You are on page 1of 14

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 3:

AIRs - LM
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikatlong Markahan – Modyul 3
Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o


pag kuha ng bahagi ng walang pahintuot ay hindi pinapayagan

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Norma B. Paneda, MT II

Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team

Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Sa nakaraang Modyul, nakilala mo ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng


birtud at pagpapahalga, natukoy mo rin ang mga birtud at pagpapahalaga na
isasabuhay at ang mga tiyak na kilos na ilalapat sa pagsasabuhay ng mga ito.
Ngayon naman, malalaman natin kung ano-ano ba ang mahalaga sa isang
kabataang katulad mo? Marahil, iba-iba ang sagot mo sa tanong na ito. Maaaring
pagkain, hangin, buhay, pag-aaral, magulang o kaibigan at marami pang ibang
bagay na para sa sarili mong pananaw ay mahalaga.
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang kaalaman, kakayahan
at pag-unawa sa:
Aralin 1: Limang Katangian ng Mataas na Pagpapahalaga
➢ Natutukoy ang iba’t ibang antas ng pagpapahalaga at ang mga halimbawa
ng mga ito EsP7PB-IIIc-10.1
Aralin 2: Kapwa Ko, Mahal Ko
➢ Nakagagawa ng hagdan ng sariling pagpapahalaga batay sa Hirarkiya ng
mga Pagpapahalaga ni Max Scheler EsP7PB-IIIc10.2

Mga Layunin sa Pag-aaral:


1. Naiisa-isa ang limang katangian ng mataas na pagpapahalaga
2. Natutukoy ang mga pinapahalagahan sa buhay
3. Naihahanay ang mga pinapahalagahan ayon sa katangian ng mataas na
pagpapahalaga
4. Natutukoy ang bawat antas ng Hirarkiya ng Pagpapahalga ni Max Scheler

Simulan

Gawain A: Ihanay Mo
Panuto: Ayusin ang mga sumusunod ayon sa antas ng iyong pagpapahalaga. Ilagay
mo ang bilang 5 sa bagay na para sa iyo ay pinakamababang pagpapahalaga,
pataas hanggang sa bilang 1 ang pinakamahalaga. Gawin ito sa sagutang papel.

Halimbawa: _1_ A. Pagpapasalamat sa Diyos sa ibinigay niyang mga biyaya


_4_ B. Pagbabasa at pag-unawa sa mga Self Learning Modules
_3_ C. Maayos na pakikitungo sa kaibigan
_2_ D. Paghingi ng tawad sa kapwa
_5_ E. Pag-iipon ng pera
____ A. Pagtatabi ng konting halaga mula sa pera na binibigay ng magulang.
____ B. Pakikibahagi sa mga gawaing ispiritwal ng kinabibilangang relihiyon.
____ C. Pagbabahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.
____ D. Ipinagdadasal ang kaligtasan ng mga frontliners
____ E. Pag-eehersisyo para mapanatili ang kalusugan.

Gawain B: Sang-ayon o Di Sang-ayon


Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa mga
katangian ng mas mataas na pagpapahalaga Iguhit ang thumb up () kung
sumasang-ayon ka sa pahayag at iguhit naman ang thumb down () kung hindi.
Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.

Halimbawa: Mas tumatagal ang mas mataas na antas ng pagpapahalaga.


Sagot: 

_____ 1. Mas mataas ang antas ng pagpapahalaga kung mas malalim ang
kasiyahan na nadama sa pagkamit nito.
_____ 2. Ang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito kailanman
mababago ng panahon.
_____ 3. Mas mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay lumilikha p ng ibang
pagpapahalaga
_____ 4. Hindi hadlang ang kapansanan sa pagnanais ng tagumpay sa buhay.
_____ 5. Mataas ang antas ng pagpapahalaga kung madaling nababawasan ang
kalidad ng pagpapahalaga.

