You are on page 1of 30

FILIPINO 205

GRAMATIKA NG MGA WIKA SA PILIPINAS

A. Mga Wikang Sinuri:

Wikang Tagalog at Wikang Waray

Katangian ng bawat wika.

Ang Wikang Tagalog, na kilala rin sa payak na pangalang Tagalog, ay isa sa mga

pangunahing wika ng Pilipinas at sinasabing ito ang de facto (“sa katunayan”) ngunit

hindi de jure (“sa batas”) na batayan na siyang pambansang wikang Filipino (mula 1961

hanggang 1987: Pilipino). Ito ang Katutubong wika ng mga lalawigan sa Rehiyon IV

(CALABARZON at MIMAROPA), ng bulkan, at ng Kalakhang Maynila. Sinasalita rin ito

sa Hilagang Kalpuluang Mariana, kung saan ang mga pilipino ang pinakamalaking

pangkat-etnolinguwistiko. Bilang isang pangunahing wika sa Pilipinas, ang karaniwan at

pamantayang anyo nito ang pangunahing wika sa pambansang telebisyon at radyo,

bagaman halos nasa ingles ang buong kayarian ng mga pahayagan. Bilang Filipino,

kasama ang Ingles, isa ang Tagalog sa kasamang-opisyal at tanging pambansang wika

sa Pilipinas. Malawak na ginagamit ang Tagalog bilang lingua franca o “tunay na wika”

sa buong bansa, at sa mga pamayanang Pilipino nasa labas ng Pilipinas. Subalit,

habang kalat ang Tagalog sa maraming mga larangan, higit na laganap ang Ingles, sa

iba’t ibang antas ng katatasan, sa mga larangan ng pamahalaan at kalakalan.


Tinatawag na mananagalog o mananalita ang isang may mataas, may kahusayan, at

kaalaman sa pananagalog.

Kaugnay ng iba pang mga wika sa Pilipinas, ang Wikang Tagalog, gaya ng mga

wika sa Bikol, Ilokano, mga wika sa kabisayaan, at Kapampangan, at mayroon ding

kaugnayan sa iba pang mga wikang Austronesyo, gaya ng Wikag Indones, Hawaiian at

Malagasy.

Ang Wikang Waray naman ay binubuo ng Waray, Waray Sorsogon at Masbate

Sorsogon. Bisakol ang tawag naman sa mga wikang Waray Sorsogon at Masbate

Sorsogon dahil komplementaryo sila ng mga wikang Bisaya at Bikolano. Lahat ng

wikang Waray ay kabilang sa grupo ng mga wikang Bisaya at may kaugnayan sa mga

diyalektong Hiligaynon at Masbatenyo.

Bagama’t may pagtatalo, ang Samarnon-Lineyte ay tinatawag lamang na Waray

dahil iisa lamang ang kanilang lingguahe na sinasalita. Gayumpaman, nagkakaiba

naman sila sa mga ideya at proposisyon, at konstuksyon ng pangungusap. Dahil doon,

ay may tinatawag na Samarnong Waray at Lineyteng Waray. Kahit pa na may

pagkakaiba ang dalawang ito, nananantili pa rin ang kanilang wikang Waray bilang

pangunahing wika sa mga probinsiyang ito.


B. Pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang wika sa sumusunod:

1.Ponolohiya- Masistemang pag-aaral ng mga makabuluhang tunog ng wika, mga

tunog na ginagamit sa pagbuo ng mga salita sa isang partikular na wika at tunog na

naririnig kung paano bumibigkas ng isang buong salita, pahayag o pangungusap ang

nagsasalita.

BAYBAYIN NG FILIPINO BAYBAYIN NG WARAY


ALPABETO NG FILIPINO ALPABETO NG WARAY

Ponemang katinig at patinig-itinuturing na siyang pinakatampok na

bahagi ng pantig.

-Binubuo ng mga letrang /a/, /e/, /i/, /o/, at /u/.

Mga Ponemang Patinig


HARAP CENTRAL LIKOD

MATAAS /i/ /o/

GITNA /e/ /u/

MABABA /a/

Katinig

ito ang mga ponemang binubuo ng mga ponemang /b/, /k/, /d/, /g/, /h/, /l/, /m/, /n/,

/ɧ/, /ɿ/, /p/, /r/, /s/, /t/, /w/, at /y/.

Ponemang segmental o Ponema

tawag sa makabuluhang tunog sa Filipino.


