You are on page 1of 2

Takdang Aralin sa Filipino 8

Guro: Binibining Ma. Cristina Deita


Takdang Aralin ni: Ginoong Bryxe Jephthah H. Lumictin

Si David, ang Batang Kampeon


Isang araw, sa ilalim ng puno,
Maririnig mo ang iyong gusto,
Makikita si David, at ang mga tupa sa damo,
At maaliwalas na tugtog ang iyong matatamo.

Sa kabilang panig, nagbigay ang Diyos ng panuto


Kay Samuel na pari sa Templo.
Samuel, Samuel, ikaw ay humayo,
At pumunta sa Betlehem upang makipagsakripisyo

Pumunta si Samuel, kahit malayong malayo


Upang magtalaga ng hari para sa mga tao
At pumili ng mabuti, kung sinong mamumuno
Kaya nailagay si David sa bago nyang puwesto

Kasabay na nangyari, sa loob ng palasyo


Si Saul na nasa trono
Ay sinapian ng masamang espirito
Ngunit nang tumugtog si David, ang pagsanib ay nahinto
Samantalang, sa Ephesdammim, sa gitna ng Azekah at Shochoh
Ay pumwesto ang kalaban, isang malaking hukbo
Kampeon ng kalaban, higanteng Pilisteo
Mga Israelita, sabayan ang takbo

Unang araw hanggang pangapatnapu


Nanghahamon si Goliath sa kabilang kampo
Sino, sino, sino ang tatalo
Ay bibigyan ng pabuya, takot na sabi ni Saul sa kanyang mga sundalo

At nang dumating si David na may dalang tinapay at keso


Narinig nya ang hamong ito
Sinabi nya ng may tapang na sya ang tatalo
Pinayagan sya ng hari dahil sya’y kumbinsido

Kumuha sya sa sapa ng limang bato


At dahil dun sya ay nanalo
Pinugutan nya para sigurado
Sa Jerusalem dinala ang ulo
Umuwi si David ng panalo
Di inaasahan para sa batang-baryo
Ang kampeon na bago
Si David narito

You might also like