You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 7:
Mga Saloobin at Teoryang Pampanitikan na
Napapaloob sa Nobelang El Filibusterismo

Pangalan ng Mag-aaral: _______________________


Taon at Seksyon: 1
___________________________
Pangalan ng Paaralan:___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Arsie M. Albite, Manelyn O. Flores


Tagasuri: Evelyn A. Mier, Jill B. Lubguban, Rovilla Opada
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Katherine S. Suarin
Tagalapat: EPS Florencio R. Caballero, DTE
Tagapamahala: SDS Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
ASDS Visminda Q. Valde, EdD
ASDS Raymond M. Salvador, EdD, CESE
ASDS Juliet A. Magallanes, EdD
EPS Florencio R. Caballero, DTE
EPS Josephine L. Tomboc, EdD

Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng


unawa at pagpapahalaga sa nobelang El makabuluhang photo/video
Filibusterismo bilang isang obra documentary na magmumungkahi ng
maestrang pampanitikan solusyon sa isang suliraning panlipunan
sa kasalukuyan

• Nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa :


- mga hilig/interes/kawilihan
- kagalakan, kasiglahan
- pagkainip
- pagkayamot;pagkatakot;pagkapoot
- pagkaaliw
- pagkalibang at iba pa (F10PN-IVi-j-87)
• Nasusuri ang nobela batay sa pananaw/teoryang:
- romantisismo

- humanismo
- naturalistiko

- Feminismo

- realismo
- at iba pa (F10PB-IVi-j-93)

• Nabibigyang-pansin ang ilang katangiang klasiko sa akda


(F10PB-IVi-j-94)

2
PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING
SAGUTANG PAPEL.

Mga Saloobin at Teoryang


Aralin
Pampanitikan na Nakapaloob
4.7
sa Nobelang El Filibusterismo

Maligayang pagdating sa ikapitong modyul, kaibigan. Nagagalak akong


natapos mo nang buong husay ang ika-anim na modyul. Ang galing mo! Mayroon
na naman tayong panibagong aralin na tatalakayin sa modyul na ito.
Halika’t samahan mo akong lakbayin ang bagong aralin, kung saan
tatalakyin natin dito ang mga saloobin at mga teoryang pampanitikan na
napapaloob sa Nobelang El Filibusterismo. Upang maging makabuluhan ang iyong
pag-aaral, may mga nakahandang gawain para sa iyo. O ano, handa ka na ba?
Tara Na! Simulan na natin!

Balikan

Ooooops! sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang mga angkop na


salitang ginagamit sa paghahambing at batid kong alam mo na rin ang mga
pangyayari mula sa 19 hanggang sa 25 kabanata ng nobela. Ngayon sagutin mo
ang aking inihandang katanungan.

Gawain A: Panimulang Pagtataya


Panuto: Isulat ang angkop na paghahambing gamit ang gabay na salita na

nasa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa patlang.

1. _______(ganda) sina Paulita Gomez at Maria Clara.

a. sing b. kasing c. magkasing d.magkasin

2. Si Simoun ay __________(mautak) kaysa kay Padre Damaso.

a. mas b.higit c.lalo d. napaka

3
3. Sina Basilio at Isagani ay__________(bait) katulad ng kanilang mga

magulang.

a. magkasing b. magkasim c. sim d. sing

4. ____(talas) ng punyal ang galit ni kabesang Tales sa mga prayle.

a. sin b. sing c sim d. kasing

5. Ang mga pangarap ni Basilio ay _________(tayog) ng nagtaasang gusali sa

syudad.

a. kasin b. kasing c. magkasing d. magkasin


6. Ano ang ginawa ni Padre Irene nang dumalo siya sa pagtatanghal

ng mga artista?
a. nagsuot ng napakahabng abito

b. nagkubli ng kanyang katauhan sa pamamagitan ng huwad na

bigote
c. nagsuot ng peluka

d. wala sa nabanggit

7. Saan nagkakilala sina Padre Irene at Serpolette?


a. Alemanya

b. Estados Unidos

c. Madrid
d. Paris

8. Kaninong palko ang naiwang walang tao hanggang sa matapos

Ang pagtatanghal?
a. kay Simoun

b. kay Padre Florentino

c. kay Mr. Jouy


d. kay Don Tiburcio

9. Bakit nagsi-alisan ang mga binate nang magsimula na ang

ikalawang yugto ng palabas?