Gawain C: Uring Papili


Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot.
Isulat ang titik ng napiling sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Ano ang mga pagpapahalagang tumutugon sa mga pangunahing


pangangailangan ng tao?
A. Banal B. Ispiritwal C. Pambuhay D. Pandamdam
_____ 2. Ano ang mga pagpapahalagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng
buhay?
A. Banal B. Ispiritwal C. Pambuhay D. Pandamdam
_____ 3. Ano ang mga pagpapahalagang para sa kabutihan?
A. Banal B. Ispiritwal C. Pambuhay D. Pandamdam
_____ 4. Ano ang mga pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao ng kaniyang
kaganapan?
A. Banal B. Ispiritwal C. Pambuhay D. Pandamdam
_____ 5. Ano ang tinawag ni Max Scheler na “ordo amoris” o order of the heart?
A. Hirarkiya ng Pagpapahalaga
B. Katangian ng Pagpapahalga
C. Uri ng Pagpapahalaga
D. Uri ng Birtud
Aralin Limang Katangian ng
1 Mataas na Pagpapahalaga

Lakbayin

Tama ba ang iyong mga pinahahalagahan? Isa pang tanong na magdadala


sa iyo sa malalim na pag-iisip: tama nga bang mas bigyan ng halaga ang pera
kaysa sa pamilya? ang sarili kaysa sa kapwa? ang kapwa kaysa sa Diyos? Sa
pagsagot sa ganitong mga tanong, mahalaga na maunawaan mo kung paano
husgahan kung mababa o mataas ang isang pagpapahalaga.
Sumulat si Max Scheler ng Limang Katangian ng Mataas na Pagpapahalaga
(mula sa tesis ni Tong-Keun Min na “A Study on the Hierarchy of Values”).
Una, Mas tumatagal ang mas mataas na pagpapahalaga kung ihahambing sa
mababang mga pagpapahalaga. Halimbawa, Ang paggastos ng pera upang ibili ng
aklat ay mas mataas kaysa sa ipambili ito ng pagkain. Mas tumatagal ang
kaalaman na makukuha sa aklat kaysa sa kasiyahan ng pisikal na katawan dahil
sa pagkain. Ang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito kailanman
mababago ng panahon (timelessness or ability to endure).
Ikalawa, mas mahirap mabawasan ang kalidad ng pagpapahalaga. Kahit pa
dumarami ang nagtataglay nito, mas mataas ang antas nito. Halimbawa, ang
pagpapahalaga ng materyal na bagay ay lumiliit habang nahahati ito, ngunit ang
pagpapahalaga sa karunungan ay hindi nababawasan kahit pa mahati ito o
ipamahagi sa napakaraming tao. Ang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas
kung sa kabila ng pagpasalin-salin nito sa napakaraming henerasyon,
napananatili ang kalidad nito (indivisibility).
Ikatlo, mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay lumilikha ng iba pang mga
pagpapahalaga. Ito ay nagiging batayan ng iba pang mga pagpapahalaga.
Halimbawa, ang isang tao na nagtatrabaho sa ibang bansa na tinitiis ang lungkot,
pangungulila at labis na pagod upang kumita nang sapat na salapi; ginagawa niya
ito upang mapagtapos sa pag-aaral ang kaniyang anak. Para sa kaniya, mas
mataas na pagpapahalaga ang mapagtapos ang kaniyang anak sa pag-aaral kaysa
sa kaniyang pagsasakripisyo at pagod.
Ikaapat, may likas na kaugnayan ang antas ng pagpapahalaga at ang lalim ng
kasiyahang nadarama sa pagkamit nito. Sa madaling salita, mas malalim ang
kasiyahan na nadama sa pagkamit ng pagpapahalaga, mas mataas ang antas nito.
Halimbawa, mas malalim ang kasiyahan ng pagsali sa isang prayer meeting kaysa
sa paglalaro ng basketball (depth of satisfaction).
Ikalima, ang isang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito
nakabatay sa organismong nakararamdam nito. Halimbawa, Si Roselle Ambubuyog
ang kauna-unahang bulag na mag-aaral ng Ateneo University na nakakuha ng
pinakamataas na karangalan bilang Summa Cum Laude sa kursong BS
Mathematics. Hindi naging hadlang ang kaniyang kapansanan upang siya ay
makatapos ng pag-aaral. Ang kaniyang pagnanais na magtagumpay sa kaniyang
larangan ay higit na mataas kaysa sa kaniyang pisikal na kapansanan.
Mula sa mga nabanggit na mga prinsipyo, nabuo ni Scheler ang Hirarkiya ng
Pagpapahalaga. Tinawag niya ito na “ordo amoris” o order of the heart. Sinasabi
niyang ang ganitong hirarkiya ng pagpapahalaga ay hindi ganap na mauunawaan
lamang ng isip. Naniniwala siyang ang “puso” ng tao ay kayang magbigay ng
kanyang sariling katuwiran na maaaring hindi mauunawaan ng isip.
.

