You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

Petsa : Ika-2 ng Marso, 2020


Antas at Pangkat : 10-Servanthood
Pamantayang Pangnilalaman :
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo
bilang isang obrang maestrang pampanitikan
Pamantayan sa Pagganap :
Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video documentary na
magmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan
Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
1. F10PN-IVd-e-85
Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang
namayani sa akda
I. NILALAMAN
Aralin 4.5 : Panitikan : El Filibusterismo
Isagani ( Kabanata 37 )
II. Mga Kagamitang Panturo
Sanggunian:
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro; Filipino 10: Panitikang Pandaigdig, pahina 162-165
2. Libro ng El Filibusterismo, pahina 309-315
3. Karagdagang Kagamitan: activity sheets, ppt, tv, kartolina, buhay na larawan ni
Isagani, kahon
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Panalangin
 Tumayo ang lahat para sa
panalangin.
 Ama, salamat po sa araw na
ito….
2. Pagbati
 Magandang hapon sa inyong
lahat.  Magandang hapon din po
Bb.Girlie
3. Pagsasa-ayos ng Silid-aralan
 Bago umupo ayusin muna ang
hanay ng mga upuan at pulutin
ang mga kalat  ( Aayusin ang mga upuan at
pupulutin ang mga kalat )
4. Pagtala ng Liban
 Sino ang liban ngayon?  Ma’am ang liban po sa araw na
ito….
 Mahusay! Isa lamang ang liban
sa pangkat na ito ngayong
araw.
B. Pagbabalik-aral at/o Panimulang
Pagtataya
 Bago tayo dumako sa ating
talakayan atin munang sagutan ang
ating panimulang pagtataya.
 May Tama Ka! Ibigay ang
hinihinging sagot ng mga pahayag.
1. Kumuha ng lampara sa mesa
para hindi matuloy ang
pagsabog
 Isagani
2. Nagbigay ng regalo na
lampara sa ikakasal
 Simoun
3. Pinagdausan ng kasal nina
Paulita at Juanito
 Bahay ni Don
Timoteo
4. Ang nagsabi kay Isagani na
may sasabog sa handaan
 Basilio
 Ngayon naman dumako tayo sa
maikling gawain. Narito ang buhay
na larawan ni Isagani na kung saan
ay bibigyan niyo ng mga munting
impormasyon.  Si Isagani po ay ….

