You are on page 1of 6

STORY of DAVID and GOLIATH

| Characters |

| David and Goliath |

🔸Narrator: B. @John Vincent


🔸David: B. Gelo
🔸Goliath: B. @Karl
🔸Haring Saul: B. @JFranklin

🔸Mandirigmang Israel 1: @Jay-lord


🔸Mandirigmang Israel 2: @Arjay
🔸Mandirigmang Israel 3: @Romeo

🔸(atleast 2 extra mandirigmang Israel - walang dialogue)


1. sunday schooler
2. sunday schooler

🔸Filisteo 1: @Jeffrey Gonzales 🔸Filisteo 2:


@Joaquin DS

🔸(Atleast 3 extrang Filisteo - walang dialogue)


1. sunday schooler
2. sunday schooler
3. sunday schooler

🔸Curtain Handler: Yours truly, PABLO

| Costume and Props |


🔸 Costume for
● David
● Goliath
● King Saul
● 5 Israelites and Swords
● 5 Filisteo and Swords
🔸Props for
● Curtains (for shifting of scenes)
● Sword for Goliath
● David's Sling
🔸Backdrops for (not necessary, kung kaya pa ng time, go)
● (Burol?) for the Fight Scene ● (Tent?) of King Saul

| Script |

NARRATION: Sa palabas na ito, ating matutunghayan ang kwento ni David at Goliath. Kung
saan ang mga Israelita ay nasa gitna ng digmaan laban sa mga Filisteo. Marapating saksihan
ang unang bahagi ng kwento na ipapalabas sa malaking panuoran.

(OPEN CURTAIN)

(PLAY THE VIDEO) DOWNLOAD THE V-Clip https://youtu.be/TvJHIFotb3s


(Starts at 00:00 -1:46 then continue sa 2:18 - 3:29 then continue sa 10:40 - 12:07) PA-EDIT NA
LANG PO, CUT CUT KASE EH)
(LIGHTS OFF)

[Scene 1]
NARRATION: Naglakas-loob si David, isang batang pastol na anak ni Jesse, upang lumaban
sa makapangyarihang Goliath.

(OPEN CURTAIN)

David: Kung walang lalaban sa higante, ako. Lalaban ako!


Ako ang pinili ng Panginoon at dumating na ang takdang panahon!!

(CLOSE CURTAIN)

[Scene 2]
(OPEN CURTAIN)

Haring Saul: Walang magagawa ang ating hukbo lalo na sa malaking higante na yon. Subalit
katulad nila, lalaban tayo gamit ang malalakas nating hukbo. Wala bang may lakas ng loob
upang lumaban sa mandirigmang iyon? {Kausap ang isang Mandirigmang Israelita (1)}
Mandirigmang Israelita (2): (patawa at pa-insulto kay David) Kamahalan, mayroon po ditong
pumapayag na lumaban sa higanteng filisteo. Hahaha. Ahhh, siya mismo ang higante ng
kanyang mga tupa.
Mandirigma Israelita (3): Siya si David, ang maliit na batang pastol. Hahaha(Painsulto-
Magtatawanan ang mga mandirigmang Israelita)
(LALAPIT SI DAVID SA HARI)

Haring Saul: (nangangamba) Ikaw, David? Pero ikaw ay isang bata lamang. At si Goliath ay
isang beterano sa labanan.

David: (malakas ang loob, kinukumbinsi ang Hari) Tama, ako ay bata pa lamang pero
nalabanan ko na ang mga leon at oso habang nag-aalaga ng tupa ng aking ama. Higit sa lahat,
kasama ko ang Panginoon!

(LALAPIT AT PAGMAMASDAN NG HARI SI DAVID)

Haring Saul: (Napalagay ang loob). Ikaw ang bahala.

Mandirigmang Israelita (1): Hindi ito maaari.


Mandirigmang Israelita (2): Bakit siya pinahintulutan ng Hari?
Mandirigmang Israelita (3): Oo nga!!

Haring Saul: (Pinapatahimik ang mga mandirigmang Israelita) Tama na yan! Ako ang
masusunod.

Haring Saul: (Kausap si David) Bukas ikaw ang makikipaglaban kay Goliath. David. Samahan
ka nawa ng ating Diyos.

