kabanata 35

Magpapatawag sana ng mga kawal ang Kapitan Heneral


ngunit ng walang makita kundi mga utusan na hindi niya
naman kilala ay sinabi na lamang nito na magpatuloy sa
pagkain at ‘wag intindihin ang ganoong klaseng pagbibiro.
Ngunit ang Heneral ay nagkunwari lamang na hindi takot
kahit pa ang lahat sa loob ng bahay ay takot na takot sa
nasaksihan.
Ang Piging
Kabanata 35

Maya-maya’y nagsalita si Don Custodio. Sa wari daw niya’y


ang kahulugan ng sulat ay papatayin silang lahat noong
gabing iyon. Hindi sila lahat nakakibo. May nagsabi na baka
lasunin sila kaya binitawan ang mga hawak na kubyertos.
Siya namang paglabo ng ilawan.
Ang Piging
Kabanata 35

Anang Kapitan Heneral kay Padre Irene ay itaas nito ang


mitsa ng ilawan. Bigla namang may mabilis na pumasok,
tinabig ang utusang humadlang dito, saka kinuha ang ilawan,
itinakbo sa asotea, at itinapon sa ilog.
May nagsabing magnanakaw daw iyon at may nanghingi pa
ng rebolber. Ang anino naman na kumuha sa ilawan ay
tumalon rin sa ilog.
Kabanata 37
Ang Hiwagaan
Kabanata 37 Ang Hiwagaan

Sa kabila ng pagpipigil sa pagkalat ng balita tungkol sa mga


pangyayari noong gabi sa piging, nalaman pa rin ito ng madla
at naging usap-usapan ngunit palihim lamang. Si Chikoy, ang
platerong payat, ay nagdala ng hikaw kay Paulita. Habang
tinatanggal ang mga palamuti at hapag sa bahay ni Kapitan
Tiago, nakita ni Chikoy ang maraming supot na pulbura sa
ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan, at sa likod ng mga
upuan. Ayon kay Ginoong Pasta, ang maaring may kagagawan
nito ay isang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni Juanito kay
Paulita.
Kabanata 37 Ang Hiwagaan

Binalaan ni Kapitan Loleng si Isagani na magtago, ngunit


ngumiti lamang ang binata. Ipinagpatuloy ni Chikoy ang
pagbabalita tungkol sa pagdating ng mga sibil na walang
mapagbintangan. Si Don Timoteo at si Simoun ang nangasiwa
sa pag-aayos ng bahay na pinagdausan ng piging, at pinaalis
ang lahat ng mga ‘di kailangan sa imbestigasyon.
Isagani

Pisikal Sosyolohikal

Sikolohikal
Isagani Pisikal

Binatang may Matipunong


tayo

May Kinis at Makislap na Mata

Mukha naman ay Kabatiran


ng Katotohanan at
Karunungan”

Pormal magsuot; Nakikitang


nakasuot ng kapote At
pantalon
Isagani Sikolohikal

Mapanuri Mapagmahal Makabayan Malikhain Idealista


Isagani Sikolohikal

Mapanuri
Si Isagani ay isang mapanuring
indibidwal na maalam sa mga
usapin ng lipunan. Ipinapakita niya
ang kanyang katalinuhan sa
pamamagitan ng mga talumpati,
pagtatalo, at mga
pangangatuwirang pampulitika.
Siya ay may kakayahang suriin at
bigyang-katwiran ang mga
nangyayari sa paligid niya.
Isagani Sikolohikal
Mapagmahal

Makikita ang pagiging mapagmahal


ni Isagani sa kanyang pagmamahal
kay Paulita Gomez. Kahit na may
mga hadlang sa kanilang relasyon,
tulad ng kanilang magkaibang
katayuan sa lipunan, patuloy pa rin
niyang ipinapakita ang kanyang
pagmamahal at pagmamalasakit sa
kanya.
Isagani Sikolohikal
Makabayan

Si Isagani ay may malalim na


pagmamahal sa kanyang bayan.
Ipinapakita niya ang kanyang
pagmamalasakit sa mga suliranin
ng bansa at ang kanyang
pagnanais na makamtan ang
kalayaan at katarungan para sa
mga Pilipino.
Isagani Sikolohikal

Malikhain
Si Isagani ay may malaking talino
sa sining. Mahusay siya sa pagtula
at musika, at ginagamit niya ang
sining na ito upang maipahayag
ang kanyang mga saloobin at
pangarap para sa bayan.
Isagani Sikolohikal

Idealista

Si Isagani ay isang idealista na


naniniwala sa mga prinsipyong dapat
taglayin ng isang lipunang malaya at
patas. Hindi siya sumusuko sa mga
hamon ng lipunan at patuloy na
lumalaban para sa kanyang mga
paniniwala.
Isagani Sosyolohikal

Uri at Lipunang Kinabibilangan

Si Isagani ay nabibilang sa kabataang


Pilipino na nag-aaral sa Universidad de
Santo Tomas, kung saan malalim ang
impluwensya ng lipunan at mga kaugalian
ng panahong iyon. Bilang isang mag-aaral
ng medisina, siya ay bahagi ng intelektuwal
at edukadong uri ng lipunan. Ang
paglalarawan sa kanyang katayuan sa
lipunan ay nagbibigay ng konteksto sa
kanyang mga kilos at pananaw.
Isagani Sosyolohikal

Pagka-Edukado

Bilang isang mag-aaral ng medisina sa


Universidad de Santo Tomas, isinasaalang-
alang si Isagani bilang parte ng edukadong
uring Pilipino. Ang kanyang pag-aaral ay
nagbibigay sa kanya ng pagkakataong
maunawaan at maipahayag ang mga
saloobin at pananaw sa mga isyung
panlipunan at pulitikal ng kanyang
panahon.
Isagani Sosyolohikal
Diskriminasyon at
Kahirapan

Bagamat may edukasyon si Isagani, hindi


pa rin siya nakakaligtas sa diskriminasyon
at kahirapan na karaniwang nararanasan
ng mga mahihirap na mamamayan. Ang
mga suliranin na ito ay nagbibigay-daan sa
kanya upang maunawaan ang kawalan ng
hustisya at oportunidad sa lipunan, na
nagpapalakas sa kanyang pagkilos at
pagtindig para sa mga karapatan ng mga
Pilipino.
Isagani Sosyolohikal

Kabataang Aktibista

Bilang kinatawan ng kabataang Pilipino, si


Isagani ay isang aktibistang nagnanais ng
pagbabago at paglaya mula sa mga pang-
aapi ng mga Kastila. Siya ay aktibo sa mga
kilusan laban sa kolonyal na
pagsasamantala at naglalayong palakasin
ang kamalayang pambansa ng mga
kabataan.
Salamuch po!

You might also like