You are on page 1of 5

Aksidente

Tagapagsalaysay: Gabi na ng makatapos si Gino sa kanyang Gawain sa opisina kaya mabilis ang kanyang
mga hakbang papunta sa sakayan dahil baka wala nanaman siyang masakyan.

Gino: Manong driver para po!

Driver: Saan po sila?

Gino; sa may kanto lang po papasok sa area 1.

Tagapagsalaysay: Habang pauwe ay medyo nakakaidlip na si gino sa sobrang pagod at antok at maya
maya biglang…..

Driver: Magsikapit kayo nawalan tayo ng preno!!

Pasahero 1: Ha anu wala tayong preno!

Pasahero 2: Naku po Jusko Iligtas nyu po kami.

Gino; Manong driver anung……………booogggsss!!

Bago pa natuloy ang sasabihin ni Gino biglang isang matigas na bagay ang umuntog sa kanyang ulo at
naawalan siya ng malay.

Tanging huling mga salita na kanyang narinnig ay Saklolo! Tulungan nyu kami at mga tunog ng ingay ng
sasakyan pagtapos nun wala na siyang matandaan.

(sa Ospital)

Gino: Aray ahhh! Ansakit ng ulo ko anung nangyare saken..

Nurse 1: Sir isa po kau sa kasama sa naaksidente sa jeep buti nalang po hindi masyadong Malala ang
tama nyu.

Gino: Palinga-linga sa paligid habang tinitingnan ang iba pa niyang kasamang naaksidente

Nurse2: Magpahinga po muna kau diyan at titingnan pa po naming baka may ibang parte ng katawan
ninyo ang may tama.

Gino: Okay lang ako Nurse salamat unahin nyu nalang muna sila at maayos pa naman pakiramdam ko.

Nurse 1; sige po sir

Tagapagsalaysay: Buti hindi Malala ang nangyari kay Gino at kaya mabilis siyang nakalabas sa hospital.
Ilang linggo muna siyang hindi pumasiok sa trabaho para magpagaling. Simula ng mangyari ang
aksidenteng iyon hindi na inaabot ng gabi si gino sa kanyang trabaho sa takot na maulit muli ang
aksidenteng sinapit niya.

Si David at Goliath
Isang araw habang naglalakad si David papunta sa Kaharian ng Israel nakasalubong niya ang maraming
kawal ng Hari na sakbit ang kanilang mga balute at sandata tila ba susugod sila sa isang malaking
giyera.Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad ng hindi niya napansin ang kapatid na si Cain na kasama
ng mga kawal.

Pagdating sa loob ng palasyo agad niyang hinanap ang kawal na kapatid.

Cain: O david aming bunso anu ang gingawa mo ditto?

David: Inutusan ako ni ama na dalhin sa iyo itong niluto niyang Oso, nakapatay kasi ako kanina ng Oso
habang nangangahoy ako sa gubat.

Cain: Huwag kang maingay bulong ni Cain

David: Bakit kuya anu bang meron at abala kayo ngayon.

Cain: Huwag mong ipagsasabi na nakapatay ka ng Oso o kaya ng leon dahil baka pati ikaw ay ilaban kay
Goliath.

David: Goliath? Hindi ba siya iyong pinuno ng mga higante sa kanluran?

Cain; Oo kaya hangga’t maaari umuwe kana lang muna sa bahay para hindi nila malaman ang iyung
sekreto.

David; Sige kuya at agad lumakad pauwe si David.

Hindi alam nang dalawa na mayroong nakarinig sa kanilang pinag usapan at ito ay nakarating sa hari.

Bago pa nakauwe si David may mga lalaking humahabol sa kanya at iyon pala ang sugo ng hari para
anyayahan siyang pumunta sa palasyo.

Kawal 1: Ikaw ba si David ang kapatid ni Cain?

David; Oo ako nga

Kawal 2; Kung ganun gusto ng Hari na ikaw ay makausap kaya pinapuntahan ka sa amin para sunduin.

Sumama si David sa pag aakalang gusto lang siyang kausapin ng hari ngunit mayroon pala itong
ipaguutos sa kanya.

Hari; Ikaw pala si David ang sinasabing pumatay ng Oso at Leon

David; (Nagulat) Paanung…..

Hari; Narinig ng aking kawal ang inyong usapan kaya naman pinatawag kita dahil may maganda akong
iaalok sa iyo.

David: Kung uutusan nyu lang po ako para pumatay ay uuwe nalang ako sa aming bahay.

Hari; Tama ka may gusto nga akong ipapatay sa iyo kung kaya mong patayin dahil kapag nagapi mo ang
taong iyon bibigyan kita ng malawak na lupa at mga salapi ng sa ganun hindi na maghirap pa ang inyong
pamilya.

David: (napaisip bigla) Hindi ko kailangan ng karangyaan masaya kami kahit mahirap lang kami.
Hari; Kung ganun puntahan mo nalang ang kuya mo sa labanan kung hindi ikaw ang lalaban siya nalang
ang uutusan kung lumaban kay Goliath.