(CLOSE CURTAIN)

NARRATION: Namangha si Haring Saul sa tapang ni David at pumayag na payagan siyang


lumaban kay Goliath. Pumunta si David sa ilog at kumuha ng limang maliliit na bato, inilagay ito
sa kanyang bulsa, at lumapit kay Goliath.

(Running water sfx )

[Scene 3]
(OPEN CURTAIN)

(HABANG "padagundong" na PAPALAPIT SI GOLIATH ay MAGSISIGAWAN ANG MGA


FILISTEO)
(Build up sfx)

(HABANG PAPALAPIT ANG ISA'T ISA)

David: (Malakas at may diin habang isinisigaw ang linya kay Goliath) Ngayong araw na ito
Goliath (pronounced as "Golyat"), ibibigay ka ni Yahweh sa aking mga kamay! At ipapakain ko
sa mga ibon ang bangkay ng iyong mga kawal!!

Goliath: (Mabangis at nakakatakot ang mukha habang papalapit) AGHHHH!! HMMM!!


Goliath: (nagmamalaki sa sarili) Anong gagawin ng isang batang tulad nito laban sa akin?
Akong isang mandirigma ng mga Filisteo." Hahaha
Goliath: Ano ka ba? Batang pastol ka lang. Wala kang laban sa akin, BATA!

David: (malakas ang boses, pasigaw) Hindi ako pupunta sa laban na ito nang walang
pananampalataya. Dala ko ang aking pananampalataya sa Diyos ng Israel at sa kanyang
tulong ay magtatagumpay ako laban sa iyo."

(MAGLALABAN ANG DALAWA)


(TATALSIK ANG ESPADA NI GOLIATH)

 (Medieval war sfx)

David: (malakas ang boses, pasigaw) Ang dala mo'y tabak at sibat, ngunit lalabanan kita sa
Pangalan ni Yahweh!! Ang makapangyarihang Diyos ng Israel na iyong hinahamak!!

Goliath: Mahina ang Diyos mo!! AGHHHH!!

(Nang malapit na si David kay Goliath, kumuha ng isang bato si David sa kanyang sling at ito ay
itinama niya sa ulo ni Goliath.)

(UNTI-UNTING MAHIHIMATAY SI GOLIATH)


(BABAGSAK SI GOLIATH)
(MATATAKOT ANG MGA FILISTEO at MAGDIRIWANG ANG MGA ISRAELITA)

David: Hindi mahina ang Diyos ko!!

(NAKAHIGA SI GOLIATH AT PUPUGUTIN NI DAVID ANG ULO NYA)


(MAGSASARADO ANG KURTINA sabay tugtog ng "Background Music/Effects" para
sa pagpugot niya ng Ulo nito) (CLOSE CURTAIN)

David: (sisigaw ng malakas habang nasa likod ng kurtina o habang sarado ang kurtina)
AGHHHHHHHH!!

(Knife slash sfx)

[Scene 4]

(OPEN CURTAIN)

Filisteo 1: Naloko tayo ng isang batang pastol!


Filisteo 2: Paano tayo makakalaban kung ang kanilang Diyos ay nakatulong sa kanila?

NARRATION: Dahil sa tagumpay ni David laban kay Goliath, napaniwala niya ang mga Israelita
na kayang talunin ang mga kalaban kahit gaano man sila kalakas.
Mandirigmang Israelita (1): Wow, talagang napakalakas ng pananampalataya ni David sa
Diyos.
Mandirigmang Israelita (2): Sana lahat tayo ay katulad niya.
Mandirigmang Israelita (3): Tama ka. Kailangan nating manalig sa Diyos at magkaisa upang
mapanatili ang kalayaan ng ating bayan.

(Epic victory sfx )

David: Salamat sa Diyos at nagawa ko ang aking tungkulin bilang isang Israelita. Hindi ko
nagawa ito mag-isa kundi sa tulong ng Diyos at ng mga kasamahan ko sa digmaan.

NARRATION: Dahil kay David, nagtagumpay ang mga Israelita laban sa mga Filisteo. Naging
bayani si David at sumikat ang kanyang pangalan sa buong lupain ng Israel. Hanggang
ngayon, ang kwento ni David at Goliath ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga tao upang
manalig sa Diyos at lumaban sa mga hamon ng buhay.

(CLOSE CURTAIN)

(Ang mga characters ay mag foform ng line habang naka-closed and Curtain)

(OPEN CURTAIN)
(Sabay sabay mag bow.)
[THE END]

You might also like