a. Dahil hindi nila nagustuhan ang unang palabas

b. Dahil natupad ang kanilang kahilingan

c. Dahil naaalibadbaran sila sa mga kilalang taong kasama nila


d. Dahil may kaaway silang panauhing di-kilala

4
10. Bakit hindi natuloy ang pagsayaw ng Can-Can ng mga artistang

Pranses?
a. Dahil ayaw ng mga prayle

b. Dahil kulang na sila sa oras

c. Dahil dumating ang mga imbestigador ng Pamahalaan


d. Dahil nahihiya sila sa mga kalalakihan

Tuklasin

Alam mo ba?
Alamin natin ang ilang mga mahalagang tauhan sa Nobelang El Filibusterismo
sa Kabanata 26-31. Malalaman din natin ang kanilang hilig at interes maging ang
kanilang mga saloobin o damdaming nangingibaw sa nobela.
Tara na!

Mga Tauhan Hilig/Interes Damdaming


Nangingibabaw

Basilio Mabait na estudyante, Pagmamahal sa pamilya


matapat sa kapwa sa at kay Juli
kabila ng sinapit na
kasawiang-palad ng
kanyang ina at kapatid
Isagani Pamangkin ni Padre May matibay na
Florentino, isang paninindigan at pagka
estudyante may mataas matapang sa pagtanggap
na paninindigan ng mga responsibilidad
Juli Dalagang labis na Pagmamahal sa amang si
mapagmahal, kaya kabesang Tales at pagka
gumawa ng paraan para matapat sa kasintahang
matubos sa mga tulisan si Basilio
ang amang si Kabesang
Tales at mailigtas sa
bilangguan ang
kasintihang si Basilio
Padre Fernandez Isang paring simbolo ng Maka-Pilipino
liberal na kaisipan sa
Unibersidad

5
Suriin

Suriin NATIN…

Teoryang Pampanitikan

Romantisismo- ay nagpapahalaga sa damdaming nakapaloob sa akda. Ito ay


makikita sa mga akdang tumatalakay sa mga paksang pag-ibig, mga awit at korido
na ang pinapaksa ay buhay-buhay ng mga prinsesa at prinsipe. Isa sa mga
halimbawa ng kathang gumamit ng romantisismo ay ang “Ibong Adarna” at “Romeo
at Juliet”.

Humanismo- ay nakatuon ang pansin sa pagpapahalaga sa tao. Ito ay isang pag-


aaral patungkol sa pananaw ukol sa paniniwala o prinsipyo ng tao.
Realismo – Ipinakikita ang katotohanan. Ipinalalasap nito ang katotohanan ng
buhay maging ito man ay hindi maganda. Layunin nitong ilahad ang mga
pangyayari sa tunay na buhay.

Eksistensyalismo- Ipinakikita sa pananaw na ito na ang tao ay malayang


magpasiya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito
at nang sa gayon ay hindi maikahon ng lipunan. Sa paniniwalang ito ay inihanap
ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad, kapangyarihan at kapasyahan ng
tao laban sa katwiran ang binibigyan ng timbang o halaga.

Feminismo – Nasusuri ang kalagayan ng kababaihan at pagkakapantay-pantay ng


kalagayan ng kababaihan at kalalakihan sa lipunan at maging sa panitikan. Layon
nitong labanan ang anumang diskriminasyon, eksploytasyon, opresyon, at ang
tradisyonal na pananaw sa kababaihan. Ang kwento ay umiikot sa damdamin ng
isang babae.

Naturalismo - Ito ang teoryang nag-uugnay ng siyentipikong pamamaraan sa


pilosopiya sa pamamagitan ng paniniwalang lahat ng nilalang at pangyayari sa
sangkalawakan ay natural at ang lahat ng karunungan ay maaaring dumaan sa
masusing pagsusuri.Hindi naniniwala sa mga bagay na super natural.

Klasisismo – Teoryang pinananaig ang isipan kaysa damdamin. Ang mga tauhan
ng mga akdang klasismo ay nakaaangat sa karaniwang buhay. Pinahahalagahan
ang pagiging marangal at maginoo sa pananalita at maging sa pagkilos. Ang
pagtatalakay sa paksa ay sadyang iniingatan. Ang “Florante at Laura” ay isang
halimbawa ng klasismo.