IBA'T IBANG PUNTO NG ARTIKULASYON

PANLABI - ang ibabang labi ay dumidiit sa itaas na labi

PANGNGIPIN - dumidiit ang dulo ng dila sa loob ng mga ngipin sa itaas.

PANGNGALANGALA (MATIGAS O PALATAL) - dumidiit sa matigas na bahagi ng

ngalangala ang ibabaw ng dulong dila.

IMPIT O GLOTTAL - itinuturing ang impit na isang ponemang katinig sa Filipino,

bagama’t hindi ipinpakita sa ortograpiya ng ating wika. Nagdidiit ang bagbagtingang

patinig at hinaharang ang presyon ng papalabas na hininga, pakakalwaln

pagkataposupang lumikha ng paimpit na tunog.


Digrapo

Ang digrapo ay kombinasyon ng dalawang letrang pinagsama para katawanin ang

isang tunog.

Sa Filipino, kadalasang maririnig ang mga digrapo sa mga salitang hiram, ngunit

maging sa mga taal na salita ay maririnig na rin ito dahil sa proseso ng simplipikasyon

DIGRAPO WARAY FILIPINO

Nalalangot Tsart

Nariringa Tsino

Tanyo Langit

Tatsi Tsaa

Tatsi Ngala-ngala

. DIPTONGGO/ KAMBAL KATINIG

Ang mga diptonggo ng Filipino ay iw, iy, ey, ay, aw, oy at uy. Ito ay tumutukoy sa

pinagsamang tunog ng isang patinig (a,e,i,o,u) at isang malapatinig (w,y) sa loob ng

isang pantig.

DIPTONGGO WARAY FILIPINO

adlaw araw
wakay buhay

bukaw bughaw

dayaw pantay

katawhan kulay

KLASTER

Ang klaster ay ang dalawa o higit pang magkakatabing katinig sa loob ng isang salita.

Katulad ito sa kambal-katinig sa Tagalog (mula sa mga salitang KAMBAL o dalawa at

KATINIG). Subalit tanging yung dalawang magkatabing katinig sa isang pantig o silabol

lamang ang ikinokonsider na ganito (sa Tagalog). Walang kasing higit sa tatlong

magkakatabing konsonant sa isang silabol sa Tagalog hindi tulad sa Filipino na posible

ang pagkakaroon ng tatlo hanggang apat.

KLASTER WARAY FILIPINO

limpyo gripo

katsapa trabaho

Troso braso

Putragis kriminal
prisuhan sombrero

Haba

- tumutukoy sa haba ng bigkas sa pantig ng salita na may patinig o katinig.

WARAY FILIPINO

Maupay mabuti

Gab-i gabi

adlaw araw

Palingki baliw

utan gulay
Sa talahanayan na nasa itaas na nagpapakita ng pagpapantig nang mga salita sa

Filipino at Waray. Ipinapakita nito kung paano binabaybay ang mga salita at kung

paano ito bigkasin.

Talahanayan 1: Halimbawa ng mga Salitang Filipino na may Katumbas sa Waray

SALITANG WARAY SALITANG FILIPINO

kaon kain

gab-e gabi

lakat lakad

irong ilong

adlaw araw
Makikita sa talahanayang nasa ibabaw ang mga sumusunod na nasuri sa mga

halimbawang salita:

Ang ponemang i sa salitang “kain” sa Filipino ay naging o sa Waray kung kaya’t

naging “kaon”. Ang ponemang i naman sa salitang “gabi” sa Filipino ay naging e sa

salitang Waray kung kaya’t naging “gab-e”, natuklasang gumamit ito ng gitling upang

mapaghiwalay nang mabigyan ng diin ang pagkakabigkas sa salita.

Ang ponemang d sa salitang “lakad” sa Filipino ay naging t sa Waray kung kaya’t

naging “lakat”, nagpapamalas lamang ito na mas gamitin ng mga Waray-Waray ang

ponemang t sa pakikipagtalastasan upang maipabatid ang kanilang pagkakilanlan.

Ang ponemang l sa salitang “ilong” sa Filipino ay naging r sa Waray kung kaya’t

naging “irong”, nagpapakita lamang ito na kadalasang ginagamitin ng mga Waray-

Waray ang ponemang r upang magkaroon ng kabatiran sa kanilang pinagmulan.

