You are on page 1of 9

CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE FOR NATIONAL READING PROGRAM

FILIPINO 3
(Reading Enhancement)

I. GENERAL OVERVIEW (Pangkalahatang Ideya)


Catch-Up National Reading Grade 3
Subject: Program – Filipino Level:
(Enhancement)
Quarterly Theme: Sub
Theme:
Time: Date: March 15, 2024

II. SESSION OUTLINE (Balangkas ng Sesyon)


Session Title:
Pagbibigay ng Sariling Hinuha Bago, Habang at Pagkatapos
(Pamagat ng Sesyon)
Mapakinggan ang Teksto

Session Objectives: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang :


a. naibibigay ang sariling hinuha bago, habang at
(Layunin ng Sesyon) pagkatapos mula sa napakinggan na teksto,
b. natutukoy ang wastong hinuha sa bawat sitwasyon, at
c. nakabubuo ng graphic organizer mula sa akdang binasa.

Key Concepts:
(Pangunahing Ang hinuha ay isang hula o palagay na walang kasiguraduhan at di-
Konsepto) tiyak ang isang pangyayari. Ito ay tinatawag na guess, infer o
inference sa wikang Ingles.
Halimbawa:
- Magkakaroon ng bonggang selebrasyon ang Pamilya Gracias.
- Ikaw ay magiging magaling na abogado sa edad na 30.

References:
● DM No. 001, s. 2024
(Sanggunian)
● CLAID Modules

Materials:
⮚ Strips ng papel, kahon, laptop, tv or monitor, speaker, slide deck
(Kagamitan)
III. TEACHING STRATEGIES (Estratehiya sa Pagtuturo)
Components Duration Activities and Procedures
(Mga Bahagi) (Oras) (Mga Gawain at Pamamaraan)

Preparation and 10 mins.


Settling In
⮚ Pagpapalaro: Paggamit ng salita sa sariling
pangungusap.

- Ipaawit ang “Catch-up Friday Na” habang umiikot ang


isang kahon na may mga lamang strip of paper kung
saan nakasulat ang mga salita na gagamitin ng mga
bata sa pangungusap. Ang mga bata ay maaaring
nakabilog habang ginagawa ang gawaing ito. Kapag
huminto ang musika ay kukuha ng papel sa loob ng
kahon ang matatapatan nito. Babasahin niya ang salita
at gagamitin sa sariling pangungusap.

mamaya na

online games cellphone

takdang-aralin
paglalaro
Song link:
Catch-up Friday Na! Catch-up Fridays Song (by @micathtv4964 )
(youtube.com)

Catch-up Friday Na!


By: Micath TV

Isang araw na naman


Punong-puno ng kasiyahan
Kami’y maglalakbay
Pagbabasa ang daan

Na, na, na, na, na, na…


Catch-up Friday Na!
Na, na, na, na, na, na…
Kami’y masayang-masaya

Oh kay saya magbasa ng mga libro


Imahinasyon lumilipad na paruparo
Nadadagdagan mga kaalaman
Iba’t ibang lugar ang napupuntahan

Paghahawan ng sagabal:
Panuto: Piliin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salita sa
Hanay A.
Hanay A Hanay B

1. lulong a. isang laro gamit ang


isang uri ng gadget tulad
ng selpon at laptop
2. online games b. hindi na makapagpigil
3. sinaing c. pagluluto ng bigas upang
maging kanin

Bago tayo magbasa ng kuwento, alamin muna natin ang


mga tanong na kailangan nating sagutin mamaya.

Mga Tanong Bago Bumasa:


1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Ano ang katagang paboritong sambitin ni Tony sa
tuwing may ipinag-uutos sa kanya?
3. Ano sa palagay ninyo ang naging reaksiyon ng guro ni
Tony nang malamang hindi niya nagawa ang kaniyang
takdang-aralin?
4. Ano kaya ang nangyari sa sinaing na nakalimutang
bantayan ni Tony? Tama ba ang kaniyang ginawa?
5. Kung ikaw si Tony, gagawin mo rin ba ang kaniyang
ginawa? Bakit?

Dedicated Time 30 mins. Estratehiya sa Pagpapabasa:


Reading Berdeng linya: Lahat ng mag-aaral
Asul na linya: lalake
Pulang linya: Babae
Paghihinuha bago mapakinggan ang teksto
Itanong: Tungkol saan kaya ang kuwento? Bakit
Mamaya Na Po ang pamagat nito?

