You are on page 1of 3

Gawain 8: “Teritoryo Ko Pakinggan Mo”

Pangalan: Nicole Kimberly Dy Grado / Seksiyon: 10-SA Petsa: September 22, 2022 Iskor: _______

LC: Nasusuri ang epekto ng mga suliraning teritoryal at hangganan (territorial and border conflicts) sa
aspektong panlipunan, pampulitika, pangkabuhayan, at pangkapayapaan ng mga mamayan.
Panuto: Ang mga mag-aaral ay manood ng isang video hinggil sa teritoryo at sagutin ang gawain sa araw
na ito. Punan ng tamang sagot gamit ang aklat(pp.165-192) bilang gabay sa pagsasagot.
(clickable link: https://www.youtube.com/watch?v=t2quGq0e-FI)

Epekto sa aspeto ng…. Ang aking paliwanag sa pagsusuri sa isyu….


Ang territorial and border conflicts ay nagiging sanhi ng migrasyon o
paglipat sa ibang lalawigan o bansa ng mga apektadong mamamayan.
Malaki ang epekto nito sa buhay at pamumuhay ng mga lalo na kung ang
Panlipunan salungatan ay nauwi sa armadong labanan o digmaan. Labis na
maaapektuhan ang pang-araw-araw na gawain ng mga tao gaya ng pag-
aaral ng mga kabataan, at maging ang mga panrelihiyong aktibidad.

Apektado ng mga suliraning teritoryal at hangganan ang mga batas at


pampolitikang programa ng mga bansang nag-aagawan. Nauubos minsan
ang panahon ng isang gobyerno sa paghahain ng mga protesta ukol sa
agawan ng mga teritoryo. Nahahati rin ang bansa sa dami ng opinyon kung
ano ang dapat na isagawang hakbang. Dahil sa mga suliraning teritoryal at
Pampolitika hangganan, may mga nalilikha rin na mga alyansa ng mga bansa para
madepensahan ang kani-kaniyang interes at teritoryo. Kapag ang mga
suliraning teritoryal at hangganan ay hinaluan ng pampulitikang ideolohiya,
lalong tumataas ang tensiyon sa salungatan na minsan ay nauuwi sa
digmaan.

Apektado ang ekonomiya kapag ang isang bansa ay sangkot sa suliraning


teritoryal. Tiyak na may negatibong epekto ito sa international investment
decisions ng mga namumuhunan. Maaari kasing maging mas masalimuot
ang proseso ng pagnenegosyo at mas malaki ang gugol kung hindi tiyak
Pangkabuhayan kung aling bansa ang may sakop sa isang lugar. Bukod dito, apektado rin
ang kalakalan o pang-araw-araw na pagpapalitan ng produkto at serbisyo
ng mga tao, lalo na kung mayroong pagbabanta sa panig ng mga nag-
aagawang bansa.
Pagdating naman sa Pangkapayapaan na epekto nito, ay tila huminahon na
ang magkabilang panig. Bukod sa paminsan-minsan na pagbanggit sa
pagiging hindi makatarungan na pagankin sa ating mga teritoryo, ay unti-
unti ng natanggap ng marami na ganito na ang sitwasyon mula ngayon,
maraming usapan upang maiwasan ang gulo. Nakadepende ito sa
pagpayag ng kabilang panig sa hiling ng isa. Malayo na ito sa dating
sitwasyon na parang may namumuong digmaan sa pagitan ng dalawang
bansa.
Pangkapayapaan

Anomang oras ay maaaring sumiklab ang gulo o digmaan sa mga nag-


aagawan ng teritoryo, gaya sa pagitan ng Israel at Palestine, North and
South Korea, Russia at Ukraine, at maging sa pagitan ng Tsina at Amerika
na nagtatalo sa umano’y panghihimasok ng Tsina sa mga teritoryo sa West
Philippine Sea. Napatunayan na sa kasaysayan ang kawalan ng kapayapaan
na idinulot ng territorial at border conflict.

Mga pamprosesong tanong:


1. Paano nakaaapekto ang mga suliraning teritoryal at hangganan sa kalagaya ng ating bansa?

Nakakaapekto ang mga suliraning teritoryal at hangganan sa kalagayan ng ating bansa sa aspetong
panlipunan, pampolitika, pangkabuhayan at pangkapayapaan. Ang territorial and border conflicts
ay nagiging sanhi ng migrasyon o paglipat sa ibang lalawigan o bansa ng mga apektadong
mamamayan. Malaki ang epekto nito sa buhay at pamumuhay ng mga lalo na kung ang salungatan
ay nauwi sa armadong labanan o digmaan. Apektado ng mga suliraning teritoryal at hangganan
ang mga batas at pampolitikang programa ng mga bansang nag-aagawan. Nauubos minsan ang
panahon ng isang gobyerno sa paghahain ng mga protesta ukol sa agawan ng mga teritoryo.
Apektado ang ekonomiya kapag ang isang bansa ay sangkot sa suliraning teritoryal. Tiyak na may
negatibong epekto ito sa international investment decisions ng mga namumuhunan. Maaari
kasing maging mas masalimuot ang proseso ng pagnenegosyo at mas malaki ang gugol kung hindi
tiyak kung aling bansa ang may sakop sa isang lugar. Pagdating naman sa Pangkapayapaan na
epekto nito, ay tila huminahon na ang magkabilang panig. Bukod sa paminsan-minsan na
pagbanggit sa pagiging hindi makatarungan na pagankin sa ating mga teritoryo, ay unti-unti ng
natanggap ng marami na ganito na ang sitwasyon mula ngayon, maraming usapan upang
maiwasan ang gulo. Nakadepende ito sa pagpayag ng kabilang panig sa hiling ng isa.

2. Magbigay ng tig-iisang halimbawa sa bawat aspeto ng ating lipunan.


Ang mga aspeto ng ating lipunan ay ang panlipunan, pampolitika, pangkabuhayan at
pangkapayapaan.

Hal:
Panlipunan- paaralan
Pampolitika- pamahalaan
Pangkabuhayan- pangingisda
Pangkapayapaan- katahimikan

3. E.Q Paano nakakatulong ang pag-unawa sa mga kontemporaryong isyu sa ating kamalayan
bilang mamamayan ng ating bansa?

Mahalagang malaman at pag-aralan dahil ito ay makapagdaragdag ng pananaw sa kalagayan ng


bansa mula sa lahat ng antas ng pamumuhay. Bilang karagdagan, sa pamamagitan ng pag-alam sa
mga kontemporaryong isyu, maaari nating sundin ang pag-unlad ng panahon at makilahok sa
kritikal na pag-iisip upang makahanap ng mga solusyon sa mga kontemporaryong problema na
nangyayari. Sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu, mapapaunlad din ng
kabataan ang kanilang kakayahang mag-isip lalo na ang ukol sa kung ano ang maaari nilang
maiambag sa paglutas ng mga isyung kinahaharap ng kanilang pamayanan o bansa.

You might also like