You are on page 1of 29

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Samahang Pangkababaihan sa Kanluran at
Timog Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Self-Learning Module
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Samahang Pangkababaihan sa Kanluran at
Timog Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim : Leonor Magtolis Briones


Pangalawang Kalihim : Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat : Sarah P. Gonzales, PhD
Pandistritong Tagapamahala:
Tagamasid Pampurok : Longino D. Ferrer, EdD
Punongguro sa Araling Panlipunan : Sajid S. Eliang, EdD
Pandistritong Tagasuri ng Nilalaman, SLM : Mark Journey L. Fermin, PhD
Pandistritong Wikang Tagasiyasat, SLM : Sarah P. Gonzales, PhD
Tagalapat : Jay C. Visperas
Wison A. Cayabyab
Pansangay ng Tagapamahala

Pansangay na Tagapamahala, OIC : Ely S. Ubaldo, CESO VI


Punong Tagamasid Pansangay, CID : Carmina S. Gutierrez, EdD
Tagamasid Pansangay, LRMDS : Michael E. Rame, EdD
Tagamasid Pansangay, Araling Panlipunan : Rustico P. Abalos, Jr., EdD

Inilambag sa Republika ng Pilipinas ng SDO 1 Pangasinan


Office Address : Alvear St., East Capitol Ground, Lingayen, Pangasinan
Telefax : (075) 522-2202
E-mail Address : pangasinan1@deped.gov.ph
7
Araling Panlipunan
Samahang Pangkababaihan sa Kanluran at
Timog Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon
Paunang Salita

Para sa Tagapagdaloy:

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


magaaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Ikapitong Baitang ng Self-


Learning Modyul (SLM) ukol sa Samahang Pangkababaihan sa Kanluran at Timog
Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito inilalahad ng mga


layunin o mithiing dapat matamo sa
Alamin
pag-aaral mo sa modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong


kaalaman sa tatalakaying aralin. Sa
pamamagitan nito masususuri kung
Subukin
ano ang iyong natutunan kaugnay sa
bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa
Balikan
nagdaang aralin na may koneksiyon
sa tatalakaying
bagong aralin.
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa
pamamagitan ng iba’t ibang gawain.
Tuklasin

Ito ay ang pagtatalakay sa mga


mahahalaga at nararapat mong
matutunan upang malinang ang pokus
Suriin
na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na


magpapalawak sa iyong natutunan at
Pagyamanin magbibigay pagkakataong mahasa
ang kasanayang nililinang.
Ito ay mga gawaing magpoproseso sa
iyong mahahalagang natutunan sa
Isaisip aralin.

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo


upang mailapat ang iyong
mahahalagang natutunan sa mga
Isagawa
pangyayari o sitwasyon sa
totoong buhay.

Ito ay isang tool sa pagtatasa para sa


bawat modyul upang masukat ang
Tayahin
kaalaman at kasanayan na natutunan
ng mga nag-aaral.

Sa bahaging ito, isa pang aktibidad


ang ibibigay sa iyo upang pagyamanin
Karagdagang ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Gawain aralin na natutunan. Ito rin ay
nagpapanatili ng mga natutunan na
konsepto

Susi sa Nagbibigay ito ng mga sagot sa iba't


Pagwawasto ibang mga aktibidad at pagtatasa.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Mula sa iba’t-ibang kaganapang Nasyonalismo, nakita ng mga kababaihan sa


Asya ang kahalagahan ng pag-oorganisa upang maisulong ang kanilang interes ,
marinig ang kanilang mga boses at maisulong ang karapatan, sapagkat naging parte
na ng kasaysayan ang pagdanas ng iba’t-ibang anyo ng pang-aapi at diskriminasyon
sa lipunan.

Ang pagkakaroon ng mga samahang pangkababaihan at kanilang mga


tagumpay ang nagsilbing tagapagtaguyod ng kanilang karapatan sa lipunan. Sabay-
sabay nating tuklasin ang mga samahang itinatag sa Kanluran at Timog-Asya.

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

• Nasusuri ang bahaging ginampanan ng samahang pangkababaihan tungo sa


pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang
pampolitika.
Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang sati?
A. Pagpatay sa batang babae.
B. Paghihiwalay ng babae sa lalaki.
C. Pagbabawal sa muling pag-aasawa ng byudang babae.
D. Pagtalon ng byudang babae sa nasusunog na bangkay ng asawa.