6
Katangian ng Akdang Klasiko:

Pagkamalinaw
Pagkamarangal
Pagkapayak
Pagkamatimpi
Pagkaobhetibo
Pagkakasunod-sunod
Pagkakaroon ng Hangganan

Para mas lalong maging malinaw ang iyong kaalaman sa pagsusuring


pampanitikan ay simulan mong basahin ang Kabanatang ito at tingnan ang
halimbawang suri bilang gabay mo sa susunod na gawain. Sagutin mo rin ang mga
katanungan na nasa ibaba.

Halimbawa sa Pagsusuri
Kabanata 26
Mga Paskin (Buod)

Maagang bumangon sa higaan si Basilio dahil marami siyang dapat gawin.


Una na rito ang pagpunta ng hospital para dalawin ang kanyang mga pasyente.
Plano rin niyang pumunta ng unibersidad para asikasuhin ang grado sa medisina
at makipagkita kay Makaraig upang kunin ang hiniram na pera. Ang naipon
niyang pera ay nagugol niya sa pagtubos sa pagpapaalila ni Juli at pagbili ng isang
maliit na dampa para tirahan ng kasintahan at ng lolo nitong si Tandang Selo.
Hindi siya makahingi ng salapi kay Kapitan Tiago sa pag-aalalang isiping kinukuha
na niya ang manang ipinangako sa kanya.

Habang naglalakad si Basilio patungo sa hospital ay napansin niya ang


grupo ng mga mag-aaral na maagang nagsipag-uwian. Maingay nilang pinag-
uusapan ang mga mag-aaral na sangkot sa paglulunsad ng himagsikan.
Nakarating siya ng San Juan de Dios at noon niya nalaman sa isang kaibigan ang
nagaganap na kaguluhan sa paligid at sinabing napakaraming sangkot na
estudyante. Nakadama ng takot si Basilio na baka masangkot ang kanyang
pangalan. Iniwan niya ang kausap at sinabing may dadalawin pa siyang pasyente.

Dumating si Basilio sa hospital at dinatnan sa isang klinika ang kaibigan


niyang katedratiko. Inakbayan siya nito at mahinahong nagtanong. Tinanong siya
kung nagpunta ba siya sa salu-salo ng mga estudyante noong nakaraang gabi.
Naguluhan si Basilio at inakala niyang kamakalawa ng gabi kung saan kausap
niya si Simoun ang tinutukoy ng nagtatanong. Itinanggi ni Basilio na miyembro
siya ng samahan ng mga estudyante na sangkot sa himagsikan at sinabing
nagbigay lang siya ng ambag. Pagkasabi ni Basilio ay pinapauwi siya at sinabihang
sunugin ang anumang dokumentong maaaring magsangkot sa kanya
sa samahan. Hindi nabahala si Basilio sapagkat wala siyang anumang itinatagong
dokumento maliban sa mga sulat pangklinika.

Nagtanong si Basilio kung sangkot ba si Simoun at Kabesang Tales sa


nangyaring kaguluhan. Sinabing, wala silang kinalaman at tanging mga
estudyante lang ang may kinalaman sa kaguluhan.Tila nabunutan ng tinik sa
dibdib si Basilio. Umalis Si Basilio at upang higit na malaman ang buong
pangyayari ay naglakas-loob siyang nagtungo sa unibersidad. Ang nalaman lang
niya ay tungkol sa paskin na ipinaaalis na ng Vice Rector upang ipadala sa

7
pamahalaan. Naglalaman ang mga paskin ng pagbabanta, pagpugot ng ulo at
pananalakay. Noon naalala ni Basilio ang sinabi sa kanya ni Simoun. “Sa oras na
kayo’y itiwalag nila ay hindi na kayo makakatapos ng pag-aaral.” Nabuo ang hinala
ni Basilio na may kinalaman si Simoun sa mga paskin.

