You are on page 1of 3

1 SAMUEL 17

NARRATOR- isang araw nagsam.a- sama ang mga hukbong Filisteo upang lusubin ang Israel.

Magkaharap ang dalawang pangkat. Ang mga Filisteo nasa isang burol at nasa kabila naman ang mga
Israelita.

Isang pangunahing mandirigma ang lumabas mula sa kampo ng mga Flisteo. Ang pangalan niya ay
Goliat at sila’y mula sa lungsod ng Gat. Ang kanyang taas ay halos 3 metro. Hinamon niya ang mga
Israelita na makipaglaban sa kanya.

GOLIATH- Kayong mga Israelita hinahamon ko kayong lahat na kalabanin ako!

NARRATOR- Tanso ang kanyang helmet gayundin ang kanyang kasuotang pandigma na tumitimbang
ng 57 kilo. Tanso rin ang nakabalot sa kanyang binti at hita, pati ang tabak na nakalagay sa kanyang
balikat at sumigaw si Goliat sa mga Israelita.

GOLIATH- Pumili na kayo ng ilalaban sa akin, kapag ako’y natalo Ninyo magiging alipin Ninyo kami
pero kung natalo naming kayo’y aalipinin namin.

NARRATOR- nang marinig ito ni Saul at ng mga Israelita nanghina ang kanilang loob at sila’y natakot.

ISRAELITA- Napakalaki ni Goliat , Paano natin sya matatalo?

NARRATOR- Si David ay anak ni Jessie. Mahina na si Jesse dahil sa katandaan. Walo ang anak niyang
lalaki at si David ang bunso. Pabalik balik sya kay Saul at sa Bethlehem para alagaan ang mga tupa ng
kanyang ama.

Isang araw , inutusan ni Jesse si David

JESSE- Anak dalhin mo nga ang pagkain na ito saiyong mga kapatid. At kumustahin mo sila

NARRATOR- Kinabukasan, maagang bumangon si David. Ipinagbilin niya sa iba ang mga tupang
inaalagaan at nagpunta sa lugar ng labanan , dala ang pagkaing ipinamimigay ng kanyang ama.

DAVID- Ito ang mga pagkain binibigay ni Ama.

NARRATOR- Samantala sila’y nag uusap, tumayo na naman si Goliath sa unahan ng mga Filisteo at
muling hinamon ang mga Israelita. Narinig ito ni David. Ng makita si Goliath ang mga Israelita ay
nagtakbuhan dahil sa matinding takot..

ISRAELITA 1 - Tignan Ninyo sya, pakinggan nyo ang hamon nya sa Israel.

ISRAELITA 2 – Bibigyan ng kayaman ang makakapatay kay Goliat ay ipapakasal sa Princesa

NARRATOR- Tinanong ni David ang mga katabi nya

DAVID- Ano raw ang reward kapag napatay si Goliath?

KAWAL 1- Bibigyan ng kayaman sat ipapakasal sa Prinsesa

KAWAL 2- Wee Di nga?


NARRATOR- Narinig ni Eliab, ang panganay na kapatid ni David ang pakikipag usap sa mga kawal. At
nagalit ito kay David at sinabi.

ELIAB- Anong ginagawa mo dito? Nakikimarites ka na naman ba?

DAVID- Bakit masama bang magtanong?

NARRATOR- Tinalikuran niya si Eliab at nagtanong sa iba, ngunit ganoon din ngunit ganon din ang
sagot sa kanya. Nakarating kay Saul ang sinabi ni David at ipinatawag ito.

SAUL- Tawagin si David

NARRATOR- Pagdating kay Saul Sinabi ni David

DAVID- Hindi dapat tayo masiraan ng loob. Ako ang lalaban sa kanya.

NARRATOR- At sumagot si Saul.

SAUL- Hindi mo kaya Si Goliath ang bata bata mo pa.

NARRATOR- Ngunit sinabi ni David kay Saul.

SAUL- Marami na po akong napatay na Leon at Oso at isusunod ko ang mga Filisteo. Kasama ko ang
Diyos.

NARRATOR- Kaya’t sinabi ni Saul

SAUL- Kung gayon kalabanin mo sila at gabayan ka ng Diyos.

NARRATOR- At ipinasuot na kay David ang kanyang kasuotang pandigma. At ng sinubukang lumakad
ni David ay hindi siya halos makahakbang. Kaya sinabi niya kay Saul.

DAVID- Hindi ko na po gagamitin ang mga ito.

NARRATOR- At hinubad niya ang kasuotang pandigma at pagkatapos dinampot niya ang kanyang
tungkod . Namulot siya ng limang makikinis na bato sa sapa , inilagay sa kanyang supot at lumakad
upang harapin si Goliath. Si Goliath naman ay papalapit kay David. Nang makita niya si David ay isa
lamang kabataang may maamong itsura kayat nilait niya ito.

GOLIATH- HA! HA! HA! Anong akala mo sa akin , matatalo mo ako? Ha! Ha! Ha!

NARRATOR- Sumagot si David

DAVID- Ang dala mo ay tabak ngunit lalabanan kita sa pangalan ng Diyos.

NARRATOR- Nagpatuloy ng paglapit si Goliath. Patakbo siyang sinalubong ni David si Goliath

Dumakot siya ng bato sa kanyang supot at tinirador niya si Goliath. Tinamaan sa Noo at bumaon ang
bato. Si Goliath ay nasubsob na bumagsak sa lupa at siyay namatay.

Nang makita ng mga Filisteo na patay na si Goliath sila’y nagtakbuhan at hinabol ng mga Israelita.

You might also like