You are on page 1of 8

Filipino

IKALAWANG MARKAHAN
(Linggo 7 at 8)

Modyul 7 - Elemento at Katangian ng Dula


Modyul 8 - Paggamit ng mga Pang-ugnay sa
Pagsulat ng Maikling Dula

1
FILIPINO 9 – IKALAWANG MARKAHAN
MODYUL 7: Elemento at Katangian ng Dula
Suriin
❖ Basahin Mo
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang bansang Hapon. Kahit hindi naging maganda ang nakaraan
sa pagitan ng dalawang bansa, nanatiling malapit ang dalawang bansa sa isa’t isa hanggang sa
kasalukuyan. Patuloy na tinatangkilik ng mga Pilpino ang mga produktong Hapon tulad ng mga Anime,
mga pagkain tulad ng sushi at ang mga palabasa na naglalarawan ng kanilang kultura.
Kitang-kita ang kagalingan ng mga Hapon sa sining at ang kanilang pagkamalikhain sa
pamamagitan ng kanilang panitikan. Ilan sa mga tanyag na panitkan ng mga Hapon ay nasa anyong
tula, dula at kwento.
Basahin sa ibaba ang isang dula mula sa mga Hapon na kapupulutan ng aral.

PLOP! CLICK!
ni Dobu Kacchiri
Mga Tauhan: Koto
Kikuichi
Taong nagdaraan

Buod:
Si Koto ay amo ni Kikuichi. Sila ay parehong bulag, isang araw naisipan ni
Koto na mamasyal at iinum din siya ng sake. Ang sak ay isang inumin o alak ng mga Hapon na gawa sa
bigas. Naghanda sa pamamasyal sila Koto at Kikuichi. Nais ni Koto na pumunta sa kapatagan sapagkat
lumalawak daw ang kanyang puso at nakakapagpapagaan daw ito ng
kanyang loob. Habang naglalakad, nag-usap sila tungkol sa Heiki na isang
pampanitikang epiko ng mga Hapon. Sabi ni Koto kay Kikuichi, kapag
natalaga ra siya bilang isang kengyo ay gagawin niyang koto si Kikuichi.
Maya-maya ay nakarinig sila ng
rumaragasang tubig at nanghulang siguro ito ay
isang dagat. Kailangan nilang tumawid sa
kabilang pangpang. Naghagis sila ng bato. Ang
unang hagis ay tumunog ng plop! Ibig sabihin
ay malalim ito. Sa kabilang banda naman ay click! Ibig sabihin ay mababaw
lang doon. May nagdaan at nakita ang dalawang bulag. Pinagkatuwaan niya
ang dalawang bulag. Sabi ni Kikuichi ay bubuhatin niya lang daw si Koto
upang makatawid sila sa kabilang pangpang.
Noong una ay hindi pumayag si Koto pero noong huli ay pumayag na rin ito. Nang papasanin na ni Kikuichi
si Koto ay ang taong nagdaraan ang siyang sumakay at siya ang napasan ni Kikuichi. Nang makarating
na sila sa pangpang at hinahanap ni Koto si Kikuichi at tinanong kung bakit
hindi pa niya pinapasan ito. Sabi naman ni Kikuichi ay napasan na daw niya
ito. Nagalit si Koto, kaya naman bumalik si Kikuichi para pasanin si Koto ngunit
sila ay natalisod kaya’t sila’y nabasa.
Nang nasa pangpang na sila ay naisip ni Koto na uminom na lamang
sila ng sake. Sa unang tagay ay ang taong nagdaraan ang uminom ng sake.
At maging sa pangalawang tagay. Nagalit si Koto kay Kikuichi dahil naubos
ang sake na hindi man lamang siya nakainom. Pinag-away ng taong
nagdaraan ang dalawang bulag at sinaktan upang makagalit sila. Sa huli ay
nag-away nga ang dalawa na walang kamalay-malay na pinaglalaruan lamang
sila ng taong nagdaraan.

Halaw: Kalipunan ng mga Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino

2
GAWAIN 1: Sino Sila, Ano Sila, Nasaan Sila
Panuto: Paghambingin ang tatlong tauhan ng dula sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
sumusunod na tanong at paglipat ng inyong kasagutan sa tsart sa ibaba:

Koto Kikuichi Taong Nagdaraan


A. Ano ang kanilang kalagayan (sino sila, ano
sila, nasaan sila) sa simula ng dula?

B. Ano ang layunin o n ais nilang mangyari mula


sa kanilang kalagayan sa simula ng dula?
C. Ano ang motibasyon o bagay na nagtulak sa
kanilang gawin ang kanilang layunin?
D. Ano ang nagging hadlang kung mayroon
man sa kanilang layunin?
E. Ano ang naging
kalagayan ng mga tauhan sa wakas ng dula?