David: Huwag hindi ganun kalakas ang kuya ko para ilaban ninyo sa higanteng iyon. Kung ganun ako
nalang ang iharap ninyo kay Goliath.

Napangiti ang hari sa narinig at agad ipinagutos na bigyan ng sandata at balute si david. Ngunit
tinanggihan ito ni David dahil sabi niya Diyos ang magliligtas sa kanya at hindi ang mg sandata ibibigay ng
hari sa kanya.

(Sa paanan ng Bundok)

Goliath: Sinu pa ang malakas diyan naa gusting lumaban sakin? Sabay hampas ng dalawang kamay sa
dibdib.

Walang maglakas loob na lumaban kay goliath dahil bukod sa higante nga ito ay napakalaki pa ng
katawan.

Walang anu- anu’y isang malaking bato ang pupukol sana sa ulo ni goliath ngunit kanya itong nakita agad
kaya nailagan niya.

Goliath: Sinu ang pangahas na bumato sa akin?

David: Ako!

Goliath: Haha napalakas ng loob mong bata para hamunin ako, hindi kaba natatakot sa akin?

David: Sa Diyos lamang ako may takot at hindi sa katulad mong higante lamang.

Nagalit si Goliath sa sinabi ni David at kinuha ang kanyang kalasag at espada. Sinugod niya si David
ngunit nanatiling kalmado lamang ito. Kinuha niya ang tirador sa kanyang tagiliran at pumulot ng
kapirasong bato. bago niya ito ipinukol sa ulo ni Goliath humiling siya at nagdasal sa diyos na siya ay
gabayan at iligtas sa kapahamakan. BUong lakas niyang tinirador sa ulo si Goliath at tinamaan ito sa ulo
na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Hari: Mabuhay si David!

Mga kawal: Mabuhay!

Nagkaroon ng pagdiriwang matapos magapi ni David ang kinatatakutang higante na si Goliath. Kahit
tinanggihan ni David ang alok ng Hari, tinanggap naman niya ang taos pusong paghingi ng tawad nito
dahil sa pananakot na ginawa sa kanya. Simula noon isa si david sa mga kinatatakuatan ngunit
hinahangaang tao sa kaharian ng Israel. Hindi naglaon ng mamatay ang hari si David ang pinili ng mga
Israelita para gawing pinuno ng Israel.
Si Tawa at Halaklak

Halakhak: Magandang araw sa inyo mga mahal naming lingkod, ako nga po pala si Halakhak at ang
kasama koy si Tawa, kaibigan kung matalik, karamay pa sa problema. Kahit saan kami pumunta ay lagi
kaming magkasama. Siya ang naghuhugas pag dumudumi ako sa kubeta. (Halakhakan ang manunuod).

Tawa; Ang sama naman ng intro mo partner ginawa mo pa akong tagalinis ng Popo mo.( Tawanan muli
ang manunuod.)

Halakhak: Siyempre biro lang yun partner alam mo namang love na love kita ehh

Manunuod: Yeeeeeeee………..

Tawa: Siyempre love na love din kita partner nagseselos na nga sa akin ang asawa mo ehh.

Halakhak. Ha bakit naman magseselos yun?

Tawa: Kasi nung nanggaling ka Bicol noong isang linggo diga may pasalubong ka sa akin.

Halakhak: oo yung burger

Tawa: Yun ang dahilan kaya nagseselos sa akin ang asawa mo, pasalubong mmo sa akin burger tapos sa
kanya pandesal.

(Halakhakan ang Manunuod)

Halakhak; Hanip ka naman partner akala ko kung anu na. Pero totoo po yun na sobrang sweet po talaga
naming dalawa sa isat isa.

Tawa: Totoo po yun madalas nga nagbabatuhan kami ng asukal.

(Tawanan ang manunuod)

Halakhak: Change topic, Baka ma fall kappa sa akin, sabay tawa.

(Tawanan muli ang manunuod)

Tawa: Maiba ako pare, total higit pa sa magkapatid ang turingan nating dalawa. Ako eh may gustong
ipayo sa iyo.

Halakhak: Amen!

Tawanan ang manunuod

Tawa; Kasi pare dapat tumigil kana sa kakabisyo mo makakaipon kapa ng malaking pera kapag iniwasan
mo yan.

Halakhakan: Paanu mo nasabing Malaki pare.

Tawa: Isipin mo ha, magkano isang stick ng sigarilyo?

Halakhak: 3 piso
Tawa : Ilang taon kana naninigarilyo?

Halakhak: 5 taon.

Tawa; Kwentahin natin kung ilan na ang naipon mo sa loob ng 5 taon kung hindi ka nagbibisyo.

5 x 365 days x 5 = …??, teka pahingi ngang calculator.

Tawanan ang manunuod.

Tawa: Nakaipon kana sana ng 9,125 kung hindi ka naninigarilyo di sanay nakabili kana ng mamahaling
selpon nun.

Halakhak: Oo nga anu anlaki nga. Diba ikaw wala kang bisyo.

Tawa: Oo

Halakhak: Oh nasaan ang bagong selpon mo??

Tawanan ang manunuod.

You might also like