2. Ano ang purdah?


A. Paraan ng tamang pananamit ng mga Muslim at Hindu.
B. Diskriminasyon sa mga kababaihan sa Kanluran at Timog Asya.
C. Konseptong pang-ekonomiya na paghihiwalay ng babae sa lalaki.
D. Panlipunang kaugalian ng pagtatakip o paghihiwalay ng babae sa
lalaki.

3. Alin ang tumutukoy sa karapatang pampulitika ng babae?


A. Pag-aaral C. Pagpapakasal
B. Pagboto D. Pagtatrabaho

4. Alin naman ang karapatang pang-ekonomiya ng babae?


A. Pag-aaral C. Pagpapakasal
B. Pagboto D. Pagtatrabaho

5. Siya ang babaeng namuno sa mga taga UAE sa pagbibigay ng karapatan na


makapag-aral sa kolehiyo at magkaroon ng karapatang ekonomiko ang
kababaihan?
A. Reyna Rania C. Sheikha Fatima Bint Mubarak
B. Sheikha Rania Bint D. Justice Ranade

6. Unang samahan ng mga kababaihang Indiano para sa pambansang


kalayaaan?
A. All India Women’s Conference
B. Women’s Conference of India
C. Kilusang Shahada
D. All Indian Coordination Committee

7. Grupo ng mga kababaihan sa Sri Lanka na aktibo sa pagpapalaya sa


kanilang mga sarili laban sa opresyon at di makatarungang pagkilos na dulot
ng lipunan?
A. Women’s for Peace
B. Women’s Front of the Liberation Tigers
C. All Sri Lanka Women’s Conference
D. Kilusang Shahada
8. Pinakamalaking samahan ng mga kababaihan sa bansang Banglasdesh?
A. All India Women’s Conference
B. Women’s Conference of India
C. Kilusang Shahada
D. All Indian Coordination Committee

9. Alin ang kilala bilang International Bill of Rights for Women?


A.CEDAW C. UNCLOS
B.Gabriela D. UN Women

10. Ano ang magandang naidulot ng pananakop ng mga Ingles sa


mga kababaihan sa India?

A.Pagkakaroon ng batas laban sa female infanticide at sati.


B.Pagbubukas ng mga paaralan na nagtuturo ng wikang Ingles.
C.Pagbabawal sa mga matandang kaugalian gaya ng foot binding.
D. Pagpapaunlad sa larangan ng transportasyon at
komunikasyon
Aralin Samahang Pangkababaihan sa
Kanluran at Timog Asya

4 sa Transisyonal at Makabagong
Panahon

Halika na at sabay nating tuklasin ang mga samahan ng mga kababaihan ,


karanasan at papel ng kababaihan tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong
pang-ekonomiya at karapatang pampulitika upang kritikal na makapagsuri sa
pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Asya sa transisyonal at makabagong
panahon (Ika-16−20 Siglo).

Balikan

Sa bahaging ito, ating balikan ang iyong nalalaman ukol sa kababaihan sa


sinaunang panahon upang maiugnay mo ang mga impormasyon na iyong
matututuhan sa transisyonal at makabagong panahon ng Kanluran at Timog Asya.
Gawain:
Mula sa iyong natutuhan sa Ikalawang Markahan, magsulat ng mahahalagang
salita na may kaugnayan sa kababaihan sa sinaunang panahon ng Kanluran at Timog
Asya. Iguhit ang kung ang konsepto o mahalagang salita ay mula sa Timog Asya
at naman kung mula sa Kanlurang Asya.

Code of Manu Islam

Sati Purdah

Ishtar Caste

Hinduismo Hijab

Female Infanticide Code of Hammurabi

1
Tuklasin

Gawain 1:
Nakikilala mo ba ang nasa larawan? Parte ba sila ng kasaysayan?

Ano ano ang kanilang kontribusyon sa lipunan ng Asya? Sa bahaging ito,


ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang kanilang mga pangalan, at iugnay
sa kabilang hanay ang kanilang kontribusyon sa lipunang Asyano. Pagkatapos,
sagutan ang mga pamprosesong tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

JURUDAH
Ina ng Biak na BAto

__

Isang mandirigmang
OCZANO QAIUON Prinsesa na bantog sa
kasaysayan ng
Pangasinan

RITADAIND TCSOEN Nagtatag ng samahang


Girl Scout of the
Philippines the

Unang babaeng
JESOAF ALLESN EDOSAC Presidente ng
Pilipinas

2
Pamprosesong Tanong:
1. Ang mga nasa larawan ba ay may pagkakatulad?, Paano?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________________________________.

