You are on page 1of 1

Tuwing umaga hinahamon ng isang higanteng Filisteo na nagngangalang Goliat ang sinumang Israelita

upang kalabanin siya. Si Goliat ay mas malaki at mas matangkad kaysa kaninuman, may dala syang
espada at mga kalasag.

At Si David ay isang batang pastol na may pananampalataya sa Panginoon. Ang kanyang mga kuya ay mga
kawal sa hukbo ng Israel. Isang araw, dinalhan ni David ang kanyang mga kapatid ng pagkain.

Tinanong ni David sa mga kawal kung bakit walang nagtatanggol sa Israel. Nagalit ang kanyang mga kuya
at sinabi sa kanya na alagaan ang mga tupa. Ngunit alam ni David na ipagtatanggol ng Panginoon ang
Israel.

Isang araw Batid ni Haring Saul ang pananampalataya ni David, kaya’t hiniling niyang makausap si David.
Sinabi ni David kay Saul na hindi siya takot na labanan si Goliat.

Ibinigay ni Saul kay David ang kanyang gamit. Ngunit hindi ito kasya, kaya’t hinubad ito ni David.
Nagpasiya siyang lumaban nang walang anumang suot na baluti.

Kumuha si David ng limang makikinis na bato at inilagay ang mga ito sa isang supot. Nang makita ni
Goliat si David, sumigaw siya at inasar ito. Sinabi nito na hindi siya kayang matalo ng isang batang pastol.

Tumakbo si David palapit kay Goliat. Agad niyang itinira ang bato gamit ang kanyang tirador. Tumama ang
bato sa noo ni Goliat, at ang higanteng lalaki ay bumagsak sa lupa.

You might also like