Naglakad muli si Basilio na ang direksyon ay ang unibersidad pakay niyang


magtanong tungkol sa kanyang grado at alamin ang tunay na kalagayan ng mga
estudyante. Nadaanan niya ang pangkat ng mga estudyante na dati-rating masaya
kung nagkakatipon-tipon. Ngayon ay tahimik na at ang iba’y halatang may takot sa
mukha. Nakita niya si Sandoval at binati ngunit nagbingi-bingihan lang ito at hindi
siya pinansin. Kabaligtaran naman ito ni Tadeo na masayang-masaya sapagkat
walang pasok sa paaralan. Nakita niya ang paparating na si Juanito Pelaez na
namumutla at lalong nakuba dahil sa takot. Inusisa niya ito tungkol sa nangyari,
sinabi nitong wala siyang nalalaman na may halong nerbiyos. Nakita nilang may
papalapit na guwardiya sibil at sa takot ni Pelaez na dakipin ay nagmamadali na
itong umalis.

Nagpatuloy si Basilio sa kanyang paglalakad patungo sa unibersidad.


Nadatnan niya na sarado na ang opisina ng sekretaryo at napansin niya ang
kakaibang kilos ng mga nasa loob ng gusali. Akyat-panaog ang mga prayle
gayundin ang mga militar. Nakita ni Basilio si Isagani na noon ay halata na ring
namumutla bagama’t bakas parin ang kakisigan. May kausap ito at ang malakas
na boses ay nagpapahiwatig ng hindi pagkabahala. Narinig ni Basilio ang lahat ng
sinabi ni Isagani at kahit mahal niya ang kaibigan ay nagpasya siyang umalis at
talikuran ito. Nagtungo siya sa bahay ni Makaraig. Napuna niya ang senyasan ng
ilang mga tao doon ngunit huli na nang makita niya ang nagbabantay na
guwardiya sibil sa harap ng bahay. Hindi na siya makaurong. Kasama si Makaraig
ay hinuli siya ng mga guwardiya sibil.

Gabay sa Pagsusuri:
1. Uri ng Panitikan:
Nobela
2. Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan:
Realismo
3. Tema o Paksa ng Akda:
Nagkaroon ng kaguluhan dahil sa paskin na naglalaman ng pagbabanta,
pagpugot ng ulo, at pananalakay.
4. Mga Tauhan
• Basilio
• Juanito Pelaez
• Macaraig
• Isagani
5. Katangian ng akdang kalsiko:
Pagkaobhetibo
6. Mga Saloobin/damdamin sa Akda:
• Pagkatakot
• Pagkabalisa
• Pagkagalit
• Pag-alala

8
Pagyamanin

Wow! Ang galing mo na sa pagsusuri ng mga teoryang pampanitikan. Binabati kita


sa iyong mapanuring pag-iisip. Hindi pa riyan nagtatapos ang ating mga gawain
mayroon pa akong inihanda para sa’yo para mas lalo pang mapalawak ang iyong
kaalaman hinggil sa paksa. Subukin pa natin ang iyong kaalaman sa pagsusuri.
Sundan ang mga gabay na tanong sa pagsusuri sa ibaba.

Gawain A. Panuto: Basahin ang piling bahagi ng kabanata 27 sa El Filibusterismo


at pagkatapos suriin ito gamit ang mga gabay na tanong sa ibaba.

Kabanata 27
(Ang Prayle at ang Pilipino)

Masigla pang nagtatalumpati si Isagani nang lapitan siya ng isang kawani


na nagsabing gusto siyang makausap ni Padre Fernandez, isa sa mga propesor ng
lalong mataas na kurso. Namutla ang binata; kagalang-galang ang propesor at
ihinihiwalay niya ito sa mga binabatikos na prayle.

“Ano ang gusto sa akin ni Padre Fernandez?” tanong niya sa kawani na


nagkibit-balikat lamang at sumenyas na sumunod na lamang siya.
Si Padre Fernandez ang prayleng umayaw sa pakikipaglaro ng baraha kina Don
Custodio at sa Kapitan Heneral nang ang Kanyang Kamahalan ay dumalaw sa Los
Baños. Nakaupong naghihintay ito kay Isagani sa isang maliit na pwesto nito sa
isang silid ng Unibersidad, malungkot, kunot-noong wari’y alalim ang iniisip.
Napatindig ito nang Makita ang pagpasok ng binata, binati at nakipagkamay ito,
isinara ang pinto at saka nagpalakad-lakad. Nakatayo naman ang dumating,
naghihintay na kausapin ng prayle.

