You are on page 1of 6

Alpabetong Filipino

7 wika
 Artikulo
 Usapan
Basahin

Baguhin

Baguhin ang wikitext

Tingnan ang kasaysayan

Mga kagamitan












Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang makabagong alpabetong Filipino (o mas kilalá bílang alpabetong Filipino) ay
ang alpabeto ng wikang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas at isa sa mga
opisyal na wika ng bansa kasáma ang Ingles. Ang modernong alpabetong Filipino ay
binubuo ng 28 titik kabílang ang 26 titik nkkg payak ng alpabetong Latino ng ISO,
ang Ññ ng wikang Kastila at ang NGng wikang Tagalog. Ito ay isang wikang
Awstronesyo. Sa ngayon, ang makabagong alpabetong Filipino ay maaaring gamítin
bílang alpabeto ng mga katutubong wika sa Pilipinas kasáma na ang
wikang Tsabakano, isang kreyol gáling sa wikang Kastila.

Noong taong 2014, ang Komisyon sa Wikang Filipino ay naglabas ng bagong patnubay
para sa ortograpiya na sasagot sa mga dáting suliranin ukol sa kung papaano
ikakatawan ang mga tunog sa mga pilîng wika at diyalekto sa Pilipinas.

Títik[baguhin | baguhin ang wikitext]


Pangunahing artikulo: Palabaybayan ng Filipino
Noong Agosto 2007, ang Komisyon sa Wikang Filipino ay nagpalabas ng dokumento
tungkol sa palabaybayan ng wikang Filipino, na maaaring bigyan ng komento.[1] Ito ay
hango sa paggamit ng mga titik ng alpabetong Filipino, at ang mga radikal na rebisyon
na isinagawa noong taóng 2001.
Noong Mayo 2008, inilabas ang KWF ang pinal na borador ng Gabay sa Ortograpiya ng
Wikang Filipino. Itinakwil nito ang mga radikal na rebisyon ng 2001 at mas binigyang-
halaga ang status quo, bagaman kinokodipika o ginagawa nang opisyal ang ilang mga
aspekto nito.

Ang mga titik ay kumakatawan sa isang tunog na pasalita. Ito ay binubuo ng mga
patínig o bokáblo at mga katínig o konsonánte. Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng
28 na titik na may katawagan sa tulad sa wikang Ingles, maliban sa Ññ /enje/.

Katawagá Tunóg sa
Títik Talâ
n IPA

Aa ey /a/

Bb bi /b/ kadalasang maihahantulad sa v

Cc si /k/, /s/ gamit sa mga hiram na salita mula Kastila

Dd di /d/

binibigkas nang tunog-schwa kung lálagyán ng patuldok (ë) tulad ng


Ee i /e/, /i/
sa Wikang Mëranaw

Ff ef /f/, /p/ kadalasang maihahantulad sa p

Gg dyi /g/

Hh eyts /h/

Ii ay /i/, /e/

gamit sa mga hiram na salita mula Ingles tulad ng arkiyoloji, Arabe


Jj dyey /dʒ/, /h/
tulad ng masjid
Kk key /k/

Ll el /l/

Mm em /m/

Nn en /n/

Ññ enye /ɲ/

NGng endyi /ŋ/

Oo o /o/, /u/

Pp pi /p/ kadalasang maihahantulad sa f

Qq kyu /k/ gamit sa mga hiram na salita mula Kastila

Rr ar /ɾ/

Ss es /s/ kadalasang maihahantulad sa z

Tt ti /t/

Uu yu /u/, /o/

kadalasang maihahantulad sa b, gamit sa mga hiram na salita mula sa


Vv vi /v/, /b/
Ingles tulas ng virtyu, ginagamit sa wikang Ibanag

Ww dobolyu /w/
Xx eks /ks/

Yy way /j/

Zz zi /z/, /s/ kadalasang maihahantulad sa s

Katínig[baguhin | baguhin ang wikitext]


Ang ABAKADA o ang lumang alpabeto ng mga unang bahagi ng ika-20 siglo ay may
mas kaunting katinig. Sa kalagitnaan ng siglong ito ay nadagdagan at kalayunang
nabawasan. Sa paglabas ng Ortograpiyang Pambansa noong 2014, ang dáting 8 titik
na hindi pa naidagdag ay sa ngayong pinangalanang opisyal. Ito ay ang mga C, F, J, Ñ,
Q, V, X, Z. Ito ay isang malaking hakbang na idagdag ang mga titik na ito upang gawing
modernisado ang sistemang panulat na ito at upang mapangalagaan ang mga
katutubong wika sa Pilipinas. Ang mga titik na F, J, V, at Z ay napakaimportante dahil
ang mga tunog na ito ay matatagpuan sa mga wika tulad ng Ifugaw at Ivatan.

Ito ang mga halimbawa ng mga bagong titik:

Salita Wika Ibig-sabihin

alifuffug Itawes ipuipu

safot Ibaloy sapot ng gagamba

falendag Tinuray plawtang pambibig na may nakaipit na dahon sa ihipan

feyu Kalinga pipa na yari sa bukawe o sa tambo

jambangá
Tausug halaman
n

Tausug, Mëranaw from


masjid tawag sa gusaling sambahan ng mga Muslim
Arabic

julúp Tausug masamáng ugali


Salita Wika Ibig-sabihin

avid Ivatan kagandahan

pantakip sa ulo na yari sa damo na ginagamit bílang pananggalang


vakul Ivatan
sa ulan at init ng araw.

kuvat Ibaloy digma

vuyu Ibanag bulalakaw

vulan Ibanag buwan

kazzing Itawes kambing

zigattu Ibanag silángan

Patínig[baguhin | baguhin ang wikitext]


Bago ang panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, karamihan sa mga wika
sa Pilipinas ay tatlong patínig /a/ /i/, at /u/. Maraming naidagdag nga mga salita ang
mga Kastila at naidagdag ang /e/ at /o/ sa kalayunan. Bagaman, kahit sa kasalukuyan
ang /i/ at /e/ at ang /u/ at /o/ ay naiipagpalit-palit.

Tuldik[baguhin | baguhin ang wikitext]


Mula sa paggawa ng ABAKADA, ipinakilala na ni Lope K. Santos ang mga tuldik. Ito ay
ang mga Pahilis (´), Paiwà (`), at Pakupyâ (^) na nilalagay sa ibabaw ng mga patinig.
Ang tuldik na pahilis (´) na sumisimbolo sa diin at/o habà, ang tuldik na paiwa (`), ay
sumisimbolo sa impit na tunog at ang tuldik na pakupya (^) na sumisimbolo sa impit na
tunog at diin.

Noong 2015 ang KWF ay nagpakila sa Patuldók na E, Ëë. Ito ay sumisimbolo sa tunog-
schwa na matatagpuan sa maraming katutubong wika sa Pilipinas. Ang isa sa mga ito
ay ang Mëranaw, na dáting binabaybay na Maranaw at Meranaw.
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
1. ↑ Komisyon sa Wikang Filipino (2007). "Ang Ortograpiya ng Wikang Pambansa" (PDF).
Komisyon sa Wikang Filipino. Nakuha noong 2008-01-28.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang wikitext]


 Baybayin
 Abakada
 Palabaybayan ng Filipino

You might also like