You are on page 1of 21

ASPEKTONG NAGANAP

Ang mga pandiwang nagmadali, natsek,

nasunod, nag-aral, nakinig, at sinunod ay
nagpapakita ng kilos na ginawa na o tapos na.
Ang mga pandiwang ginawa na o tapos na ay
nasa aspektong naganap.
Halimbawa:
• nagbihis
• naligo
• uminom
• nasira
• kumuha
• umalis
• nagdasal
• kumain
Kahunan ang pandiwang nasa panahunang naganap sa
mga sumusunod na pangungusap.
1. Si Kathy ay sumama sa kanyang ate.
2. Nagtampo sa akin ang pinsan ko.
3. Mahusay na nagsalita ang panauhing
pandangal.
4. Bumili ng tinapay para sa bunso ang nanay.
5. Si Nanding ay umakyat sa tore.
Kahunan ang pandiwang nasa panahunang naganap sa
mga sumusunod na pangungusap.
6. Nagtungo ang mag-anak sa lalawigan.
7. Ang walet ay nakita sa ilalim ng kama.
8. Si Mang Delfin ay nanghilot sa mga
kapitbahay.
9. Ang bata ay tumalon sa ilog.
10. Kahapon lang umuwi ang aking kuya.
Mga Sagot
1. Si Kathy ay sumama sa kanyang ate.
2. Nagtampo sa akin ang pinsan ko.
3. Mahusay na nagsalita ang panauhing
pandangal.
4. Bumili ng tinapay para sa bunso ang nanay.
5. Si Nanding ay umakyat sa tore.
Mga Sagot
6. Nagtungo ang mag-anak sa lalawigan.
7. Ang walet ay nakita sa ilalim ng kama.
8. Si Mang Delfin ay nanghilot sa mga
kapitbahay.
9. Ang bata ay tumalon sa ilog.
10. Kahapon lang umuwi ang aking kuya.
ASPEKTONG
NAGAGANAP
Ang mga pandiwang nagluluto, nagtatanim,
gumagawa, at tumatawa ay nagpapakita ng
kilos na ginagawa pa o nangyayari pa sa
kasalukuyan.

Ang mga pandiwang ginagawa pa o

nangyayari pa ay nasa aspektong nagaganap.
Halimbawa:
• umaalis
• nagluluto
• nanghihiram
• umiiyak
• kumakain
• natutuwa
• nagdadasal
• naglilinis
Kahunan ang pandiwang nasa panahunang nagaganap sa mga
sumusunod na pangungusap.
1. Natutuwa ang mga guro sa mga mag-aaral na mahusay
umawit at sumayaw.
2. Nageehersisyo si Mark tuwing umaga bago pumasok sa
trabaho.
3. Ang magkakaibigan ay nanonood ng konsyerto ng tanyag
na mang-aawit.
4. Linggo-linggo dumadalaw kami sa aming lolo at lola.
5. Pumupunta sina Nancy, Macky, at Sam sa tabing-dagat
tuwing Sabado.
Kahunan ang pandiwang nasa panahunang nagaganap sa mga
sumusunod na pangungusap.
6. Si Mariz ay naglalakad sa pagpasok araw-araw.
7. Tuwing walang pasok, ang mag-anak ay namamasyal sa
lunsod.
8. Naglilibot sa iba't-ibang bansa ang babae para sa kanyang
trabaho.
9. Si Tatay ay umaarkila ng dyip tuwing sira ang kanyang
sasakyan.
10. Ang mga manlalaro ay nagpapraktis araw-araw sa gym.

MAGAGANAP
Ang mga pandiwang tatalon, sasayaw,
maglilinis, at makikinig ay nasa aspektong
magaganap.

Ang mga pandiwang gagawin pa lamang o

mangyayari pa lamang ay nasa aspektong
magaganap.
Halimbawa:
• uuwi
• tatakbo
• matatapos
• magbabasa
• manghihingi
• maglalaro
• lilipat
• magsasalita
Kahunan ang pandiwang nasa aspektong magaganap sa mga
sumusunod na pangungusap.
1. Magpipirito ng isda ang aking nanay.
2. Sasali ako sa paligsahan sa pag-awit sa darating na
Setyembre.
3. Ang bata ay manghihingi ng mga lumang damit para sa
mga biktima ng bagyo.
4. Sasabay ako sa iyo sa pagkain mamaya.
5. Ang aming katulong ay magpaplantsa ng mga damit namin
mamaya.
Kahunan ang pandiwang nasa aspektong magaganap sa mga
sumusunod na pangungusap.
6. Mawawala kaya rito ang mga gamit natin?
7. Ang sugat ng sundalo ay tiyak na kikirot mamayang gabi.
8. Si Nene ba ay iinom ng gamot pagdating ng alas dose?
9. Ang mga babae ay tutulong sa mga lalaki sa pagtatanim sa
bukid.
10. Tataba na siguro ang sanggol pagkaraan ng ilang buwan.
Mga Sagot

1. Magpipirito ng isda ang aking nanay.

2. Sasali ako sa paligsahan sa pag-awit sa darating na
Setyembre.
3. Ang bata ay manghihingi ng mga lumang damit para sa
mga biktima ng bagyo.
4. Sasabay ako sa iyo sa pagkain mamaya.
5. Ang aming katulong ay magpaplantsa ng mga damit namin
mamaya.
Mga Sagot

6. Mawawala kaya rito ang mga gamit natin?

7. Ang sugat ng sundalo ay tiyak na kikirot mamayang gabi.
8. Si Nene ba ay iinom ng gamot pagdating ng alas dose?
9. Ang mga babae ay tutulong sa mga lalaki sa pagtatanim sa
bukid.
10. Tataba na siguro ang sanggol pagkaraan ng ilang buwan.

You might also like