2. Nakatulong ba ang kanilang mga tagumpay o kontribusyon sa pagkamit ng


pantay ng karapatan ng mga kababaihan sa iba’t-ibang aspeto ng
pamumuhay? Ipaliwanag ang sagot.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________.
Gawain:
Upang lubos mong maintindihan ang aralin, mahalaga na maunawaan mo ang
ilang mga konsepto. Hanapin ang kahulugan ng Hanay A sa Hanay B. Isulat lamang
ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A
1. Pantay na katayuan sa pagtatrabaho.
2. Lipunang nangingibabaw ang kalalakihan.
3. Lipunang nangingibabaw ang kababaihan.
4. Pang-aabuso sa loob ng tahanan gaya ng pambubugbog ng asawa at anak.
5. Karapatan na bumoto, tumakbo sa halalan at mahalal o matalaga sa
pampamahalaang posisyon.
6. Hindi makatao, makatwiran at pantay na pagtingin o pagtrato sa mga tao dahil sa
kulay, lahi at kasarian.
7. Index upang suriin ang di-pagkakapantay ng babae at lalaki sa larangan ng
pangkabuhayan, pampulitika at paggamit ng likas yaman.

Hanay B
A. Diskriminasyon
B. Domestic Violence
C. Female Infanticide
D. Gender Empowerment Measure (GEM)
E. Honour Killing
F. Karapatang Pampulitika
G. Matriarchal Society
H. Pagkakataong Pang-ekonomiya
I. Patriarchal Society
J. Karapatang Pansarili

3
Suriin

KANLURANG ASYA
Sa kasalukuyan, ang hamon na kinakaharap ng kababaihan sa Kanlurang
Asya ay ang higit na paigtingin ang kanilang ginagawa upang matiyak ang
pagkakaroon ng pantay na Karapatan ang kalalakihan at kababaihan. Sa
kontekstong ito, ang samahan ng kababaihan ay kumikilos sa tatlong paraan:

• Imulat ang kababaihan sa kani-kanilang bansa tungkol sa hindi pagbibigay


nang pantay na Karapatan ng kanilang pamahalaan.
• Hilingin sa pamahalaang nasyonal ang implementasyon ng internasiyonal na
pagpapatupad sa pagbibigay ng proteksiyon sa kababaihan sa lahat ng
larangan;
• Ipaunawa sa mga bansa sa daigdig na sila ay kababaihang nakikipaglaban
para sa kanilang Karapatan kagaya rin ng ibang kababaihan.

Gayunpaman, milyong kababaihan ang nangangailangan pang ipaglaban ang


kanilang karapatan. Ang bawat bansa sa rehiyong ito ay magkakaiba ang kalagayan
at pamamaraam ng pagsulong sa karapatan. Narito ang ilang halimbawa:

Lebanon - Ang antas ng karapatan at kalayaan ng kababaihan ay nakadepende sa


kanilang relihiyon.

Oman - Ipinagdiriwang ang Oktubre 17 bilang Araw ng Kababaihan sa kanilang


bansa.

U.A.E. - Nangunguna sa pagsusulong ng mga karapatan ng kababaihan sa mundo


ng mga Arabo. Pinapangalagaan ng kanilang Saligang Batas ang karapatan ng
kababaihan.
Yemen - Sa sinaunang kasaysayan ng bansa makapangyarihan ang mga babae gaya
ni Reyna Sheba. Subalit dahil karamihan ay kabilang sa agrikultural na tribo na may
pagtatangi sa kalalakihan, marami sa kababaihan ngayon ay hindi marunong bumasa
at sumulat, dahilan upang mahirapan silang makahanap ng trabaho.