Galugarin

Gawain 1: Tama o Mali


Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay may kinalaman sa Limang
Katangian ng Mataas na Pagpapahalaga at isulat ang Mali kung walang
kinalaman. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.

_____1. Si Max Scheler ang sumulat sa Limang Katangian ng Mataas na


Pagpapahalaga.
_____ 2. Hindi ganap na mauunawaan lamang ng isip ang hirarkiya ng
pagpapahalga.
_____ 3. Ang isang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung nakabatay
sa organismong nakararamdam nito.
_____ 4. Ang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung napananatili
ang kalidad nito.
_____ 5. Ang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito
kailanman mababago ng panahon.

Palalimin

Gawain 2: Pagsusuri ng Sitwasyon


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang dalawang sitwasyon para masagutan ang
mga tanong. Gawing gabay ang rubrik sa pagsagot.
Sitwasyon 1
Nawalan ng trabaho ang tatay ni Marissa noong nagsimula ng Enhanced
Community Quarantine (ECQ) noong Marso, 2020. Pagkatapos ng isang buwan
naubos na rin ang ipon ng kaniyang mga magulang para sa pang-araw-araw nilang
pangangailangan. Si Marissa ay may naipon na pera na pambili niya sana ng
bagong cellphone. Sinabi ng kanyang ina na hiramin niya muna ang naipong pera
para sa pang-araw-araw nilang pangangailangan. Pumayag si Marissa na ibigay
muna ang naipong pera at naisip niya na saka na lang siya bibili ng cellphone pag
may trabaho na ang kanyang mga magulang. Nasa anong anong antas ng
pagpapahalaga ang pasya na ginawa ni Marissa? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Sitwasyon 2
Noong nagkaroon ng lockdown noon Marso, 2020 Si Carlos ay nag-umpisa
nang magtanim ng gulay sa kanilang bakuran. Pagkatapos ng isang buwan ay
pwede ng kunan ng talbos ang kanyang tanim na kamote, namumulaklak na rin
ang kalabasa, may maliliit na ring bunga ang talong at ampalaya. Tuwang-tuwa
ang kanyang mga magulang dahil napakalaking tulong ito sa pamilya. Nasiyahan
din ang mga kasing-edad niya sa kanilang kapitbahay at humihingi sila ng binhi
dahil magtatanim din sila. Masaya si Carlos na nagkaroon ng interes ang kaniyang
mga kasing-edad sa kaniyang pagtatanim. Nagbigay siya ng binhi sa kanila at
tinuruan niya rin sila kung paano palaguhin ang kanilang mga tanim. Nasa anong
anong antas ng pagpapahalaga ang pasya na ginawa ni Carlos? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Rubrik ng Paglalahad ng Sagot


Iskor Pamantayan
5 Napakahusay at naayon sa Limang Katangian ng Mataas na
Pagpapahalaga ang paliwanag
4 Mahusay at naayon sa Limang Katangian ng Mataas na
Pagpapahalaga ang paliwanag
2-3 Hindi mahusay ang pagpapaliwanag at hindi naayon sa
Limang katangian ng Mataas na Pagpapahalaga
1 May sagot pero hindi naayon sa Limang katangian ng Mataas
na Pagpapahalaga
0 Walang naisagot
Siguradong may bago ka na namang natuklasan tungkol sa iyong
sarili mula sa Aralin 1. Mas lalo mong naunawaan ang antas ng
iyong pagpapahalaga. Sa Aralin 2, ipagpatuloy mong tuklasin ang
mga mahahalagang kaalaman kaugnay ng hirarkiya ng
pagpapahalaga na nabuo mula sa prinsipyo ng Limang katangian
ng Mataas na Pagpapahalaga.