Ang ponemang r sa salitang “araw” sa Filipino ay nawala at pinalitan ng ponemang

d at l kaya't naging “adlaw” ipinapakita lamang dito na may pagbabagong naganap sa

tunog at bigkas ng salitang “araw”. Makikita sa mga halimbawang inilahad sa tsart na

ang mga ponemang i – o, i – e, d – t, at l – r ay malayang nagpapalitan.

Samakatuwid, ang pagpapalit ng patinig ay lumilitaw sa salitang Waray na kung

saan kung ipagkukumpara sa Filipino, ang pagpapakahulugan ay walang pinagkaiba

bagkus ito ay naiiba lamang sa paraan ng pagbigkas ng mga gumagamit o nagsasalita

nito.

Makikita sa baba ang halimbawa ng pangungusap sa Filipino at kung paano

nabago ang ibang mga salita pag naisalin na ito sa salitang Waray.
FILIPINO WARAY

Para ha 50-anyos nga Waray pa gud

makakapot hin lapis, An pagkapot la


Para naman sa isang 50 taong gulang
hin lapis ngan pagsurat hin mga letra
na hindi kalianman nakahawak ng lapis,
han alpabeto mahimo magin daku nga
ang paghawak lamang ng lapis at
ulang.
pagbuo ng mga titik ng alpabeto ay

pagkalaki-laking balakid na.

MORPOLOHIYA

Ayon kay (Constantino 2012) ito ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral ng

morpema o pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahulugan. Pinag-aaralan dito

ang sistema ng pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita na

may payak o komplikadong kahulugan. Ang mga morpema ay maaaring isang

buong salita, panlapi, artikulo, o metalinggwistikal na yunit ng kahulugan tulad ng

intonasyon at diin.

Talahanayan 2: Halimbawa ng mga Salitang Filipino na may katumbas sa Waray

SALITANG FILIPINO KATUMBAS SA WARAY


maganda mahusay

umaga aga

tanghali udto

gawa trabaho

pangit maraot

matakaw laot

Mapapansin sa talahanayang nasa itaas ang mga sumusunod na nasuri sa mga

halimbawang salita:

Ang salitang “maganda” sa Filipino ay isinalin nang buo sa Waray at

naging “mahusay”. Makikitang nanatili ang unlaping ma-, pinalitan ang

ponemang g at naging h at tuluyan ng binago ang kayarian ng mga natirang

ponema. Mababakas na may natatanging wika ang Waray.

Gayon din ang mga salitang “gawa”, “tanghali”, “pangit” at “matakaw” sa

Filipino ay isinalin nang buo sa Waray at naging “trabaho”, “udto”, “maraot” at

“lamot”. Walang mababakas na pagbabagong morpoponemiko sapagkat ang mga

salitang nailahad ay may orihinal na katumbas sa Waray. Subalit, mapapansing

ang salitang “udto” ay tumutunog Cebuano/Bisaya habang ang salitang

“trabaho” ay tumutunog Tagalog naman na nagpapamalas lamang na may

ugnayan ang iba’t ibang wikain at may iba-ibang katawagan sa mga bagay-bagay
ang bawat pangkat ng tao. Samantala, batid naman na hindi lamang isa ang

katumbas na salita nito kundi maging dalawa; ang makabagong salin at ang

lumang salin ng salita.

Ang salitang “umaga” sa Filipino ay naging “aga” sa Waray. Makikitang may

pagkakaltas na nangyari, inalis ang unlaping um- at pinanatili ang salitang ugat

na “aga”. Mababakas na may natatanging istruktura ng wika ang Waray.

Panlapi

Ang panlapi o morpemang di-malaya ay isang morpemang ikinakabit upang

makabuo ng isang salita.

(Joyce Talayudtod, 2005) Isa sa pangunahing layunin ng panlapi ay tumulong sa

salitang-ugat upang makahatid ng maayos at makabuluhang salita sa isang pag-

uusap.

Ayon kay Dela Cruz (2010), Ang salitang-ugat ay madalas nakadepende sa

panlapi sa oras na ito ay gamitin sa isang salita o pangugusap na nagbibigay ng

makabuluhang ideya.

