You are on page 1of 4

ANG DIWA NG PASKO:

PAG-ASA: TINADHANA AT PINAGTAGPO

MATEO 2:1-2

ang Diwa ng Pasko ay nagdudulot ng pag asa ng pagtatagpo

Ang Diyos ay gumagawa ng paraan upang pagtagpuin ang kanyang itinadhana.

Ayon sa isang kasabihan, “Pinagtagpo ngunit hindi itnadhana” means nagkita sila
ngunit hindi naman pala magiging sila. Sa mga nasaktan, nasawi, at umasa, ito ang
mga masakit na salitang kanilang binibitiwan. Isang katagang magpapaalala na hindi
lahat kaya mong maangkin.

Ngunit iba ang pag usapan natin ngayon, ung mga umasa na nagtagumpay. Masaya,
nakakakilig, nakakataba ng puso. TINADHANA AT PINAGTAGPO” ito ang title ng ating
pag uusapan ngayong araw. Na ang Diwa ng Pasko ay nagdudulot ng pag asa ng
pagtatagpo. Masayang isipin na may tinadhana ang Diyos at kanyang pinagyayaring
maganap. Ito ay nagaganap ayon sa kanyang itinakdang kapanahunan. Sab inga “
May takdang panahon ang lahat ng bagay sa mundo” . May mga dahilan kung bakit
hindi pa ito nagaganap at may dahilan pa din kung bakit hindi pa ito nangyayari. Itinuro
lamang ng ating Diyos na may pag-asa sa bawat umaasa. Umaasa tayong magtatagpo
ang kalooban ng Diyos at ng iyong panalangin. Sa tamang oras mangyayari at
mangyayari ang mga bagay na iyong ninanais ayon sa kalooban ng Diyos.

Sa aklat ni Mateo, mababasa natin ang account ng mga Pantas na kung paano umasa
na makikita nila ang ipinanganak na Mesias. Sa aklat o sa sulat lamang na ito
mababasa ang tungkol sa mga Pantas. Ayon sa aking nbasa ang mga Pantas daw ay
maaaring mga hari mula silangan o sila din ay tinawag na pantas o wise men, dahil sa
kanilang pagiging matalino, sila ay nag aaral tungkol sa bituin o ASTRONOMER. Hindi
madali ang kanilang ginagawang pag-aaral dahil sila ay nangangailangang mangalap
ng maraming ebedensya para patunayan na may naganap ngnang pangyayari na tulad
ng nabanggit sa mga talatang ito. Mayroong talang nagpakita na magsasabing may
Ipinanganak na tagapagligtas o Hari ng mga hari. Ito ay napatunayan nila ayon sa
kanilang pagreresearch o pag iimbistiga. Nang nakilang mapatunayan na may ganitong
opangyayari, agad agad nilang itinakda ang pagkalap pa ng ebidensya at sila na nga ay
naglakbay ng malayo at mahaba. Ano ang dahilan ng kanilang paglalakbay? Ito ay
upang patunayan na may Kristong ipinanganak sa bayan ng Bethlehem. Hindi lang nila
tiiningnan ang pag-asa na makikita nila si Jesus, bagkus kumilos sila at gumawa ng
effort upang matagpuan ang kanilang hinahanap.

Paano pinagtagpo ng Diyos ang tadhana ng mga Pantas at ni Kristo?

1. Sa pamamagitan ng pagtatanong v2a

“Nasaan ang hari ng mga Judyo?” ang tanong na ito ay nakakabigla sa mga taong
naroon, dahil wala naman silang alam na ang isinilang na bagong hari doon. Alam ng
mga taong naroon na si Herodes ang nag iisang hari na kilala nila. Pero ang
pagtatanong ng mga Pantas na ito ay nagbigay o nagbukas ng kanilang kaisipan na
may Tunay na Haring isinilang. Walang iba kundi si Jesus.

Noong nagtanong ang mga Pantas, walang nakapgturo sa kanila kung nasaan ang
kanilang hinahanap, kundi sila pa din ang nakatuklas kung nasaan ang hari ng mga
Hudyo.

Kung tayo ay may katanungan o gustong malaman, ano ang ating ginagawa?
Nagpopost sa fb, nagreresearch, igoogle na yan! Magtanong sa may alam. “sabi ni
Drew Arellano, “if you want to know something, just ask. Because if you do not ask, you
never know”. Masama bang magtanong, Hindi, dahil ang pagtatanong ay nagpapakita
ng pagiging limitado ng ating kaalaman sa lahat ng bagay. Tulad ng mga Pantas,
nagtanong sila at wala naman silang nakalap na sagot. Ngunit kung sa Diyos kaya tayo
magtatanong, sasagutin nya kaya tayo? Oo sumasagot ang Diyos mula sa kanyang
mga salita upang gumawa ka ng tama. Sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga
Pantas, natagpuan nila ang tadhana nilang Makita si Jesus ng mukhaan. At nangyari
ang lahat ng iyon, dahil sa karunungan na hatid sa kanila ng Diyos.
2, sa pamamagitan ng tunay na pagsamba v2b

“Naparito kami upang sambahin siya” the main reason ng kanilang paglalakbay,
pagtatanong at paghahanap, ay sambahin ang Panginoong Jesus. Isang pagtatagpo na
kinalugdan ng Diyos, isang bagay na itinadhana upang ipakita sa mundo na may
totoong Kristong ipinanganak upang sambahin ng madla. Ipinakita ng mga pantas na ito
na ang kanilang pagkakalap ng ebidenxa ay totoo, tunay, legit. Legit na may
tagapagligtas. Yung isang pag-asa na tinatanaw lamang ng mga Pantas ay nabigyan ng
katuparan dahil itinakda ng Diyos na mangyari ang mga bagay na ito, para sa kanyang
Kapurihan.

Naniniwala akong, May mga pag-asa tayong tinatanaw sa ating buhay. Hindi pa
nagyayari kaya umaasa pa tayo. Huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil
ipagkakaloob din yan ng Diyos sa tamang kapanahunan niya. Nakakainip man, hawak
lang, maniwala ka lang. kung ang iyong inaasam ay para sa kapurihan ng Diyos,
ipagkakaloob naman niya yun, mahirap man ang daranan mo, bahagi yun ng paraan at
proseso ng Diyos.

Paano pagtatagpuin ng Diyos ang tadhana mo at ni Kristo?

Paglalapat sa Buhay:

Panalangin

Alamin ang kalooban ng Diyos

Gumawang kasama si Kristo

Aktibong makilahok sa gawain ng Diyos

Sumampalataya sa kayang gawin Diyos

Angkinin ang Kanyang mga pangako


Sa pagdiriwang natin ng kapaskuhan sa gitna ng pandemya, isipin nating ang diwa ng
Pasko sa panahong ito ay pag-asa.

Glory to God!

You might also like