MGA ELEMENTO AT KATANGIAN NG DULANG PANTANGHALAN

Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas, napakahalaga ang dula na nagsilbing


libangan ng libo-libung mamamayan.
Upang malimutan ang mga pangamba, pag-aalala sa iba’t ibang emosyon sa kanilang katauhan,
nangangailangan sila ng paglilibangan. Kinakailangang may mapagpapalipasan sila ng oras upang
maibsan ang kanilang sama ng loob sa mga hindi magagandang pangyayari sa kanilang buhay.
Ang dulang pantanghalan ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ayon kay Sauco, ito ay isang
uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood sa pamamagitan ng
kilos ng katawan, dayalogo at iba pang aspekto nito. Gaya ng ibang panitikan, karamihan sa mga dulang
itinatanghal ay hango sa totoong buhay.
Mayroong mga elementong bumubuo sa isang dulang pantanghalan, ito ay ang mga sumusunod:

✔ Iskrip - ito ang pinakakaluluwa ng isang dulang pantanghalan. Lahat ng bagay na isinasaalang-alang
sa dula ay naaayon sa isang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dulang pantanghalan.
✔ Aktor - Ang nagsisilbing tauhan ng dula at nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Sila ang
nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at pinapanood na mga tauhan sa dula.
✔ Dayalogo - Ang mga bitaw na linya ng mga leme na siyang sandata upang maipakita at maipadama
ang emosyon ng dulang pantanghalan.
✔ Tanghalan - Ano mang lugar o pook na pinagpasyahang pagdarausan ng isang dulang pantanghalan.
✔ Direktor - Siya ang namamahala at nagpapakahulugan sa isang iskrip ng dula. Siya ang nagpapasya
sa kaayusan ng tagpuan, ang damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas
ng mga tauhan.
✔ Manonood - Sa kanila inilalaan ang isang dulang pantanghalan. Hindi maituturing na dulang
pantanghalan kung hindi ito napapanood ng mga tao.

Hindi lamang mga elemento mayroon ang isang dula, ito ay mayroong tatlong katangian na
mababasa sa ibaba:

A. Saglit na Kasiglahan - magpapakita ng pamandaliang pagtatagpo ng mga tauhang


masasangkot sa problema
B. Tunggalian - tahasan nang magpapakita ng labanan o pakikibaka ng tanging tauhang
inilahad at ito ay maaaring ang kanyang pakikipagtunggali sa sarili, sa kapwa, sa kalikasan
C. Kasukdulan - pinakamadulang bahagi ng dula kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging
tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay.

3
GAWAIN 2: Hatiin Mo
Panuto: Hatiin natin sa apat na bahagi ang dula. Isalaysay nang pabuod ang mga nangyari sa bawat
bahagi ng dula:

GAWAIN 3: Paghambingin Mo!


Panuto: Gamit ang graphic organizer sa ibaba, paghambingin at suriin ang unang dulang nabasa at
ang dulang mababasa sa pagsasanay na ito. Maaari ring mapapanood sa youtube link na
https://youtu.be/tmg5knoDHF w ang dulang mababasa sa ibaba.

Sa Pula, Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo

Mga Tauhan: Kulas, Celing, Teban at Castor


BUOD:
Si Kulas at Celing ay ang mag-asawang
laging nag-aaway sa pagkalulung sa bisyong pagsasabong ni
Kulas. Namomroblema itong si Celing sa asawa sapagkat lagi
na lang talo kung umuwi ang asawang si Kulas galing sa
sabong. Kung kaya ay umisip siya ng paraan para hindi
tuluyang mabaon sa kahirapan. Palihim niyang pinupusta ang
engot na kasambahay na si Teban sa manok ng kalaban upang
kahit manalo o matalo si Kulas sa sabong ay wala pa ring talo.
Nagpatuloy ang ganoong gawain hanggang
sa isang araw ay para yatang nawalan nan g pag-asa itong si
Kulas sapagkat hindi naman daw pabor sa kanya ang suwerte kaya nakapagdesisyon siyang iwan na
ang pagsasabong. Ngunit nagbago ang kanyang isip ng siya ay mapagpayuhan ni Castor, kasamahan
niya sa sabongan, sa mga sandaling ito ay tinuruan ni Castor si Kulas sa mga nararapat nitong gawing
estratehiya upang manalo si Kulas. Muli na namang nabuhayan itong si Kulas na mananalo siya sa
sabong sa pagkatataong ito. Muli ay nanghingi siya ng perang pamusta sa sabong kay Celing sabay
nangakong kung matatalo pa siya sa pagkakataong iyon ay Malaya na si Celing na ihawin ang lahat ng
kanyang tinali at nangakong rin siyang kakalimutan na niya ang sabong.
Sumapit na nga ang oras ng pagsasabong at pumusta ng palihim si Kulas sa manok
ng kalaban gaya ng itinuro ni Castor sa kanya. Pinapusta rin ni Celing si Teban sa manok ng kalaban.
Ngunit sa di inaasahang pangyayari ang manok ni Kulas na sadyang tinusok ng karayom ang paa upang
sadyang humina at tuluyang matalo ay siya palang mananalo sa labanan ng mga tinali.
Sa pagkakataong iyon, kapwa natalo sa sugal ang mag-asawang Kulas at Celing.
Ngunit naging masaya si Celing dahil kahit pa sila ay natalo sa sabong, maghahanda sila sapagkat
natupad ang kasunduan nila ng asawa na iihawin ang lahat ng tinali at magbabago na si Kulas sa
kanyang bisyong pagsusugal.
Halaw mula sa https://youtu.be/tmg5knoDHFw

4
Katangian at Elemento Plop! Click! Sa Pula, Sa Puti

Mga tauhan

Tagpuan

Mahahalagang
Pangyayari

Kulturang Ipinakita

BAHAGI NG DULA
Simula
Saglit na Kasiglahan

Tunggalian
Kasukdulan

Wakas
Paano winakasan ang dula?