Iran - Kumakalap ng One Million Signature sa bansa upang wakasan ang


diskriminasyon sa kababaihan. Tanging bansa sa Asya na hindi tanggap ang
CEDAW*.
*Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
(CEDAW) – Isang internasyonal na kasunduan sa pagitan ng mga bansa sa United

4
Nations noong 1979 na ang layunin ay isulong at pangalagaan ang karapatan at
kalayaan ng kababaihan. Kilala din ito bilang International Bill of Rights for Women.
Iraq - Sa bahaging Kurdistan, malaking problema pa rin ang pagsasagawa ng genital
mutilation o pagtutuli sa kababaihan, honour killings o pagpatay sa babae ng kanyang
kapamilya upang hindi umano mawala ang karangalan ng pamilya, at pagdukot sa
mga menor de edad upang dalhin sa prostitusyon.
Saudi Arabia – isa ang bansang ito sa may pinakamaraming pagbabago sa
karapatan ng mga kababaihan sa ekomoniya, pampulitika at sa lipunan. Ilan sa mga
kababaihang nagbigay ng pagsulong sa karapatan ng mga kababaihan ay sina:

Bayan Mahmoud Al-Zahran - kauna-unahang abogada sa Saudi Arabia.


Lubna Suliman Olayan - kabilang sa 100 pinakamakapangyarihang
negosyante sa buong mundo ayon sa Forbes at Time Magazine
Princess Reema bint Bandar Al Saud - kauna-unahang babaeng
kinatawan (ambassador) ng Saudi Arabia sa Estados Unidos
Norah Al-Faiz - kauna-unahang babaeng opisyal sa gabinete ng Hari

Narito ang ilan sa mga Samahang Pangkababaihan na naitatag sa Kanlurang Asya.

Samahang Tagapagtatag na Layunin


Pangkababaihan Bansa/Pinuno

1. L’Isha-Haifa Israel • Hikayatin ang mga


Feminist Center kababaihan na
makilahok sa
negosasyon at
2. Women’s Coalition
talakayan sa pagitan ng
for a Just Peace
Israel at Pakistan

3. National Council on Arab Region (Egypt) • Nangangampanya na


Women 5 baguhin ang batas sa
Susan Mubarak
pamilya at pagbabawal
sa pagkapon sa mga
kababaihan
4. Arab Women Egyt, Jordan, • Isang panrehiyong
Connect (AWC) Lebanon, Palestine, network upang
Qatar, UAE at maisulong ang
Yemen kamalayan ng mga
kababaihan tungkol sa
kanilang dapat taglaying
karapatan.

Noong taong 2000 inilunsad ang ARB CONNECT – upang maisulong ang
kamalayan ng kababaihan para sa kanilang mga karapatan.

Sa kasalukuyan, ang Kanlurang Asya ay patuloy pa rin sa aktibong


pakikilahok sa politika at pagkakaroon ng kapayapaan sa seguridad ng rehiyon.

GAWAIN 2:
1. Bakit mababa ang katayuan ng kababaihan sa Kanlurang Asya?
______________________________________________________________.
2. Paano unti-unting binabago ng kababaihan ang kanilang mababang
kalagayan sa lipunan, ekonomiya at pulitika?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________.

6
TIMOG ASYA
Magsisimula ang makabagong panahon sa India mula sa paghahari ng
imperyong Mughal (1526) tatawid ito sa pananakop ng mga Ingles sa India hanggang
1947, taon ng kanilang kalayaan mula sa pananakop ng mga Kanluranin. Mula sa
iba’t ibang antas ng buhay ang magpapakita ng pagkilos para iangat ang kalagayan
ng kababaihan:

Samahang Tagapagtatag na
Layunin
Pangkababaihan Bansa/Pinuno

1. Bharat Aslam India • Nagsulong ng


Karapatan sa
2. Arya Mahila Samaj Edukasyon

3. Women’s Indian • Nangampanya


Association upang
makapagdulot ng
4. National Council of pagbabago sa
Indian Women buhay ng
kababaihan sa
India.

5. United Front of • Pinangalagaan


Women’s Right nila ang
Pakistan/ Karapatan ng
6. Women’s Action Sarojini Naidu mga kababaihan.
Forum

7. Mother’s Front Sri Lanka • Itinatag upang


iprotesta ang
pagkawala ng
8. Sri Lanka’s
miyembro ng
Women’s NGO
pamilya na
inaresto at
kinulong ng
militar.
• Binuo upang
maging aktibo sa
pagtataguyod ng
partisipasyon ng
kababaihan sa
politika

9. Mahila Parishad Bangladesh • Ipinagbawal ang


pagbibigay ng
dote
10. Collective
Women’s Platform
• Pumipigil sa
anumang uri ng
karahasan sa
kababaihan

Narito ang ilan sa mga kababaihang nagbigay daan para sa pagbabago sa


kalagayan at katayuan ng mga kababaihan para saTimog Asya.