Aralin Hirarkiya ng
2 Pagpapahalaga

Lakbayin

Ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga ayon kay Max Scheler (Dy, M. Jr., 1994)

1. Pandamdam na mga Pagpapahalaga (Sensory Values). Itinuturing na nasa


pinakamababang antas ng pagpapahalaga, tumutukoy ito sa mga
pagpapahalagang nagdudulot ng kasiyahan sa pandamdam ng tao. Kasama
dito ang pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing
pangangailangan ng tao tulad ng pagkain, tubig, damit, tirahan at iba pang
teknikal na mga pagpapahalaga. Kasama rin sa mga pagpapahalagang ito yaong
mga bagay na maituturing lamang na rangya o luho ng isang tao, katulad ng
mamahaling alahas, magarang sasakyan o mamahaling mga bag at sapatos na
labis na hinahangad ng ilang mga tao.

2. Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values). Ito ay mga pagpapahalagang may


kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay (well-being). Halimbawa, mahalaga
sa tao ang makapagpahinga kung siya ay pagod dahil ito ang makapagpapabuti
sa kaniyang pakiramdam. Ang kumain ng masustansiyang pagkain upang
matiyak na siya ay malusog at hindi magkakasakit. Mahalaga sa atin na may
makausap na taong mahalaga sa atin upang mabawasan ang ating
kalungkutan. Ang lahat ng nabanggit ay mga bagay na pinahahalagahan ng tao
upang masiguro niya ang kanyang kaayusan at mabuting kalagayan.
3. Mga Ispiritwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values). Maituturing na mas
mataas ang pagpapahalaga nito kaysa sa dalawang unang nabanggit. Ang
pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa
kabutihan, hindi ng sarili kundi ng mas nakararami. May tatlong uri ang
pagpapahalagang ito ayon sa aklat na Problems of a Sociology of Knowledge na
isinulat ni Max Scheler:
a. Mga pagpapahalagang pangkagandahan (aesthetic values)
b. Pagpapahalaga sa katarungan (value of justice)
c. Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan (value of full
cognition of truth)
4. Banal na Pagpapahalaga (Holy Values). Ito ang pinakamataas sa lahat ng antas
ng mga pagpapahalaga. Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang kailangan sa
pagkamit ng tao ng kaniyang kaganapan upang maging handa sa pagharap sa
Diyos. Ang pagkilos tungo sa kabanalan ang katuparan ng kaganapan hindi
lamang ng materyal na kalikasan ng tao kundi maging ng kaniyang ispiritwal
na kalikasan.

Galugarin

Gawain 1: Punan ang mga Patlang


Panuto: Kumpletuhin ang mga sumusunod na pahayag sa pamagitan ng
pagbuo ng salita gamit ang mga letra na nasa hulihan nito. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

1. Ang __________________ na Pagpapahalaga ay tumutukoy sa mga


pagpapahalagang nagbibigay ng kasiyahan sa damdamin ng tao. PDDNMMAAA
2. Ang __________________ na Pagpapahalga ay may kinalaman sa mabuting
kalagayan ng buhay. YHBMPAUA
3. Ang __________________ na Pagpapahalaga ay tumutukoy sa mga
pagpapahalagang para sa kabutihan. IIITWASPRL
4. Ang __________________ na Pagpapahalaga ay ang pinakamataas sa lahat ng
antas ng pagpapahalga. AANBL
5. Nabuo ni __________________________ ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga mula sa
mga katangian ng mataas nga pagpapahalaga. XMA EERLHCS

Palalimin

Gawain 2: Hagdan ng Aking Pagpapahalaga


Panuto: Gumawa ng hagdan ng sariling pagpapahalaga batay sa Hirarkiya ng mga
Pagpapahalga ni Max Scheler. Gawin ito sa sagutang papel. Pwedeng isulat o iguhit
ang tig-isang pagpapahalaga sa bawat antas ng hagdan.

