You are on page 1of 1

AP SPEECH

Tunay na nakakapagod talagang makipag-agawan. Lalo na kung tila wala ka namang kalaban-
laban sa kalaban mo. Maaring may mga oras na tumutugma ang mensaheng ito sa paksang pag-ibig
ngunit sa mas seryosong usapan, sa mga usapan na tumutukoy sa kalagayan ng buong bansa, tila naiisip
ko na lang ba na “Kailan ba matatapos ang pag-aagawang ito?” kasabay ang paghinga na may kaunting
nerbyos dahil bilang isang mag-aaral at bilang parte ng kabataan, ako’y nababahala na.

Nagsaliksik ako at nalaman kong 80 NM lang ang layo ng Spratlys sa Palawan samantalang
mahigit na 500 NM sa Tsina. Hindi ba parang napakalayo naman ng Tsina para mang-agaw pa? Ayon din
sa United Nations Convention on the Law of the Sea, lahat ng nasasakupan ng 200 NM mula sa kalupaan
ng bansa ay PAMAMAHALAAN AT PANGANGALAGAAN NG PAMAHALAAN NG REPUBLIKA NG PILIPINAS.
Ibig sabihin nito, PASOK sa territorial jurisdiction natin ang Spratlys. Napatunayan din ito noong nanalo
ang Pilipinas sa arbitration case laban sa “9-dash line” maritime claim ng China, na hindi naman nila
tinanggap. Tila di ata naiintindihan ng Tsina na ang inaangkin nila ay hindi naman sa kanila. Kahit ano
pang anggulo mas mayroong claim ang Pilipinas dahil mas maraming proeba ang ating bansa.

Sa nangyayari, bilang isang mag-aaral, hindi na maiiwasan ang makaramdam ng pagkabahala at


kaunting takot dahil sa aming mga pag-aaral, naituro sa amin na labis ang lakas pampulitika at
pangmilitar ng Tsina. Dahil sa pag-aagawang nagaganap, maaaring di maiiwasan ang pagkakaroon ng
digmaan kaya naman dapat mag-isip ang pamahalaan ng iba pang paraan kung paano malulutas ang
problema. Hindi sapat ang pagprotesta sa UN. Kung hindi naman madadaan sa magandang usapan,
nararapat na maghanda rin ang Pinas sa darating na labanan. Dapat ipakita ng pamahalaan lalo na sa
aming mga kabataan na kinabukasan ng bansa na pwede rin naman nilang pagkatiwalaan ang bansa; na
kaya rin nitong lumaban. At magagawa nila ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng bagong armas na
mula sa perang hindi nila binulsa. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat, dapat magkaisa ang mga Pilipino
upang masugpo ang isang suliranin na gaya nito.

You might also like