Edukadong Babaeng Indian

Chandramukhi Basu –

- kauna-unahang babaeng Indian na nakapagtapos ng kursong masteral.


Noong 1876, siya lang ang kaisa-isang babae na pinayagang
kumuha ng panghuling pagsusulit sa Fine Arts. Siya ang nanguna subalit
nagpulong pa ang paaralan kung ilalabas ba sa publiko ang resulta ng
pagsusulit.
Kadambini Ganguly at Anandi Gopal Joshi –
mga kauna-unahang manggagamot na babae sa India at sa buong imperyo ng
Britanya. Ang ama ni Kadambini at asawa ni Anandi ay pawang mga
tagapagtaguyod ng karapatan ng kababaihan.

8
Kababaihan sa Pulitika Pinunong Babaeng
Kasturba Gandhi – asawa ni Indian
Mahatma Gandhi na nagsulong ng
kalayaan ng India mula sa Britanya. Nur Jahan –
Sarojini Naidu – tinawag na ipinaglaban ang
Nightingale ng India , siya ang karapatang
kauna-unahang babaeng Indian na mamuno sa
naging pangulo ng Indian National imperyong Mughal
Congress, samahang pampulitikal na
nagsulong sa kalayaan ng India.
Pinamunuan din niya ang Women’s Reyna Kittur
India Associaton. Chennamma at
Indira Gandhi – kilala bilang Iron Reyna Jhansi –
Lady ng India, siya ang kauna- lumaban sa
unahan at kaisa-isang babaeng pananakop ng mga
Punong Ministro sa India na anak ni Ingles
Jawaharlal Nehru. Natapos ang
mahaba niyang panunungkulan nang
barilin ng kanyang mga guwardiya.

Narito ang mahahalagang batas tungkol sa kababaihan na naisabatas


noong panahon ng British Raj sa India.


Bengal Sati Regulation 1829 - Ipinag-utos ni Gov. Hen. Lord William Bentinck na
bawal at ilegal ang sati at may parusa ang sinumang lumabag

Hindu Widow's Remarriage Act 1856 - Kautusan sa mga lugar na
saklaw ng East India Company na pinapayagan ang mga balong
babae na muling mag-asawa

Female Infanticide Prevention Act 1870 - Ipinagbabawal ang
pagpatay sa mga sanggol na babae

Indian Factory Act 1891 - Nagbabawal sa hindi makatwirang bilang ng
oras sa pagtatrabaho ng kababaihan

Child Marriage Restraint Act 1929 - Pagtatalaga sa edad na 14
bilang legal na gulang sa pag-aasawa ng babaeng Indian

Hindu Law of Inheritance Act 1929 - Binigyan ng karapatan ang
mga anak at apong babae na pamanahan bago ang mga kapatid ng
namayap

9
Gawain 3:
1. Ano ang balakid sa pag-unlad ng kalagayan ng kababaihan sa Timog Asya?
_______________________________________________________________

2. Ano ang naitulong ng mga mananakop sa kababaihan sa Timog Asya?


_______________________________________________________________

3. Paano hinubog ng mga samahang pangkababaihan ang pagtingin ng mga


Indiano sa kababaihan?
_______________________________________________________________

Gawain 4:

Maglista ng limang (5) matagumpay na babae sa kaliwang bahagi at limang (5)


samahang nagsusulong ng kapakanan ng kababaihan sa Timog Asya sa kanang
bahagi na iyong natutuhan sa nabasang aralin. Isulat ito sa sagutang papel.

10
Pagyamanin

Ang paglalapat ng kaalaman sa sariling komunidad ang susi sa mas malalim


na pag-unawa sa natutuhan. Kaya naman mula Kanluran at Timog Asya, dumako tayo
ngayon sa Pilipinas.

