You are on page 1of 4

Diana: Ano nga ba ang elastisidad at elastisidad ng demand?

Ang elastisidad ay isang paraan upang masukat ang pagtugon ng


mamimili sa pagbabago ng presyo. At ang elastisidad ng demand
naman ay ang bahagdan na pagbabago sa dami ng demand ayon
sa pagbabago ng presyo.
Diana: At ang mga uri ng elastisidad ng demand ay
Bernadeth: Ang unang uri ng ay Elastic Demand, masasabi itong
price elastic kapag ang pagbabago sa dami ng demand ay higit
kaysa sa pagbabago ng presyo. Sa maliit na bahagdan ng
pagbabago sa presyo, nagiging sensitibo ang mga mamimili sa
pagbili. Ang mga produktong price elastic ay mga produktong
maraming malapit na substitute, halimbawa: Kung tumaas ang
presyo ng gelatin sa P5 na na naging P10, ang mga mamimili ay
maghahanap ng mas mura o kapalit sa P10 tulad ng turon. Isa
pang halimbawa ng price elastic na demand ay mga produktong
hindi pinagdadaanan ng malaki sa badyet sapag di naman ito
masyadong kailangan.
Gabrielle: Ang ikalawang uri ay Inelastic Demand, masasabi itong
price elastic kapag ang pagbabago sa dami ng demand ay mas
maliit sa pagbabago ng presyo. Sinasabi naman nito na kahit
malaki ang bahagdan sa pagbabago sa presyo, ang mga mamimili
ay hindi sensitibo sa pagbili. Ang mga produktong price inelastic
ay ang mga pangunahing pangangailangan at mga produktong
halos walang substitute. Halimbawa: Ang pamilya Rosario ay
nakakaubos ng dalawang takal ng bigas sa isang araw. Kahit
tumaas an gang presyo ng bigas, dalawang takal parin ang
bibilhin dahil ito ang kanilang kinokonsumo.
Pompong: Ang ikatlo ay Unitary o Unit Elastic Demand, ang
pagbabago sa sa dami ng demand at presyo ay magkatumbas.
Ang halimbawa nito ay mga pangangailangang panlipunan
(requirement) tulad ng edukasyon, tumaas man o bumaba ang

matrikula ng paaralan, ganoon pa din ang bilang ng mga


paaaralin ng magulang.
Diana: Natalakay na natin ang tatlong mga nauna at napansin na
nakadepende ang mga ito sa isat-isa. Subalit ang dalawang huling
talakayin natin ay independent at hindi naaapektuhan ng
pagbabago kaya tinawag silang perfectly elastic at inelastic.
Maituturing na pinakamalapit na mga halimbawa nito ay ang mga
produktong may kinalaman sa produkto at serbisyo na pansagipbuhay.
Pompong: Ang Perfectly Inelastic Demand ay nangangahulugang,
ang quantity demanded ay hindi tumutugon sa pagbabago ng
presyo. Ang mga produktong ito ay napakahalaga na kahit anong
presyo ay bilbilhin pa rin ng kaparehong dami. Ang halimbawa
nito ay mga maintenance,preskripsyon, o requirement, ang dami
ng binibili na gamot ng isang may diabetes ay ayon sa
preskripsyon ng doktor. Kaya kahit magbago ang presyo ng
gamot, bibili pa rin siya ng saktong dami ayon sa sinabi ng doctor,
mahal man o mura. Ipinapakita ng perfectly inelastic na kahit
anong pagbabago sa presyo ay walang magiging pagtugon ang
mga mamimili dito. Ibig sabihin, sa kahit na anong presyo ay bibili
pa rin sila ng eksaktong dami.
Gabrielle: Ang Perfect Elastic Demand ay nangangahulugang
anumang pagbabago sa presyo ay magdudulot ng infinite na
pagbabago sa quantity demanded. Ipinapakita rito na sa iisang
presyo, ang demanded ay hindi matanto o mabilang. Hindi
malalaman ang dami ng pagtugon dito kaya coefficient ng
elasticity nito ay inifinite kaya naman walang tiyak na halimbawa
ang ganitong degree ng elastisidad.
Diana: Nalalaman ang tugon ng mamimili sa tuwing may
pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo gamit ang
formula, mayroong isang tiyak na batayan na magagamit kahit
ano man ang sitwasyon. Kailangang maging theoretical at gamitin

ang formula. Sa lahat ng formula, pinakamadali at tiyak ang


midpoint o arc elasticity formula.
Lawrence:

-Ang nakuha natin sa paggamit ng formula ay: -3.67, masasabi


natin ngayon gamit ang mga batayan na ito ay Elastic Demand
sapagkat, -(Ed > 1).

Diana: Ngayon ay alam na natin ang kahulugan,halimbawa, at


mga batayan sa paguuwi ng elastisidad ng demand. Yon lamang
po,at maraming salamat

You might also like