You are on page 1of 5

Tunóg sa

Títik Katawagán Talâ


IPA
Aa ey /a/
Bb bi /b/ kadalasang maihahantulad sa v
Cc si /k/, /s/ gamit sa mga hiram na salita mula Kastila
Dd di /d/
binibigkas nang tunog-schwa kung lálagyán ng patuldok (ë) tulad
Ee i /e/, /i/
ng sa Wikang Mëranaw
Ff ef /f/, /p/ kadalasang maihahantulad sa p
Gg dyi /g/
Hh eyts /h/
Ii ay /i/, /e/
gamit sa mga hiram na salita mula Ingles tulad ng arkiyoloji,
Jj dyey /dʒ/, /h/
Arabe tulad ng masjid
Kk key /k/
Ll el /l/
Mm em /m/
Nn en /n/
Ññ enye /ɲ/
NGng endyi /ŋ/
Oo o /o/, /u/
Pp pi /p/ kadalasang maihahantulad sa f
Qq kyu /k/ gamit sa mga hiram na salita mula Kastila
Rr ar /ɾ/
Ss es /s/ kadalasang maihahantulad sa z
Tt ti /t/
Uu yu /u/, /o/
kadalasang maihahantulad sa b, gamit sa mga hiram na salita
Vv vi /v/, /b/
mula sa Ingles tulas ng virtyu, ginagamit sa wikang Ibanag
Ww dobolyu /w/
Xx eks /ks/
Yy way /j/
Zz zi /z/, /s/ kadalasang maihahantulad sa s

Katínig[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang ABAKADA o ang lumang alpabeto ng mga unang bahagi ng ika-20 siglo ay may mas
kaunting katinig. Sa kalagitnaan ng siglong ito ay nadagdagan at kalayunang nabawasan. Sa
paglabas ng Ortograpiyang Pambansa noong 2014, ang dáting 8 titik na hindi pa naidagdag ay sa
ngayong pinangalanang opisyal. Ito ay ang mga C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z. Ito ay isang malaking
hakbang na idagdag ang mga titik na ito upang gawing modernisado ang sistemang panulat na ito
at upang mapangalagaan ang mga katutubong wika sa Pilipinas. Ang mga titik na F, J, V, at Z ay
napakaimportante dahil ang mga tunog na ito ay matatagpuan sa mga wika tulad ng Ifugaw at
Ivatan.

Ito ang mga halimbawa ng mga bagong titik:

Salita Wika Ibig-sabihin


alifuffug Itawes ipuipu
safot Ibaloy sapot ng gagamba
falendag Tinuray plawtang pambibig na may nakaipit na dahon sa ihipan
feyu Kalinga pipa na yari sa bukawe o sa tambo
jambangán Tausug halaman
Tausug, Mëranaw
masjid tawag sa gusaling sambahan ng mga Muslim
from Arabic
julúp Tausug masamáng ugali
avid Ivatan kagandahan
pantakip sa ulo na yari sa damo na ginagamit bílang
vakul Ivatan
pananggalang sa ulan at init ng araw.
kuvat Ibaloy digma
vuyu Ibanag bulalakaw
vulan Ibanag buwan
kazzing Itawes kambing
zigattu Ibanag silángan

Patínig[baguhin | baguhin ang batayan]

Bago ang panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, karamihan sa mga wika sa
Pilipinas ay tatlong patínig /a/ /i/, at /u/. Maraming naidagdag nga mga salita ang mga Kastila at
naidagdag ang /e/ at /o/ sa kalayunan. Bagaman, kahit sa kasalukuyan ang /i/ at /e/ at ang /u/ at
/o/ ay naiipagpalit-palit.

Tuldik[baguhin | baguhin ang batayan]

Mula sa paggawa ng ABAKADA, ipinakilala na ni Lope K. Santos ang mga tuldik. Ito ay ang
mga Pahilis (´), Paiwà (`), at Pakupyâ (^) na nilalagay sa ibabaw ng mga patinig. Ang tuldik na
pahilis (´) na sumisimbolo sa diin at/o habà, ang tuldik na paiwa (`), ay sumisimbolo sa impit na
tunog at ang tuldik na pakupya (^) na sumisimbolo sa impit na tunog at diin.

Noong 2015 ang KWF ay nagpakila sa Patuldók na E, Ëë. Ito ay sumisimbolo sa tunog-schwa na
matatagpuan sa maraming katutubong wika sa Pilipinas. Ang isa sa mga ito ay ang Mëranaw, na
dáting binabaybay na Maranaw at Meranaw.
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
1. Jump up ↑ Komisyon sa Wikang Filipino (2007). "Ang Ortograpiya ng Wikang Pambansa".
Komisyon sa Wikang Filipino. http://wika.pbworks.com/f/ORTOPDF.pdf. Hinango noong 2008-
01-28.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]


 Baybayin
 Abakada
 Palabaybayan ng Filipino

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]


 Komisyon sa Wikang Filipino opisyal na websayt

Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia


sa pagpapalawig nito.

<img src="//tl.wikipedia.org/wiki/Special:CentralAutoLogin/start?type=1x1" alt="" title=""


width="1" height="1" style="border: none; position: absolute;" />
Kinuha mula sa
"https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Alpabetong_Filipino&oldid=1611664"
Kategorya:

 Wikang Filipino

Nakatagong kategorya:

 Stub (Pilipinas)
 Mga lathalaing dapat palawigin
 Mga lathalain na dapat palawigin

Menu ng paglilibot
Mga pansariling kagamitan

 Hindi naka-login
 Usapan
 Mga inambag
 Lumikha ng account
 Mag-login
Mga ngalan-espasyo

 Artikulo
 Usapan

Naiiba pa

Mga tingin

 Basahin
 Baguhin
 Baguhin ang batayan
 Kasaysayan

Higit pa

Hanapin

Paglilibot

 Unang Pahina
 Mga nilalaman
 Napiling nilalaman
 Mga kaganapan
 Alinmang artikulo

Pakikihalubilo

 Patungkol
 Pamayanan
 Kapihan
 Mga huling binago
 Magkaloob
 Makipag-ugnayan
 Tulong

Ilimbag/iluwas
 Lumikha ng isang aklat
 Ikargang-pakuha bilang PDF
 Bersiyong maililimbag

Mga kagamitan

 Mga nakaturo rito


 Kaugnay na mga pagbabago
 Mag-upload ng file
 Mga natatanging pahina
 Permanenteng kawing
 Impormasyon ng pahina
 Item na Wikidata
 Sumangguni

Sa ibang wika

 Deutsch
 English
 Ilokano
 Português
 Tiếng Việt

Baguhin ang mga kawing

 Huling pagbabago: 02:14, 22 Oktubre 2017.


 Magagamit ang teksto sa ilalim ng Lisensyang Creative Commons Attribution/Share-
Alike; maaaring mailapat ang karagdagang termino. Tingnan ang Takdang Gamit para sa
mga detalye.

 Patakaran sa paglilihim
 Tungkol sa Wikipedia
 Mga pagtatanggi
 Mga tagapagpaunlad
 Cookie statement
 Bersiyong pantelepono

You might also like