Gawain:
Basahin ang isinaling artikulo at unawain ang mahahalagang impormasyon
upang mabuo ang diyagram sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Isa ang Pangasinan sa mga probinsiya na nangunguna sa pagtataguyod at


pagpapahalaga sa karapatang pangkababaihan. Isa ang Local Council of Women
Pangasinan Chapter sa taga-pagtaguyod ng mga karapatan pang-ekonomiya ng mga
kababaihan lalo na sa mga kabilang sa Indigenious People’s Community at coastal
areas ng lalawigan. Sila ay binubuo ng mga kababaihang lider ng lalawigan na
pinangungunahan ng Bise-Alkalde ng bayan ng Urbiztondo na si Hon. Marilyn Sison.
Sa pamamagitan ng pagtulong at pagkalinga ng organisasyong ito nabibigyang
halaga ang katayuan ng mga kababaihan sa lipunan. Nakatutulong ang iba’t-ibang
programa nito upang mas mapabuti at mai-angat ang kalagayan ng mga kababihan
tungo sa pag-unlad ng kanilang sarili at ng pamilya.
Ayon pa sa pag-aaral, may walong katangian ang kababaihan na susi kanilang
tagumpay: masipag, malikhain, maparaan, mapangahas, determinado na makamtan
ang pangarap, masidhing kagustuhan na makapagnegosyo, maraming kakilala at
matiyaga. Natututo sila mula sa kanilang karanasan at nakakayang paunlarin ang
kanilang sarili, pamumuhay, pamilya, manggagawa at komunidad. Karamihan sa
kababaihan na nagtagumpay sa negosyo ay dahil sa matinding pangangailangan sa
kabuhayan ng kanilang pamilya at hindi dahil sa pinili ang magnegosyo. (Reyes, 2019)

11
Isaisip

Ngayon natapos mo nang suriin at pagyamanin ang mga kaalaman na iyong


natutuhan, isaisip mo ang mga ito sa pamamagitan ng pagbuo ng sariling ideya
tungkol sa sanhi at epekto ng pagtatag ng mga samahang pangkababaihan sa
Kanluran at Timog Asya.

Sumulat ng maikling Batayang Konsepto na iyong natutunan sa araling ito.


________________________________________________________________

_________________________________________________________________

________________________________________________________________________
__________________________________________________________

12
Gawain 5:
Buuin ang diagram sa ibaba. Isulat sa mga bilog na hugis ang mga katangian
na maaring taglayin ng isang babaeng Asyano sa pagkamit ng pagkakapantay-
pantay, Pagkakataong Pang-ekonomiya at Karapatang Pampolitika.

Isagawa

Lumikha ka ng isang 3-minutong vlog tungkol sa isang babae na


iyong hinahangaan dahil sa mga pagsusumikap at natamo
niyang tagumpay sa buhay.
Maaari itong ipost sa inyong mga social media account gaya ng
facebook.

13
Pamantayan sa Pagmamarka (Rubriks)
Kailangan pang
Pamantayan Mahusay (5) Katamtaman (3)
magsanay (1)
Komprehensibo ang Walang masyadong
nilalaman ng gawa laman o kwento at Halos walang

Nilalaman at naipakita nang kaunti lamang ang makikitang bakas


buong husay ang naipakitang ng natutuhan
natutuhan natutuhan

Binigyan ng Hindi masyadong


pahanon ang pinaglaanan ng Minadali ang

Pagsusumikap paggawa o panahon o pagkakagawa

halos walang hindi nag-edit dahil napaka-iksi


kamalian .

Pagsunod sa Sumunod sa lahat May mga panuto Walang sinunod

panuto ng panuto na hindi sinunod na panuto

Malikhain ang Walang bakas ng


Maganda subalit
Malikhain / pagkakagawa pagkamalikhain
Daloy hindi masyadong
malikhain

Kabuuan 20 puntos

14
Tayahin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Ano ang CEDAW?


A. International Bill of Rights for Women
B. International Women’s Constitution
C. National Bill of Rights for Women
D. United Nations Rights for Women

2. Saang bansa matatagpuan ang Kadin Cevresi, Women Library and


Information Center at Purple Roof Women’s Shelter Foundation?
A. Israel C. Turkey

B. Lebanon D. United Arab Emirates


3. Bakit itinatag ang United Nations Economic and Social Commission for
Western Asia (ESCWA)?
A. Upang magkaroon ng pagkakaisa.
B. Upang tulungan ang kababaihan.
C. Para sa pampulitikang kagalingan.
D. Para sa pangkabuhayan at panlipunang kagalingan.