Ang mga sumusunod ay uri ng panlapi:

1. Unlapi - Ang panlapi ay matatagpuan sa unang bahagi ng isang salita.


Halimbawa:

Mag at Ma - Magbago, Makuha

SALITANG WARAY AT KAHULUGAN SALITANG WARAY , FILIPINO at

NITO SA FILIPINO Unlaping nilapat sa paggawa ng

bagong salita

Burod = Buntis Ma + Burod = maburod

Ma+ Buntis = mabuntis

Gugma=Mahal Mag + Gugma = magugma

Mag + Mahal = magmahal

Ang ginamit na panlaping unlapi na “mag at ma” sa salitang ugat na ginamit sa

Waray at Filipino ay mahihinuhang nagpalit lamang ng kahulugan. Mapapansin na

ang salitang “burod” at “buntis” ay nilapian ng unlaping “ma” at sa salitang

“gugma” at “mahal” naman ay nilapian ng unlaping “mag” na nag papakita ng

pagbabago sa kahulugan.

2. Gitlapi - Ang panlapi ay matatagpuan sa bandang gitna ng isang salita.


Halimbawa:

Um - sUMayaw

SALITANG WARAY AT KAHULUGAN Salitang Waray at Gitlaping nilapat sa

NITO SA FILIPINO paggawa ng bagong salita

Dakop - kuha Um + Dakop = Dumakop

Kung ang unlapi ay makikita sa unahan ng salitang ugat ang gitlapi naman ay

matatagpuan sa gitnang bahagi ng salitang ugat. Ang salitang “dakop” sa Waray

ay nilapian ng “um” na naging “dumakop” na nangangahulugang “kumuha”

kapag isinalin sa salitang Filipino. Mahihinuha na nagpalit lamang ng kahulugan

ang salitang ugat sa idinagdag na gitlapi.

3. Hulapi - Ang panlapi ay makikita sa bandang dulo ng isang salita.

Halimbawa:

An - sabihAN

Salitang Waray at Kahulugan nito sa Salitang Waray at Hunlaping nilapat sa

Filipino paggawa ng bagong salita


Dulsi - kendi Dulsi + An = Dulsian

Ang hunlaping ginamit sa halimbawa ay “an”, makikita na ang hunlapi na

idinugtong sa hulihan ng salitang ugat ay naging dahilan ng pagbabago ng

kahulugan ng salita.

Uri ng mga pagbabagong morpoponemiko

Asimilasyon

Sa uring ito, tumatalakay sa pagbabagong nagaganap sa pangalan sa posisyong

pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito.

WARAY FILIPINO

Danpay - minsan Dumi


Ma + Danay = Maranay Ma + Dumi = Marumi

Makikita sa halimbawa sa itaas ang salitang "danay" na kung saan

nangangahulugang minsan. Sa pagpapalit ng ponema ay makikita ang pagsama

ng panlaping "ma" na kung saan ang resulta ay "Maranay" dahil nagbago at

napalitan ang ponemang d at naging r.

Pagkakaltas ng ponema

Naganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang

ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito.

WARAY FILIPINO

bungat + an = bungatan = bungtAN Takip + an = takipan= takpAN

buwas + an = buwasan = buwsAN bukas + an = bukasan = buksAN

balyo +han = balyohan = baloHAN bili + han = bilihan = bilHAN


Sa pagbabagong morpoponemikong pagkakaltas ng ponema mapapansin na ang

huling ponemang patinig ng salitang ugat na ginamit ay nawala dahil sa naganap na

paghuhulapi. Mapapansin na ang salitang “bungat” sa Waray ay nilapian ng hulaping

“an” kung kaya’t naging “bungtan” sa paglalaping nangyari makikita na nawala ang

patinig na “a”. Sa salitang “buwas” naman na nilapian din ng “an” gayun din ang

nangyari. Sa salitang “balyon” naman na nilapian ng hulaping “han” na naging “balohan”

makikita na nawala ang malapatinig na “y”.

Sa mga halimbawang na nakasalin sa Filipino na gayun din ang naganap na

pagbabago sa mga nalapiang salita. Nangangahulugan lamang ito na ang pagkakaltas

ng ponema ay may malaking pagbabago sa kahulugan ng isang salita mapa-Waray

man o Filipino.

SEMANTIKA

Sentro sa pag-aaral ng komunikasyon ang semantika. Ito rin ay pag-aaral kung paano

ang isang salita masusuri at mabibigyan ng pagpapakahulugan. Saklaw rin nito ang

pag-aaral na may kaugnayan sa relasyon o ugnayan ng mga salita sa isang

pangungusap.Ito rin ay isang pag-aaral kung paano nabibigyang kahulugan ang mga

salita batay sa paggamit nito sa pangungusap o pahayag.


