You are on page 1of 4

Tauhan:

Macaraig- Mayamang mag-aaral ng abogasya


Isagani- Isang makata
Sandoval- ang kawaning Kastila na sang-ayon sa
ipinaglalaban ng mga mag-aaral
Pecson- isa sa mga pangunahing estudyante
Pelaez-isang mag-aaral
Buod:
Kabanata 14:
Isang Bahay ng mg Estudyante Si Makaraig ay isang
mayamang mag-aaral ng abogasya at pinuno ng kilusan
ukol sa isyu sa Akademya ng wikang kastila. Ang
pangunahing estudyante na sina Isagani, Sandoval,
Pecson at Pelaez ay inimbitahan ni Makaraig upang pag-
usapan ang kanilang pakay. Mananalig sina Isagani at
Sandoval na pagbibigyan hiling, samantalang nag-
aalinlangan si Pekson. Si Sandoval ay larawan ng mga
kastilang may malasakit at pagpapahalaga sa mga
Pilipino.
.
May dalang magandang balita si Makaraig. Ibinalita niya
na si Padre Irene ay ang nagtatanggol sa kanila laban sa
mga sumalungat sa kanilang adhikain. Kailangan ng
grupo ang pagkiling ni Don Custodio, isa sa mga kataas-
taasang lipon ng paaralan sa kanilang panig. Dalawang
paraan ang kanilang naisip upang pumanig sa kanila si
Don Custodio, si G. Pasta ; isang manananggol at si Pepay
na isang mananayaw na matalik na kaibigan ni Don
Custodio. Napagkaisahan ng lahat na piliin ang
manananggol upang maging marangal ang
kapamaraanan.

You might also like