You are on page 1of 4

Intro

Sa panahon ngayon ng pandemic kung saan mas madalang na tayong lumabas, makagala,
mamasyal, mas nagagamit na po ba natin ang ating oras para kilalanin ang ating Diyos. Marami po sa
atin nananalangin noon ng panahon pero ngayong pinagkalooban na po tayo ng panhon mas nakikilala
na po ba natin ang Diyos o mas napapalayo tayo sa Diyos. Sa panahon ngayon gaano po ba natin kadalas
na ginugugol ang oras natin sa paghanap o pabubulay sa salita ng Diyos. Noong panahong ipinganak si
Hesus makikita po natin na may mga ilang tao na naglaan ng oras mapuntahan masulyapan lamang ang
ating panginoong Hesus. At mababasa po natin yan sa aklat ng Mateo 2.

Matthew 2:1-12
2 1 Panahon ng paghahari ni Herodes sa Judea nang ipanganak si Jesus sa Bethlehem. May mga pantas mula pa sa
silangan na dumating sa Jerusalem. 

Nagtanung-tanong sila, “Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang
bituin, kaya't naparito kami upang siya'y sambahin.”

Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya'y naligalig, gayundin ang buong Jerusalem. 

Kaya't tinipon niya ang lahat ng mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan at sila'y tinanong, “Saan ba
isisilang ang Cristo?” 

Tumugon sila, “Sa Bethlehem po, sapagkat ganito ang isinulat ng propeta:

‘At Ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Juda,
    ay hindi pinakahamak sa mga pangunahing bayan ng Juda.
Sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno
    na mamamahala sa aking bayang Israel.’”

Nang mabatid ito, palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas at inusisa kung kailan lumitaw ang bituin. 

Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Bethlehem na ganito ang bilin, “Hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag
natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa akin upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin sa
kanya.” 

Pagkarinig sa bilin ng hari, sila'y nagpatuloy sa paghahanap. Ang bituin na nanguna sa kanila mula pa sa silangan ay
tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng bata. 
10 
Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita ang bituin. 
11 
Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata.
Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at mira.
12 
Nang papauwi na ang mga pantas, nakatanggap sila ng babala sa pamamagitan ng panaginip na huwag nang
bumalik kay Herodes, kaya't nag-iba na sila ng daan pauwi.

Makikita po natin kung nabasa na po natin ang aklat ng marcos o kaya Lukas na hindi masyado
nagfocus ang aklat ng Mateo sa kapanganakan ni Hesus kundi sa pagkatapos nito. Dito makikita natin sa
Chapter 2 na may mga pantas na nakakaalam ng propesiya tungkol sa kapanganakan ni Hesus na
naglakbay pa mapuntahan lamang si Hesus.
1
Panahon ng paghahari ni Herodes sa Judea nang ipanganak si Jesus sa Bethlehem. May
mga pantas mula pa sa silangan na dumating sa Jerusalem. 

Mga correction po sa ating nakagisnan na paniniwala patungkol sa kapanganakan ng ating


panginoon. Dito makikita natin na hindi mga hari ang nagsipuntahan. Mababsa po natin na mga pantas o
WISE MEN maari nating sabihing mga astronomers na nagaaral ng mga bituin ang mga nagsipunta ng
ipinanganak si Hesus. At dito makikita din po natin na hindi agad-agad ay narating nila ang kinaroroonan
ni Hesus sapagkat sa makikita natin dito na simula ng lumitaw ang bituin malayo ang kanilang
kinakailangang lakbayin gayong taga silangan pa sila. Hindi rin natin masasabing tatlo lang ang nagpunta
sapagkat wala naman pong bilang angnabanggit sa Biblia binase na lamng po iyon sa bilang ng handog
nila kay Hesus.

Nagtanung-tanong sila, “Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita
namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya't naparito kami upang siya'y sambahin.”

Noong dating kapanahunan Ang tingin po sa mga Hudio ay maliit sapagkat ang tingin lang
sakanila ng ibang nasyon ay “mahina at sinakop na bansa”. At bilang isang pantas o may pinagaralan
para hanapin mo ang hari ng kinikilalang mahinang bansa at bukod pa dun sanggol na wala panamang
napaptunayan makikita po natin na sapamamaraang ito pinahahayag ng Diyos ang kanyang kadakilaan
ng kanyang bugtong na anak.

Makikita din po natin dito na wala pa mang salitang nasasambit ang Diyos, mga katauruang
tinuturo, o mga taga sunod na umaalalay sa Kanya ay makikita na nating sa umpisa palang ay napamalas
na Niya agad ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitin ng KANYANG BITUIN. Makikita po natin dito
na sa buong kasaysayan ng buong daigdig walang sino man ang nagkaroon ng sarili nyang bituin. At
makikita po natin dito na kaya lamang sumulpot ang bituing ito ay dahil sa kapanganakan ni Hesus. At
ang pinakapurpose lang ng bituin na ito ay para mapahayag lamang ang kapanganakan ni Hesus.

Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya'y naligalig, gayundin ang buong
Jerusalem. 

Kaya't tinipon niya ang lahat ng mga punong pari at mga tagapagturo ng
Kautusan at sila'y tinanong, “Saan ba isisilang ang Cristo?”

Dito makikita po natin na bagamat na sila ay taga Israel mas alam pa ng mga pantas ang
kapanganak ni Hesus. Nakakalungkot lang pong isipin na sa ating buhay maraming kapahayagan ang
Diyos sa atin. Pero dahil mas pinipili natin ang ating sariling kaparaanan, paniniwala, at kaalaman
naibibigay ng Diyos sa iba ang oportunidad na dapat ay para sa atin. Sabi nga po ng aming pastor Kahit
kalian Walang hinihintay ang kaharian ng Diyos kahit sino ka pa magpapatuloy at magpapatuloy ang
kaharian ng Diyos. Ang tanong sa atin tayo ba ay sasama o maiiwan.