Nagkaroon ng pagbabago ang wika sa iba’t ibang panahon. Ang mga katuturang

ibinibigay ngayon sa isang salita ay maaaring lumago, lumawak, maiba sa isang

henerasyon o partikular na panahon. Ating isinasaalang-alang ang pagiging nasyonal o

pambansa, kadalisayan at pana-panahong gamit bilang “batis” ng kawastuan sa

pagbibigay ng kahulugan ng salita. May dalawang dimensyon ng pagbibigay kahulugan

sa isang salita sa semantika ay tinatalakay ang mga sumusunod:

Konotasyon at Denotasyon

Denotasyon- kahulugan ng salita. Ito din ay literal o ito ang totoong kahulugan ng salita.

Konotasyon- tawag sa mga salita o parilala na malalim na kahulugan.


Kung mapapansin sa tahanayan, ganun din ang pag gamit nito sa salitang Waray,

walang pagkakaiba sa Tagalog maliban sa sariling gamit ng salita.

Intensyon at Ekstensyon

Ang paglalahad ng kahulugan sa pamamagitan ng ng intensyon ay may pagtukoy sa

konsepto samantalang may pagtukoy sa pamamagitan ng pangkaisipang imahe ng

binibigyang kahulugan ang nagaganap sa ekstensyon.

Salitang Waray Ekstensyon Intensyon

Magturutdo (Guro Isang tagapagturo sa Bb. Anna Rose Chavez

paaralan sa asignaturang
Panimulang linggwistika sa

Kolohiyo

WARAY FILIPINO

Kilala gud hi Jesus sugad Si Hesus ay gaya ng kilalang guro

nga “Magturutdo”

Makikita sa talahanayan sa ibabaw na pareho lamang ang pagpapakahulugan sa

salitang guro. Wala itong pinagkaiba sa pagbibigay ng kahulugan bagkus iba lamang ito

sa paggamit na salita na kinamulatan.

Homofon Salitang magkapareho ang tunog o anyo, ngunit magkaiba ang kahulugan.

WARAY FILIPINO

Buhay- buhay ng tao

Alo - hiya

Amo - tayo (kami,sila) Bahay- tirahan

Aso - usok Upo- gulay

Ato - lumaban, gumanti


Opo- paggalang

Bado- damit Buto- parte ng katawan ng tao

Budo- burong isda

Boto- pagsang-ayon

Bukaw- kwago Hito- uri ng isda

Bulaw- kayumanggi

Hita- parte ng katawan ng tao

Agi- sulat-kamay Dama- isang laro

Api- kasama, makasama Damo- halaman na tumutubo kung saan-

saan

Mapapansin sa talahanayan na ang bawat salitang ginamit sa salitang Waray at Filipino

ay may parehong tunog o anyo ngunit magkaiba ang kahulugan. Base sa obserbasyon

ang Homofon ng dalawang dayalekto ay parehas lamang ng pamamaraan sa pagtukoy

ng kaibahan ng mga salita.

Ayon kay Santiago (2003), malalaman natin na makabuluhan ang isang tunog kung

nagawa nitong baguhin ang kahulugan ng salitang kinapapalooban nito sa sandaling

ito’y alisin o palitan.


Polisemi

Mayroong dalawa o higit pang mga makahulugang salita na tinatawag na polisemi. Ito

ay madalas na naka-link sa pagitan ng ilang senses na may dalawang kahulugan sa

isang salita na magkaiba ang bigkas ngunit parehas ang baybay.

WARAY FILIPINO

Agi-sulat kamay Baka-uri Ng hayop

Agi-marka Baka-hindi sigurado

Bata-bata Puno-halaman

Bata-tito Puno-pagsasaad ng dami

Arum-ulap Pili-uri ng mani

Arum-nunal Pili-pagpili

Ato-atin Tubouri Ng halaman na ginagawang

asukal
Ato-lumalaban

Tubo-daluyan ng tubig

Buhat-inangat Bukas-araw

Buhat-aktibidad Bukas-kilos
Antonim at Sinonim

Ang mga antonim(kasingkahulugan) ay mga salita na may kabaligtaran na mga

kahulugan samantalang ang sinonim(kasingkahulugan) ay mga salitang may pareho o

magkatulad na kahulugan

SALITANG WARAY ANTONIM SINONIM

Abunda(masagana) Damu(Marami) Magkulang(Salat,Kulang,kakaunti)

Namunga ito ngan Damu hinduro an mga Bangin magkulang hin pagkaon,

napuno hin mga sanga tawo nga nag-angkon mawara an mga panag-iya, ngan

tungod han abunda nga nga nakakabasa han magin makuri an pagkinabuhi.

tubig. mga tigaman ngan

maaram han

misteryoso nga sura.

