You are on page 1of 3

Si David At Goliat

(Maikling Kuwento Mula sa Israel)


ANG mga Pilisteo ay lumalaban uli sa Israel. Ang tatlong kuya ni David
ay nasa hukbo ngayon ni Saul. Kaya isang araw ay sinabi ni Jesse kay
David: ‘Dalhan mo ng pagkain ang mga kapatid mo. Kumustahin mo sila.’
Pagdating ni David sa kampo, hinanap niya ang mga kapatid niya.
Lumabas ang Pilisteong higante na si Goliat para tuyain ang mga
Israelita. 40 araw na niyang ginagawa ito. Sumigaw siya: ‘Pumili kayo
ng isa sa inyo para lumaban sa akin. Kung mapapatay niya ako, gawin
n’yo kaming mga alipin. Pero kung mapapatay ko siya, kayo ang
magiging alipin namin!’
Tinanong ni David ang ilang sundalo: ‘Ano ang makakamit ng taong
makakapatay sa Pilisteo at magpapalaya sa Israel mula sa kahihiyang
ito?’
‘Tatanggap siya ng maraming kayamanan, at mapapangasawa niya ang
sariling anak ni Saul,’ sabi ng mga sundalo.

Pero takot ang lahat ng mga Israelita kay Goliat. Mahigit na 9 na


talampakan (mga 3 metro) ang taas niya, at may isa pang sundalo
na tagadala ng kaniyang kalasag.
Nabalitaan ni Haring Saul na gustong labanan ni David si Goliat.
‘Isang bata ka lamang!’ sabi ni Saul kay David. Sumagot si David:
‘Nakapatay ako ng isang oso at isang leon. Ang mga Pilisteo ay
magiging gaya din nila. Tutulungan ako ni Jehova.’ Kaya pinayagan
ni Saul si David na lumaban kay Goliat.
Kumuha si David ng limang makikinis na bato, dinala ang kaniyang
tirador, at sinalubong ang higante. Nang makita siya ni Goliat,
sinabi nito: ‘Subukan mong lumapit, kung hindi ko ipakakain ang
katawan mo sa mga ibon at hayop!’

Pero sinabi ni David: ‘Humaharap ka sa akin na may isang espada,


isang sibat at isang diyabelin. Pero humaharap ako sa iyo sa
pangalan ni Jehova. Sa araw na ito ay ibibigay ka ni Jehova sa
aking kamay, at papatayin kita.’
Kaya tumakbo si David papalapit kay Goliat. Inilagay niya ang
isang bato sa tirador at inihagis ito ng ubod-lakas. Tumama ito
sa ulo ni Goliat, at namatay siya. Pagkatapos, lahat ng mga
Pilisteo ay nagtakbuhan. Hinabol sila ng mga Israelita kaya sila
ay nanalo sa digmaan.

You might also like