Pagkakatulad ng dalawang dula


Pagkakaiba ng dalawang dula
Konklusyon Batay sa Paghahambing

5
FILIPINO 9 – IKALAWANG MARKAHAN
MODYUL 8: Paggamit ng mga Pang-ugnay sa Pagsulat ng Maikling Dula

Gawain 1 PANUTO: Punan ang sumusunod na patlang.Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.
Subalit kundi dahil sa

At sapagkat

Si Frank 1._____ si Pepe ay magkapitbahay. Hindi marunong ng Filipino si Frank 2.______ siya’y
isang Amerikano. Natutuwa si Gng. Cruz sa mabuting pakikisama ni Pepe sa kanilang kapitbahay
3._______ maging suliranin niya 4.______ sila’y mga dayuhan.
Ang pantay-pantay na pagtingin sa kapwa kahit sino ay batid ni Pepe, 5.______ ang iba niyang
kalaro ay hindi gayon. Mabuti naman 6._______ napangunahan na ni Pepeng pagsabihan ang kanyang
mga kalaro 7.________ maaaring tuksuhin nila si Frank.
8.______ mabuting halimbawang ipinapakita ni Pepe, pinaparisan siya ng kanyang mga kalaro.
Sinusunod siya ng kanyang mga kalaro 9._______ hindi siya mayabang.

Gawain 2: Ayusin mo!


PANUTO: Isulat sa patlang ang mga uri ng pang-ugnay na mabubuo sa pamamagitan nang pagsasaayos
ng mga titik na nasa loob ng bubble balloon.

1._______________ 2.__________________ 3.________________

SURIIN

ANG PANG-UGNAY
Ang Pang-ugnay ay isang bahagi ng pananalita na gaya ng kaniyang pangalan ito ay
nag-uugnay sa mga salita, sugnay, parirala o pangungusap Ang Pang-ugnay ay
tumutukoy sa mga salita na nagpapakita ng kaugnayan ng dalawang yunit o bahagi sa isang
pangungusap. Ito ay may tatlong uri gaya ng:

Pangatnig – gaya ng mga (at , pati, nang, bago, habang, upang, sakali, kaya, kung,
gayon at iba pa)
Pang-angkop – paggamit sa na at ng
Pang-ukol – paggamit ng mga - ni/ nina , kay/kina, laban sa/kay , ayon sa/kay , para
sa/ kay , alinsunod sa/kay, hinggil sa / kay, tungkol sa/kay.

6
Pagyamanin
Pagsasanay 1: Basahin ang bahagi ng isang dula at tukuyin ang mga pang-ugnay na ginamit nito. Isulat lamang
sa patlang na nakalaan sa ibaba.

1. ______________________ 4. ______________________
2. ______________________ 5. ______________________
3. ______________________

Pagsasanay 2: Suriin ang mga pahayag. Bilugan ang mga pang-ugnay na ginamit at isulat sa patlang kung ito ay
pangatnig, pang-ukol o pang-angkop.
_________1.Hindi ko lubos maisip kung bakit napakasama niyang babae.
_________2. Ayaw ko sanang tanggapin iyan ngunit ikaw ay nagpupumilit.
_________3.Ang pag-asa nating lahat ay magdasal upang tayo ay di matitinag.
_________4. Ayon sa Kagawarang Pangkalusugan, ugaliing maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.
_________5.Dalhin mo ang iyong mga damit sakaling ikaw ay lalayas.

Gawain 3 PANUTO: Gamitin sa pangungusap ang mga pang-ugnay na ( tungkol sa/kay , para sa/kay ,
ayon sa /kay). Isulat lamang sa patlang na nakalaan.
Hal: Ang kanyang nilutong ulam ay para kay bunso.
1._______________________________________________________
2._______________________________________________________
3._______________________________________________________
4._______________________________________________________
5._______________________________________________________

Gawain 4: PANUTO Sumulat ng maikling talata. Salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit.Isulat
lamang sa loob ng kahon.

7
8
Gawain 1
1. at 6. sapagkat
2. sapagkat 7. dahil sa
3. kundi 8. sapagkat
4. dahil sa 9. sapagkat
5. subalit
Gawain 2
1. pang-ukol
2. pangatnig
3. pang-angkop
Pagsasanay 1
1. kung
2. ngunit
3. na
4. at
5. kapag
Pagsasanay 2
1.kung - pangatnig
2.ngunit- pangatnig
3.upang-pangatnig
4.ayon sa –pang-ukol
5.sakaling –pangatnig
MODYUL 8
SUSING-SAGOT

You might also like