- Ang mga kalalakihan

na nagsasabing -Maaaring kulang ang pagkain,

- Nagbunga ito at puno nagbasa ng mga maaaring mawala ang pag-aari, at

ng mga sanga dahil sa omens at maaaring bumaba ang mga

masaganang tubig nagpapahiwatig ng pamantayan ng pamumuhay.

pagsulat ng misteryo

ay tiyak na
napakarami sa suplay.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang salita na gagamitin sa pagpapakita ng

pagkakaunawa sa antonim at sinonim mas napadali itong intindihin ng mga

mambabasa. Ginamit ang salitang abunda ng Waray na ang kahulugan sa Filipino ay

masagana at ibinigay ang kasingkahulugan nito at kabaligtaran. Sa mga salitang

ginamit ay parehas lamang ang paggamit nito sa isang pangungusap na kung saan

mapa Waray man o Filipino ang Abunda ay katumbas ng masagana, damu sa marami

at magkulang sa Salat.

SINTAKSIS

Ang sintaksis ay pag-aaral o pag-uugnay ng mga salita para makabuo ng mga parirala,

sugnay at mga pangungusap.

Talahanayan 5: Halimbawa ng mga Pangungusap na Filipino na may Katumbas sa

Waray at ang paghahambing kung paano nabuo ang pangungusap.


PANGUNGUSAP SA FILIPINO PANGUNGUSAP SA WARAY

Mapayapa ang manirahan sa Pilipinas. Malinawon an pag -ukoy ha Pilipinas.

Hindi madali ang magtrabaho sa Dire mandarin an pagtrabaho ha

kabukiran. kabukiran.

Mapapansin sa talahanayang nasa ibabaw ang mga sumusunod na nasuri sa mga

halimbawang pangungusap:

Kapwa nasa karaniwang ayos ang mga halimbawang pangungusap na nagkakaiba

lamang sila sa anyo ng salita katulad lamang ng Mapayapa – Malinawon, Ang – An,

Manirahan – Pag-ukoy, at Sa – Ha (Unang Pangungusap); Hindi – Dire, Ang – An,

Magtrabaho – Pagtrabaho, at Sa – Ha. (Ikalawang pangungusap) May nangyaring

pagkakaltas (Ang Ang ay naging An na lamang) at pagpapalit ng ponema sa mga salita

sa loob ng pangungusap (Ang Sa ay naging Ha). Subalit nailahad naman nang may

kaayusan ang diwa at hindi ito lumabas na literal o mali-maling pagkakasalin.

Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga pangungusap ayon sa gamit sa salitang Waray

at Filipino. Pinapakita nito ang iba’t ibang kayarian ng mga pangungusap depende sa

mga pangyayari. Pinapalooban ito ng simuno at panaguri na nagsisilbing kaluluwa ng

bawat pangungusap na ginawa.


URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT:

1.Paturol- uri ng pangungusap ayon sa gamit na nagsasalaysay at ginagamitan ng

bantas na tuldok ( . )

WARAY FILIPINO

Magasa an among ayam. Mapayat ang aming Aso.

2.Pautos- uri ng pangungusap ayon sa gamit na nagpapahayag ng pag-utos o komand

na ginagamitan ng bantas na tuldok (. )

WARAY FILIPINO

Ihatag mo sa akon an luwag. Ibigay mo sa akin ang sandok.


3.Patanong- uri ng pangungusap ayon sa gamit na nagpapahayag ng pagtatanong na

binabantasan ng tandang pananong ( ? )

WARAY FILIPINO

Nano man karuyag mong utan? Ano ang gusto mong gulay?

Padamdam- uri ng pangungusap ayon sa gamit na naghahayag ng iba’t ibang emosyon

ayon sa sitwasyon at ginagamitan ito ng bantas na tandang padamdam ( !)

WARAY FILIPINO

Aba! Baka mas magaan pa siya sa armas

ni Goliat.
Ha! Pagkamatuod bangin mas magaan pa

hiya ngan nga armas ni Goliat.

You might also like