“Senyor Isagani”, mayamaya’y wika nito sa madamdaming tinig, “mula sa


bintana’y narinig kong nagtalumpati kayo. Kahit ako ganitong tisiko, matalas
naman ang aking pandinig at saka talagang gusto ko kayong makausap.
Iginagalang kong lagi ang bawat kabataang malinaw magsalita’t may sariling
disposisyon at paraan ng paggawa…at hindi hadlang kung nagkakaiba man kami
ng palagay at kaisipan. Ayon sa narinig ko, kagabi’y nagkaroon kayo ng
hapunan…huwag sana kayong humingi ng dispensa.”

“Hindi ko gustong humingi ng dispensa”, sambit agad ni Isagani.


“Lalong mabuti! Patunay iyan na naninindigan kayo sa bunga ng inyong ginawa.
Makasasama naman kung tatalikuran ninyo iyon…hindi ko naman kayo
pinupuna po sinisisi sa mga sinabi ninyo roon kagabi. Higit sa lahat, importanteng
malaya kayong makapagsalita tungkol sa mga Dominiko…sayang at ngayon
lamang namin kayo naging estudyante at baka hindi sa susunod na taon.

Halaw mula sa Kabanata 27 “Ang Prayle at ang Pilipino”

Sundin ang mga gabay sa Pagsusuri

1. Uri ng Panitikan:_______________________________________________
2. Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan:__________________________
3. Tema o Paksa ng Akda:__________________________________________
4. Mga Tauhan_____________________________________________________

9
5. Katangiang Akdang Klasiko:_____________________________________
6. MgSaloobin/damdamin sa Akda:_________________________________

Wow! Ang galing mo naman….ngayon mas lalo mo pang ikahusay ang isang
gawaing inihanda para sa sayo.
Gawain B. Basahin ang Spoken Poetry ni Jennybeans na nakabatay sa kanyang
sariling pananaw sa lipunang kanyang ginagalawan.

Reyalidad ng Lipunan
ni jennybeans
Wala ka bang napapansin sa ating lipunang ginagalawan
Laganap ang krimen, gulo at pamamahalang di maintindihan
O baka kagaya ka rin ng iba na nagbibingi-bingihan
Sa baya'y walang pakialam at nagbubulag-bulagan

Ang mga lider na ating binoto at niluklok sa posisyon


Di lahat sa kanila ay may magandang intensyon
Kasi ang iba, imbes na ituon ang atensyon sa paggawa ng mga resolusyon
Ayon! Nasisilaw sa malaking halaga ng pera at nangunguna sa korapsyon

May mangilan ngilan rin tayong alagad ng batas


Na hindi ginagawa ang trabaho ng patas
Pag may dinukot kang pera at sa kanila iniabot
Aba, kahit may bayolasyon ka, ikaw ay lusot

Di rin nawawala ang sistema ng palakasan


Pag may kilala ka sa opisina ng pamahalaan
Ang pagpila ng mahaba ay di na kailangan
Kasi di ka pa nakakarating may numero ka na, diretso pa sa unahan

Siguro ang reyalidad ng lipunan ay ganyan talaga


Kung nakakalamang-lamang ka ay ikaw ang bida
Pero kung ikaw ay kagaya ng iba, ay wala rin namang problema
Tayong mga Pinoy naman ay madiskarte at mapagtiis diba?

Ngunit mas maganda pa rin na mapuksa ang mga kanser ng lipunan


Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng ating mga nalalaman
At huwag mahihiyang iparinig ang ating boses sa karamihan
Dahil lahat tayo ay may magagawa para sa ating bayan

Panahon na rin siguro upang gumising ka


Bumangon at makilahok na
Di naman kailangang makibaka at magwelga
Sapat nang sa lipunan ay may pakialam ka
Sundin ang mga gabay sa Pagsusuri

1. Uri ng Panitikan:_________________________
2. Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan:___________________
3. Tema o Paksa ng Akda:__________________________________

10
4. Mga Tauhan________________________________
5. Mga Saloobin/damdamin sa Akda:______________________
6. Katangiang Akdang Klasiko:___________________________

Isaisip
Dahil naging matagumpay ka sa pagsagot sa mga inihandang gawain.Bigyan
natin ng paglalahat ang mahalagang konsepto na iyong napag-aralan.