4. Kailan ipinagdiwang ang Year of Women’s Empowerment sa India?


A. 1975 C. 2001
B. 1990 D. 2018

5. Sino ang tinawag na Nightingale of India na siya ring kauna-unahang


babaeng Indian na naging pangulo ng Indian National Congress?

A. Indira Gandhi C. Martha Mault nee Mead


B. Kasturba Gandhi D. Sarojini Naidu
6.Sino ang tinawag na Iron Lady ng India dahil sa haba ng kanyang
panunungkulan bilang unang babaeng Punong Ministro ng India?
A. Indira Gandhi C. Martha Mault nee Mead B.
Kasturba Gandhi D. Sarojini Naidu

15
7.Bakit mababa ang katayuan ng kababaihan sa Kanluran at Timog Asya?
A. Ito ang nakasulat sa kanilang mga batas.
B. May limitasyon ang kakayahang pisikal ng kababaihan.
C. Mahirap baguhin ang nakasanayan sa lipunan at relihiyon.
D. Mababasa sa kasaysayan na walang napatunayan ang kababaihan.

8. Alin ang HINDI epekto ng maagang pagpapakasal o child marriage?


A. Mataas ang panganib sa pagbubuntis at panganganak.
B. Mabagal na pagtaas ng antas ng pagdami ng populasyon.
C. Hindi nakapag-aaral kaya hindi alam ang mga karapatan.
D. Kulang sa sapat na kaalaman sa wastong pangangalaga sa anak.

9. Mahalaga ang pag-oorganisa ng mga kilusan at organisasyong


pangkababaihan sa Kanluran at Timog Asya. Alin sa sumusunod ang hindi nito
tungkulin?
A. Takbuhan ng mga kababaihang naaabuso.
B. Manghuli at bantayan ang mga abusadong kalalakihan.
C. Pangunahing tagapagtaguyod ng karapatan ng kababaihan.
D. Nagpapalaganap ng mga impormasyon para sa pagkakapantay-pantay
ng mga kasarian.

10. Paano makatutulong ang edukasyon sa paglutas ng mga suliranin ng


kababaihan sa Kanluran at Timog Asya?
A. Nabibigyan ng kaalaman sa karapatan ang kababaihan.
B. Natutuhan ng kababaihan na lumaban sa pamilya at pamahalaan.
C. Naipakikita ng kababaihan na mas magaling sila kaysa kalalakihan.
D. Natutulungan ang kababaihan na magkaroon ng trabaho at buhayin
ang kanilang sarili.

16
Karagdagang Gawain

Gumuhit ng isang babaeng super hero na ang pangalan ay


Super Binibining Asyano. Ang kanyang kasuotan ay dapat ngpapakita
ng natatanging superpower o kapangyarihang taglay ng isang babaeng
Asyano. Sumulat din ng maikling paglalarawan.

Sagutin ng buong husay.

Bilang isang kabataan, paano mo maitataguyod ang karapatan ng mga kababaihan


sa modernong panahon?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________________________________.

17
Susi sa Pagwawasto

18
Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon, ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling


Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, pp.258-265

Elektronikong Hanguan

https://www.google.com/search?q=women+empowerment+clip+art+png+grayscale&
tbm=isch&ved=2ahUKEwjvqtm6nbnvAhULUpQKHeW4A2cQ2-
cCegQIABAA&oq=women+empowerment+clip+art+png+grayscale&gs_lcp=CgNpb
WcQA1DlDFjFI2D1JGgAcAB4AIABgwKIAbkKkgEFMS44LjGYAQCgAQGqAQtnd3M
td2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=SvVSYO_dF4uk0QTl8Y64Bg&bih=625&biw=136

https://www.google.com/search?q=hands+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwiI54u-
nbnvAhW7yIsBHUUqCI8Q2-
cCegQIABAA&oq=hands&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgQIIxAnMgcIABCxAxBDMgcI
ABCxAxBDMgQIABBDMgcIABCxAxBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABB
DMgQIABBDOgIIADoFCAAQsQNQwv6tAVjUiK4BYIaWrgFoAHAAeACAAZEDiAG9
CJIBCTAuMy4xLjAuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=Uf
VSYMj6HruRr7wPxdSg-Ag&bih=625&biw=1366#imgrc=uUjv_iFY7M6aIM

19

You might also like