You are on page 1of 2

1 Samuel 30:1-8

[1]Ikatlong araw na nang sina David ay makabalik sa Ziklag. Samantalang wala sila, lumusob ang mga
Amalekita at sinunog ang buong bayan.

[2]Wala silang pinatay isa man ngunit binihag nila ang mga babae, matanda't bata.

[3]Nang dumating nga sina David, sunog na ang buong bayan at wala ang kani-kanilang asawa't mga
anak.

[4]Dahil dito, hindi nila mapigilan ang paghihinagpis; nag-iyakan sila hanggang sa mapagod sa kaiiyak.

[5]Binihag din ang dalawang asawa ni David na sina Ahinoam at Abigail.

[6]Balisang-balisa si David sapagkat pinag-uusapan ng kanyang mga tauhan na pagbabatuhin siya dahil
sa sama ng loob sa pagkawala ng kanilang mga anak. Ngunit dumulog si David kay Yahweh na kanyang
Diyos upang palakasin ang kanyang loob.

[7]Sinabi ni David kay Abiatar, “Dalhin mo rito ang efod.” At dinala naman ni Abiatar.

[8]Nagtanong si David kay Yahweh, “Hahabulin po ba namin ang mga tulisang iyon? Mahuhuli ko po
kaya sila?”“Sige, habulin ninyo. Maaabutan ninyo sila at maililigtas ang kanilang mga bihag,” sagot ni
Yahweh.

1 Samuel 19:18

[18]Tumakas nga si David at nagpunta kay Samuel sa Rama. Sinabi niya rito ang lahat ng ginawa sa kanya
ni Saul. Sumama siyang umuwi kay Samuel sa Nayot at doon nanirahan.

1 Samuel 30:16-19

[16]Itinuro nga ng alipin ang kampo ng mga Amalekita. Nakita nina David na kalat-kalat ang mga ito.
Sila'y masasayang nagkakainan, nag-iinuman at nagsasayawan. Nagpapasasa sila sa kanilang mga
samsam sa Filistia at Juda.

[17]Kinaumagahan, lumusob sina David at pinagpapatay ang mga Amalekita hanggang gabi. Wala silang
itinirang buháy maliban sa apatnaraang kabataan na nakatakas na sakay ng kanilang mga kamelyo.

[18]Nabawi nila ang lahat ng sinamsam ng mga Amalekita, pati ang dalawang asawa ni David.

[19]Isa man sa kasamahan nila'y walang nabawas, matanda't bata, maging sa kanilang mga anak; nabawi
nga nilang lahat ang sinamsam ng mga Amalekita.
1 Samuel 31:1-4

[1]Dinigma ng mga Filisteo ang mga Israelita; kaya't ang mga Israelita ay nagsitakas, at marami sa kanila
ang namatay sa Bundok Gilboa.

[2]Si Saul at ang kanyang mga anak ay inabutan ng mga Filisteo; pinatay ng mga Filisteo sina Jonatan,
Abinadab at Melquisua, ang mga anak ni Saul.

[3]Napakatindi ng labanan sa palibot ni Saul; at nang siya'y makita at panain ng mga manunudla, si Saul
ay malubhang nasugatan.

[4]Kaya, sinabi niya sa tagadala ng kanyang gamit-pandigma, “Saksakin mo na ako upang hindi na ako
abutang buháy ng mga paganong iyan, at paglaruan pa nila.” Ngunit tumanggi ito sapagkat natatakot
siyang gawin ito. Kaya binunot ni Saul ang kanyang espada at sinaksak ang kanyang sarili.

You might also like