Banal

Ispiritwal

Pambuhay

Pandamdam

Rubrik ng Paglalahad ng Sagot

Iskor Nilalaman (5 puntos)


5 May 1 na pagpapahalaga na naisulat/naiguhit sa apat
antas ng hagdan ng pagpapahalaga
4 May 1 na pagpapahalaga na naisulat/naiguhit sa
tatlong antas ng hagdan ng pagpapahalaga
3 May 1 na pagpapahalaga na naisulat/naiguhit sa
dalawang antas ng hagdan ng pagpapahalaga
2 May 1 na pagpapahalaga na naisulat/naiguhit sa
isang antas ng hagdan ng pagpapahalaga
1 May 1 naiguhit na hagdan pero walang
nakasulat/naiguhit na pagpapahalaga
Iskor Kalinisan/Kaayusan (5 puntos)
5 Maayos at malinis ang pagkasulat/pagkaguhit ng 4
na pagpapahalaga
4 Maayos at malinis ang pagkasulat/pagkaguhit ng 3
na pagpapahalaga
3 Maayos at malinis ang pagkasulat/pagkaguhit ng 2
na pagpapahalaga
2 Maayos at malinis ang pagkasulat/pagkaguhit ng 1
na pagpapahalaga
1 Maayos at malinis ang pagkaguhit ng hagdan ng
pagpapahalaga

Sukatin

A. Uring Papili

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang pinakaangkop na sagot.
Isulat ang titik ng napiling sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Alin sa mga sumusunod ang Pandamdam na Pagpapahalaga?


A. Pagdadasal B. Pagkain C. Pagmamahal D. Pagzuzumba
_____ 2. Anong antas ng pagpapahalaga ang tumutugon sa mga pangunahing
pangangailangan ng tao?
A. Banal B. Ispiritwal C. Pambuhay D. Pandamdam
_____ 3. Anong antas ng pagpapahalaga ang may kinalaman sa mabuting
kalagayan ng buhay?
A. Banal B. Ispiritwal C. Pambuhay D. Pandamdam
_____ 4. Anong antas ng pagpapahalaga para sa kabutihan?
A. Banal B. Ispiritwal C. Pambuhay D. Pandamdam
_____ 5. Anong antas ng pagpapahalaga ang kailangan sa pagkamit ng tao ng
kaniyang kaganapan?
A. Banal B. Ispiritwal C. Pambuhay D. Pandamdam
_____ 6. Ang mga sumusunod ay uri ng Ispiritwal na pagpapahalaga maliban sa:
A. Pagpapahalaga sa katiwasayan ng damdamin at isipan
B. Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan
C. Pagpapahalagang pangkagandahan
D. Pagpapahalaga sa katarungan
_____ 7. Ano ang tinawag ni Max Scheler na “ordo amoris” o order of the heart?
A. Hirarkiya ng Pagpapahalaga B. Katangianng Pagpapahalaga
C.Uri ng Pagpapahalaga D. Uri ng Birtud
_____ 8. Ano ang makatutulong sa tao upang maunawaan ang nabuong Hirarkiya
ng Pagpapahalaga o “ordo amoris” maliban sa kanyang isip?
A. Kamay B. Katawan C. Puso D. Sarili
_____ 9. Alin sa mga sumusunod ang Pambuhay na Pagpapahalaga?
A. Pagkain ng masusustansiyang pagkain
B. Pagkakaroon ng maraming pera
C. Pagtulong sa nanganagilangan
D. Pagdadasal para sa kapwa
_____ 10. Ano ang tamang pagkasunod-sunod ng mga pagpapahalaga mula sa
pinakamababa hanggang sa pinakamataas ayon sa Hirarkiya ng
Pagpapahalaga na binuo ni Max Scheler?
a. Pandamdam na Pagpapahalaga
b. Pambuhay na Pagpapahalaga
c. Ispiritwal na Pagpapahalaga
d. Banal na Pagpapahalaga
A. dabc B. cdab C. abcd D. bcda