Dugtungan ang pahayag upang maibahagi mo ang iyong natutunan.


Natutunan ko sa araling ito_______________________________________.
Nalalaman ko na sa pagsusuri ay_________________________________.

Wow! Ang galing mo naman kaibigan at nakuha mo ang ating aralin sa


modyul na ito. At para mas maikintal pa natin ang ating natutunan
ngayon.Sagutin natin ang gawin sa ibaba.

Panuto:Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik sa


tamang sagot.

Hanay A Hanay B

____________1. Nagsasabi na ang tao a. Realismo


ay rasyunal na nilalang
na may kakayahang
maging makatotohanan at mabuti. b. Naturalismo
____________2. Pagpapalutang ng damdamin
kaysa isipan
____________3. Naniniwalang walang
malayang kagustuhan c.Feminismo
ang isang tao dahil ang
kanyang buhay ay hinubog
lamang ng kanyang heredity
at kapaligiran.
____________4. Batayan sa pangangailangan
ng pagbabago ng babae upang mabuo
ang kanyang sarili d. Romantisismo
____________5. Layon nitong ipakita ang
karanasan ng tao at lipunan e. Humanism

11
Tayahin

Binabati kita kaibigan! Walang katulad ang iyong ipinamalas na sikap at


tiyaga upang iyong matamo ang kasanayan sa modyul na ito. Napakahusay mo!
Ngayon ito na ang huling pagsubok na aking ibibigay sa iyo. Galingan mo pa. Alam
kong kayang-kaya mo ito. Sige na, gawin mo!

Panuto: Ilarawan kung anong damdamin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin
ang tamang sagot.

1. “Kung ang Diyos na itinuturo nila ay totoo at hindi isang pandaraya…dahil


sila mismo ang unang-unang hindi naniniwala at sumusunod sa kanya!”

A. Pagkagalit
B. Pagtatampo
C. Pagkatakot
D. Pagkainip

2. “Kahanga-hanga! Sa oras ng kapayapaan, iniwan mo kami”.

A. Paghanga
B. Panunuya
C. Pagkapoot
D. Pagkatuwa

3. “Ipinapayo ko sa iyo na tumiwalag ka agad. Punitin at itapon ang lahat ng


papeles na magpapahamak sa iyo”.

A. Pagkatakot
B. Pagkakawanggawa
C. Pagkayamot
D. Pagmamalasakit

4. “Kung ang nasasaad sa paskin ay sang-ayon sa ating damdamin at mithiin ay


mabuti ang kanilang ginawa at dapat pasalamatan”.

A. Pagsuporta
B. Pagpapasalamat
C. Pagbubunyi
D. Pagkatakot

5. “Tiyak na gagaling ka, pahiran lamang ng agwa bendita ang lugar na masakit
o may karamdaman!”
A. Pagkatakot
B. Pagkakawanggawa
C. Pagkayamot
D. Pagmamalasakit

Para sa bilang 6-10. Basahin mabuti ang bawat aytem at piliin ang tamang
sagot. Isulat ang titik lamang.

12
6. Sino ang nagpatawag kay Isagani habang ito ay nakikiusap sa mga
kapwa niya mag-aaral?
A. Simoub
B. Padre Fernandez
C. Padre Irene
D. Don Custodio
7. Ayon kay Isagani, Sino ang dapat sisihin sa kawalan ng mabuting puso
at asal ng mga kabataan?
A. mga prayle
B. mga magulang
C. pamahalaan
D. mga kastila
8. Sino ang sinasabing makakalaban ni Kapitan Tiyago sa sabong pagdating
sa langit?
A. San Rafael
B. San Miguel
C. San Pedro
D. San Vicente
9. Paano tinanggap ni Juli ang balita tungkol kay Basilio?
A. Nahimatay
B. Napasigaw
C. Napaiyak
D. Nabalisa
10. Sino ang sinasabing makatulong sa suliranin ni Juli?
A. Hermana Penchang
B. Padre Camorra
C. Kapitan Tiyago
D. Simoun
Panuto: Para sa bilang 11 hanggang 15, suriin ang piling bahagi nang nobela kung
anong pananaw/teoryang pampanitikan ang nakapaloob sa mga sumusunod na
pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.
11. Pakiramdam ni Juli, kapag ginawa niya ang bagay na iyon ay
isusumpa niya ang sarili. Makailang ulit ng may nagpayo na kung gagawa
lamang siya ng pagpapakasakit ay maililigtas niya sina Kabesang Tales at Basilio.
A. humanismo B. realismo C. feminismo D. romantisismo

