You are on page 1of 4

MGA TANDA NG PAGIGING MABUTING TAO

1 Samuel 23 - 24

Ang sarap basahin ng chapters na ito! :-) Ang daming matutunan! :-) Halika at matuto po tayo :-)

1. ANG MABUTING TAO AY HANDANG TUMULONG SA NANGANGAILANGAN NG TULONG - 1 Sam. 23

- Sinalakay ng mga Filisteo ang mga taga Keila. Sinamsam nila ang kanilang mga trigo sa giikan.

- Nalaman ni David ang bagay na ito at sumangguni siya sa Panginoon kung dapat niya bang labanan ang
mga Filisteo na sumalakay sa Keila? Sumang-ayon naman ang Panginoon. Kung kaya't nag-decide si
David na labanan ang mga Filisteong iyun.

- May mga hindi sumang-ayun sa plano na iyun ni David, subalit nanaig pa rin ang sinabi ni David - at
iyun ay dahil sumangguni siya sa Panginoon at pumayag namang ang Dios :-)

LESSON: Sadyang ang pagiging mabuting tao ay nasa puso lagi ang pagtulong. Pero, tama ang ginawa ni
David, nag pray muna siya tungkol sa gagawin niya/nila. At nang sumang-ayon ang Panginoon ay
itinuloy ni David ang nais niyang gawing pagtulong!

- Ang bagay na ito ay may kabigatan kung tutuusin! Sapagkat buhay sa buhay ang hinihingi nitong
kapalit para lamang makatulong sa iba. Kaya kailangan talagang sumangguni muna sa Panginoon.

- Pero may mga bagay tayo o pagtulong na puedeng gawin na alam nating "matik" na na da dapat gawin
at siguradong laging "oo" ang sagot ng Panginoon dito. Ito yaong pagtulong sa mga mahihirap,
naghihirap at nahihirapan! Hindi ba't nasa Bible din po ito? Ang pagtulong sa mga nangangailangan?

- Sa pandemic po na ito... sana'y patuloy nating hangarin na makatulong sa higit na nangangailangan!


Ang dami pong puedeng tulungan... tingin lang tayo sa ating paligid :-)

2. ANG MABUTING TAO AY LAGING SUMASANGGUNI SA DIOS SA ANUMANG NAIS NIYANG GAWIN!
- si David, sapagkat siya'y talagang malapit sa Dios ay sumangguni siya sa Panginoon! Isang
napakatalinong desisyon! Alam niyang maraming tao ang puedeng mapahamak sa gagawin nila kaya
hiningi niya muna ang payo ng Panginoon! Kaya naman, nagtagumpay siya. :-)

- BAKIT GANUN ANG MGA TAGA - KEILA? - Sa verses 7- 13 naman ay makikita natin ang
nakapagtatakang maaaring ganti ng Keila kay David. Nalaman kasi ni Saul na nasa Keila si David kaya
binalak niyang lusubin ang Keila upang mapatay si David. Sumangguni si David sa Panginoon kung
hahayaan ba ng mga taga-Keila na dakpin ni Saul si David ay sinabi ng Panginoon na hahayaan nga ng
mga taga Keila na madakip ni Saul si David. Kung tutuusin, dapat gumanti ng kabutihang loob ang mga
taga-Keila kay David, ngunit maunawaan din natin sila, sapagkat para maiwasan pa ang maraming taong
mapatay ay isusuko nga naman nila si David kay Saul.

MABUTI NA LANG! Mabuti na lang at sumangguni si David sa Panginoon sa bagay na iyun! Kaya
talagang napakahalaga ang tayo'y laging sumangguni sa Dios sa lahat ng ating gagawin! :-)

3. ANG MABUTING TAO AY MAY PAGMAMALASAKIT SA KAIBIGAN - sa verses 14 - 19 naman ay makikita


natin ang kabutihan ni Jonathan bilang kaibigan :-) Lubos ang pangamba ni David sa kagustohan ni Saul
na mapatay siya, sapagkat kahit nasaan man siya ay kasama mismo si Saul na tumutugis sa kanya.

- Subalit itong si Jonathan, bilang mabuting kaibigan ay nagmalasakit kay David at nagawa pang
dumalaw kay David at palakasin ang loob nito! Na sinigurado niyang walang dapat ipag-alala si David
sapagkat siya pa rin ang magiging hari at si Jonathan naman ang magiging kanang-kamay niya!
Napakabuting kaibigan talaga ni Jonathan kay David :-)

ANG MABUTING TAO AY MARUNONG MAGMALASAKIT!

4. ANG MABUTING TAO AY HINDI GUMAGANTI NG MASAMA SA MASAMA! -

- Sa chapter 24 dito mo makikita ang kabutihan din ni David! :-) Ayun sa kanyang mga tauhan, ibinigay
na ng Panginoon sa kanya ang pagkakataong mapatay si Jonathan doon sa mga kuweba na kanilang
pinagtataguan! Puede nga naman iyun sapagkat nakuha pa ngang tapyasin ni David ang laylayan ng
kasuotan ni Saul! Ibig sabihin ay puedeng-puede na niyang pataying si Saul ng mga oras na iyun!

- Subalit hindi ginawa ni David, sapagkat iginagalang niya ang pinahiran ng Dios (annointed by God),
para maging hari ng Israel. At sabi niya pa nga, hindi niya magagawang patayin ang hari na pinili ng Dios
(1 Sam. 24:12).
DALAWANG TALATA NA PAG-IISIPAN MO TALAGA :-)

1. "...Masamang tao lamang ang gumagawa ng masama". (24:13)

2. ..."Tama ka David at ako ay mali! Sinusuklian mo ng mabuti ang masamang ginagawa ko sa iyo".
(24:17)

GRABE LANG DI BA? :-)

- Naniniwala akong, dahil malapit ang puso ni David sa Panginoong Dios, kaya naman nakakaya niyang
palagpasin ang anumang masamang ginagawa sa kanya ng kanyang kapwa.

- KAYA NAMAN... totoo nga siguro... na kapag babad ka sa prisensiya ng Dios... magagawa mong
magpatawad at gumanti ng mabuti sa masamang ginawa sa'yo!

- GRABE LANG TALAGA! di ba po? :-) Ang susi sa pagiging talagang mabuting tao ay ang patuloy na
maging malapit sa Dios! Sabi nga nila... "Kung meron mang kabutihang maidudulot ang pagiging
"sugapa", iyun ay walang iba kungdi ang pagiging "sugapa" sa Panginoon! :-)

BILANG PO PAGTATAPOS - Kunin natin ang sinabi ni Saul sa verse 19... "Bihira sa tao ang makagagawa ng
ginawa mo... pawalan pa ang kaaway na nasa ilalim ng ng iyong kapangyarihan"!

BAKIT ULI NAGAWA NI DAVID ANG PAMBIHIRANG BAGAY NA IYUN? - Dahil malapit siya sa Panginoon!
Dahil lagi siyang sumasangguni sa Panginoon!

DALANGIN KO .... sana, lahat po tayo ay patuloy na maging malapit sa Dios upang maging mabuting tao
ring katulad ni David :-)

- Nagmamalasakit at tumutulong sa nangangailangan

- Laging sumasangguni sa Dios

- Nagmamalasakit sa kaibigan (tulad ni Jonathan)

- Hindi gumaganti ng masama sa masama. Sa halip ay gumaganti ng kabutihan sa masama :-)


GOD BLESS EVERYONE!

You might also like