You are on page 1of 2

Speaker: Sis. Cynthia E.

Panton
Disyembre 19, 2023: "Reclaiming Hope: A Journey with the Wise Men"
Mateo 2:1-12
Isang mapagpalang araw, ito ang ika-apat na araw ng ating paghahanda sa pagdiriwang ng
kapaskuhan. And today our hearts are drawn to the story of the three wise men. Ang kwento ng
paglalakbay ng tatlong pantas upang mahanap si Jesus ay nagsisilbing isang makapangyarihang
salaysay ng muling pag-asa sa gitna ng mga kawalang-katiyakan at hamon sa buhay.
I. HOPE IN THE DARKNESS
- Ang mga pantas na ito ay nagsimula sa kanilang paglalakbay na ginagabayan ng isang liwanag,
isang simbolo ng pag-asa na tumatagos sa kadiliman. —
- Ang ating buhay, madalas tayong makatagpo ng mga madilim na sandali, ngunit ang kuwento ng
Mago o mga pantas, it reminds us that hope can illuminate even the most profound darkness. Ang
pag asa ay kayang magbigay ng liwanag maging sa pinakamadilim na kalagay sa buhay.
Sabi ni Hesus, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa
kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.” Juan 8:12
II. THE LONGING FOR SOMETHING MORE
- Ang mga pantas na ito ay may malalim o matinding na pananabik sa isang Tagapagligtas, ito ang
nagbigay inspirasyon sa kanila upang hanapin ang higit sa lahat, ang Mesias.
- Sa pagpapatuloy ng ating mga paglalakbay, nawa habang nananabik tayo sa pag-asang makalaya
sa masalimuot na sitwasyon, ito’y umakay nawa sa atin patungo kay Hesus. At hindi maibaling
ang ating damdamin sa kawalang katiyakan na hain ng mundo.
III. HOPE IN UNEXPECTED PLACE
- Ang Bethlehem ay isang hindi inaasahang lugar para sa pagsilang ng isang Hari, sapagkat ito’
y ay isang maliit, simple, ordinaryong bayan sa Juda. Ngunit ang mga pantas ay nakahanap ng
pag-asa sa pinakaabang kalagayan. In humblest setting.
- Maging bukas at handa nawa tayo sa paghahanap ng pag-asa maging sa mga hindi inaasahang
pagkakataon, magtiwala na ang mga plano ng Diyos ay madalas na nangyayari sa mga paraan na
hindi natin inaasahan.
Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay; ito'y nagaganap na, hindi mo pa ba makita?
Gagawa ako ng isang daanan sa gitna ng disyerto, at magkakaroon ng ilog sa lugar na ito. Isais
43:19
IV. RECLAIMING HOPE THROUGH WORSHIP
- Ang mga pantas ay sumamba kay Jesus nagpatirapa ng makita nila ito, kinikilala nila Siya bilang
isang dakilang Haring pinagmumulan ng tunay na pag-asa.
- Sa ating pagsamba at debosyon, let us reclaim hope sa pamamagitan ng pagkilala natin na ang
ultimate fulfillment, ang hinahanap natin tiyak na kaligtasan ay matatagpuan kay Kristo lamang.
V. THE HOPE OF REDEMPTION
- Ang mga regalong ginto, kamangyan, at mira ay sumasagisag hindi lamang ng karangalan kundi
pati na rin ng pag-asa ng pagtubos sa pamamagitan ni Jesus.
- Reclaiming hope involves recognizing the redemptive power of Christ. Kinikilala natin ang
kapangyarihang tumubos ni Kristo sa ating buhay at sa mundo ating ginagalawan.
Subalit sa kabilang dako, tayo ay mga mamamayan ng langit. Mula roo'y hinihintay nating may
pananabik ang Panginoong Jesu-Cristo, ang ating Tagapagligtas. Sa pamamagitan ng
kapangyarihang ginamit niya sa pagpapasuko sa lahat ng bagay, ang ating katawang may kahinaan
ay babaguhin niya upang maging katulad ng kanyang katawang maluwalhati. Filipos 3:20-21
CONCLUSION:
Sa pagninilay-nilay sa paglalakbay ng mga pantas, nawa'y mareclaim natin ang pag-asa sa ating
buhay sa pamamagitan ng pagsunod sa liwanag ni Kristo, naisin ang higit sa inihahain ng mundo
na pag asa, maging handa tayo at bukas sa Kanyang paggawa sa lahat ng sitwasyon o panahon
even in unexpected places, worship with sincerity, and embracing the redemptive hope na iniaalok
ni Jesus.
In reclaiming hope nakita natin ang walang hanggang liwanag na tumatalo ng kadiliman at
gumagabay sa atin patungo sa hinaharap na puno ng mga pangako ng Diyos. Amen.

You might also like