B. Pagsubok sa Pagkakakilanlan
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag.
Iguhit ang masayang mukha ☺ kung ito nagpapakita ng mataas na
antas ng pagpapahalaga at iguhit naman ang malungkot na mukha 
kung nagpapakita ng mababang antas ng pagpapahalaga.

____1. Hindi naging hadlang ang kahirapan ng pamilya ni Jose sa


pagtatapos ng kanyang pag-aaral.
____ 2. Ginamit ni Carla ang naipong pera para sa pagkain ng pamilya dahil
wala na silang panggastos mula noong nawalan ng trabaho ang
kaniyang mga magulang noong nagkaroon ng pandemya dulot ng
COVID 19.
____ 3. Kinausap ng maayos ni Marla ang kanyang kaibigan na itigil na niya
ang pagpost sa social media ng masasamang salita tungkol sa kanyang
kaklase.
____ 4. Nagsasakripisyo na mailayo sa pamilya ang nanay ni Rosa para
makapag-ipon para sa pag-aaral at pang-araw-araw na
pangangailangan ng kanyang mga anak.
____ 5. Napipilitang tumulong si Roberto ang mga Kawani ng Barangay sa
paghahanda ng pagkain ng mga frontliners.

Binabati Kita! Tapos ka na sa Modyul na ito.


Sanggunian:

Aklat

• Bognot, R,C.,et. al. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul Para sa Mag-aaral Unang
Edisyon,2013 p.1-19, (DepEd IMCS) Vibal Publishing House, Inc.,Pasig City Philippines 1600
• Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Kagamitan ng Mag-aaral (Ikalawang Bahagi), Modyul 10 p.23-
32
Curriculum Implementation and Learning Management Matrix p.51-57
Simulan
Gawain A: Ihanay Mo
A. 5
B. 2
C. 3
Aralin 1 D. 1
Gawain 1: Tama o Mali E. 4
1. Tama Gawain B: Sang-ayon o
2. Tama Di Sang-ayon
3. Mali
1. 
4. Tama
5. Tama 2. 
Gawain 2: Pagsusuri ng Sitwasyon 3. 
Gawing gabay sa pagwawasto ang 4. 
Rubrik ng Paglalahad ng Sagot 5. 
Posibleng Mga Sagot Gawain 3: Uriing Papili
Sitwasyon 1- Nasa mataas na antas ang 1. D
pagpapahalaga ni Marissa. Ang pag-iipon niya 2. C
ng pera ay nakatulong sa pangangailangan ng 3. B
pamilya, ang kanyang pagpapahalaga ay
4. A
lumikha pa ng ibang pagpapahalaga, ang
pagtulong sa pamilya. 5. A
Sitwasyon 2- Nasa mataas na antas ang
pagpapahalaga ni Carlos dahil nagdulot ng Sukatin:
kasiyahan sa pamilya at sa kanyang mga A. Uriing Papili
kasing-edad. Nagkaroon ng interes ang kanyang 1. B
mga kasing-edad na gawin ang kanyang ginawa. 2. D
3. C
Aralin 2 4. B
5. A
Gawain 1: Punan ang mga Patlang
6. A
1. PANDAMDAM 7. A
2. PAMBUHAY 8. C
3. ISPIRITWAL 9. A
4. BANAL 10. C
5. MAX SCHELER
B. Pagsubok sa
Gawain 2: Hagdan ng aking Pagkakakilanlan
Pagpapahalaga 1. ☺
Gawing gabay sa pagwawasto ang 2. ☺
Rubrik ng Paglalahad ng Sagot 3. ☺
4. ☺
5. 
Susi sa Pagwawasto

You might also like