12. Maitim na anino ng Kapitan Heneral ang paglalarawan kay Simoun ng lahat.
A. Humanismo B. Imahismo C. Romantisismo D. Realismo

13. Malaya niyang naipahayag ang kanyang iniisip nang walang kinatatakutan.
A. Romantisismo B. Klasisismo C. Himanismo D. Realismo

14. “Napakaganda ng bayang ito, Kamahalan. Ang mamamayan ay mababait at


masunurin, sila’y mapagtiis…nabubuhay silang patuloy na umaasa lamang”.
A. humanismo B. realismo C. naturalismo D. idealismo

13
15. Ipinangalandakan ni Ben Zayb sa peryodikong El Grito na tama siya sa
madalas sabihing hindi nakabubuti sa kalagayan ng Pilipinas ang pagtuturo sa
kabataang Pilipino.
A. humanismo B. realismo C. naturalismo D. klasisismo

Walang duda! Ikaw ay napakahusay kaibigan.


Natitiyak kong ang iyong bagong natutunan sa modyul na
ito ay naitatak na sa iyong puso’t isipan kaya’t saan ka
man magpunta at anuman ang iyong mararanasan ay
mailalapat mo ito. Maraming salamat kaibigan! Mabuhay
ka!

Karagdagang Gawain
Binabati kita at napagtagumpayan mo ang lahat na mga gawain. Para
mas madagdagan pa natin ang iyong kaalaman may inihanda ako sa iyong
isa pang gawain.

A. Ipaliwanag ang kahulugan ng pahayag:

1. Diyos Ko!...Sa paningin Mo’y walang mayaman, walang mahirap,


walang maputi o maitim. Ikaw ang magagawad sa amin ng
katarungan!

B. Ibigay ang pagpapahalagang hinhihingi/inilalahad ng sumusunod na


mga sitwasyon:
1. Ang paglapit ni Juli kay Padre Camorra
2. Ang ginawa ni Padre Camorra kay Juli

14
15
praktika. Philippines, 2008.
Villafuerte, Patrocinio, and Bernales, Rolando. Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga teorya at
pagtuturo/pagsusuri ng mga akdang pampanitikan. Philippines.
Mga pagdulog at teoryang pampanitikan: Batayan ng paglinang HOTS sa
Sanggunian
Tayahin
Karagdagang Gawain
1. A 6. B 11.C
Nakadepende na sa
2. B 7. A 12.B
guro ang pagwawasto
3. D 8. C 13.B
gamit ang rubrik sa
4. A 9. A 14.A
pagsusuri.
5. D 10. B 15. D
Pagyamanin Gawain A at B
Nakadepende na sa guro ang pagwawasto
gamit ang rubrik sa pagsusuri
gamit ang rubric sa pagsusuri.
Isaisip
Balikan
1.Humanismo-e
1.C 6.B
2. Romantisismo-d
2. A 7.D
3.Naturalismo-b
3.B 8.A
4.Feminismo-c
4.A 9.B
5.Realismo-a
5.A 10.C
Susi sa Pagwawasto
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,


Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land

The Footprints Prayer Region IX Trees by Joyce Kilmer

One night I had a dream. I dreamed Our..


I think that I shall never see
that I was walking along the beach Eden...
A poem lovely as a tree.
with the LORD.
Land...
In the beach, there were two (2) sets A tree whose hungry mouth is prest
of footprints – one belong to me and Against the earth’s sweet flowing
the other to the LORD. breast;

Then, later, after a long walk, I


noticed only one set of footprints. A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
“And I ask the LORD. Why? Why?
Why did you leave me when I am sad
and helpless?” A tree that may in Summer wear

And the LORD replied “My son, My A nest of robins in her hair;
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Upon whose bosom snow has lain;
sand, because it was then that I Who intimately lives with rain.
CARRIED YOU!

Poems
16 are made by fools like me,
But only God can make a tree.

You might also like