You are on page 1of 1

Transcript of 'Plop! Click!' ni Dobu Kacchiri 'Plop! Click!

' Ika-1 ng Oktubre 2012 ni Dobu Kacchiri (Ang Amo) Mga Pangunahing Tauhan: a) Koto b) Kikuichi (Ang Alalay) Mga Suportang Tauhan: a) Nagdaraan Tagpuan: Sa gitna ng bukirin; sa may dalampasigan Mga Pangyayari: 1) Hinanap ng Koto si Kikuichi upang yayain itong magbiyahe at sumang-ayon naman ang kanyang alalay. Habang silay naglalakbay sa gitna ng bukirin ay napagusapan ng dalawa ang epikong Labanang sa Heike na hiniling ng Koto na isaulo at i-ensayo ni Kikuichi. 2) Narinig ng Koto ang mga alon kayat napagtanto nila na nasa may dalampasigan sila. Nagsihagis sila ng mga bato upang matantiya nila ang lalim ng tubig. 3) Naipakilala rin sa bahaging ito ang karakter ng Nagdaraan na mula sa bayan sa may dagat. Na-aliw siya sa dalawang bulag (ang Koto at si Kikuichi) at naisipan niyang paglaruan ang mga ito. 4) Kailangan nilang pumunta sa kabilang dulo kayat nagsimulang lumulusong na ang Koto sa bahaging mababaw ang tubig. Natigil ito dahil nais ni Kikuichi na ibuhat niya ang kanyang amo. 5) Naghanda na ang Koto para buhatin siya ni Kikuichi, subalit ang nakarga ng kanyang alalay ay ang Nagdaraan (na akala niya ang Koto) na sumampa sa kanyang likuran. Na-inis ang Koto rito, at bumalik si Kikuichi sa may dalampasigan. Lumusong si Kikuichi, buhat-buhat ang Koto subalit itoy natisod. 6) Nabasa at nalamigan ang Koto kayat humingi ito ng sake mula kay Kikuichi. Tinagayan ni Kikuichi ng alak ang Koto, subalit ang nakainom pala ay ang Nagdaraan. Nagtataka ang Koto kung bakit tila hindi pa ito natatagayan, sagot naman ni Kikuichi ay natagayan na niya ito. 7) Pina-inom ng Koto ang kanyang alalay ng sake, na malugod namang tinaggap ni Kikuichi hanggang naubos niya ang nilalaman ng bote. Matapos ito ay nalaman na hindi pa pala nakaka-inom ang Koto ng sake kaya nagalit ito. Naisipan ng Nagdaraan na pag-awayin ang dalawa. 8) Binugbog ng Nagdaraan ang Koto at dahil akala niyang gawa ito ni Kikuichi ay mas lumala ang poot nito. Itinanggi ni Kikuichi ang bintang at siya naman ang binugbog ng Nagdaraan. Akala naman niya na binubugbog siya ng kanyang amo. 9) Dahil sa mga ginawa ng Nagdaraan ay itinuloy na ng dalawang bulag ang pagsusuntukan. Nang itoy makita ng nagdaraan ay lumisan ito agad dahil nakita niyang delikado na ang situwasyon. 10) Nasaktan ang dalawa sa kakasuntok nila sa isat isa. Ikinahiya ni Kikuichi ang kanyang amo dahil sa ugali nito at itoy kanyang tinakbuhan. Hinabol naman siya ng Koto habang sumisisigaw ng saklolo upang mahuli ang kanyang alalay. TEMA: Huwag maging mapagsamantala sa kapwa.

You might also like