Mamaya Na Po
ni: MAHEStra Catherine M. Alcantara

Si Tony ay isang batang matigas ang ulo at lulong


sa paglalaro ng online games. Hindi niya nagagawa nang
maayos ang mga gawain niya dahil hindi nito mabitawan
ang kaniyang cellphone.

Nanay Celia: Oh Tony, nagawa mo na ba ang iyong


takdang-aralin?
Tony: Mamaya na po mama.

Nanay Celia: Ayan ka na naman Tony. Mamaya na ang


laro at unahin mo muna ang iyong takdang-aralin.

At tuluyan na ngang nakalimutang gawin ni Tony ang


kaniyang takdang-aralin. Kinabukasan habang nagluluto si
Nanay Celia ay biglang dumating ang delivery ng mga
saging na itinitinda niya.

Nanay Celia: Tony anak, pakitignan mo nga ang sinaing


at aasikasuhin ko lamang ang ating paninda.

Tony: Opo Inay. Ako na po ang bahala sa sinaing.

Ngunit dahil lulong na naman sa selpon si Tony ay


nakalimutan na niya ang sinaing.

Nanay Celia: Tony! Ang sinaing nangangamoy na!

Progress Monitoring 30 mins. Sagutin ang mga Tanong:


through Reflection
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
and Sharing
2. Ano ang katagang paboritong sambitin ni Tony sa
tuwing may ipinag-uutos sa kanya?
3. Ano sa palagay ninyo ang naging reaksiyon ng guro ni
Tony nang malamang hindi niya nagawa ang kaniyang
takdang-aralin?
4. Ano kaya ang nangyari sa sinaing na nakalimutang
bantayan ni Tony? Tama ba ang kaniyang ginawa?
5. Kung ikaw si Tony, gagawin mo rin ba ang kaniyang
ginawa? Bakit?

Paggamit ng graphic organizer sa pagbibigay ng hinuha.

Pagkatapos kong mabasa ang tungkol sa…


kuwento ng batang si Tony.

Sa tingin ko…
Marami pa siyang kamaliang magagawa kung
ipagpapatuloy niya ang pagiging lulong sa online
games.

Dahil…
Palagi niyang nakalilimutan ang mga bilin sa kaniya at
mas inuuna niya pa ang paglalaro.

Pangkatang Gawain

Pangkat I

Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon at ibigay


ang hinuha tungkol dito.

1. Masipag mag-aral si Letizia. Kahit


hindi siya paalalahanan ng kaniyang
ina ay kusa siyang nag-aaral ng
mga leksiyon niya.
______________________________________________

______________________________________________

2. Nagsuot ng dyaket si Alvin. Pagkatapos,


pinagkiskis niya ang kaniyang
mga palad.

______________________________________________

______________________________________________

3. Mahilig sa matatamis na pagkain si


Greg. Itinatago nito sa kaniyang
ina ang pagbili ng mga kendi
dahil ipinagbabawal ito sa kaniya.

______________________________________________

______________________________________________

Pangkat II

Panuto: Ibigay ang inyong hinuha mula sa sitwasyon.


Ipakita ito sa pamamagitan nang isang dula-dulaan.

Pangkat III

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento.


Pagkatapos, punan ang graphic organizer sa ibaba.
Wrap-Up 20 mins.
Pagbabahagi ng Natutuhan:
Kompletuhin ang pangungusap sa ibaba.

Sa araw na ito, ako ay (sabihin ang nararamdaman)_____


Sapagkat natutuhan ko na _________________________
______________________________________________
______________________________________________.

Inihanda:
CATHERINE M. ALCANTARA
Guro I
Mandaluyong Addition Hills Elementary School

Iwinasto : Sinang-ayunan:

VALENTIN C. SAGUN JR. LUCIA M. LLEGO


Dalubguro I Punongguro II

Sinuri:

JOSELIN S. BALANE LIBERTY A. NOBLEZA


Tagamasid Pampurok Tagamasid Pampurok na Nakatalaga sa Filipino

RUBY E. BANIQUED
EPS, Learning Resource Management System

Pinagtibay:

ALYN G. MENDOZA
Punong Superbisor ng Edukasyon
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum

You might also like