You are on page 1of 4

Name of Learner_________________________________________________ Date:____________________

Grade & Section: ____________________________________________ Teacher:_______________________

Grade 5
QUARTER 1 – WEEK 3
September 27- October 1, 2021
(Monday -Friday)

MODULAR LEARNING DELIVERY MODALITY


Home Economics (Gamit ng Makina at Kamay sa Pagbuo ng mga Kagamitang Pambahay)

(MODULE BASED p. 16, 1-5 only) BALIK ARAL:


Isulat sa iyong sagutang papel ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasabi ng totoo at
MALI kung ito ay taliwas.

_________1. Lamasin sa tubig ang maruruming damit upang lumambot ang nakakapit na mga dumi
ng damit.
_________2. Pagsamahin ang mga de color at mga puti sa isang lagayan at lamasin ng pa ulit-ulit
hanggang maging malinis ng kaunti ang tubig.

________ 3. Pigain at paghiwa-hiwalayin ng lagayan para hindi magkahawahan ng kulay.

________ 4. Gumamit ng sabon na matapang upang maalis ang dumi ng dait kahit pa magsugat ang
iyong mga kamay sa paglalaba.

________ 5. Pigain mabuti at isampay ang mga damit hanggang sa matuyo. Gumamit ng hanger
panampay at kung wala ay isabit sa malinis na alambre

(LEAP Based) BASAHIN AT UNAWAIN: Learning Activities

Ang kaalaman sa pananahi ay nakatitipid sa gastusin sa pananamit. Maaari kang makagawa


ng mga kagamitang pantahanan katulad ng kurtina, punda ng unan, apron, pot holder at
pamunasan ng kamay.

Ang paggamit ng makina sa pananahi ay kapakipakinabang na gawain. Ito ay isang kaalaman


na makapagbibigay sayo ng kasiyahan at kapakinabangan sa iyong sarili at makakatulong ka pa sa
iyong pamilya. Nararapat na matutunan ng bawat mag-aaral ang mga bahagi at gamit ng makina
maging ang maingat at wastong pangangalaga dito. Ang makina ay kailangang pangalagaan.
Mapapanatili nito ang tiyak na magandang kondisyon kapag ginagamit. Sa pamamagitan din nito
maaring magamit ang makinang panahian sa matagal na panahon.

Ang makinang panahian ay naimbento noong 1846 ni Elias Howe at lalo itong pinagbuti ni Isaac
Merrit Singer noong 1851. Ang pagkakaimbento ng makina ay isang malaking hakbang.

Upang mapabuti at mapabilis ang gawaing pananahi. Kumpara sa pananahi gamit ang kamay,
mas makatitipid ng oras, pagod, at salapi kung mananahi sa makina. Makatitiyak pa na matibay at
maayos ang pagkakatahi ng kasuotan o kagamitan. Ang kaalaman sa pananahi ay hindi madali sa
umpisa sapagkat ito ay nangangailangan ng ibayong pagsasanay, sipag, tiyaga upang makabuo ka
ng isang kasuotan o kagamitang pambahay, subalit kapag nakita mo na ang iyong nabuong
kagamitan o kasuotan ay kakaibang kasiyahan ang iyong mararamdaman
May iba’t ibang pamamaraan sa paggamit ng makina. Maaari itong panahian gamit ang kamay
o kuryente. Anuman ang uri ng makinang gagamitin, ang mahalaga ay maayos at masinop ang
mabibigay nitong serbisyo sa pananahi.
Ang kaalaman sa bahagi ng makina at ang wastong gamit ng mga ito ay makatutulong sa iyo
upang magamit ng maayos ang makina sa pananahi ng iba’t-ibang kasuotan. Mapapakinabangan
ng matagal ang makinang panahian kung alam mo ang wastong pangangalaga dito.