Tumugon sila, “Sa Bethlehem po, sapagkat ganito ang isinulat ng propeta:

‘At Ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Juda,
    ay hindi pinakahamak sa mga pangunahing bayan ng Juda.

Sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno


    na mamamahala sa aking bayang Israel.’”

Ang isang kadahilanan ng kapanganakan ni Hesus sa Bethlehem ay dahil dito nagmula ang mga
ninuno ni Haring David. Bagamat hamak na bayan ang Bethlehem dito nagmula ang lipi ni Haring David.
At dito napahayag din ang propesya sa lumang tipan na nabangit sa v.6.


Nang mabatid ito, palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas at inusisa
kung kailan lumitaw ang bituin. 

Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Bethlehem na ganito ang bilin, “Hanapin ninyong
mabuti ang sanggol. Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa akin
upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin sa kanya.” 

Sa katotohanan inaalam ni Haring Herodes ang kinaroroonan ni Hesus upang malamn niya ang
kinaroroonan ng batang gusto niyang ipapatay. Nanaig ang kaganidan ni Herodes sa kanyang position na
baka gawin sa kanya ni Hesus. Kayat binalak niyang alamin ang kalagyan at kinaroroonan ni Hesus.
Marami po sa atin dahil hindi natin gusto ang tugon ng Diyos sa atin pinipilit nating maisakatuparan ang
sarili nating diskarte at kaalaman kaya naman kadalsan tayo ay nabibigo.


Pagkarinig sa bilin ng hari, sila'y nagpatuloy sa paghahanap. Ang bituin na nanguna
sa kanila mula pa sa silangan ay tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng bata. 
10 
Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita ang bituin. 

Mababsa natin na hindi tao o karunungan ng tao ang gumabay sa kanila kundi ang bituin na
nilaan ng Diyos. Marami po sa atin hanggang ngayon mas pinaniniwalaan natin ang pangako ng tao
keysa sa pangako ng Diyos. Nadalasan ay nagliligaw, nagdedelay, nagpapahirap sa atin. Hindi naman
sinasabi ng Biblia na ang sumusunod sa Diyos ay mawawalan ng problema pero ang sabi ng Biblia bsta’t
ikaw ay sumunod sa gabay ng ating Diyos hindi ka madadaig ng problema at makakarating ka sa
pinakasukdulang biyaya ng Diyos para sa buhay mo.
11 
Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina.
Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala
nilang ginto, insenso at mira.

Para lalong mabigyang angat si Hesus makikita natin na taliwas sa costumbre mas naunang
binangit ang bata (ang panginoong Hesus) bago si maria na kanyang ina. At nabanggit din dito ang
tatlong natatanging handog kay Hesus ang GINTO, INSENSO, at Mira. Ang ginto nanagsisimbolo ng
pagiging hari ni Hesus, Insenso na nagsisismbolo ng kabanalan ni Hesus at Mira na ginagamit sa
pagbasbas sa hari at nagsisimbolo din sa kamatayan ni Hesus. Dahil sa tatlong handog na ito dito na
lamang binase ang bilang ng “HARI” na dumalaw kay Hesus.

Katulad ng paghahandog ng mga pantas kay Hesus na hindi naman nabanggit na si Hesus din
mismo ang gumamit nito kundi si Maria at si Jose. Nawa’y sa ating paghandog sa Diyos bilang katiwala sa
kaharian ng DIyos gamitin natin ng maayos ang mga handog ng ibang tao sa Diyos. HINDI sa pastor,
board, o sa pinagbigyan ng board ang mga kaloob nayan kundi sa Diyos marapat lamang na gamitin
natin sa wasto ang mga ito. Ito man ay pinansyal o opportunidad, wala dapat na masayang ni isang
kusing sa mga ito.
12 
Nang papauwi na ang mga pantas, nakatanggap sila ng babala sa pamamagitan ng
panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, kaya't nag-iba na sila ng daan pauwi.
Dito makikita natin na napahayag ng mga pantas ang kapanganakan ni Hesus, NGUNIT hindi rin
hinayaan ng AMA na mapahamak ang kanyang bugtong na anak.
Conclusion
Katulad ng paghahanap ng mga pantas ganun ba tayo kadedicated naaralin ang salita ng Diyos.
Hindi naman tayo kinakailangang maglakbay ng ilang buwan ni hindi narin tayo inoobliga na sumamba sa
mga bundok, pero nabibigyan paba natin ang panginoon ng karampatang pagsamba. Maraming tao
nung unang panhon MAS NAHIRAPAN, MAS PINAHIRAPAN maksamba lamang sa Diyos. Pero tayo ano
po ba ang ginagawa natin ano po ba ang sinusugal natin masamba lamang ang Diyos, amsunod lamang
ang Diyos. Nawa’y mga kapatid kungpapanong dedication sa pagsunod ng mga pantas sa Diyos ang
ginawa nila marating lamang si Hesus mas lalo na po tayo na nsa kanya kanyang mga bahay lamang.
Pwede naman po natin isabay ang pagbabasa sa ating pamamahinga. Manalangin habang magisa. Wag
po nating sayangin ang opportunidad ng binigay ng Panginoon SAPAGKAT PAGBINIGAY SA IBA YAN NG
PANGINOONTAYO ANG MAGSISISI AT MAGMAMAKAAWA IBALIK LANG SATIN ANG OPPORTUNIDAD NA
HINDI NA MAIBABALIK. Ang pagsunod sa Diyos ay hindi isang obligasyon kundi grasya lamang na
nanggagaling sa Diyos. Wag natin ito sayangin at sa bandang huli ay magsisi.

You might also like