 Ngayon naman sa pamamagitan ng


3-2-1 chart magbigay ng mga 3-
pagkakakilanlan kay Isagani, 2-
nais malaman patugkol sa kaniya at
1-mahalagang tanong na nais
mabigyan ng sagot sa araling ito.
 Si Isagani po ay kasintahan ni
Paulita, pamangkin ni Padre
Florentino …..
 Mahusay!
C. Paghahabi ng Layunin
 Mensahe ko, Ipasa mo!
(magbibigay ang guro ng papel na
may nakatagong mensahe na
ipapasa hanggang sa mapunta sa
dulo at isusulat sa pisara ang
nilalaman)  ( gagawin ang gawain )
D. Pag-uugnay ng mga Halimbawa
sa Bagong-Aralin
 Batay sa mga pangungusap, ano
ang kaugnayan nito sa ating
tatalakayin ?
 Ma’am siguro po ang kaugnayan
po ng mga pangungusap sa ating
tatalakayin ay …..
 Magaling! Ang kaugnayan ng ating
ginawang gawain ay patungkol sa
usap-usapan o hiwagaan sa
kabanata 37.
 Ang ating paksa ay Kabanata 37
Ang Misteryo na may kaugnayan
sa ating tauhan na si Isagani. Bago
tayo tumungo sa talakayan
pakibasa muna ang ating pokus na
tanong.
E. Pokus na Tanong
 Ano-ano ang mga bagay na
pinaniniwalaan o pinapahalagahan
at pangarap ni Isagani?  Ang mga bagay na
pinaniniwalaan ….
 Kailangan bang magkaroon ng
kamalayan ang isang kabataan sa
mga nangyayari sa ating lipunang
ginagalawan?  Opo, upang….
F. Pagbubuod ng Akda
 Ibubuod ng piling mag-aaral ang
kabanata 37 Ang Hiwaga sa
pamamagitan ng radio
broadcasting  ( isasalaysay ang kabanata 37
Ang Hiwaga )
G. Pag-unawa sa Napakinggan
 Narito ang kahon ng katanungan na
kung saan naglalaman ng mga
katanungan patungkol sa
napakinggang buod ng kabanata.
 Pamilyang nag-uusap-usap
patungkol sa nangyaring nakawan
― Pamliya Orenda
 Ano ang kumalat na balita
kinabukasa tungkol sa nagdaang
kasalan?
― Patungkol sa
magnanakaw na kumuha
ng lampara
 Sino ang pinaghihinahalaan ng
mahusay na abogadong si
Ginoong Pasta?
― Mortal na kaaway ni Don
Timoteo o karibal ni
Juanito.
H. Pagbibigay ng Pamantayan sa
Pagmamarka para sa
Pangkatang Gawain
Nilalaman - 20  ( babasahin ang pamantayan )
Kaisahan ng Pangkat - 15
Pagkamalikhain - 15
KABUUAN - 50
I. Pangkatang Gawain
 Panuto: Bawat pangkat ay
magbibigay ng mga paniniwala at
pagpapahalaga kaugnay sa
napakinggang kabanata.
Unang Pangkat – Ukol sa usap-
usapan sa kumuha ng lampara.
Ikalawang Pangkat – Natagpuang
maraming kahon ng pulbura ang
nakita sa bahay ni Don Timoteo.
Ikatlong Pangkat – Haka-haka na
ang criminal ay maaaring mortal na
kaaway ni Don Timoteo o karibal
ni Juanito.
Ikaapat na Pangkat – Tinuturing
na utak ng lahat ay si Simoun.

TANDAAN: sampung (10) minuto


lamang sa pagplaplano at tatlong (3)
minuto sa presentasyon.

J. Pag-uugnay ng aralin sa pang-


araw-araw na buhay
 Kung ikaw ang nasa katayuan ni
Isagani gagawin mo rin ba ang
pagkuha ng lampara para mailigtas
ang iyong minamahal? Bakit ?  Kung ako si Isagani, gagawin ko
rin ang kaniyang ginawa sapagkat
….
K. Paglalahat ng Aralin

 Sa kasalukuyan mayroon pa bang


katulad ni Isagani? Sino kaya ito?  Mayroon pa po ma’am ….

IV. Pagtataya

Panuto : Isulat ang T kung tama


ang pahayag at M naman kung
mali.
1. Usap-usapan ang nangyaring 1. M
nakawan sa Binyagan. 2. M
2. Si Basilio ang kumuha ng 3. T
lampara para hindi matuloy ang 4. T
pagsabog. 5. T
3. Si Simoun ang may pakana ng
lahat ng nangyari sa handaan.
4. Si Chichoy ang nakatuklas ng
mga pulbura sa bahay ni Don
Timoteo.
5. Si Isagani ang pinapatungkulan
sa karibal ni Juanito.

V. Karagdagang Gawain

 Para sa karagdangan gawain


gumawa ng komikstrip patungkol
sa kabayanihang ginawa ni Isagani.
 Ayan lamang para sa araw na ito.
Paalam at salamat.  Paalam at salamat din po
Bb.Girlie.

Inihanda ni:

Espinueva, Girlie G.
Gurong Nagsasanay

Binigyang-pansin nina:

Bb.Eleanor G. Tolosa
Gurong Tagapagsanay

Bb. Lorelyn Gelilio


Gurong Tagapag-ugnay sa Filipino

You might also like