You are on page 1of 1

Si David ay isang pastol na nakatira sa Israel.

Inaalagaan nya ang mga


tupa ng kanyang ama. Pinili siya ng Diyos na alagaan ang mga Hudyo.

Isang araw, may isang pinakamatangkad at pinakamalakas na lalaki, na


nagngangalang Goliath, ang dumating at tumayo sa harapan ng mga
sundalo ng Israel at kaniyang sinabi, “Sino sa inyo ang makakalaban sa
isang katulad ko?! Kung sino man ang makikipaglaban at mapapatay ako,
ang aking mga tao ay magiging alipin ninyo. At kung ako man ang matalo,
kayo ang magiging alipin namin!”

Narinig ni David ang naging pahayag ni Goliath at kanyang sinabi, “Ako


ang lalaban sa kanya. Alam kong tutulungan ako ng Diyos!”

Naghanda si David ng kanyang gagamitin upang labanan si Goliath.


Kumuha siya ng ilang bato at inihanda ang kanyang tirador.

Hindi makapaniwala si Goliath nang lumapit si David sa kaniyang


harapan. “Ikaw? Handa ka na bang kainin ng mga ibon ang katawan
mo?”, pahayag ni Goliath.

“Maaaring mas matalim ang iyong sandata, ngunit mas malakas ang sa
akin sapagkat kasama ko ang Diyos!”

Nag umpisa ng kumuha ng bato si David at inilagay ito sa kanyang tirador.


Inasinta nya ito sa ulo ni Goliath. Tinamaan nang malakas sa noo ang
higante at siya ay natumba. Agad-agad na kinuha ni David ang espada
nito at pinugutan ng ulo si Goliath.

Nagbunyi ang buong Israel sa matalinong ginawa ni David. Mula noon,


itinuring si David na kampeon ng Israel.

“Huwag nating maliitin ang kakayanan ng bawat isa. Matuto tayong


maging mapagkumbaba at matapang sa lahat ng oras.”

You might also like