You are on page 1of 2

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA E.S.P.

9
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito
sa iyong sagutang papel.

I. Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat kung TAMA o Mali ang sinasabi sa bawat pangungusap.
1. Walang sinumang tao ang maaaring mabuhay para sa kanyang sarili lamang.
2. Ang ating mga gawain ay panlipunan dahil natutuhan natin ito kasama sila.
3. Ang isang komunidad ay binunubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes,ugali o pagpapahalagang bahagi ng
isang partikular na lugar.
4. Sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kaniyang pagkamalikha.
5. Hawig sa barkadahan ang isang pamayanan.Pinagsama-sama sila, una na ng kanilang kinatatayuang lugar.
7. Ang pamamahala ay usapin ng pagkakaloob ng tiwala.
8. Sa prinsipyo ng pagkakaisa, tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at ng pamahalaan.
9. Hindi bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan nasa hulma ng ating katawan ang
kakayahan nating maging isang sino.
10. Ang pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinibigay sa kanya ang kanyang
ikayayaman.

B. Pag-ugnayin ang mga kahulugang nasa hanay A sa mga paksang nasa hanay B. Isulat lamang ang titik ng napiling sagot.

11. Grupo ng tao na may iisang layunin a. pamilya


12. Grupong may pare-parehong hilig o kultura pero magkakaiba ang kanilang layunin. b. lipunan
13. Nabuong gawi ng isang grupo. c. prinsipyo ng proportio
14. Paraan ng pamahalaan upang mapabuti ang buhay ng bawat miyembro ng lipunan d. kultura
15. Ginagamit upang magpahatid ng impormasyon e. komunidad
16. Unang komunidad ng bawat indibidwal f. kabutihang panlahat
17. Kabutihan para sa bawat isang indibidwal na nasa lipunan. g. lipunang pampulitika
18. Ang angkop na pagkakaloob ng ayon sa panganagilangan ng tao. h. media

C. Piliin ang tititk ng tamang sagot.

19. Ito ay ang institusyong tumutulong sa atin upang mahubog ang ating talino at pagkatao.
A. negosyo B. paaralan C. pamahalaan D. simbahan
20. Ano ang tunay na layunin ng Lipunan?
A. kapayapaan B. kabutihang panlahat C. katiwasayan D. kasaganaan
21. Ito ang pinagkakakitaan ng mga tao sa kanilang ikinabubuhay at pakinabang sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
A. negosyo B. paaralan C. pamahalaan D. simbahan
22. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa.
A. paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
B. pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.
C. pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiambag ng sarili kaysa iba.
D. pakikinabang sa benipisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtaggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito.
23. Ang salitang lipunanay nagmula sa salitang ugat na
A. ipon B. naipon C. lipon D. Griyego
24. Ang komunidad ay salitang ginagamit upang tukuyin ang lipunan na salitang (Latin na)?
A. common B. communis C. communal D. communion
25. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa isa.
A. ang kapayapaan B. ang tawag ng indibidwalismo
C. ang paggalang sa indibidwal na tao D. ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat
26. Ito ay ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan.
A. kultura B. katangian C. paguugali D. kuwento
27. Saan maihahalintulad ang isang pamayanan?
A. pamilya B. negosyo C. barkadahan D. magkasintahan
28. Ito ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupa ang
layuning ito.
A. komunidad B. lipunang politikal C. pamayanan D. lipunang sibil
29. Ang pamamahala ay sinasabing kaloob ng .
A. gantipala B. boto C. tiwala D. kapayapaan
30. Ang tunay na boss ng isang lipunang pampolitika ay ang .
A. mamamayan B. pangulo C. parehong A at B D. kabutihang panlahat
31. Ito ay ang pagtulong ng pamahalaan sa kaniyang mamamayan upang magawa nito ang makakapagpaunlad sa kanila.
A. prinsipyo ng solidarityarity B. prinsipyo ng subsidiarity
C. prinsipyo ng mamamayan D. prinsipyo ng pamahalaan
32. Ang paniniwala na ang tao ay pantay - pantay ay nakaugat sa katotohan na
A. lahat ay iisa ang mithiin B. likha ang lahat ng Diyos
C. lahat ay dapat mayroong pag&aari D.lahat ay may kani-kaniyang anking kaalaman
33. Sino ang pilosopong naniniwalang bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan?
A. Abraham Maslow B. Carl Marx C. Max Scheler D. Sean Piaget
34. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na
A. ang lahat ay magiging masunurin. B. matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat.
C. bawat mamamayan ay may tungkling dapat gampanan. D. walang magmamalabis sa lipunan

D. TAMA O MALI: Isulat ang VERUM kung ang pahayag ay tama at NEFAS kung ito ay mali.

35. Bilang “sosyal”, ang tao ay may responsibilidad na ibahagi ang kanyang oras, yaman at talent.
36. Ang pag-unlad ng bayan ay responsibilidad ng pangulo.
37. Ang pagkakaroon ng magandang paliparan ay pagpapatunay ng kaunlaran ng bansa.
38. Ang pagkakapantay-pantay ay parehas din ng pagiging patas.
39. Ang pangunahing layunin ng media ay magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan.
40. Ang simbahan ay walang responsibilidad sa isang lipunang sibil.
E. Ibigay ang mga hinihinging kasagutan
41.-43. Magbigay ng tatlong magandang dulot ng maayos na lipunan sa pamumuhay ng ng tao.
44.-45 Magbigay ng dalawang hakbang kung paano makakamit ang kabutihang panlahat sa lipunan.
46.-48. Tumukoy ng tatlong paraan na maaaring magdulot ng kaunlaran sa ekonomiya ng lipunan.
49.-50. Bilang isang mag-aaral paano mo gagawing kapaki-pakinabang ang iyong sarili.

“ANG KALAYAAN AY PALAGING MAY KALAKIP NA RESPONSIBILIDAD”

Inihanda ni: Binigyang pansin:

JULIUS M. BAYAGA LEONCIA P MERCADO ANSELMO L. JOLONGBAYAN EdD


EsP Teacher Head Teacher II Principal II

You might also like