Mga Bahagi ng Makinang de-Pidal


1. Kabinet o kahon- dito itinatago ang ulo o katawan ng makina. Karaniwang mayroon na ring
kahon para sa sinulid, gunting at iba pang kagamitan sa pananahi.
2. Ulo- Ito ang buong makinang panahi. Binubuo ito ng maliliit at tiyak na bahagi upang ang
makina ay umandar.
3. Bed o kama- Ito ang patungan ng tinatahi.
4. Spool pin- Pinaglalagyan ito ng karete ng sinulid sa itaas na bahagi ng ulo ng makina
5. Balance wheel- Nagpapaandar ito o nagpapahinto sa makina, katulong ang gulong sa ilalim.
6. Bobbin winder- Pinaglalagyan ito ng bobina upang makapag-ikid ng sinulid.
7. Bobina- Pinaglalagyan ito ng sinulid sa ilalim ng makina.
8. Shuttle- Pinaglalagyan ng bobina sa ilalim ng makina.
9. Belt o koreya/kulindang-ito ang nagdurugtong sa maliit na gulong sa ibabaw at sa malaking
gulong sa ibaba ng makina.
10.Thread guide- Binubuo ito ng tatlong kalawit na pumapatnubay sa sinulid mula sa spool pin
hanggang karayom.
11. Presser foot- bahagi ito ng makina na pumipigil o umiipit sa tela habang tinatahi.
12. Presser Lifter-Ito ang nagtataas o nagbababa ng presser foot.
13. Feed dog- o ngipin ng makina. Nasa ilalim ito ng presser foot na nag uusod ng tela habang
tinatahi ito.
14. Needle bar- Pinaglalagyan ito ng karayom at nagdadala ng sinulid sa itaas kapag tinatahi
15. Throat plate- Ito ang platong metal na nasa ilalim ng karayom.
16. Slide plate- Ito ay takip na metal na maaaring buksan upang maalis at mapalitan ang bobina.
17. Stitch regulator- Bahagi ito na nasa ibaba ng ikutan ng sinulid sa bobina na ang nag-aayos ng
haba o ikli ng mga tahi.
18. Tension Regulator- Ito ang bahaging nagluluwag o naghihigpit ng tahi.
19. Drive wheel- Ito ang malaking gulong na makikita sa gawing kanan ng makina sa ilalim ng
cabinet
20. Treadle-Tapakan o Pidal- Ito ang pinapatungan ng mga paa upan patakbuhin ang makina.
21. Needle clamp- Ito ang nagsisilbing kabitan ng karayom.

(LEAP BASED) Gawain sa pagkatuto Bilang 3:


Tukuyin ang bahagi ng makina. Isulat sa inyong sagutang papel ang tamang sagot.

______________________1. Ito ang nagsisilbing kabitan ng karayom.


______________________2. Binubuo ito ng maliliit at tiyak na bahagi upang ang makina ay umandar.

______________________3. Nagpapaandar ito o nagpapahinto sa makina,katulong ang gulong sa

ilalim.

______________________4. Pinaglalagyan ito ng sinulid sa ilalim ng makina

_____________________ 5. Ito ang platong metal na nasa ilalim ng karayom.

______________________6. ito ang nagdurugtong sa maliit na gulong sa ibabaw at sa malaking

gulong sa ibaba ng makina.

______________________7. Pinaglalagyan ng bobina sa ilalim ng makina.

______________________8. Pinaglalagyan ito ng karayom at nagdadala ng sinulid sa itaas kapag

tinatahi

______________________9. Ito ang patungan ng tinatahi.

______________________10. Ito ang pinapatungan ng mga paa upang patakbuhin ang makina.

(MODULE BASED) GAWIN: Paki basa ang Modyul sa EPP mula pahina 8-10. Tungkol sa pagsusulsi
ng mga punit na kasuotan at pangangalaga ng kasuotan

(MODULE BASED p. 14) TANDAAN:


Dapat nating kumpunihin agad ang tastas, punit o butas ng damit bago labhan upang maiwasan
ang tuluyang pagkasira nito. Mahalagang matutunan at maunawaan ang iba’t-ibang sira ng damit
sa pamamagitan ng pananahi sa kamay at pagsusulsi. Makapagtitipid ng oras, pagod at salapi kung
uugaliing pangalagaan ang mga damit araw-araw at tatagal pa ang ating pakinabang dito. Ang
pagsusulsi ay ang pagdudugtong ng mga hiblang naputol sa pagkakapunit sa pamamagitan ng
pagtatahi sa kapaligiran nito. Ang Pagtatagpi ay gumagamit ng kapirasong teal upang takpan ang
gawang o butas na likha ng pagkakasira Ang Paglililip ay inaayos ang tupi ng laylayan o ng iba pang
bahagi ng isang kasuotan.

(Module Based p.13) Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:

Sagutin ng Tama o Mali. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

___________ 1. Nakatitipid ng oras, pagod at salapi kung uugaliing pangalagaan ang mga kasuotan.

____________2. Sa pagsusulsi ng may sulok na punit, pagtapatin ang mga gilid ng punit at may sulok
na bahagi.

___________ 3. Ang pagtatagpi ay ang pagkukumpuni ng may butas na damit. Ito ay ginagamitan ng
kapirasong telang katulad ng nabutas na damit na maaaring manggaling sa retaso.

___________ 4. Hindi na kailangang ibuhol ang sinulid kapag natapos na hanggang dulo upang di
makalag ang tahi ng sinulsihan.

____________5. Huwag gamiting pamunasan ng kamay, pawis o tumutulong sipon ang damit.
Gumamit ng panyo o tisyu sa ganitong gawain.

You might also like