You are on page 1of 3

Youth Impact Online

January Series
Week 4
Title: Time to Say Goodbye
How to end victoriously?
Text: Matthew 2:12 NLT

“12 When it was time to leave, they returned to their own country by another route,
for God had warned them in a dream not to return to Herod.”

Introduction: Isang mapagpalang araw sa lahat. Tayo ngayon ay nasa ika-apat na linggo
na ng ating series ngayong buwan na ito. Binabati ko po ang bawat isa ng isang
maligayang Pasko at Masaganang bagong taon. Napakarami ng tinuro sa atin ng
Panginoon kung paano nga ba natin kakaharapin ng tama yung mga pagbabago na
nararanasan natin. Ito na po ang huling linggo ng taong 2021.

According to Greek philosopher Heraclitus “change is the only constant in life.” It


means that the world is always changing and so are people. Not only is change always
happening but it also unavoidable. Being afraid of change is normal.

- Araw-araw may bago o may pagbabago tayong nararanasan. Kaya it is very important
to us that we know how to deal with these changes. Lalo na sa papasok na ang taong
“2022” ang tanong ko hindi “Excited kana ba?” kundi “Ready kana ba?”

- Alam mo bang kaya kang bigyan ng Panginoon ng isang matagumpay na bagong taon?
Sa kabila ng mga kalungkutan,sakit o paghihirap na naranasan mo this 2021.
- Kung gusto mong tapusin ng may katagumpayan ang taong ito at kung gusto mong
simulan ang taon mo ng may katagumpayan, makinig ka sa sasabihin ni Lord sayo
ngayong araw na ito.
- Let God move in your life. Hayaan mong si Lord ang kumilos sayo ngayong araw na
ito.
- I-desire mo si Lord na maranasan mo ngayong araw na ito. Open your heart and mind
para tuluyang pumasok sa puso mo ang bawat pagtuturo at pagtatama sayo ng Panginoon.

- Alam ninyo, kahit pala tingin ng ibang tao sayo walang kwenta, kapag na kay Lord ka
magkakaroon ng kwento at kwenta ka na maganda. Dahil walang hinangad ang Diyos na
pangit sayo.
- Kaya naman nandito na tayo sa point ng taong 2021 kung saan dapat baguhin natin
yung ating mindset na wala tayong kwenta at wala tayong mabuting nagawa sa taong ito.
Maniwala ka may kwenta at may magandang magiging kwento ang 2021 mo. Tandaan
mo Dec. 26 pa lang ngayon and still 2021 pa rin. Hindi pa tapos ang taong ito.
- Pero it is time to leave 2021. Lahat may katapusan!
- Kaya mo bang I-rewind from the start yung taong 2021? Anu-ano ba yung mga
pinagagagawa mo? Anu-ano ba yung mga kinabisihan mo? Sa tingin mo worth it ba yung
mga naging pagod mo?
- Sa totoo lang maraming magaling mag-umpisa pero hindi magaling magtapos.
(sabi mag dadiet na ng 2021 pero anyare? Sabi mag-aaral ng mabuti pero puro
pagjojowa ang ginawa. Ang sabi mag-aaral ng mabuti pero puro tiktok ang ginawa)
- Tandaan mo, nasa ganda ng tapos mo ang ganda ng umpisa mo!
- Kaya naman samahan ninyo ako sa ating topic this afternoon entitled:
TIME TO SAY GOODBYE: How to end 2021 victoriously?
- when it was time to say goodbye? Kailan ba ginagawa o kailan ba natin sinasabi ang
salitang “Goodbye”?
- Papaano ba natin matatapos ng tama ang 2021?
Text: Matthew 2:12 NLT

“12 When it was time to leave, they returned to their own country by another route,
for God had warned them in a dream not to return to Herod.”

- From verse 1 - 12 makikita o mababasa natin dito na ito yung time ng kapanakan ni
Hesus sa Betlehem at ito rin yung time na binisita siya ng mga pantas (o kaya'y mga
taong dalubhasa sa pag-aaral ng mga bituin.)

V. 2 Nagtanung-tanong sila, “Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio?


Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya't naparito kami upang siya'y
sambahin.”

- sila’y naparoon upang magbigay ng papuri at pagsamba sa isinilang na hari ng mga


Judio at ito ay si Hesus.
- Ngunit nabalitaan ito ni Haring Herodes (na itinalagang hari ng Judea) kaya naligalig
siya noong nalaman niya ito.

V. 7-8 7Nang mabatid ito, palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas at
inusisa kung kailan lumitaw ang bituin. 8 Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa
Bethlehem na ganito ang bilin, “Hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag
natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa akin upang ako man ay
pumunta roon at sumamba rin sa kanya.” 

- Pero sa loob loob nitong si Herodes may masama na siyang plano at gusto niyang
ipapatay si Hesus.
- Dahil sa ibinigay na babala ng Diyos sa mga pantas na ito sa pamamagitan ng panaginip
nag-iba ng ruta ang mga pantas at hindi na bumalik kay Herodes.

- Kaya naman sa V. 16 mababasa natin galit na galit si Herodes noong nalaman niyang
nalinlang siya ng mga pantas na ito.

Ngayon alamin natin kung ano nga mga ang lesson o nais ituro ng Diyos sa istoryang ito.

I. RETURN V. 12

“12 When it was time to leave, they returned to their own country by another route,
for God had warned them in a dream not to return to Herod.”

Return meaning: come or go back to a place or person.

- If you want to end this year victoriously, you need to return.


- Itong mga pantas na ito ay nakareceive na ng babala sa Diyos na huwag na silang
bumalik kay Herodes dahil sila’y maaring mapasama at lalo na si Hesus.
- Kaya anong ginawa nila? They returned to their own country. Kasi alam na nila ang
mangyayari.
- Ano nga ba ang tamang bagay o gawain na dapat mong balikan?
- Balikan mo yung devotion mo. Kung gusto mong umayos ang communication at
relationship mo kay Lord wag kang mahiyang simulan ito ulit.
- Maniwala ka kapatid ang DEVOTION kay Lord ang magpapalakas sayo. Ito ang
maglalayo sayo sa tukso. Ito ang isa sa mga ginagamit ni Lord upang mapaganda ang
buhay o bukas natin.
- Ano pa? Balikan mo yung church? Tandaan mo utos ito ng Panginoon.

Mga Hebreo 10:25


Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng
ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating
malapit na ang araw ng Panginoon.

- dito mas lalakas ang pananampalataya mo at dito makakasama mo ang mga taong
tutulong sayo upang mapapatag ang pananampalataya mo sa Diyos.
- Bumalik ka sa leader mo na nagtiyaga na mag follow-up at kumamusta sayo. This time
wag mong sayangin yung effort ng mga taong nagtitiyagang tumulong,magmahal at
umagapay sayo mapaayos lang ang buhay mo.
- Huwag kani-kanino babalik o sasama.
- Dapat baguhin mo yung mindset mo na sa mga tamang tao kana sa sasama.

II. REROUTE V. 12
“12 When it was time to leave, they returned to their own country by another route,
for God had warned them in a dream not to return to Herod.”

Reroute meaning: send (someone or something) by or along a different route.

- Hindi lang basta bumalik ang mga pantas na ito, nag-iba rin sila ruta.
- Dahil alam nilang kung doon parin sila dadaan sa dati nilang daanan pauwi sa kanilang
bansa at masusundan sila.
- Ang pag iba ng landas ay hindi masama kung ito ay gagawin mo dahil ito ay tama.
- Isang malaking pagkakamali ang pagtuloy sa maling landas.
- Marami kasing tao alam ng mali at magkakasala itunutuloy pa rin. Kaya at the end of
time walang mabuting nagawa o resulta.
- Mas pinagpapala ng Panginoon ang taong magaling umiwas.
- Kailangan mo ring disiplinahin ang sarili mo sa mga bagay bagay na dapat hindi mo
naman ginagawa. Kasi alam mo naman na mali iyon.
- Kaya this 2021 bago matapos ang taon galingan mong umiwas.
- Mas mabuting magprevent ka na kesa mag cure ka.
- Wag mong intayin ang time na lumuluha kana sa sakit o pagdurusa dahil pinagpatuloy
mo ang pagtahak sa maling landas.
- LAGING NASA HULI ANG PAGSISISI.
- Ang tunay na tagumpay eto yung galing mong sumunod kay Lord.

III. RENOUNCE V. 12

“12 When it was time to leave, they returned to their own country by another route,
for God had warned them in a dream not to return to Herod.”

Renounce meaning: reject and stop using or consuming.

- Kung may babalikan, may iiwasan, dapat may tatalikuran ka rin.


- Kaya itong mga pantas na ito natawag na “Wise men” kasi marunong silang tumalikod
sa alam nilang ikakapahamak nila at ni Hesus. Nalinlang pa nga nila si Herodes.
- Tandaan mo ang tunay na wise marunong tumalikod sa mali.
- Ang tanong wise kaba?
- Hindi lahat ng masarap at tama.
- Alam mo na ngang highblood ka kain kapa ng kain ng lechon. Alam mo na ngang
diabetic ka kain kapa ng kain ng cake.
- Panandaliang aliw, habang buhay ba pagdurusa.
- Sa simpleng “OO” habang buhay na paghihirap” Gusto ba natin magdusa?
- Wala naman siguro sa ating may gusto, kaya you need to renounce (tumalikod sa
kamaliaan)
- Tandaan mo ang kasalanan ay nakakaloko at nakakabobo. Kung ayaw mong maging
ganyan matutong tumalikod sa kasalanan.

CONCLUSION:

Prepared by:
Michaela Janne G. Vegiga
12 - 24 - 2021

You might also like